You are on page 1of 1

AJ: Ikinararangal ko pong ipakilala sa inyo ang 42 na mga batang starscouts na itatalaga ngayong

umagang ito.

Bilang panimula, aawitin ng mga Star Scout ang “Kami ay mga Munting Bituin”

Mahal na Polaris, Aking natagpuan sa mga bituing ito na aming laruan, mumunting pakisap,
masiglang tunay, nais na sumapi sa ating samahan.

Ma’am She: Hayaan mong sila sa akin ay lumapit, sabihin sa akin kung anong kanilang nais na gawin.

AJ: Mga Pakisap, handa nyo na bang sabihin ang inyong nais sa ating Mahal na Polaris?

 Star Scout Apple- Ano ang inyong ninanais? (MABAIT)


 Star Scout Strawberry- Ano ang inyong ninanais? (MAKADIYOS)
 Star Scout Orange- Ano ang inyong ninanais? (MAGALANG)
 Star Scout Grapes- Ano ang inyong ninanais? (MASUNURIN)

AJ: Gagampalain nga kayo ng inyong ninanais na maging Mabait, MakaDiyos, Magalang at
Masunurin. Mahal na Polaris anong masasabi mo sa kanilang ninanais?

Ma’am She: Ang mga bituin ay mumunting bata na sa kanila’y nagbibigay tuwa. Gaya ng mga bituin, ay
masasayang lubha, at tayo rin naman sa kanilang ginawa.

AJ: Ngayon naman pakinggan natin ang pangako at batas ng StarScout. STAR SCOUT JESSA.

*Nawa ay isabuhay ninyo ang mga aral na ito.

*Ngayon naman ay dumako naman tayo sa pinakamahalagang bahagi ng Investiture. Ipinakikiusap ko po


sa ating mga magulang na sila ay tumayo sa kanilang likuran ng kanilang mga anak, sagisag na sa anong
mang adhikain ay nasa likuran kayo ng mga batang ito.

*At upang opisyal na maitalaga kayo, inaanayayahan po ang kagalang galang na punong guro, upang
italaga ang mga bagong scouts.

Ma’am She: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin. Itinatalaga kayo bilang opisyal
na miyembro ng Twinklers at StarScouts.

Ngayon po ay sabay sabay nating ilagay ang alampay o neckerchief sa leeg ng mga batang
itinalaga. (Hintaying matapos na maayos ang lahat)

MALUGOD PO NAMIN KAYONG TINATANGGAP SA PAMILYA NG SCOUTING.


MARAMING MARAMING SALAMAT PO! 

You might also like