You are on page 1of 7

Gawaing Papel sa Pagkatuto

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

UNANG MARKAHAN-IKALAWANG LINGGO

MELC: Pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito (EsP6PKP- Ia-i– 37)

CSE: K6A3. Describe how gender – e.g. girls’ greater needs for privacy and gender inequality- contribute to
girls’ being the more frequent victims of sexual harassment and rape, than boys
K6A4. Describe ways of responding to attempts at sexual harassment and rape; and for preventing
these from happening.

Pangalan ng Mag-aaral

Baitang at Seksiyon Petsa

Guro

SUSING-KONSEPTO (KATATAGAN NG LOOB)

Pasya Mo, Pasya Ko:

Sa Ikabubuti Ko!

Handa ka na bang muling matuto? Tayo ay may pag-aaralan

ngayon. Ihanda ang iyong sarili sa pagbabahagi ng iyong mga ideya,
damdamin, o reaksyon. Maaari kang gabayan ng sino man na kasama
mo sa inyong bahay.
Simulan na natin!

Hakbang sa Pagpapasya
Ang pagpapasya ay maituturing bilang isang prosesong pangkaisipan na
nagreresulta sa pagpili ng pinakamabuting kalalabasan. Ang pasya ay pinagtibay sa
isip at kalooban na dapat gawin. Malaki ang maitutulong ng pagkakaroon ng
katatagan ng loob at pagkamahinahon kapag pinag- uusapan at pinag iisipan ang
magiging pasya.

Narito ang isang tula, Halina’t ating basahin!

Matalinong Pagpapasya
ni
JHOAN G. GAMBOA

Sa murang isipan, akin nang nalalaman,

mga bagay at pangyayari, sinusuri’t pinag-aaralan.
Maging babae o lalaki dapat maging matalino,
mga pagpapasya, dapat maging wasto

Mga bilin ni nanay at mga payo ni tatay, sinasang-ayunan

kung makabubuti naman sa paglawig nitong buhay.
Tanging hangad nilay, aking tagumpay,
at sa kapahamaka’y mailayong tunay.

Bilang isang babae, mas higit na pag-iingat,

sa pagkilos, pananamit, iyon ang nararapat
Upang makaiwas, matuksot mapahamak
dulot ng mga isipang may masamang balak.

Tama nga sila, ito’y sa aking ikabubuti,

kaya naman ngayo’y aking pinagmamapuri.
Sa pagpili nang tama, hindi tayo magsisisi
sa tulong ng Panginoon, atin Siyang kakampi.

Sagutin ang mga tanong

1. Anong mensahe ang nais iparating ng tula?
2. Bakit kailangang pag-isipang mabuti ang pagpapasyang gagawin?
3. Sino ang kadalasang hinihingan mo ng tulong kapag kailangan ng
pagpapasya?

Gawain 1 (Suriin at piliin mo )

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum, kung sang-ayon o di sang-ayon sa mga
sumusunod na sitwasyon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon Sang-ayon Di Sang-

ayon

1. Pangarap ni Nico na maging tanyag na abogado. Sa

hirap ng kanilang pamumuhay siya ay nagsusumikap sa
pag-aaral upang maging iskolar sa unibersidad ng bayan.

2. Ipinaayos ng pamilya Cruz ang kanilang bahay. Bago ito

nangyari, pinagkasunduan ng bawat kasapi ang nasabing
desisyon.

3. Nagsusuot si Rina ng damit na maayos at disenteng

tingnan,upang maiwasan niyang matukso sa tuwing
siya ay lalabas tulad ng bilin ng kanyang nanay.

4. Madalas mapuna si Mildred ng kanyang mga

kaibigang lalaki, ngunit patuloy pa din siya sa hindi
maingat na pagkilos kahit alam niyang maaari siyang
mapahamak.

5. Laging nagbubulakbol si Samatha at hindi umuuwi ng

maaga. Pinagwawalang-bahala niya ang pag-aaral dahil
mayaman ang kanilang pamilya.

Gawain 2 (Suriin at Magpasya)

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Pumunta kayong magkakaibigan sa Sabang Beach upang mamasyal. Napansin ninyong

karamihan sa mga turista ay may kapansin-pansing kasuotan na halos makita ang buong
katawan. Napagpasyahan ng dalawa mong kaibigan na magsuot din ng ganoon sa susunod na
pagpunta ninyo doon. Sasang-ayon kaba o hindi?Bakit?
____________________________________________________________________________

2. Nais mong dumalo sa overnight ninyong magkakaklase sa Sabang Beach na karamihan ay

mga lalaki, ngunit hindi ka pinayagan ng iyong nanay at mga kapatid, dahil hindi mo pa kaya
ang iyong sarili at baka may mangyaring hindi maganda. Sasang –ayon kaba o hindi?Bakit?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Gawain 3 (Gawin Natin)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod. Isulat sa iyong sagutang papel ang
letra ng napiling pinakaangkop na sagot.

1. Alin sa sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa paghubog ng isang maayos at

matatag na pamilya?

A. Pagkakaroon ng responsableng ama at mapagmahal na ina na nagsasama nang matiwasay at

payapa.
B. Pagpadami ng mga anak.
C. Balewalain ang karapatan ng bawat kasapi pamilya.
D. Pagbibigay ng luho sa mga anak.

2. Ang pamilya Vergara ay sama-samang nagsisimba kung Linggo at sama-sama ring nananalangin sa
araw-araw. Anong katangian ang ipinapakita ng pamilyang ito na dapat tularan?

A. Pamilyang may malasakit sa karapatan ng bawat isa.

B. Pamilyang may pagmamahal at respeto sa isa’t isa.
C. Pamilyang nagkakaisa sa pananampalataya.
D. Pamilyang nagkakaunawan at nagbibigayan suporta sa bawat kasapi

3. Ang pagsang-ayon ay pagtanggap, pagpayag at pakikiisa sa opinyon ng iba. Alin sa sumusunod

ang nagpapahayag ng pagsang ayon sa nakararami?

A. “Bakit hindi ninyo naisipang ibahin ang plano?”

B. “Kaisa mo ako sa bahaging iyan, lubos akong nananalig.”
C. “Sana sa susunod hindi lang parati kayo ang masusunod.”
D. “Wala na ba kayong maisip na paraan?”

4. Bakit natin pinahahalagahan ang makakabuti para sa nakakarami?

A. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng bawat kasapi.

B. Upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
C. Upang maiwasan ang pagkamakasarili.
D. Lahat ng sagot ay tama.
5. Ang pagpapahalaga at ang pagsang-ayon sa pasya ng nakararami ay isang katangian na kaaya-
aya bilang isang kasapi ng pamilya. Paano mo ito maipapakita?

A. Magsasawalang kibo na lamang kung sila ay nakapagpasya na.

B. Magbibigay ng iyong sariling pananaw at hindi susunod sa kanila.
C. Bigyang halaga, respetuhin at tumulong upang maisakatuparan ang desisyon ng nakararami.
D. Hayaan silang magdesisyon dahil wala ka namang maitutulong.

Gawain 4 ( Unawain at sagutin)__________________

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat sa iyong sagutang papel.

1.
____________________________________________________________
Bakit mahalagang
____________________________________________________________
igalang ang pasya _ ____________________________________________________________
ng nnakararami _
kung nakabubuti
____________________________________________________________
ito?

2.
______________________________________________________________
Paano ka makagagawa ______________________________________________________________
ng tamang
pagpapasya?
______________________________________________________________

_____________________________________________________________

Lahat ba ng
3.
mungkahi o tulong
______________________________________________________________
na ibinibigay ng
nakararami ukol sa ______________________________________________________________
pagpapasya ay
dapat mong sang-
______________________________________________________________
ayunan? Bakit?

______________________________________________________________
4. Nagiging magaan
ba para sa iyo ang
____________________________________________________________
pagpapasya kapag _
may tulong ng ____________________________________________________________
ibang tao? Bakit? _
____________________________________________________________
_
____________________________________________________________

5. Sino ang mas _

___________________________________________________________
pakikinggan mo sa __
pagpapasya, ang ___________________________________________________________
nakakatanda sa iyo __
___________________________________________________________
o ang mas
nakababata? Bakit? __
___________________________________________________________

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 “Suriin at Piliin Mo”

1. Sang-ayon 2. Sang-ayon 3. Sang-ayon 4. Di sang-ayon 5. Di sang-ayon

Gawain 2 “Suriin at Magpasya”

Maaaring magkaroon ng ibat-ibang sagot ayon sa pagkakaunawa ng mag-aaral
Gawain 3 “Gawin Natin”

1. A
2. C
3. B
4. D
5. C

Gawain 4 “Unawain at Sagutin”

Maaaring magkaroon ng ibat-ibang sagot ayon sa pagkakaunawa ng mag-aaral

References
CSE-CG: COMPREHENSIVE SEXUALITY EDUCATION K TO 12 CURRICULUM GUIDE
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6 pahina 18-25
MELC’s EsP6
EsP6 Module (ADM) Pagsang-ayon Sa Pasya Ng Nakararami Kung Nakabubuti Ito pahina 4-9
(SLM) Pasya Mo, Pasya Ko: Sa Ikabubuti ng Buong Pamilya! Pahina 9

You might also like