Professional Documents
Culture Documents
BSP Investiture
BSP Investiture
1
PROGRAM FOR INVESTITURE 2017
(
I. PAMBUNGAD NA SEREMONYA
Pagpasok ng Scouts na pinangungunahan ng Troop Leader, Assistant
Troop/Crew Leader
Panalangin
Pagpasok ng mga Kulay
Pambansang Awit
Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas
(Panalangin ni __________)
(Panunumpa)
2
______________: Maari na po kayong magsiupo.
Ngayong araw ay panibagong hamon muli sa inyo mga iskawt ang pakikiisa sa mga
adhikain, paniniwala, at layunin ng samahan ng mga boy iskawts ay hindi madali. Ito ay
sa dahilang may mga kaakibat na tuntunin ang bawat gawain at galaw na dapat ay
naaayon sa mabuting kabuuan ng pagkatao at ayon sa inaasahan sa isang iskawt ng
lahat. Mapalad ang mga kasapi nito dahil marami ang mga natutunan hindi lamang
bilang iskawt kundi bilang isa na ring mabuting mag-aaral, kaibigan, anak at
mamamayan. Lahat ng kaalamang nakukuha rito ay naisasabuhay at dapat maisabuhay.
Kaya naman ngayon pa lamang ay binabati ko ang lahat ng mga kasapi na sa samahan
at lalung lalo na ang mga itatalaga ngayon.
______________: Mga itatalagang scouts kayo ay nandito sa aming harapan at nag nanais
na maging isang ganap na scout. Ito ba ang inyong nais?
Kapag kayo ay nagging isang ganap na scout matututo kayong ng maraming bagay
patungkol sa diwa ng scouting. Ang Panunumpa at batas ng Scout ay pangungunahan
ni _______________________________.
(NOTE: Ang pag sisindi ng tatlong Malalaking kandila na kumatawan sa Diwa ng Scouting kasunod ang
12 na candila na simbulo ng labing dalawang puntos ng Batas ng Scout. Ang 12 dalawang kandila ay
sisindihan ng isa isa pagkatapos sabihin ang puntos na sinisimbulo nito.
Ang 3 scout na mag bibigkas ng Panunumpa ng Scout.)
Sa ngalan ng aking dangal – Ang dangal ay ang pinaka mahalaga at sagradong pag
aari sa iyong buhay. Kalakop nito ay ang iyong pangalan, integridad at maganda
reputasyon. Sa tuwing kayo‟y nanunumpa bilang isang scout, kayoy nangangako na
mamumuhay na ayon dito upang mapagpahalagahan ang ideyalismo na gagabay sa
iyong buhay.
4
dalawang puntos ng batas ng scout ay ang pamantayan ng pag-uugali habang tayo‟y
naglalakbay sa buhay ng isang Scout. Kaya iminumungkahi na kayo‟y mag pasyang
mamuhay ayon sa panunumpa at batas ng scout.
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon – ang isang dahilang kung bakit ang
scouting ay lumago sa bansang ito ay sa kadahilanang nakatangap ito na suporta sa
mamamayan. Ang scouting ay pinahahalagahan ang suportang ito ay dahil sa ang mga
scout ay nagpakita ng pagiging mahalang bahagi ng lipunan. Ang diwa ng
paglilingkod ay nasa puso ng tunay na Scout.
Pamalagiing malakas ang aking katawan … Sa ngayon, alam na natin ang pagiging
malinis at malusog. Kung ito ay masusunod matutulungan nito tayong maging
malusog at maligaya sa buhay. Kung ninanais ninyong mag karoon ang isang alertong
isipan at ng kahandaang tumulong sa iba, kailangan ninyong panatilihing malusog at
malakas ang inyong pangangatawan.
Gising ang isipan … Ang pagkakaroon ng gising ang isipan ay magpapakita ng alertong
at matalinong isipan. Hindi sapat na puro pisikal na lakas lamang; kailangan niyang
mag karoon ng gising na isipan din. Ang kanyang pagkilos ay dapat na maliksi,
kalkulado at handang tumugon sa anumang pangangailangan at sa mga hinihingi ng
pagkakataon.
2. _________: Ang Scout ay MATAPAT. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga
kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.
5
3. _________: Ang Scout ay MATULUNGIN. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao.
Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.
5. _________: Ang Scout ay MAGALANG. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa man
ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa
magandang pagkakasunduan ng mga tao.
6. _________: Ang Scout ay MABAIT. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang
pagiging mabait. Itinuturing niya ang iba gaya ng gusto nitong pagturing ng iba sa
kanya. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na walang
kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.
9. _________: Ang Scout ay MATIPID. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang
kayang sarili at upang makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap.
Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa
paggamit ng kanyang panahon at ariarian.
10. _________: Ang Scout ay MATAPANG. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap
sa panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala
niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.
11. _________: Ang Scout ay MALINIS. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang kanyang
katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan.
Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at pamayanan.
12. _________: Ang Scout ay MAKA- DIYOS. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos. Tinutupad
niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya. Iginagalang niya ang
paniniwala ng iba sa kanilang pananampalataya.
6
______________: Narining ninyo ang Panunumpa at labing dalawang puntos ng Batas ng
Scout. bilang isang scout, tinatangap ba ninyo ang tatlong tungkulin at labing
dalawang puntos ng batas na ito?
______________: Nawa ay si buhay ninyo mga aral na ito. Ipinakikiusap ko po sa ating mga
magulang, Ninong at Ninang na sila ay tumayo sa may likuran ng kanilang anak o
aanakin, sagisag na sa ano mang adhikain ay nasa likuran kayo ng mga batang ito.
______________: Mga magulang, ninong at ninang, itaas po ninyo ang inyong kanang
kamay sa ayos ng panunumpa at sumunod kayo sa akin.
7
______________: Ngayon ay sabay-sabay nating awitin ang mga Awit ng Scout na
pangungunahan nila_____________________________________.
______________: May the great, great, Scout Masters, of all good scouts, be with you, and
me, „till we meet again.