You are on page 1of 1

EsP10:Qtr1Mod4: PAGKILALA SA KONSENSIYA

Ano ang konsensiya? Sa pamamagitan ng konsensiya, natutukoy ang kasamaan at kabutihan ng kilos ng tao. Sa
pagkakakilala ng marami,sinasabing ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao na nagbibigay ng payo at nag uutos sa kaniya sa
gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon ( Clark, 1997). Ayon kay Santo Tomas de
Aquino (Clarke, 1997), ang konsensiya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating sariling katuwiran. Sa
pamamagitan nito, nailalapat ng tao ang batas na naitanim sa ating puso mula pa noong ating kapanganakan.
Ang dalawang mahalagang bahagi ng konsensiya: (1) ang paghatol moral sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos, at (2)
ang obligasyong moral na gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Tatlong Pagpapahalaga na nakakatulong sa pagbubuo ng matibay na konseyensiya: (1) pagtitiwala, (2) paninindigan, at (3)
katapatan

Gawain #1: PAUNANG PAGTATAYA: Panuto: Sagutan ang pahayag ng S kung kayo ay sumasanag-ayon at HS kung hindi
sumasana-ayon.
___1. Ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapaiya at kilos. (S)
___2. Ang konsensiya ang tagahusga ng moral na kaisipan. (S)
___3. Ang konsensiya ay sinasabing “tinig mula sa labas,” mga karanasan, kaalaman na naobserbahan. (HS)
___4. Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang konsensiya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating sariling
katuwiran. (S)
___5. Ang pagiging matapat ay nakakatulong sa pagkakaroon ng isang matibay na konseyensiya. (S)

Gawain #2: TARGETED INSTRUCTION


A. REMEDIATION (mag-aaral na nakakuha ng iskor na 0-2)
1. Isulat sa isang buong papel ang isa sa mga suliraning sumubok sa konsensiya mo o ng isa sa kasapi ng iyong pamilya o ng
iyong matapat na kaibigan.
2. Ilarawan o ilahad ang suliranin, ilahad ang mga Batas Moral na nalabag o nahirapang sundin kung kaya’t ito ay
naguguluhan.
3. Paano ito nabigyan ng solusyon? Kung hindi, ano ang maipapayo mo?
B. REINFORCEMENT (mag-aaral na nakakuha ng iskor na 3-4)
Ang Tao sa Salamin
Kung nakuha mo na kayamanang hanap
At hari ka na ng mundo, kahit isang araw lamang
Sa gayo’y harapin ang sarili sa salamin
Hintayin kung ano ang kanyang sasabihin.

Sapagkat paghatol mula sa ‘yong ina, ama o asawa’y di-mahalaga,


Kundi ito’y mula sa taong sa buhay mo’y huhusga
Siya ang siyang sa iyo’y nakatitig
Pagpayag niya, hindi ng iba, ang laging hilingin.

Mundo’y malilinlang mo, sa pagdaan ng taon


Mga tapik sa likod mo, lagi-laging baon
Subalit luha at pasakit ang kapalit nito
Kapag tao sa salamin ay dinaya mo
--- Edukason sa Pagpapakatao 10, Vibal Publishing, pp. 38
Panuto: Matapos basahin ang tula, sagutan ang mga katanungan sa isang malinis na papel.
1. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng manunulat na ang paghatol ng ina, ama o asawa ay hindi mahalaga kaysa sa iyong
konsensiya.
2. Ano ang kadalasang nararamdaman mo kapag gumawa ka ng isang bagay na labag sa iyong konsensiya?
3. Ano naman ang nararamdaman mo kapag sinunod mo ang iyong konsensiya?
4. Sa iyong palagay nakakatulong bang tunay ang pagharap sa salamin habang nagninilay? Ipaliwanag.
C. ENRICHMENT (mag-aaral na nakakuha ng iskor na 5)
1. Magbigay ng mga patunay na gawain upang lalong mapatibay ang paggawa ng mabuti sa sarili at sa kapwa.

GAWAIN #3: APLIKASYON


Panuto: Sa isang malinis na bond paper, gumuhit ng isang bagay na sumisimbolo ng iyong konsensiya at ipaliwanag kung bakit ito
ang iyong napili.

GAWAIN #4: MAIKLING PAGSUSULIT


Panuto: Mula sa biswal na makikita sa ibaba, ipaliwanag ang kaugnayan ng bawat isa sa kung papaano ito makakatulong sa
paghobog ng iyong konsensiya. Ang paliwanag ay bubuoIn ng 100-150 na salita. (20 puntos)

GAWAIN#5: KARAGDAGANG GAWAIN

You might also like