You are on page 1of 2

Maria Luz B.

Murillo - Troop Leader:


Kayo ngayon ay nakatakdang italaga bilang kasapi sa troop _____ ng Mandaluyong Associate Council.
(Sisindihan ang pinakamalaking kandila) Ang kandilang ito na sisindihan kumakatawan sa diwa ng
Scouting na inaasahang magiging gabay ninyo sa habang panahon. Ang tatlong kandilang ito na
sisindihan pa ay kumakatawan sa tatlong bahagi ng Pangako ng Girl Scout.

Rhea Salarzon – Troop Leader:


(Sisindihan ang nasa unang kandila) Ang liwanag na ito ay magiging sagisag ng pagiging matapat ng
bawat Girl Scout sa Diyos at sa kanyang bayan.

Mary Lou D. Crisostomo – Troop Leader:


(Sisindihan ang nasa gitnang kandila): Sana’y ang liwanag ng kandilag ito ang magiging sagisag ng bawat
Girl Scout na makapaglingkod.

Jenifer Salas – Troop Leader:


(Sisindihan ang ikatlong kandila): Sana’y ang liwanag ng ikatlong kandilag ito ang maging sagisag na ang
Girl Scout ay maging matapat sa kanilang mga simulain na kinakatawan ang mga batas ng scouts.

Maria Luz B. Murillo – Troop Leader:


Tinatawagan ko ang mga Patrol Leader upang sindihan ang mga kandila.

Batas ng Girl Scout


Ang Girl Scout ay mapagkakatiwalaan
Ang Girl Scout ay matapat
Ang Girl Scout ay matulungin
Ang Girl Scout ay kaibigan ng lahat at kapatid ng bawat Girl Scout
Ang Girl Scout ay mapitagan
Ang Girl Scout ay magalang sa lahat ng may buhay
Ang Girl Scout ay disiplinado
Ang Girl Scout ay may sariling paninindigan
Ang Girl Scout ay matipid
Ang Girl Scout ay malinis sa isip, sa salita at sa gawa

Ninfa B. Tagle – Troop Leader


Pagkatapos na masindihan ang sampung kandila ay awitin
nating lahat ang “Scout Chant”

“Scout Chant”
Sanay maging masunurin at maging disiplinado
At laging manalig at tapat sa Diyos at sa tao.
Sanay makatulong at
sa Diyos at sa bayan
Sanay maging magalang sa lahat ng may buhay
At may paninindigan sa sarili at sa kapwa
Sanay maging malinis sa isip , sa salita at sa gawa
At lagging manalig sa Diyos at sa ating bayan.

Maria Luz B. Murillo – Troop Leader:


Tinatawaganko ang ating Investing Officer na Gng. Teresita M. Bumulo para sa pagpatatalaga.

Loida C. Matic – Investing Officer:


Tinatawagan ko ang bawat patrol leader upang ipakilala ang mga kandidato para sa pagtatalaga.
Mga Patrol Leader:
Narito po sina _____ ______ ______ ______ na sa aking kaalaman ay nakapasa sa mga samahan ng
Girl Scout at nahahandang maging mga tunay na Girl Scout.

Horshoe Formation

Maria Luz B. Murillo – Troop Leader :


Tinatawagan ko po ang mga ninang upang ilagay ang panyo o scarf sa mga bata. Ang mga ninang ay
tatayo po sa likod ng mga bata.
Ang Investing Officer ay tutungo sa bawat bata at pauusalin ang Pangako ng Girl Scout habang ito ay
nakasenyas.
Lalagyan ng membership pin ang bawat bata.

Loida C. Matic - Investing Officer:


Ako ay nagtitiwala sa iyong karangalan na gagawin mo at iingatan ang mga pangakong iyon. Binabati ko
kayong lahat. At ngayon ay tinatanggap ka bilang tunay na kasapi ng kapatiran ng mga Girl Scouts.
Bumalik na muli sa horshoe formation at awitin ang:

Kapag ikaw ay nangako:


Kapag ikaw ay nangako
Isipin ang kahalagahan
At kapag naisagawa
Itanim sa puso mo

Lalabas ang mga bata at aalis sa horshoe formation sa saliw ng awiting :

“GSP March”
We are the Girl Scouts
The RP Girl Scouts
Members of a worldwide band
Youth consecrated
Youth dedicated
To serve with heart and soul and hands
We’re ready ever to rise together
To every GSP command
No task too lowly
No cause too lofty
When it’s for God and motherland
Yes! The girls in green are we
Proud and honored so to be
The Girl Scout of the Philippines
Girl Scouts of the Philippines.

You might also like