You are on page 1of 4

SEREMONYA NG PAGBIBINYAG NG LALAKING SCOUT

Scout Master: Tayo ngayon ay may bagong tatanggapin bilang bagong kasapi ng ating samahan,
maaari lamang na pumunta dito sa harapan ang mga nabanggit na batang lalaki.

Mga bata ibig ba ninyong maging kasapi ng kilusang iskawting?

Bata: Opo, ibig namin!

Scout Master: Sa seremonyang ito tatanggapin kayo sa kapatiran ng iskawting . Sa inyong harapan
makikita ninyo ang sulung may sindi na sumisimbulo sa diwa ng iskawting, natutuhan at
sundin sana ninyo ang mga ito habang kayo ay nabubuhay.

Bata 1: Ang ningas ng kandilang ito ay tanda na ang lalaking iskawt ay tapat sa Diyos at sa bansa.

Bata 2: Nawa’y ang ningas ng ikalawang kandilang ito ay maging tanda na ang pinakadakilang
layunin ng lalaking iskawt ay maglingkod sa kapwa.

Bata 3: Nawa’y ang ningas ng ikatlong kandilang ito ay maging tanda sa kanilang layunin o adhikain
na tumutukoy sa mga batas ng lalaking iskawt.

Scout Master: Ngayon naman ay sisindihan natin ang 12 kandila bilang sagisag ng 12 batas ng
iskawt. Ito sana ay maging gabay ninyo sa inyong buhay.

Ang iskawt ay:


MAPAGKAKATIWALAAN – Ang scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tinutupad niya ang kanyang
pangako.
MATAPAT – Ang iskawt ay tapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, mga scout leader, paaralan,
Bansa at sa taong bayan.

MATULUNGIN – Inaalala niya ang kanyang kapwa. Kusa siyang tumutulong at hindi naghihintay ng
bayad o gantimpala.
MAPAGKAIBIGAN – Ang scout ay kaibigan ng lahat ng scout. Inuunawa niya ang iba. Iginagalang
niya ang mga kaisipang at mga kaugaliang naiiba sa kanya.

MAGALANG – Ang iskawt ay mapitagan sa lahat sino man siya. Alam niya na ang marunong
makisama ay madaling pakibagayan.

MABAIT – Alam ng iskawt na mabisa ang pagkamahinahon. Ginagawa niya sa iba ang gusto niyang
gawin nila sa kanya.

MASUNURIN –Ang iskawt ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa.
Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang pamayanan at bayan.

MASAYA – Ang iskawt ay nakatanaw sa masayang bahagi ng buhay. Malugod niyang ginagampanan
ang mga gawain niya. Sinisikap niyang mapaligaya ang iba.

MATIPID – Siya ay nabubuhay sa sariling sikap at marunong tumulong sa iba. Nag iimpok siya para
sa kanyang kinabukasan. Pinapangalagaan at pinoprotektahan niya ang likas na yaman.

MATAPANG – Ang panganib ay hinaharap niya kahit takot pa siya. Sa tama siya naninindigan kahit
pa siya ay pagtawanan at pagbantaan.

MALINIS – Ang iskawt ay malinis sa kanyang katawan at isipan. Nakikisama siya sa taong ganito
rin and paniniwala. Pinapanatili niyang malinis ang kanyang tahanan at kapaligiran.

MAKA- DIYOS – Ang iskawt ay mapitagan sa Diyos, matapat siya sa kanyang pananampalataya.
Iginagalang niya ang pananampalataya ng iba.
Scout Master: Ngayon mga bata ay ibig kong bigkasin ninyo ang panunumpa at batas ng iskawt.

Bata: Sabay-sabay nating bigkasin ang “Panunumpa at Batas ng Iskawt”

PANUNUMPA NG ISKAWT
Sa ngalan ng aking dangal, ay gagawin ko ang buong makakaya; upang tumupoad sa aking
tungkulin, Sa Diyos at sa aking bayan, ang Republika ng Pilipinas at sumunod sa batas ng iskawt;
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon; Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang
isipan at marangal ang asal.

BATAS NG ISKAWT
Ang iskawt ay:
Mapagkakatiwalaan Masunurin
Matapat Masaya
Matulungin Matipid
Mapagkaibigan Matapang
Magalang Malinis
Mabait Maka – Diyos

Scout Master: Ngayon naman ay bibigkasin ninyo ang pangako sa pagbibinyag tanda ng pagtanggap
ninyo ng tungkulin at responsibilidad bilang isang batang iskawt. Inyong ulitin ang
aking sasabihin.

Bata: Ako si _________________ na nag- aaral sa paaralang Elementarya ng Macamot ay


nangangako sa abotng aking makakaya na ihahanda ko ang aking sarili sa pagtulong sa
kapwa. Ipinapangako ko rin na ako ay susunod sa Panunumnpa at Batas ng Iskawt sa abot
ng aking kaalaman at kakayahan. Patnubayan sana ako ng Diyos.
Scout Master: Magaling! Ngayon ay binabati ko kayo at kayo ay ganap ng kasapi nang samahan
ng mga lalaking iskawt. Ngayon po ay tinatawagan ang mga magulang, ninong at
ninang upang ilagay ang panyo tanda ng pagiging kaanib sa samahan ng mga
lalaking iskawt.

(Paglalagay ng Panyo at Pag-aalay ng Handog)

SCOUT BENEDICTION
“ O DAKILANG SCOUT MASTER, NANG LAHAT NG SCOUT MASTER, NAWA’Y
SUMAAMIN KA HANGGANG SA MULING PAGKIKITA”

You might also like