You are on page 1of 6

SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG MGA JUNIOR

GIRL SCOUTS
Ihanda :
1 malaking kandila
3 kandilang maliit nang kaunti sa una
10 kandilang puti
pospro
Trefoil ng Girl Scout

Investing Officer : ( Tatayo sa gawing kaliwa ng mesa )


Katulong na Pinuno: ( Tatayo sa gawing kaliwa ng lider.Senyas ng lider sa pagpasok ng tropang
itatalaga. Aayos sa harap ng trefoil nang palinya)
Inversting Officer :
Kilusang marangal nitong kabataan
Layuni’y maganda sa kababaihan
Aral at gawi’y sulo siyang tatanglaw
Gabay sa landasing sa kanila’y patnubay

Sila ang mga Girl Scouts na pararangalan


Silang mga GIrl Scout nitong ating bayan
Sa kandilang ito ngayo’y sisindihan
Sana’y maging tanglaw ninyong kabataan

Diwa ng Scouting ang sinasagisag


Patnubay at tanglaw sa mabuting landas
Ang liwanag nito’y may layunin hangad
Sa Kababaihan, pagsulong at pag- unlad

Ang Tatlong kandila ngayo’y sisindihan


Ay tatlong pangakong kinakatawan
Una, ay sa Diyos , pangalawa’y sangkatauhan
At pangatlo’y sa batas tumatanglaw
Mga Tagapangasiwa

Troop Leader I:

Ang panggitnang sisindiha’y liwanag na kakatawan


Kay Bathalang Ama nating sa landasiy siyang tatanglaw
Mga utos niya’y sundin at sa buhay gawing gabay
At ng bukas ay gumanda’t magbunga ng kaunlaran

Troop leader II

Pangalawa’y sisindiha’y liwanag na gagamitin sa tungkuling


Inaatas sa bayan nating ginigiliw
Gayundin sa kababayang may tungkulin na mahalin
Pagkat silay kadugo kabalat at kawika rin.

Troop Leader III:

Ang Ikatlong sisindiha’y sa Batas Tumatanglaw


Sa Sampung Batas na sandigan nitong kababaihan
Handa sila sa pagkabigkas inyo sanang pakinggan
Paliwanag nila’y dinggin isa -isang bibigkasin

ANG BATAS NG GIRL SCOUT

Ang Girl Scout ay mapagkatiwalaan


Ang Girl Scout ay matapat
Ang Girl Scout ay matulungin
Ang Girl Scout ay kaibigan ng lahat at kapatid ng bawat Girl Scout
Ang Girl Scout ay mapitagan
Ang Girl Scout ay magalang sa lahat ng may buhay
Ang Girl Scout ay disiplinado
Ang Girl Scout ay may sariling paninindigan
Ang Girl Scout ay matipid
Ang Girl Scout ay malinis sa isip sa salita at sa gawa

________: Ang Girl Scout ay malinis sa diwa , sa salita at sa gawa


kaming mga Girl Scout sa bagong lipunan , malinis sa isip ,sa kilos
marangal kapag nangako’y handa’t nakalaan ginagawa namin di
sa salita lamang.
________: Ang Girl Scout mapagmalasakit
Kung kinakailanggan ay nagpaparaya
Isinaalang -alang ang kabutihan ng kapwa
Nagpapasakit isa naming adhikain

________:Ang Girl Scout ay disiplinado


Dinidisiplina ang aming sarili
Kapakanan nami’y isinasaisang tabi
Ugaling maganda’t yaong mabubuti
Sa amin ay yaman , hindi mabibili

________: Ang Girl Scout ay masipag


Sa aming tahanan ako’y tumutulong
Sa gawaing bahay may tungkulin layon
At kapakinabangan ng aking kanayon

________:Ang Girl Scouts ay masunurin sa batas


Sa mga kautusan laging masunurin
Iya’y ginagawa sapagkat tungkulin
Gawaing sinimula’y tinatanong na taimtim

________: Ang Girl Scout ay matapat


Matapat , mabait sa aming kapwa
At sa kamag -aral mapagkawanggawa
Sa gawang matapat hindi nagsasawa
At gawang Mabuti’y di ikinakahiya

________:Ang Girl Scout ay Handang tumulong sa iba


Pagkamatulungi’y isang katangian
Naming mga Girl Scout sa Bagong Lipunan
Ang kapwa naming Girl Scout ay tinutulungan
Guro o magulang o ibang tao man

________:Ang Girl Scout ay mapitan sa lahat ng may buhay


Lahat ng may buhay aming iginagalang
Mga Hayop . kulisap , ibon o halaman
Kaibigan , kapatid mga kamag -aral
Iginagalang nami’t pinagpipitagan
________:Ang Girl Scout ay may tiwala sa sarili
BUo at matatag ang paninindigan
Pagkat ang sarili’y pinagkakatiwalan
Ibat-ibang payo’y pinag-aralan
Malaki ang puso’t buo ang kalooban

________:Ang Girl Scout ay mapapagkatiwalaan


Ang aking katauhan’y maipagkakapuri
Dangal nitong lahi sa gawang mabuti
Magandang ugali di mapagsarili
Ang puso’t isipa’y malinis parati

Investing Officer :

Sampung batas ng Girl Scout inyong napakinggan


Sampung kandilang sa inyo’y tumatanglaw
Nais ko sanang sa inyoy malaman,
Kung lahat nang ito’y nauunawaan

Sagot ; Opo , Nauunawaan po namin.

Investing Officer: Kung gayon tayo ngayon ay aawit ng Girl Scout song.

Troop Leader :

Ikinararangal ko pong iharap ngayon ang mga Girl Scouts ng


Baitang ______ at _______ na matagumpay na nakatalima
sa mga kinakailangan upang maging karapat-dapat na
maging tunay na Girl Scouts

Investing Officer :

Nagayon ikakabit ko ang Investiture Pins na syang sagisag


na kayo ay tinatanggap bilang mga kasapi ng Girl Scout
Movement of the world , The Philippines Cavite at ng buong
mundo.

Pagkatapos ng Pinning

Investing Officer : Tinatawagan ang mga ninang na ikabit ang alampay


at ang ninong na ilagay ang sombrero sa ating mga Girl
Scout .
( Pagkatapos ng pagsabit ng alampay )

Investing Officer: Ngayon kayo ay tunay na kasapi ng Girl Scout


Movement of the World of the Philippines of Cavite at
_____________ Bigyan natin ng masigabong palakpakan
natin ang ating mga Girl Scout.

Ilagay ang kamay sa saludo


kayo ngayon ay nangangako upang isapuso ang layunin ng
isang scout

“ Sa Aking Karangalan gagampanan ko ang aking tungkulin


sa Diyos at sa aking bayan tutulong ako sa aking kapwa sa
lahat ng pagkakataon at isasabuhay ko ang batas ng Girl
Scout.”

Nanalig akong sa inyong karangalan ay sisikapin ninyong tuparin


ang pangako.Ngayon, ay malugod kayong tinatangagap sa
malaking samahang ito ng mga Girl Scout. ( aawit sa
pangunguna ng katulong ng pinuno -Girl Scout Song )

Ang mga Girl Scout ay magmartsa at aawitin ang GIRL SCOUT SONG

You might also like