You are on page 1of 23

Star Scout

Investiture
MC: Sina North Star at Morning Star
ay nakatayo sa halamanan o
bulwagaan.

Ang mga Lider ng Bright Stars dala


ang Magic Carpet ay papasok na
palundag-lundag, palukso-lukso at
inaawit ang kanilang awitin.
Morning Star (Co-Leader):

North Star, aking


natagpuan sa ating bakuran
ang mga Bright Stars na
masisiglang tunay.
North Star (Troop Leader):

Hayaan mo silang sa
akin ay lumapit nang
malaman kung bakit.
North Star:

Bright Stars, ano ba


angaming mapaglilingkod?
Bright Stars (Star Girl Scouts):

May mga kasama po kami na


gusto po kayong makausap.
North Star:

Mga kaibigan, ano ang


dahilan ng inyong pagparito?
Mga Bagong Bright Stars:

Nais po naming maging Star


Girl Scouts.
Tatanggapin po ba ninyo kami?
North Star:

Bukal ba sa inyong kalooban


ang pagpunta rito?
Mga Bagong Bright Star:

“ Opo ”
North Star:

Natapos nyo ba ang lahat ng


kailangan sa pagiging Star Girl Scouts?

Mga Bagong Bright Star:

“ Opo ”
North Star:

Nakahanda ba kayo na isabuhay at


sundin ang Pangako at Batas ng Star Girl
Scouts?

Mga Bagong Star Girl Scouts:

“ Opo ”
North Star:

Mumunting Bright Star, sa


akin ay magtapat
Ang maging Bituin bakit
hinahangad?
Bright Star Leaders:

1. Ninanais ko pong magbigay liwanag.


2. Ibig ko rin namang lagging matapat.
3. Maging matulungin mataos kong hangad.
4. Paggalang sa kapwa matutunan agad.
5. Ang maging masaya ang lubos kong ibig.
6. Nais kong matuto na maging matipid.
7. Tiwala ng iba’y nais kong makamit.
8. Sa gawa’t salita ibig ko’y malinis.
Morning Star:

Bago namin kayo tanggapin,


amin munang pakinggan ang
pagbigkas nyo ng Pangako at
Batas ng Star Girl Scouts.
THE STAR SCOUT PROMISE AND LAW IN
UNISON

I Promise to do my best to love God and


my country to help other people
everyday especially those at home.

A Star Scout is Truthful


A Star Scout is Obedient
North Star:

Ang mga Bright Star ay mumunting bata


Sa Tahanan nila’y nagbibigay tuwa
Dahil mga ngiti’y masayang lubha
At dahil din naman sa magagandang gawa.

Ang bawa’t bituin nagpapaligaya


Sa mga kapatid, ina saka ama
Ito ang Gawain at kanyang panata
Na siyang susundin sa tuwi-tuwina.

Dapat mamalagi silang maningning


Matapat, malinis saka masunurin
May nais ba kayong maging gayong Bituin
Sa inyong tahanan maging maluningning?
Mga Bagong Bright Star:

Opo, nais po naming ang


maging Bituin
Upang sa tahanan ay
maging butihin.
North Star:

Mainam kung gayon, mumunting


Bright Star
Naparito kayo sa pook na hangad,
Dapat maging handa tayo sa patupad
Sa akin mangakong magiging matapat
MC:
Tinatawagan ko ang ating
Executive Council upang ikabit
ang pananda o alpiler bilang
kasaping Bituin sa kaliwang
dibdib ng uniporme ng Bituin.
MC:

Ngayon ay tinatawagan ang


mga ninong o ninang upang
ibigay ang alampay ito ay tanda
na sila ay kasapi na sa
samahang Girl Scouts.
North Star:

Dahil sa pinakita nyong


kagustuhan na maging kasapi ng
Star Scout Troop # 180 . Kami ay
nakahandang tanggapin kayo sa
aming samahan.
North Star:

Gagawa ng malaking bilog


ang mga Bright Star sa paligid
ng Mahiwagang Magic Carpet.
Magkahawak kamay na aawitin
ang Star Song.

You might also like