You are on page 1of 4

INVESTITURE CEREMONIES (KID SCOUTS)

Kabataan Imumulat Diwa


Part 1: Pagpasok ng mga Komite, Langkay(KID), Kawan(KAB), Junior Scout at
Senior Scout (entrance)

Part 2: Ceremony
LL: Magandang araw sa inyong lahat!
Puso’t damdamin nami’y nagagalak. Ano ang pakay ninyo? Sabihin,
sabihin nang kami ay mamulat.

Magulang: Nais naming isali ang aming anak sa KID Scouting.


LL: Sabihing muli ng higit na malaman.
Magulang: Nais naming isali ang aming anak sa KID Scouting.

LL: Nais ng inyong magulang na isali kayo sa scouting.


Mga bata, nais ba ninyong sumali sa KID Scouting?

Mga Bata: Opo.


LL: Ulitin nang malakas. Nang higit na mapakinggan. Nais ba ninyong sumali sa
KID Scouting?
Mga Bata: Opo.
LL: Handa na ba ang inyong katawan at isipan?
Mga Bata: Opo.
LL: Kung gayon, banggitin ang inyong mga pangalan.
Mga bata: (sabay sabay na sagot) Ako si ___________________________.
LL: Sabihin ang inyong magagandang katangian.
Mga bata: (sabay sabay na sagot) Ako ay ___________________________.
LL: Ngayong napakinggan namin ang inyong mga pangalan at katangian, tingnan
ko nga kung magagawa ang mga sumusunod na kakayahan.

Tinatawagan ang lider ng bawat grupo sa entablado(stage) upang manguna sa


gagawin

LL: Dipa, Tumalon at Sumaludo ng tatlong ulit(3x)

LL: Magaling! Ngayon nasaksihan ng lahat ang inyong kakayanan.


Kaunting katahimikan, ang aking hiling upang bigyang pugay ang kanilang alay.

LL: Ngayon, napatunayan ang inyong kakayahan, tanggapin ang alampay at gora
na alay at bigay.
LL: Tinatawagan ang mga magulang, ninong o ninang ng batang ito. Isabit ang
alampay bilang simbolo ng pagkakaisa sa kilusang Scouting at ibigay ang gora
bilang alay.

Ang alampay ay tanda ng pagiging kasapi ng KID Scout (Kabataan Imumulat


Diwa) na sumisimbolo sa pagtulong sa mga nakakatanda.

(ngayon ay ang panunumpa ng mga ninong/ninang. Kapag nanumpa itatas ang


kanang kamay at sumunod sa ating punong guro.

LL: Tinatawagan naman ngayon ang aming Punong-Guro para sa panunumpa ng


mga ninong/ninang ng mga batang scouts
(Sct. Dr. John M. Abordo)

Panunumpa ng mga Ninong/Ninang

Ako si ______________ ay nangangakong gagampanan ang buong makakaya


upang akayin, subaybayan at pangalagaan ang batang ito, sa maliwanag na landas
ng buhay upang lumaki sila na mabuting mamamayan ng ating bansa, kaya’t
tulungan mo po kami Mahal na Panginoo, Salamat po!

LL: Maraming Salamat po! Sctr. Dr. John M. Abordo

LL: Para sa pagbigkas ng Pangako at Batas ng KID SCOUT tinatawag si Sct.


Aston Chleo G. Loayon

(Itaas ang ating kamay ng maayos para sa Panunumpa at sabay sabay nating
bigkasin ang Pangako at Batas ng KID Scout)

SCT: Scout Sign!!

Mga Bata:
Pangako at Batas ng KID Scout
Ang aking Pangako ay
Mahalin ang Diyos at ang aking Bayan
Maging masunurin at mabuting bata
Sa tahanan at saan man

LL: Maraming Salamat Sct. Aston Chleo G. Loayon

LL: Ngayon naman bilang pagpupugay sa mga bagong SCOUTS sama-samang


umawit at gumalaw bilang pagsasaya at pagpupugay

Tinatawagan muli ang mga lider ng bawat grupo sa entablado(stage) upang


manguna sa gagawin

Mga Bata:
ISA, DALAWA, TATLO
Isa, dalawa, tatlo
Handang handa ako
Sa aking gagawin
At KID Scout na rin

Mag-isip at matuto
Gumawa sa buong grupo
Masaya’t makiisa
KID Scout na rin

Isa, dalawa, tatlo


Handang handa ako
Sa aking gagawin
At KID Scout na rin

LL: Magaling mga KID Scouts


LL: Mabuhay ang KID Scouts!!

Mga Bata: MABUHAY!!

(Palakpakan)
LL: Ngayon ay dadako na tayo sa ating paglabas. Mga magulang at bata ay
aakyat sa entablado upang ihulog ang gora. Mga ninong/ninang ay lalabas na din,
diretso na sa likod.

Maraming Salamat po!

Panunumpa ng mga Ninong/Ninang

Ako si ______________ ay nangangakong


gagampanan ang buong makakaya upang
akayin, subaybayan at pangalagaan ang
batang ito, sa maliwanag na landas ng buhay
upang lumaki sila na mabuting mamamayan
ng ating bansa, kaya’t tulungan mo po kami
Mahal na Panginoo, Salamat po!

You might also like