You are on page 1of 3

BOYSCOUT INVESTITURE CEREMONY

MGA KAILANGANG GAMIT:


1. Watawat ng Pilipinas na may tagdan
2. Bandera ng Troop
3. Isang malaking putting kandila at labing tatlong maliliit
4. Isang mesa na may puting takip para lalagyan ng mga Troop Charters and Registration Cards of the Boys
5. Ilang upuan para sa mga opisyal sa entablado
6. Posporo o layter
7. Trefoil stand

The SM hold the big candle on the Trefoil, holding it with his left hand facing the audience saying:

SCOUTMASTER:
Ang kandilang ito ay kumakatawan sa simulain ng scouting.Sa pamamagitan ng pagsindi ng tatlong kandila
na siyang sumasagisag sa tatlong tungkulin ng isang Iskawt. Atin ng pasimulan ang seremonyas ng mga
kandila.

1st Boy Scout – Sa ngalan ng aking dangal gagawin ko ang buong makakaya upang tumupad sa aking tungkulin
sa Diyos at sa aking bayang pilipinas

2nd Boy Scout - Sa ngalan ng aking dangal gagawin ko ang buong makakaya upang tumulong sa ibang tao sa
lahat ng pagkakataon at sumunod sa batas ng scout.

3rd Boy Scout - Sa ngalan ng aking dangal gagawin ko ang buong makakaya upang pamalagiang malakas ang
aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal.

At sa pamamagitan ng tatlong kandilang nakasindi, sana ay Makita ninyo ang liwanag na siyang magsilbing
gabay sa inyong nahaharap na panahon at upang huwag kalimutan ang sagisag ng Scouting “LAGING
HANDA” sa paggawa ng mabuti sa inyong kapuwa, sa lahat ng panahon ng inyong buhay.

Ngayon simulant napo natin ang pagsindi sa mga sampung kandila nma siyang sumasagisag sa sampung
tuntunin sa batas ng scout.
( Sampung Batas ng Scout)

MGA BATAS NG SCOUT

1. MAPAGKAKATIWALAAN : Ang scout ay nagsasabi ng katotohanan. Tumutupad sa kanyang mga


pangako. Ang pagiging matapat ay bahagi ng kanyang paguugali at may pananalig sa ibang tao.

2. MATAPAT: Ang scout ay matapat sa kanyang pamilya, mga kaibigan, pinuno ng SCOUTING, sa paaralan
at sa bayan.

3. MATULUNGIN: Ang scout ay may kalinga sa ibang tao. Nagsisikap makatulong sa iba kahit walang
kabayaran o pabuya.

4. MAPAGKAIBIGAN: Ang Scout ay kaibigan ng lahat. Siya ay kapatid ng kanyang kapwa scout. Sinisikap
niyang umunawa sa iba. Iginagalang niya ang paniniwala at kaugalian ng ibang tao.

5. MAGALANG: Ang scout ay magalang sa sinuman kahit ano pa man ang edad nito at kalagayan. Alam niya
ang mabuting kaugalian ay daan sa madaling pagkakasundo ng mga tao.

6. MABAIT: Ang scout ay may angkin lakas ng pagiging mabait. Itinuturing niya sa iba ang gusto niyang
gawaing pagtuturing ng iba sa kanya. Hindi siya nananakit o pumapatay ng mga hayop.
7. MASUNURIN: Ang scout ay sumusunod sa mga alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at pangkat.
SInusunod niya ang batas ng kanyang pamayanan at ng bansa. Kung inaakala niyang may mga alituntunin at
bats na hindi tama, sinisikap niyang baguhin iyon sa matiwasay na pamamaraan.

8. MASAYA: Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang
ginagampanan ang mga naibigay sa kanyang tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa kapwa.

9. MATIPID: Ang scout ay gumagawa upang hind imaging pabigat ang sarili sa iba upang makatulong sa ibang
tao. Siya ay nagiipon para sa hinaharap. Pinangangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman.
Maingat siya sa paggamit ng kanyang panahon at ari-arian.

10. MATAPANG: Ang scout ay may lakas ng loob na humarap sa panganib kahit na siya ay may taglay na
pangamba. Siya ay naninindigan sa tama at matuwid sa kabila ng tukso o pananakot ng iba.

11. MALINIS: Ang scout ay malinis sa kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may
ganito ring panuntunan. Tumutulong siya na mapanatiling malinis ang tahanan at kapaligiran.

12. MAKA- DIYOS : Ang scout ay mapitagan sa Diyos. Tumutupad siya sa kanyang tungkulin sa
pananampalataya. Iginagalang niya ang paniniwala ng iba sa pananampalataya. Mahal niya ang DIYOS

At ngayon dadako nao tayo sa pangako ng Scout

Sa ngalan ng Aking dangal ako si ___________________________________


Ay gagawin ko ang buong makakaya upang
Tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa
Aking bayang Pilipinas
Tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon,
Sumunod sa Batas ng Scout
Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang isipan
At marangal ang asal

(Scoutmaster Commands….Baba kamay ! )

Scoutmaster: Ngayon po, dumako tayo sa ikalawang bahagi n gating palatuntunan. Ito po ay paglalagay ng
panyong pang-leeg sa ating mga Boyscouts”
Marching with BP, Marching with BP
Marching all along, Marching everyday
Marching in a scouting day

Heavenly Sunshine, Heavenly Sunshine


Halleluiah !
Scouting da…….y
Heavenly Sunshine, Heavenly Sunshine
Halleluiah !
Scouting is fu….n

Marching with BP
Marching with BP
Marching with BP

You might also like