You are on page 1of 8

Pambungad sa Pilosopiya ng

Tao
Quarter 1 – Week: 2

Ang mga Pamamaraan ng

Pamimilosopiya
1
A. Inaasahan
Sa katapusan ng modyul, inaasahan na ang mag-aaral ay:
1. Nakikilala ang pagkakaiba ng katotohanan sa opinion. (PPT11/12-Ic-2.1)
2. Nahihinuha na patungo sa katotohanan ang mga pamamaraan ng pamimilosopiya.
(PPT11/12-Id-2.2)
3. Natataya ang katotohanan at opinyon sa iba’t ibang sitwasyon gamit ang pamamaraan ng
pamimilosopiya. (PPT11/12-Id-2.3)

B. Paunang Pagtataya
1. Magtala ng listahan ng mga bagay na sa palagay mo ay walang pagdududa na
talagang totoo. Huwag masyadong mag-isip. Basta’t isulat mo lang kung ano ang
pumasok sa isip mo.
Talagang Totoo

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

2. Pagkatapos, suriing mabuti ang mga ipinagpapalagay mong talagang totoo. Tanungin
mo ang iyong sarili kung bakit ka naniniwala na ito ay totoo, paano mo nalaman na
ang mga ito ay totoo?
___________________________________________________________________________

C. Gawain
2

Alin sa dalawa ang mas maitim, ‘yong nasa kaliwa o nasa kanan?

Sa unang tingin, ‘yong kalahating nasa kaliwa ay mas maitim kumpara sa kalahating nasa
kanan. Pero kung tatakpan mo ‘yong gitna ng imahe, malalaman mo na pareho lang sila.
Bakit ganoon? Bakit ‘yong kalahati sa kaliwa ay mukhang mas maitim kumpara sa kalahati sa
kanan? Kung mapapansin mo, may konting puti sa gitna sa bahagi ng kanan, at doon lang
nakapokus ang ating mata. Ipinagpalagay na ng ating isip na mas lighter na ang kulay sa
buong kanang bahagi, gayong kapirangkot lang ‘yon sa gitna.

Pagninilay: Ano ang mensahe sa’yo ng simpleng gawain na ito?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

C. Pagtalakay
Pagtatanong

Tanging tanong ang makabibigkas nang sabay sa kalagayan ng tao bilang walang alam at sa nais
niyang marating, ang makaalam.
3
Buhat ang tanong sa mga natutunan kahapon at sa mga nakabimbing hindi pa alam. Humihingi ito ng
kasagutan na siyang nagtatawid sa tao sa mamaya at bukas. Ang kahapon na pinagmulan ng tanong,
ang ngayon kung kailan nagtatanong, at ang mamaya na inaasahang magbibigay-sagot sa tanong ay
ang pangyayari sa loob ng tanong.

Inaakay ng tanong ang tao na pasukin ang pagkagulo, pagkalito, at pananabik na umalam. Itinuturo
sa atin ng tanong na meron pa. Tumingin ka lang. “Ito nga. Subalit bakit ganyan? Paano naging
ganyan? Ganyan ba talaga?”

Ang bunga ng pagtatanong ay katotohanan.

Pare-pareho ba tayo ng karanasan sa totoo?

Nakasakay ka na ba ng swing? Ano ang naging karanasan mo? Nalula, natakot, napatili, natuwa o
nalaglag? Iisa ang swing na sinakyan, pare-pareho kaya tayo ng karanasan?

Ang swing na nakakaaliw ang siya ring swing na nakakatakot, na siya ring swing na duyan, na siya
ring swing na pahingahan! Napakayaman ng meron sa swing. Napakayaman ng meron!

Dahil hindi maubos-ubos ang meron—laging meron at meron pa—tama lang na bigkasin ito nang
maraming beses sa maraming paraan. Hindi mahuhuli ng isang karanasan ang meron.

Pede kaya nating maranasan ang swing sa kanyang sarili? Paano mapag-uusapan ang katotohanan
kung iba-iba ang totoong sinasabi ng mga dumanas?

Sa isang banda, katinuang aminin na hindi maaaring ipataw ninuman ang anumang maisip niya ukol
sa isang bagay. Nananatiling iba at hiwalay sa kanya ang obheto na kanyang tinitingnan.

Sa Latin, ang ob- ay “sa harapan” at jacere “itinapon sa.” Hindi nanggagaling sa tao ang obheto. Nasa
harapan niya itong nagpaparamdam kahit tanggihan niya at hindi man gustuhin.

Sa kabilang banda, hindi rin maitatanggi na nauunawaan lamang ang swing base sa punto de bista
ng taong dumaranas. Magkakaiba ang karanasan natin sa “ito.” Mayaman ang meron. Kailangang
tingnan ito sa iba’t-ibang anggulo o punto de bista. Kaya mahalaga ang pag-uusap at pagtatalo upang
mahantungan ang katotohanang hinahanap.

Ang salitang ugat ay “totoo.” Ang unlaping “ka” naman ay “ikaw,” ay tumutukoy sa kausap o
kinakausap. Ipinapakita sa gayon ng salitang katotohanan ang ugnayan ng mga tao sa harap ng
totoo.

Katotohanan ang kapwa pagdanas sa totoo.

Katotohanan ang kapwa naranasan sa meron—mula sa unang pagkamangha, pagdanas,

pagbabahagi sa kapwa, pakikipagtulungan sa kapwa upang maunawaan ang naranasan, hanggang sa
sama-samang pagtanggap sa naranasan at pagbigkas dito.

Hindi tulad ng totoo, ang katotohanan ay lagpas na sa personal lamang na karanasan. Hindi pansarili
ang katotohanan pinagbabahaginan ito kasama ng iba. Ang totoo, kapag talagang totoo, alam din
yan ng iba.

Ayon kay Herakleitos, kalaban ng katotohanan ang tulog. Para sa tulog o sa nakapikit sa meron—
ayaw dumanas, ayaw tumingin, ayaw makipagtulungan sa paghahanap—walang kaisahan ang totoo.

4
Punto de bista
Maaari bang magkaunawaan at magkasundo ang mga taong may iba’t-ibang punto de bista? Paano?

Punto de bista (point of view). Ito ang nakikita ng isang tao mula sa kanyang kinatatayuang lunan.
Ang punto de bista ay hinuhulma ng katayuan, kinalalagyan, at mga karanasan sa buhay.

Kapag ang nakita mong totoo ay nakita din ng iba, ang tawag dito ay katotohanan. Ang unlaping “ka”
ay nangangahulugan na “ikaw,” tumutukoy sa kausap o kinakausap. Katotohanan ang kapwa
pagdanas sa totoo. Katotohanan ang kapwa naranasan sa meron.

Hindi tulad ng totoo, ang katotohanan ay lagpas na sa personal lamang na karanasan. Hindi pansarili
ang katotohanan pinagbabahaginan ito kasama ng iba. Ang totoo, kapag talagang totoo, alam din
yan ng iba.

Ang katotohanan ay “tahanan ng mga katoto.” Ibig sabihin, may kasama ka na nakakakita ng
katotohanan… Kung totoo ito, hindi lang ito totoo sa iyo. (Fr. Ferriols).

Argumento na ginagamit upang ipasa na totoo ang sariling opinion:

1. Argumentum ab auctoritate (Isip Alam ko ‘to).

2. Argumentum ad verecundum. (Isip Sinabi Ni)
3. Argumentum ad hominem (Isip Sino ka Ba)
4. Argumentum ad mesericordiam (Isip Biktima Ako)
5. Argumentum ad populum (Isip Gaya Gaya)
6. Argumentum ad baculum (Isip Ako ang Batas)

Dahil sa mga pansala na ito, lumalabo ng lumalabo ang pagtingin sa meron. Sahalip na ang meron
ang pagtuunan ng pansin, ang tao at ang kanyang naisin ang tinitingnan. Tinitingnan na lamang kung
sino at ilan ang kasama sa isang paninindigan; pumapailalim na lamang sa takot o tumutuntong na
lamang sa titulo upang ipilit ang opinion.

Hindi masama ang opinion. Napapalawak ang ating abot-tanaw ng iba-ibang mga opinion. Hanggang
nakakagat sa meron ang opinion, mapagbabahaginan ito bilang katotohanan. Nagiging mali lamang
ito kung ang opinion na ang nagiging basehan ng meron sa halip na ituro tayo ng mga ito at mabuhay
sa meron

D. Pagsusuri sa Pang-unawa
1. Ano ang kahalagahan ng tanong sa pamimilosopiya? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________

5
2. Ano ang dulot ng mga punto de bista sa paghahanap ng katotohanan?
_____________________________________________________________________________
_

3. Dapat bang ikatuwa ang pagkakaroon ng maraming punto de bista? Bakit?

_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

4. Sa iyong palagay, ano ang mabuting dulot ng pagkakaroon ng mga tao ng iisang punto de bista?
Ano kaya ang magiging masamang dulot nito? Ipaliwanag.
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

5. Maaari bang magkaunawaan at magkasundo ang mga taong may iba’t-ibang punto de bista?
Paano?
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

6. Pagnilayan ang pagkakaiba ng totoo at katotohanan. May mas tama ba sa kanilang salawa?
Pareho ba silang tama? Ano ang mas dapat kapitan?
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

7. Magbigay ng mga pagkakataong ginagamit ng mga tao ang mga binanggit na pansala. Paano ito
nakaapekto sa usapan? Nakatulong ba ang paggamit nito o hindi? Kung oo, paano? Kung hindi,
bakit?
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_
_____________________________________________________________________________
_

E. Post-test
6

Panuto: Piliin ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Ito ay uri ng argumento na hindi na makikinig sa kausap dahil ang sarili lamang ang wasto at
tama.
A. Argumentum ad mesericordiam C. Argumentum ad hominem B. Argumentum ad verecundum
D. Argumentum ab auctoritate 2. Ito ay uri ng argumento na tinatanggap bilang totoo ang isang
bagay at itinitiklop ang sariling naranasan sa meron dahil sinabi ng kanyang guro na tama at totoo
ang bagay na sinusuri. A. Argumentum ad populum C. Argumentum ad hominem B. Argumentum ad
verecundum D. Argumentum ab auctoritate 3. Hindi na tinatanggap bilang totoo ang sinasabi ng
isang tao dahil mababa ang pagtingin sa kanya. Ano ang tawag sa argumento na ito?
A. Argumentum ad hominem C. Argumentum ad baculum B. Argumentum ad verecundum D.
Argumentum ab auctoritate 4. Hinahaluan ng makabagbag-damdaming drama ang pagpapahayag
upang makuha ang pagsang ayon ng iba. Ano ang tawag sa argumento na ito?
A. Argumentum ad mesericordiam C. Argumentum ad hominem
B. Argumentum ad verecundum D. Argumentum ab auctoritate 5. Dahil ito ang uso o ang
ginagamit o ang pinaniniwalaan ng marami, dapat maging ganito na rin ang iyong paniniwala. Ano
ang tawag sa argumento na ito?
A. Argumentum ad populum C. Argumentum ad hominem B. Argumentum ad verecundum D.
Argumentum ab auctoritate 6. Kapag hindi makuha sa santong dasalan, kukunin sa santong
paspasan na madalas ay sa pamamagitan ng pananakot, pamimilit, at dahas upang makuha ang
pangsang-ayon ng kausap. Ano ang tawag sa argumento na ito?
A. Argumentum ad hominem C. Argumentum ad baculum B. Argumentum ad verecundum D.
Argumentum ab auctoritate 7. Nabibigkas nito ng sabay ang kalagayan ng tao bilang walang alam
at sa nais niyang marating, ang makaalam.
A. karunungan B. kaalaman C. tanong D. pagninilay 8. Ang mga sumusunod ay katangian
ng obheto maliban sa
A. itinapon sa ating harapan C. bunga ng perception ng tao
B. hindi nanggaling sa tao D. nandiyan pa rin kahit hindi mapansin 9. Ito ang
nakikita ng isang tao mula sa kanyang kinatatayuang lunan.
A. pang-unawa B. punto de bista C. opinyon D. pananaw 10. Ang katotohanan ay
“tahanan ng mga katoto.” Ibig sabihin nito ay
A. ang katotohanan ay hiwalay sa tao
B. may kasama ka na nakakakita ng katotohanan
C. ang katotohanan ay isang personal na karanasan
D. ang totoo kahit itanggi mo ay mananatiling totoo

F. Sanggunian:
• Guevara, Goefrrey A. Pambungad sa Pilosopiya ng Tao. (Quezon City: Rex Publishing
Company, 2016.) pp. 19-28
• Ferriols, Roque, S.J., et.al., “Pambungad sa kursong Pilosopiya”

You might also like