You are on page 1of 3

BSP INVESTITURE

PART I: ENTRANCE OF SCOUTS/COLORS


PART II: Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas ______________________

SIR RAF: Mga itatalagang scouts kayo ay nandito sa aming harapan at


nagnanais na maging isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?

SCOUTS: Sir, yes, Sir!

SIR RAF: Sa seremonyang ito kayo ay itatalaga bilang miyembro ng


scouting sa Sto. Rosario Elementary School sa kapatiran ng scouting sa
buong mundo. Sa harap ninyo ang isang nasindihang kandila. Ito ay
sumasagisag sa diwa ng scouting.
Ang adhikain ng scouts na nakasaad ayon sa Panunumpa at
Batas ng Scout ay nagbibigay gabay para sa ating maayos at marangal na
pamumuhay at ito ay magiging isang pamantayan sa pag-uugali na dapat
sundin ng lahat ng kasapi ng kapatiran sa lahat ng oras.

MA’AM ANNE: Kapag kayo ay naging isang ganap na scout matututo kayo
ng maraming bagay patungkol sa diwa ng scouting. Ang Panunumpa at
Batas ng Scout ay pangungunahan nina ________________________ at
_____________________
PART III: PAGSISINDI NG KANDILA
MA’AM ANNE: At ngayon tayo ay dadako na sa ating candle lightning
ceremony.
Ang pangunahing misyon ng scouting ay paghubog ng karakter
ng isang scout upang maging isang kapaki-pakinabang at magsilbing
mabuting mamamayan ng ating bansa. Gayundin ang paghubog ng
magandang kaugalian sa bawat kabataang Pilipino.
Sa umpisa pa lang, ang scouting, mula sa depinisyon, sa
kanyang halaga at mga prinsipyo, tungkulin sa Diyos at bayan, tungkulin sa
sarili, ang tatlong tungkulin na ito ay siyang pinakasentro at halaga ng
scouting.
Ating saksihan ang pag-iilaw sa tatlong kandila na sumisimbolo
sa tatlong tungkulin ng scout na iilawan nina _____________________,
________________________, at _________________________.

SIR RAF: Ngayon ang tatlong kandila na sumasagisag sa tungkulin ng scout


ay inilawan na, ating isa-isip na ang tatlong tungkulin na ito ay hindi
maisasakatuparan kung hindi natin susundin ang batas ng scout.

MA’AM ANNE: Ngayon, ating iilawan ang labindalawang kandila na


sumasagisag sa labindalawang batas ng scout.
Ang unang kandila ay sumasagisag sa unang batas ng scout. Ito
ay iilawan ni _______________________. (followed by the 11 candles)
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
SIR RAF: Ating nasaksihan ang pag-iilaw sa mga kandila na siyang
pinagmulan ng liwanag ng scouting.
Dadako na tayo ngayon sa pinakahihintay na sandali, ang
paglalagay ng alampay at sombrero upang tuluyan ng maging ganap ang
pagiging scout ng mga boyscouts.
(Maari pong maghanda na ang ating mga magulang at mga sponsors na
pumunta sa likod ng kanilang mga anak para sa paglalagay ng alampay at
sumbrero sa oras na tawagin ang kanilang patrol.)
Mula sa Patrol _______________
Patrol _____________
Patrol _____________
Names on the program
Patrol _____________
Patrol _____________
Patrol _____________
Malugod kong inaanunsyo na ang mga boy scouts ng Sto.
Rosario Elementary School ay pormal ng bahagi ng Scout Movement na
pinamumunuan ng Boy Scouts of the Philippines. Bigyan natin sila ng
malakas na palakpakan.
Boy Scouts of the Philippines……. Mabuhay!
Mabuhay……. Boy Scouts of the Philippines.

RECESSIONAL

You might also like