You are on page 1of 3

STARCOUT INVESTITURE PROGRAM

NOVEMBER 22, 2019


VES SCHOOL GROUNDS

THE ENTRANCE OF COLORS

ANG PAMBANSANG AWIT NG PILIPINAS (SCOUT SALUTE)

a. WELCOME ADDRESS

b. CEREMONY PROPER

Pook: Isang bulwagan o liwasan


Kagamitan: Magic Carpet

Sina North Star at Morning Star ay nakatayo sa bulwagan. Ang mga Lider ng Bright Star dala ang Magic Carpet
ay papasok na palundag-lundag, palukso-lukso at inaawit ang kanilang awitin
Sa tono ng London Bridge is Falling Down.
Kami ay mga munting bituin, munting bituin, munting bituin,
Kami ay mga munting bituin, dala’y magic carpet
Kami ay mga munting bituin, munting bituin, munting bituin,
Kami ay mga munting bituin, dala’y magic carpet
( Si Morning Star ay pupunta sa harap, gagawin ang pananda ng star scout bilang pagpupugay kay North Star na
gagantihan naman natin nito at sasabihan ng malakas)
Morning Star : North Star aking natagpuan sa ating bakuran ang mga Bright Stars na masisiglang tunay.
North Star : Hayaan mo silang sa akin ay lumapit nang malaman kung bakit.
Ang mga Bright Stars ay lalapit kay North Star
North Star : Bright Stars, ano ba ang aming maipaglilingkod?
Bright Stars : May mga kasama po kami na gusto kayong makausap.
North Star : Mga kaibigan , ano ang inyong dahilan ng inyong pagparito?
Star Scout : Nais po naming maging Star Scouts, Tatanggapin po ba ninyo kami?
North Star : Bukal ba sa inyong kalooban ang pagpunta rito?
Mga Stars Scout : Opo
North Star : Natapos nyo ba ang lahat ng kailangan sa pagiging Star Scouts?
Mga Stars Scout: Opo
North Star : Nakahanda na ba kayo na isabuhay at sundin ang Pangako at Batas ng Star Scouts?
Mga Stars Scout: Opo
North Star : Dahil sa pinakita nyong kagustuhan na maging kasapi ng Star Scout. Kami ay
Nakaha
ndang tanggapin kayo sa aming samahan.
Morning Star : Bago naming kayo tanggapin, amin munang pakikinggan ang pagbigkas nyo ng Pangako
at Batas ng Star Scout.
Bright Star : Scout Sign!
Mga Stars Scout:
Pangako ng Star Scout
Nangangako akong lubos na magmamahal sa Diyos at sa aking bayan,
tutulong ako sa aking kapwa araw araw at higit sa lahat sa mga kasambahay

Ang Batas ng Star Scout


Ang Starcout ay matapat
Ang starscout ay masunurin

The Star Scout Motto

Tumulong sa Kapwa

Star Scout Slogan

Pasayahin ang iyong kapwa

Emcee: Atin pong pakinggan ang sagisag na kumakatawan sa bawat kulay ng mga bituin sa ating carpet.
Bright Stars:
Starlight Stardust
Kami’y starlight na makinang Kami ay stardust na tunay
Matulungin kanino man. Tumutulong araw-araw
Starglow Starbeam
Kami ay starglow ang ngalan Kami ay starbeam na masaya
Mumunting kamay laan Kami ay nagpapaligaya
Starray
Kami ay starray na gabay
Kabalikat at alalay.

North Star : Sa puntong ito ,Ilalagay na naming ngayon sa inyong uniporme ang Age level Pin at World
Pin.

(Ilalagay nina North Star at Morning Star o kahit sinong investing officer ang Star Girl Scout Pin at World Pin
sa uniporme ng bawat bagong Star Scouts. Magpapakita ng Girl Scout Sign ang mga bata sa paglapit ng mga
nabanggit na tao, Kakamayan din sila gamit ang kaliwang kamay.)

(Upang may partisipasyon ang mga magulang, ninong at ninang, palalapitin sila sa kani-kanilang anak o
inaanak upang ilagay ang scarf. Kailangang sinanay na sila sa paglagay ng mga ito)

North Star : Tinatawagan ko po ang mga magulang, ninang o ninong na ilagay ang scarf sa kani-
kanilang anak.
Maligayang pagdating sa malaking samahan ng mga Girl Scouts. Kayo ngayon ay ganap ng
kasapi ng Star Scout. Inaasahan ko na isasabuhay ang inyong pangako at maging
masayang twinkler. Binabati namin kayo.

Emcee: Ngayon naman po ating saksihan ang mga batang starscout sa kanilang
pagpapakita ng kanilang star scout yell and dance
Boom Boom Shake Shake Yell
Ako, ikaw, Tayo’y mga Starscout
Ako, ikaw, Tayo’y mga Starscout
Ako, ikaw, Tayo’y mga Starscout
Kami lahat magaganda
La la la
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
Sumayaw-sayaw at umindak-indak
Sumayaw-sayaw katulad ng dagat
(Ulitin ang awit. Palitan ang ako ng ikaw…. at tayo)

c. Message of the investing officer

Closing remarks

Retiring of colors

You might also like