You are on page 1of 3

“SEREMONYA SA PAGTATALAGA NG MGA

“JUNIOR AT SENIOR SCOUTS”

I.Pagpasok……………………………………………………………………………………………………….
Papasok ang tropa sa hudyat ng Namamahalang Puno (Troop Leader) at bubuo g kakal-kabayong hugis (Horse
shoe Formation)
II. ANG SEREMONYA:
1. Namamahalang Puno o Lider …………………………………………………………………………………..
a) “Kayo ngayo’y itatalaga sa Senior Troop”
Silang senior troop ng Catandaan-Yabut.
a) Sindihan ang pinakamalaking kandila.) “Ang kandilang ito na aking sisindihan ay kumakatawan sa diwa
ng Iskauting na inaasahan naming siyang tatanglaw sa inyo habang kayo’y nabubuhay.
b. Ang tatlo pang kandila na sisindihan din ay kumakatawan sa tatlong bahagi ng Pangako ng Boy Scout.
2. Katulong na Lider (Co-leader) Tatawag ng tatlong panauhin upang magsindi ng kandila ang bawat isa.
(a) Sisindihan ag kandilang nasa gitna. Unang Panauhin.
Ang kandilang sisindiha’y pangako ang binabanggit,
Una ito siyang sagisag, punung puno ng pag-ibig;
Ukol ito sa Lumikhang kay Bathalang nasa langit,
At kasama ang sa bayang kadluan ng tuwa’t hapis.

(b) Sisindihan ag pangalawang kandila . (Pangalawa)


Ikalawang kandilang sisindiha’y sakop pa rin ng pangako,
Sagisag ay kabaitang sa tao’y siyang sugo ;
Ang pagtulong sa kapuwa’y laging taos, hindi biro.
Pagkat bunga ay ligaya kung pagtulong ay nasa puso.

(c) Sisindihan ang ikatlong kandila. (Pangatlo)


Ang ikatlong sisindiha’y yaong batas na susundin.
Mayro’ng sampu yaong bilang, isa-isang babanggitin;
Buod nito’y katutura’y may magandang layo’t turing,
Maliwanag at malinag kapag iyong nanamnamin.

3. Pagsisindi ng labindalawang kandila na siyang isasagawa ng labindalawang batas ng Boy Scouts.


(Kanan 1) Ang boyscout ay mapagkakatiwalaan

(Kaliwa 2 ) Ang Boy Scout ay Matapat

(Kanan 3) Ang Boy Scout ay matulungin

(Kanan 4) Ang Boy Scout ay mapagkaibigan

(Kanan 5 ) Ang Boy Scout ay magalang

(Kaliwa 6) Ang Boy Scout ay mabait


(Kanan 7) Ang Boy Scout ay masunurin

( Kaliwa 8) Ang Boy Scout ay masaya

(Kanan 9) Ang Boy Scout ay matipid

(Kaliwa 10 ) Ang Boy Sout ay matapang


(Kaliwa 11) Ang Boy Scout ay malinis
(Kaliwa 12) Ang Boy Scout ay maka- Diyos

Lider - Yaong mga Batas ay inyong narinig,


Mayroon pa ba ritong hindi ninyo nababatid?

Buong Tropa – Lahat po ng Batas aming naulinig


At ang bawat isa ‘y may-aral na hatid.

Pagsisindi ng Pangako:
(Babalik na muli sa dating lugar.Kukunin ang nasa gitna ng tatlong kandilang nasa itaas.
“ Ang kandilang ito na sinisindihan saDiwa ng Iskauting ay kumakatawan sa pangako
ng Boy Scout.”
Ang Panunumpa ng Iskawt

Sa ngalan ng aking dangal ay gagawin ko ang buong makakaya upang tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa aking
bayan ang Republika ng Pilipinas at sumunod sa batas ng Scout; tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon.
Pamalagiing malakas ang aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal.

(Punong Namamahala; Muling hahakbang at magsasalita sa mga itatalagang kasapi.)

Mga batas at pangako nainyo’y binigkas,


Aking itatanong kung unawa’yganap;
Sa narinig ninyong mga paliwanag,
Mayro’n pa ba ritong sa isip ninyo’y salat?
(Sasagot ang tropa)
Malinaw nang lahat sa aming isipan,
At sa ngayon kami ay nasisiyahan
Batas at pangakong sa ami’y tinuran
Maganda at malinaw at may kagalingan.
III.PAGPAPAKILALA SA PATROLYA--------------------------------------------------------------------------
Tatawagin ngPunong Namamahala ang bawat Lider ng Patrolya,

Mga Lider ng Patrolya ________ maaari bang iharap ninyo ang inyong itatalagang
mga kasapi. Inihaharap ko ang bawat lider at mga kasapi ng Patrolya na aking
kaalaman ay matagumpay na nakasulit sa mga kinakailangan ng Scout
at ngayo’y handa na upang tunay na maging mga Boy Scouts.
IV. Paglalagay ng mga Panyo.------------------

You might also like