You are on page 1of 5

PROGRAM FOR INVESTITURE

I. PAMBUNGAD NA SERMONYA
 Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/ Crew Leader
 Panalangin
 Pagpasok ng mga Kulay
 Pambansang Awit
 Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
II. PAMBUNGAD NA PANANALITA
III. INVESTITURE PROPER
 Girl Scout
-Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout
-Paglalagay ng Neckerchief at Pin
 Boy Scout
-Pagbigkas ng Pangako at Batas ng Scout
-Paglalagay ng Neckerchief
IV. HAMON SA MGA SCOUTS AT MAGULANG
V. AWIT NG SCOUT
VI. PANGWAKAS NA SEREMONYA
 Scout Benediction
 Paglabas ng mga Kulay
 Paglabas ng mga Scouts at Panauhin

SPIEL FOR INVESTITURE PROGRAM

EMCEE: Magandang umaga po sa inyong lahat. Mangyari po lamang na tumayo ang lahat para sa Pambungad na
seremonya. Sisimulan natin ito sa pagpasok ng mga Scouts na pinangungunahan ng ating Troop Leader,
Assistant Troop Leader, at Crew Leader.

Chant (Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant Troop/ Crew Leader at
Pangunahing Pandangal)

Para sa ating Panalangin, tinatawagan ko si Jade Alvaran.

(Panalangin)

Manatili po tayong nakatayo para sa pagpasok ng mga kulay at Pambansang Awit ng Pilipinas.

(Pagpasok ng mga Kulay at Pambansang Awit)

Para sa Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas, narito si Daine Chua.

(Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas)

Maaari na po kayong magsiupo.

Isang pinagpalang umaga sa inyong lahat. Sa umagang ito ay ating masasaksihan ang pagtatalaga ng
ating mga Scouts. Upang pasimulan ang programang ito, narito ang tagapamahala ng ating sangay, si
Ms. Queen Tañada.

(Pambungad na Pananalita)

Maraming Salamat po, Ms. Queen Tañada.

Ngayon ay uumpisahan na natin ang pagtatalaga sa mga Girl Scouts na pangungunahan ng ating Oufit
Adviser na si Bb. Ma. Crisanta Barrameda.

Adviser: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng scouting sa HCJM at sa kapatiran ng
scouting sa buong mundo. Sa harap ninyo ay isang nasindihang kandila. Ito ang sumasagisag sa diwa ng
Scouting.

(Ang pagsisindi ng tatlong malalaking kandila na kumatawan sa diwa ng Scouting kasunod and 10 at 12
na kandila na simbulo ng sampu at labing dalawang puntos ng Batas ng Girl Scout at Boy Scout. Ang 3
scout na magbibigkas ng Panunumpa ng Scout)
Adviser 1: Ang Panunumpa ng Scout; Sa ngalan ng aking dangal; ay gagawin ko ang buong makakaya;
Upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking Bayan; ang Republika ng Pilipinas. (sisindihan ang
gitnang kandila)

Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at sagradong pag-aari sa iyong buhay.
Kalakip nito ay ang iyong pangalan, integridad at magandang reputasyon. Sa tuwing kayo’y nanunumpa
bilang isang scout, kayo’y nangangako na mamumuhay na ayon dito upang mapagpahalagahan ang
ideyalismo na gagabay sa iyong buhay.

Gagawin ko ang buong makakaya – Sa lahat ng iyong ginagawa, ikaw ay nakipagtipan na gagawin mo ang
lahat na iyong makakaya. Kung may bagay na mahalagang gawin ito ay dapat gawin at tapusin, kung
tatapusin ito tapusin ito ng mabuti. Ang paggawa ng buong makakaya ay isang personal na pagsubok.
Laging magsumikap na gawin sa pinakamahusay na antas ang lahat ng iyong ginagawa.

Sa Diyos at sa aking Bayan … Tayo, na kabilang sa kilusan ng scout ay nananalig sa Diyos. Hindi man tayo
nagkakapareho sa pamamaraan ng pagsamba sa kanya, ngayon may tayo’y isa sa pagtitiwala at
paniniwala sa Poong Maykapal, na ating Diyos at Panginoon. Upang gawin ang tungkulin sa Diyos,
kailangan nating sambahin siya at sumunod sa kayang kautusan na naaayon sa inyo-inyong paniniwalang
pang-relihiyon. Makasusumpong kayo ng kaligayahan kung kayo’y taos pusong tutupadin ang tungkulin
para sa ating Diyos.

Adviser 2: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya na sumunod sa Batas ng Scout;
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon;

Sumunod sa Batas ng Scout – Sa pamumuhay ng ating Sinumpaang pangako sa scouting, kailangan natin
ang batas ng scout upang maging gabay natin. Ang sampu at labing dalawang puntos ng batas ng scout
ay ang pamantayan ng pag-uugali habang tayo’y naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya
imumungkahi na kayo’y magpasyang mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout.

Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilan kung bakit ang scouting ay lumago sa
bansang ito ay sa kadahilanang nakatanggap ito nang suporta sa mamamayan. Ang scouting ay
pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang mga scout ay nagpakita ng pagiging mahalagang
bahagi ng lipunan. Ang diwa ng paglilingkod ay nasa puso ng tunay na Scout.

Adviser 3: Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya; Pamalagiing malakas ang
aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal. (sisindihan ang kanang kandila)

Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa ngayon, alam na natin ang pagiging malinis at ang
kalusugan sa ating paaralan na kung ito ay masusunod matutulungan nito tayong maging malusog at
maligaya sa buhay. Kung ninanais ninyong magkaroon ang isang alertong isipan at ang kahandaang
tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at malakas ang inyong pangangatawan.

Gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising na isipan ay magpapakita ng alertong at matalinong
isipan. Hindi sapat ang mga scout ay puro pisikal na lakas lamang; kailangan niyang magkaroon ng gising
na isipan din. Ang anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng pagkakataon.

Adviser: Tinatawagan ko si Faith Gariando na tawagin ang mga itatalang Scout.

Faith: Lakad patakda na, tungtong kanan tungtong harap Ta

Adviser: Narito tayo kasama natin ang mga batang babae, na may edad na 9 hanggang 12. Itanong natin
sa kanila kung bakit sila narito. Mga batang babae, bakit ka narito, at ano ang nais mong maging?

Girl Scouts: Gusto naming maging Junior Girl Scout. Tatanggapin niyo po ba kami?

Adviser: Bukal ba sa inyong kalooban ang pagpunta rito?

Girl Scouts: Ma’am Yes, Ma’am.

Adviser: Nakompleto niyo ba ang mga pangangailangan bilang isang Junior Girl Scout?

Girl Scouts: Ma’am Yes, Ma’am.

Adviser: Handa ba kayong sundin ang Batas ng Girl Scout at gawin ang Pangako ng Girl Scout?

Girl Scout: Ma’am, Yes ma’am.


Adviser: Pagkatapos niyong ipakita ang iyong kusang loob at katapatan sa pagnanais na maging mga
kasapi ng Junior Girl Scout, handa kaming tanggapin kayo.

: Pakinggan natin ang Batas ng Scout at Panunumpa ng Girl Scout.)

(Bibigkasin ang Batas ng Girl Scout.)

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay mahabagin – Ako’y mahabagin at handing dumamay sa lahat
ng tao, saan mang lugar, ang aking tungkulin ay pakinabangan, hindi lang kaanak kundi ng iba man.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskwat ay disiplinado – Ng magandang disiplina ay laging taglay sa puso,
diwa at buhay. Sa bawat Gawain, sa pagtulong at pagsasanay may lakas na pagpipigil sa ginagawang
paggamay.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay masipag – Ang taong masipag, marami ang natutulungan.
Maraming kawanggawa ang natutuklasan. Sagana sa kaibigan, sagana sa kaligayahan at hindi dinadalaw
ng anumang kalungkutan.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay masunurin – Pagsunod sa bawat batas ang laging nasa isip.
Sapagkat ang batas ay dapat sundin at igalang. Bawat batas ng bayan ay taglay ang paggalang. Kaya’t
ang paggalang sa batas ay dapat pag-aralan.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay matapat – ang babaeng iskawt sa kapwa ay matapat, isipan ay
malinis at dibdib laging bukas. Matapat kung dumamay sa isa o sa lahat. Walang halong pag-iibot,
walang ganting hinahangad.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay mapagkakatiwalaan – Ang babaeng iskawt ay maasahan.
Pinaninindigan niya ang kanyang mga salita gaanuman kahirap. Nakikita niya ang kalalabasan ng
kanyang mga gawa.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay mapagkaibigan – Ang babaeng iskawt ay nag-aalala sa mga
batas, pangangailangan at sa kapakanan ng iba. Siya ay matiyaga, mapagparaya, at mabait. Tanggap ang
lahat ng tao anuman ang anyo at kulay nito.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay magalang sa lahat ng may buhay – Ang babaeng iskawt ay
magalang sa kapwa tao maging sa kalikasan. Sinisikap intindihin ang iba. Inaalagaan ang lahat ng may
buhay, pinapanatiling buhay ang mga hayop at halaman.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay malinis sa isip, sa salita at sa gawa – Ang babaeng iskawt ay
umiiwas sa mga maling isipan, patuloy na umiiwas sa maruming pagpapahayag. Siya ay modelo ng
karangalan at katapatan.

Girl Scout _____: Ang babaeng iskawt ay matipid – Ang babaeng iskawt ay marunong gugulin ang oras,
talento at pinahahalagahan ang oras. Pinananatiling, okupado ang oras para husayan pa ang kakayahan.

Adviser: Narinig ninyo ang Panunumpa at ang sampung puntos ng Batas ng Scout. Bilang isang scout,
tinatanggap ba niyo ang tatlong tungkulin at sampung puntos ng batas na ito?

Scouts: Ma’am Yes Ma’am.

Ngayon ay ang pagtatalaga sa mga kab at Senior Scouts na pangungunahan ng ating Outfit Adviser na si
Bb. Aireen Narag.

Adviser: Tinatawagan ko si Rixel Samoramos na tawagin ang mga itatalang Scout.

Rixel: Lakad patakda na, tungtong kanan tungtong harap Ta

Adviser: Mga itatalang scout kayo ay nandito sa aming harapan at nagnanais na maging isang ganap na
scout. Ito ba ang inyong nais?

Scouts: Maam, Yes Maam!

Ang mga adhikain ng Scouts na nakasaad ayon sa Panunumpas at Batas ng Scout ay nagbibigay gabay
para sa ating maayos at marangal na pamumuhay at ito ay maging isang isang pamantayan at pag-uugali
na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran ng scouting sa lahat ng oras.

Kapag kayo ay naging isang ganap na scout matututo kayo ng maraming bagay patungkol sa diwa ng
scouting. Ang Panunumpa at Batas ng Scout ay pangungunahan ni Joaquim Rojo.
(Bigkasin ng mga Scouts ang Scout Oath and Law)

Marangal ang asal … Kailangan ng scout na maging huwaran ng magandang salita at gawa ay lagging
nagpapakita ng wastong asal. (Ang pagsasalita ng 12 piling Scout.)

EMCEE: Dumako na po tayo sa Batas ng Scout.

Scout _____: Ang Scout ay MAPAGKAKATIWALAAN. Ang Scout ay nagsasabi ng katotohan. Tumutupad
siya sa kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan
ng ibang tao.

Scout _____: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga
pinuno ng Scouting, sa paaralan at sa bayan.

Scout _____: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang Scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap siyang
makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.

Scout _____: Ang Scout ay MAPAGKAIBIGAN. Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Itinuturing niyang kapatid
ang kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at
kaugalian ng ibang tao na naiiba sa kanya.

Scout _____: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman, ano pa man ang gulang nito
o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa magandang pagkakasunduan ng mga tao.

Scout _____: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang pagiging
mabait. Itinuturing niya na iba gaya ng gusto nitong pagutring ng iba sa kanya. Hindi siya nananakit o
namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay
mapangalagaan.

Scout _____: Ang Scout ay MASUNURIN. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang
pamilya, paaralan, at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan. Kung
inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama, sinusunod niya ito at hindi sinusuway ngunit sinisikap
niyang mabago iyon sa matiwasay na pamamaraan.

Scout _____: Ang Scout ay MASAYA. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng
buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. Sinisikap niyang
makapagbigay ng lugod sa iba.

Scout _____: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang kanyang sarili at
upang makatulong sa iba. Nag iimpok siya para sa hinaharap. Pinapangalagaan niya at ginagamit ng
wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ariarian.

Scout _____: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit
may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inakala niyang tama at matuwid sa kabila ng
tudyo o pananakot ng iba.

Scout _____: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang katawan at
kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan. Tumutulong siya sa
pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.

Scout _____: Ang Scout ay MAKA-DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad niya ang kanyang
mga tungkulin ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa kanilang
pananampalataya.

Adviser: Narinig ninyo ang Panunumpa at ang labing dalawang puntos ng Batas ng Scout. Bilang isang
scout, tinatanggap ba niyo ang tatlong tungkulin at labing dalawang puntos ng batas na ito?

Scouts: “Maam, Yes Maam!”

EMCEE: Nawa ay isa buhay niyo ang mga aral na ito. Ipinakikiusap ko po sa ating mga magulang, Ninong
at Ninang na sila ay tumayo sa may likuran ng kanilang mga anak o aanakin, sagisag na sa ano mang
adhikain ay nasa likuran kayo ng mga batang ito.

Tinatawagan ko ang inyong SCL upang pangunahan ang Scout Code.

Raleigh: Ako po ang magngunguna at kayo’y susunod sa akin.

As a Scout Citizen,
I will live the Scout Oath Law, the Scout Motto, and the Scout Slogan;

I will be familiar with the Constitution of the Republic of the Philippines, especially my rights and
obligations as a Filipino citizen;

I will share in the responsibilities of my home, school, church, neighborhood, community, and country;

I will deal fairly and kindly with my fellowmen in the spirit of the Scout Law;

I will work to preserve our Filipino heritage, aware that the privileges we enjoy were won by hard work,
sacrifice, clear thinking, and faith of our forefathers;

I will do everything in my power to pass on a better Philippines to the next generation.

EMCEE: At ngayon upang opisyal ng matalaga kayo, inaanyayahan po namin ang kagalang-galang ng
Punong Guro na siya ring ating Punong Institusyonal na italaga na ang mga bagong Scout.

Punong Guro: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng Boyscout of the Philippines


bilang Punong Institusyonal na HCJM. Itinatalaga kayo bilang opisyal na miyembro ng Boyscout of the
Philippines.

Punong Guro: Ngayon po ay sabay-sabay nating ilagay ang alampay o ang neckerchief sa leeg ng mga
batang itinalaga.

(Hintaying maging maayos ang lahat)

Punong Guro: Malugod namin kayong tinatanggap sa pamilya ng scouting. Maraming maraming Salamat
po. Maraming Salamat _________. Bigyan po nating muli nang matunog na pagpugay ang mga bagong
itinalagang scouts.

Ngayon naman ay tinatawagan natin si _________, upang magbigay ng hamon at inspirasyon sa inyong
mga bagong itinalagang Girl Scout.

(Hamon at Inspirasyon)

Maraming Salamat po, __________. Nakasisiguro po kaming sapat ang inyong mga salita upang pag-
ibayuhin ng mga scouts ang kanilang paglilingkod.

Ngayon naman ay tinatawagan natin si _________, upang magbigay ng hamon at inspirasyon sa inyong
mga bagong itinalagang Boy Scout.

(Hamon at Inspirasyon)

Maraming Salamat po, __________. Nakasisiguro po kaming sapat ang inyong mga salita upang pag-
ibayuhin ng mga scouts ang kanilang paglilingkod.

Ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang Awit ng Scouts sa pangunguna ni _____________.

(Awit ng Scouts)

Magaling mga Scouts! Para sa Scout Benediction, narito si Bb. Ma. Crisanta Barrameda

Maraming Salamat, Ms. Ma. Crisanta Barrameda. Tayo po ngayon ay magsitayo para sa paglabas ng
mga kulay kasunod ang mga Scouts at ang mga pinuno ng ating paaralan.

Isang taos-pusong pasasalamat po mula sa Holy Child Jesus Montessori School of Dasmariñas Inc. sa
inyong walang sawang pagsuporta sa adhikaing ito. Muli po, isang magandang umaga sa inyong lahat.

You might also like