You are on page 1of 3

LIFE CLASS WEEK 8

DAY 6 - SATURDAY
A RENEWED MIND
“Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip,
upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos.” (Roma 12:2)

Si Solomon ang nagsabi, “Sapagkat kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya,” (Kawikaan 23:7a) Tayo ang
totalidad ng ating kaisipan, at inihayag natin ang isipan natin sa pamamagitan ng ating salita. Ang kalaban ay gumagawa
sa pamamagitan ng ating isipan, dahil alam niya na kapag tinanggap ng isang tao ang mga ideya niyang itinanim ay kaya
na niyang sakupin ang kaloob ng tao.

Ang kalaban, madalas nagsisimulang pakawalan ang lahat ng klase ng palaso at puntirya ay tayo. Habang hindi natin
tinatanggap ang mga kaisipan sa ating isip at nanatili tayong matatag sa ating kalooban, hindi tayo makararanas ng
anumang hirap. Subalit sinuman ang nahulog sa patibong ng kalaban at tanggapin ang mga ito ay mararanasan kung paano
ang mga kaisipang yaon ay magiging malakas kapag nagsimula na silang kumilos mula sa loob para baluktutin ang ating
kalooban. Kapag nangyari ito, matatagpuan nalang natin na wala tayong proteksyon sa espiritwal; matutulad tayo sa isang
siyudad na walang bakod na madaling masakop.

Isa sa mga paraan ng kalaban ay kumikilos siya sa pamamagitan ng medya. Kailangan natin protektahan ang ating isipan
laban sa pagkahawang matatagpuan madalas sa medya ngayon, dahil ang industriya ng pagpapalabas ay nakagagawa ng
malaking impluensya sa ating komunidad. Ang kalaban, gusto niyang paulanan ang ating isipan ng mga imahe at salita,
hanggang magresulta ito ng ibat’t ibang ‘di tamang aksyon. Sa madaling salita, and kalaban ay sinusubukan na magsama
ng negatibo at nakakatakot na imahe sa ating isipan sa pamamagitan ng iba’t-ibang klase ng medya.

Ganon pa man, ang mga sumusunod ay magiging gabay natin para maiwasan ang mga patibong:

 Telebisyon. Pumili ng palabas na may epektong positibo sa buhay mo at kung ikaw ay lumalago.

 Internet. Ito ang madalas na ginagamit na medya sa ating kapanahunan, at mahalaga na gamitin natin ito ng
tama. Umugit ng malinaw sa mga ‘di tamang imahe, imoralidad, at ang pakikiusap sa mga tao sa sosyal
medya na ‘di kilala.

 Musika. Maging maingat sa mga uri ng awitin na pinakikinggan, dahil maraming mga awit at yung mismong
tao na umaawit nito ay nagdadala ng mensahe na magdudulot ng dumi sa ating espiritwal na buhay at maging
sa ating pag-uugali.

Karagdagan sa paggamit ng medya, ang kalaban ay madalas na gumagawa ng impluensya sa buhay ng mga tao na
nakapaligid sa atin at ito ay nagdadala sa atin sa kapahamakan. Kaya dapat tayong maging maingat sa pagpili ng ating
mga kaibigan. Pumili ng tao na tutulong sa’yo na lumago at pagpalain ka lalo kapag gumugol ka ng oras kasama sila. (1
Cor. 15:33)

Isang mangangaral si, Norman Vincent Peale, ang sumulat:

Si Disraeli, isang dakilang estadista, ginawa ang pantas na puna: ‘Alagaan ang isipan mo nang dakilang kaisipan dahil
hindi ka aabot nang mataas ng higit sa iniisip mo.’ Kaya nga, mag-isip ng malaki. Naniniwala ako ang bagabag sa lahat
sa atin ay ang pagkahilig sa pag-iisip ng maliliit na kaisipan, tungkol halos sa lahat, tungkol sa atin, tungkol sa pamilya,
tungkol sa ating mga anak, sa ating pangangalakal. Dahil dito nakakamit natin ang maliit na bunga o resulta.

Naniniwala ako isa itong batas – hindi ka makakakuha ng malaking resulta na higit sa laki ng iyong kaisipan. Ang
malaking kaisipan ay magdadala ng malaking resulta, at ang maliit na kaisipan naman ay maliit na resulta.

Pag-iisip ng Malaki, ibig sabihin ay pagkakaron ng bagong kaisipan. Ang pakakaroon ng bagong kaisipan ay
nangangailangan ng personal na ugnayan sa Salita ng Diyos. Ang pinakamainam na gugulin ang oras ay sa pag-aaral ng
Salita ng Diyos. Nang tawagin ng Panginoon si Joshua para pangunahan niya ang bayan ng Israel tungo sa Lupang
Pangako, sinabi Niya, “Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag aalisin sa iyong bibig, kundi ito ay iyong pagbubulay-
bulayan araw at gabi, upang iyong masunod ang ayon sa lahat ng nakasulat dito; sapagkat kung magkagayo'y iyong
pagiginhawahin ang iyong lakad, at magtatamo ka ng tagumpay.” (Joshua 1:8)

LIVE THE LESSON

Sagutin ang mga tanong at gawin ang nararapat na pagbabago base sa mga nabasa mo ngayon:

1. Isulat ang apat na palabas sa telebisyon na pinanood mo ngayon linggo.

 ________________________________________________________
 ________________________________________________________
 ________________________________________________________
 ________________________________________________________

2. Humigit kumulang ilang oras ang ginugol mo sa sosyal medya ngayon linggo?
 ________________________________________________________________________________________
_____________________

3. Ano-ano ang mga sampung awitin na pinakinggan mo madalas sa loob ng linggong ito?
 ______________________________________________________
 ____________________________________________________

4. Sino-sino ang limang pinakamalapit na kaibigan?

 ________________________________________________________
 ________________________________________________________
 ________________________________________________________
 ________________________________________________________
 ________________________________________________________

5. Pinag-aralan mo ba ang Biblia ng araw-araw sa linggong ito?

 ________________________________________________________________________________________
__________________________

REMEMBER THE LESSON

HINDI AKO MAKAKAKUHA NG RESULTA NA MAS MALAKI KAYSA SA AKING INIISIP.

STUDY THE WORD

a. _____ Awit 110

b. _____ Awit 111
c. _____ Awit 112
d. _____ Awit 113
e. _____ 2 Cor. 11
f. _____ 2 Cor. 12
g. _____ 2 Cor. 13

You might also like