You are on page 1of 6

SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG KAWAN

Tauhan : Ang buong Kawan


Kagamitan: Watawat ng Pilipinas, Bandila ng Kawan,
Ceremonial Tree with 7 candles (3 puti, 2 pula, 2 asul),
Artificial Campfire – nasa gitna ng bulwagan
KAB Scouts na itatalaga

I. PAMBUBUNGAD NA PALATUNTUNAN

a. Pagpasok ng mga panauhin, magulang, pamunuan ng Kawan at mga KAB Scouts


b. Pagpasok ng Watawat ng Pilipinas at ng Watawat ng Kawan (Sasaludo)
c. Panalangin
d. Pambansang Awit ng Pilipinas
e. Panunumpa sa Watawat
f. Pambungad na Pananalita
g. Paghaharap ng Kawan Charter
h. Panunumpa ng Pamunuan ng Kawan at pamamahagi ng katibayan (cards)

II. SEREMONYA SA PAGSISINDI NG KANDILA

KAWAN LEADER: Mga KAB Scouts, mga magulang at mga panauhin, isang kaligayahan para sa akin ang
pangunahan ang seremonyang ito na siyang magsisimula ng inyong kahangahanga at mga
natatanging karanasan sa Scouting, na magbibigay sa ating lahat ng maraming katuwaan at
kasanayang pakikinabangan ng isa’t-isa.

Mahalaga ang araw na ito sa mga bata at mga magulang sapagkat ang araw na ito’y dakila‘t
marangal na siyang magbubuklod sa ating kilusan. Aking sisindihan ang puting kandilang ito na
kumakatawan sa Ispiritu ng Scouting na siyang magbibigay liwanag ng pagkakaunawaan at
magbibigay sa atin ng lakas patungo sa landas na ating tatahakin.
(Sisindihan ang malaking puting kandila sa itaas.)

Kapatid, dito sa kilusan and unang kandila’y sisindihan, hudyat ng pagsumpa ngayo’y sisimulan.

UNANG KAB SCOUT: Aking sisindihan ang puting kandilang sagisag ng kalinisan at kumakatawan sa
unang bahagi ng Pangako ng KAB Scout. (Sisindihan ang putting kandila)

“Ako’y nangangakong gagawin ang buong makakaya


Upang mahalin ang Diyos at ang aking Bayang Pilipinas,

Ito’y nangangahulugan na ang KAB Scout ay nangangakong gagawin ang pinakamabuti sa


pinakamabuting paraan sa pagsunod sa mga Utos ng Diyos at mahalin ang Bayang Pilipinas dahil
siya ay bahagi nito. Ang pagtupad nito ay maaaring mahirap ngunit ang bawat KAB Scout ay
nangangakong gagawin ang kanyang makakaya upang tumupad sa kanyang pangako.

IKALAWANG KAB SCOUT: Ang kandilang ito’y kakulay ng aking dugo. (Sisindihan and pulang
kandila.)Ito ay nagpapa-alala sa ikalawang bahagi ng Pangako ng KAB Scout na:
“Gumawa ng mabuti araw-araw”.

Ito’y sagisag din ng giting na dapat ugaliin ng isang tunay na KAB Scout sa paggawa ng mabuti
kaninuman at saan man.

IKATLONG KAB SCOUT: Ang kandilang ito ay Bughaw. (sisindihan ang bughaw na kandila.) Ang
bughaw ay sumasagisag sa pagiging matapat at masunurin. Ikaw ay dapat matutongsumunod
bago ka sundin. Ang kandilang ito ay kumakatawan sa ikatlong bahagi ng Pangako ng KAB Scout.

KAWAN LEADER: Sama-sama ang tatlong kandila ay sumasagisag sa Pangako ng KAB Scout na
ipinaliwanag sa atin ng mga bata na siyang pag-asa sa kinabukasan.Ngayon, tumayo ang lahat ng
KAB Scouts, itaas ang kamay sa ayos panunumpa at ating bigkasin ang Pangako ng KAB Scout.
(Isagawa.)

IKAAPAT NA KAB SCOUT: (Sisindihan ang pulang kandila) Ang KAB Scout ay sumusunod sa nakatatanda
sa kanya. Sila’y naunang nabuhay sa mundong ito at higit ang kaalaman sa atin. Makabubuti sa
atin ang sumunod sa kanilang mga pangaral.

IKALIMANG KAB SCOUT: (Sisindihan ang puting kandila) “Ang KAB Scout ay tumutulong sa pagsulong
ng Kawan”. Tayo ay magpati-una sa paggawa at tumulong sa iba upang tularan ang ating
mabubuting gawa. Gawin natin ang ating makakaya upang mapabuti ang ating Kawan sapagkat
tayo ay bahagi nito.

IKAANIM NA KAB SCOUT: (Sisindihan ang bughaw na kandila) “Ang KAB Scout ay nagsisikap upang
maging kapaki-pakinabang”. Sila ay magiging mabuting mamamayan kung sila ay
pakikinabangan sa kanilang tahanan , paaralan at pamayanan. Ninanais nilang gawin natin ang
ating makakaya at sila’y magagalak kung tayo’y nagtatagumpay.

KAWAN LEADER: Iyan ang Batas ng KAB Scout. Dakila ito bagama’t mahirap gampanan, kaya ito’y dapat
nating imulat sa mga bata sa pamamagitan ng magagandang halimbawa na siyang huwaran at
sandigan sa kinabukasan. Mga bata, itaas ang inyong kanang kamay sa ayos panunumpa at
bigkasin natin ang Batas ng KAB Scout.

(Ang paglalagay ng Alampay o neckerchief)


Hinihiling po ang mga magulang na tumayo sa likuran ng kanilang mga anak.

Itanong: Mga magulang, nakahanda po ba kayong tumulong at pumatnubay sa mga batang KAB
Scout sa lahat ng oras.

MGA MAGULANG: Nakahanda kami.

KAWAN LEADER: Mga magulang, pakilagay ng alampay (neckerchief) sa mga bata. (Paglalagay ng
alampay habang ang mga bata ay nakaluhod.Pagkalagay ay babalik na sa kannilang upuan ang
mga magulang.)

Scouter: Narito kayo ngayon at nagnanais na maitalaga bilang mga scouts, ito ba ang inyong kahilingan?
Sir Yes Sir

Scouter: Sa pagkakataong ito kayo ay lubos na (winiwelcome) sa kapatiran ng scouting.

Sir Yes Sir

Scouter: Tinatawagan naming ang opisyal na tagapagtalaga na si Sctr. __________ upang sindihan ang
Pastel Candle.

Lahat ng naririto ay sumasailalim sa espirito ng scouting upang maitalaga ang mga scouts na nasa harap
ninyo. Mga scouts na magpapatuloy ng mabuting gawain para sa Diyos, kapwa at sarili ng naayon sa
Pangako ng Scout.

Unang Scout: Aking sisindihan ang kandilang sumisimbolo sa unang punto ng Pangako ng Scout na
nagsasabing “Sa ngalan ng aking dangal,ay gagawin ko ang buong makakaya Upang tumupad sa aking
tungkulin sa Diyos at sa aking bayan, ang Republikang Pilipinas”

Scouter: Sa lahat ng iyong gagawin, ipinapangako mong gagawin ang buong makakaya para sa Diyos at
sa iyong bayan. Lahat tayo na nasa loob ng samahan ng scouting ay nananampalataya sa Diyos. Hindi
man tayo pareho ng pamamaraan ng pagsamba sa Kanya, naniniwala pa rin tayo na siya ang may likha
ng lahat at Siya ang ating Panginoon at Tagapangalaga natin sa lahat ng pagkakataon.

Katulad din ng ating mga bayani, tayo rin bilang mga scout ay nag-aalay ng ating sarili upang
pagsilbihan ang ating inang bayan.

Pangalawang Scout: Aking sisindihan ang kandilang sumisimbolo sa pangalawang punto ng Pangako ng
Scout na nagsasabing “Sumunod sa Batas ng Scout; Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon”

Scouter: Kayo bilang scouts ay makikibahagi at makikilahok sa mga gawain para sa pagtulong sa inyong
kapwa at sa inyong komunidad. Ang pagsilsilbi mula sa puso ay susi ng pagkakaisa para sa lahat.

Pangatlong Scout: Aking sisindihan ang kandilang sumisimbolo sa pangatlong punto ng Pangako ng
Scout na nagsasabing “Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang isipan, at marangal ang
asal”

Scouter: Ang kaisipan ng isang scout ay lubhang mahalaga maging ang iyong buong katawan ay dapat
mapangalagaan upang maging alerto sa lahat ng pagkakataong makagawa ng mabuti araw araw.

Kayo bilang mga scout ay dapat maging halimbawa ng pagiging mabuti at maayos na
mamamayan. Isang batang matuwid at kapakipakinabang na miyembro ng samahan at pamayanan.

Scouts Recite the Scout Oath


Napakinggan namin ang Pangako ninyo bilang mga scout. Kayo ay magsimulang mamuhay ng nanaayun
sa Pangakong ito. Patuloy ninyong isaalang-alang at sundin ang pangakong ito saan mang lugar, sa lahat
ng pagkakataon. Tinatanggap ba ninyo ang pag-aatatas na ito?

Maging ang Batas ng Scout ay kailangang masunod. Ito ang palagiang itinatalagang batas sa bawat
adhikain ng ating samahan. Sa pagpapatuloy ninyo bilang scout ay matututunan ninyo at gagabyan kayo
ng mga batas na ito para sa inyong paglago.

Pang-apat na Scout: Dala ko ang kandilang magliliwanag sa una, pangalawa at pangatlong Batas ng
Scout na nagsasabing “Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN, MATAPAT, MATULUNGIN”

Scouter: Ang Scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako. Ang
pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maaasahan ng ibang tao.

Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at bayan.

Ang Scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng
kapalit, kabayaran o pabuya.

Panglimang Scout: Dala ko ang kandilang magliliwanag sa pang-apat, panglima at pang-anim na Batas
ng Scout na nagsasabing “Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN, MAGALANG, MABAIT”

Scouter: Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa Scout.
Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na
naiiba sa kanya.

Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting
pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng
gusto niyang pagturing ng iba sa kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang
bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.

Pang-anim na Scout: Dala ko ang kandilang magliliwanag sa pangpito, pangwalo, at pangsiyam na Batas
ng Scout na nagsasabing “Ang Scout ay MASUNURIN, MASAYA, MATIPID ”

Scouter: Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan, at tropa.
Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga
alituntuning hindi tama, sinusunod niya ito at hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa.
matiwasay na pamamaraan.
Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang
mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang nakapagbigay lugod sa iba.

Ang Scout ay gumagawa upang matustusan niya ang kanyang sarili at upang makatulong sa iba. Nag-
iimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman.
Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ari-arian.

Pangpitong Scout: Dala ko ang kandilang magliliwanag sa pangsampu, panglabing-isa, at panglabing-


dalawang Batas ng Scout na nagsasabing “Ang Scout ay MATAPANG, MALINIS, MAKA-DIYOS”

Scouter: Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit may taglay siyang pangamba.
Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.

Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong
may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at
pamayanan.

Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang
pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya

Scouts Recite the Scout Law

Napkinggan ng lahat ang labing-anim na Batas ng Scout. Tinatanggap ba ninyo at ipinapangakong


isasabuhay ang mga ito sa lahat ng pagkakataon sa looob ng samahan?

Sir Yes Sir

TROOP LEADER: Very well. We began in almost total darkness. Now in the light of these candles, we can
see one another well. So it is that the spirit of the Scout Oath and the Scout Law that lights our steps. I
direct your attention to the flag of our country. As Scouts, we have special feelings about the flag. We
know what it means. We learned to take care of it. We love and honor the nation it represents. I ask you
now to face and pledge your allegiance to it. Use the Scout sign.

CANDIDATES: (Recites the pledge) Ako ay Pilipino / buong katapatan nanunumpa / sa watawat ng
Pilipinas / at sa bansang kanyang sinasagisag / na may dangal, / katarungan, / at kalayaan. / Na
pinakikilos ng sambayanang, / Maka-Diyos,/ Makatao, / Makakalikasan, / at Makabansa.”

TROOP LEADER: Now, you will recite this Investiture Pledge as a commitment to your responsibilities as
a Boy Scout. (Scouts read the pledge and execute the Scout Sign.)
TROOP LEADER: Candidates, please turn about and face the troop. (At this point the Troop Leader calls
the parents of candidates forward and asks them to stand behind their sons. If parents are not involved,
then the patrol leaders of the candidates are asked to do this. Parents pin Scout badge on each Scout's
right pocket. Troop Leader hands over the certificates to each Scout.)

TROOP LEADER: Patrol Leaders, take charge of these Scouts and welcome them into your patrols.

III. PAMAMAHAGI NG MGA KATIBAYAN SA PAGIGING KASAPI SA KAB SCOUT

KAWAN LEADER: (Kukunin ang malaking puting kandila sa itaas sa sasabihin, “Ang kandilang ito at
sumsagisag din sa lahat ng KAB Scout. Ang kandilang puti ay sagisag ng kalinisan at ang liwanag
ay ginto upang bigyang liwanag ang ating dadaanan patungo sa kabutihan ng ating samahan at
ng ating bayan. Ngayon mga bata, ihanda ang inyong kandila upang sindihan. (Pagsisindi ng lahat
ng mga kandila at ang pag-awit ng “Itong Ilaw ng KAB Scout”)

ITONG ILAW NG KAB SCOUT

Itong ilaw ng KAB Scout ay ating sindihan (3X)


sindihan, sindihan walang hanggan
Sa paligid natin itaas itong ilaw (3X)
Itaas, itaas habang buhay.
Ilaw ba ay hihipan? Hindi! Hayaang tumanglaw (3X)
Tumanglaw, tumanglaw habang buhay.

IV. PAMUKAW SIGLANG PANANALITA NG PANAUHING PANDANGAL

V. BENEDIKSIYON
Sumaatin nawa ang pagpapala ng Dakilang Lider ng lahat ng mabubuting Scout, sa iyo at sa akin,
ngayon at bukas, hanggang sa muling pagkukrus ng ating landas.

VI. PAGLABAS NG BULWAGAN – Watawat, mga panauhin at lupon, mga magulang at mga KAB Scout.

You might also like