You are on page 1of 7

INVESTITURE CEREMONY

Gregoria de Jesus ES Council


April 19, 2024

Institutional Head : Sctr. Domitilla S. Gutierrez PhD


Troop Leader : Sctr. Mark Gregory DV. Baniaga, WBH
Institutional Coordinators : Sctr. Joanne G. Esguerra
Sctr. Gemjy Nicole M. Reyes, WBH
Sctr. Annabel A. Duigan
Sctr. Ailyn D. Maniczic
Outfit Advisor : Sctr. Marival C. Sapad, WBH w/CML

Senior Patrol Leader (SPL) : Sct. Kurt Justin E. Repil


Patrol Leader (PL):
Patrol Asno : Sct. Clarence Ian Q. Rivera
Patrol Usa : Sct. Brentt Moore B. Borje
Patrol Puma : Sct. King Derick M. Jacob
Patrol Tigre : Sct. Clint Jairus F. Sison
Patrol Baka : Sct. Ezekhiel Lanze A. Duigan
Patrol Leon : Sct. Pablo Jr. G. Oblino
Patrol Tamaraw : Sct. Ernest Xian L. Opeña
Patrol Cheetah : Sct. Von Mark Louie C. Sapad
Patrol Aso : Sct. Chris Aaron D. Mangulabnan
Patrol Oso : Sct. Alex Gabriel S. Adan
Patrol Pusa : Sct. James Francis N. Guevarra
Patrol Kalabaw : Sct. J-Ron Gabriel C. Sapad

Lay Leaders :

SPL: Humanda para sa pagtatalaga!


Candidates: Laging handa!!!
Troop Leader: Senior Patrol Leader, sino ang iyong mga kasama?
SPL: (Lalapit sa Troop Leader, sasaludo bilang paggalang)
Mga Batang Iskawt na nagnanais sumali sa Iskawting, Ginoo!

Troop Leader: Papasukin.... (Music: “Follow Me, Boys)


SPL: (Haharap sa tipon) “Lakad patakda na! Pasulong ‘kad.... “Liko sa kanan, liko sa kaliwa na!”
(Hanggang sa harap ng Troop Leader sa ayos na U-shape o “Horse Shoe”) “Pulutong to!

PL: Ginoo, handa na po ang patikas ng Patrol ____________!


Troop Leader: Kayo ba ay kusang pumarito at nagnanais na sumali sa samahan ng iskawting at
maging mga batang iskawt?
Candidates: Opo, Ginoo!

Troop Leader: Kayo ngayon ay nakatakdang italaga bilang kasapi ng Caloocan Council Boy
Scouts of the Philippines. Sa seremonyang ito ay madarama ninyo ang kapatiran at tunay
na diwa ng Iskawting. Ang Batas ng samahan ay ang batas ng Iskawt. Ito ay sinusunod ng
milyong iskawt sa buong mundo.
Tinatawagan ko po ang ating Scout Master, Scouter Ailyn D. Maniczic, upang sindihan
ang malaking kandila na kumakatawan sa diwa ng scouting.

Sctr. Maniczic: (Sisindihan ang kandila) “Ang kandilang ito na aking sinindihan ay kumakatawan
sa mga dakilang simulain ng Scouting. Ang kilusang ito ng mahigit 50 milyong Boy Scout sa
buong mundo ang nanumpa at nagtalaga ng kanilang paglilingkod sa scouting. Magsisimula
tayo sa ating seremonya sa pamamagitan ng pagsisindi ng 3 kandila na sumasagisag sa 3
pangako ng Boy Scout.”

Puting Kandila (Council Scout Executive) (Sctr. Emelando R. Arevalo, Leader Trainer): Ang
puting kandilang ito na aking sinindihan ay sumasagisag sa Unang Sumpa at Pangako ng
Scout – Tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa bayan, ang Republika ng Pilipinas.

Bughaw na Kandila (Institutional Head) (Sctr. Domitilla S. Gutierrez PhD): Ang bughaw na
kandilang ito na aking sinindihan ay sumasagisag sa Ikalawang Sumpa ang Scout – Sumunod
sa batas ng Scout at tumutulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon.

Pulang Kandila (District Coordinator) (Sctr. Harly Joseph S. Ignacio): Ang pulang kandilang ito
na aking sinisindihan ay sumasagisag sa Ikatlong Sumpa ng Scout – Pamalagiing malakas ang
aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal.

Troop Leader: Ito ang tatlong kandilang nag-aalab ng liwanag ang sumasagisag sa tatlong
sumpa ng scout. Inyo bang nauunawaan ang kahulugan at diwa ng sumpa ng scout?

Candidates: Opo, Ginoo!

Troop Leader: Kung gayon ay dumako na tayo sa pagsisindi ng labindalawang puting kandila na
sumasagisag sa 12 Puntos ng Batas ng Scout.

SPL: “Patrol Leaders, handa, na!”


12 Scouts: (Pagsinding 12 kandila at pagbabanggit ng Batas ng Scout)
1. (Sct. Clarence Ian) Ang Scout ay Mapagkakatiwalaan. Ang Scout ay nagsasabi ng
katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako. Ang pagiging matapat ay
bahagi ng kanyang pag-uugali. Siya ay maasahan ng ibang tao.
2. (Sct. Brentt Moore) Ang Scout ay Matapat. Ang Scout ay matapat sa kanyang pamilya,
mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.
3. (Sct. King Derick) Ang Scout ay Matulungin. Ang scout ay may kalinga sa ibang tao.
Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.
4. (Sct. Clint Jairus) Ang Scout ay Mapagkaibigan. Ang Scout ay kaibigan ng lahat.
Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa Scout. Sinisikap niyang umunawa
sa iba. Iginagalang niya ang mga paniniwala at kaugalian ng ibang tao na naiiba sa
kanya.
5. (Sct. Ezekhiel Lanze) Ang Scout ay Magalang. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano pa
man ang gulang nito o katayuan. Alam niya na ang mabuting pag-uugali ay daan sa
magandang pagkakasunduan ng mga tao.
6. (Sct. Pablo) Ang Scout ay Mabait. Ang Scout ay nakakaunawa na may angking lakas ang
pagiging mabait. Hindi siya nanakit o namiminsala ng mga hayop at iba pang bagay na
walang kadahilanan at sinisikap niyang ito ay mapangalagaan.
7. (Sct. Ernest Xian) Ang Scout ay Masunurin. Ang Scout ay sumusunod sa mga alituntunin
ng kanyang pamilya, paaralan at tropa. Sumusunod siya sa mga batas ng kanyang
pamayanan at bayan. Kung inaakala niyang may mga alituntuning hindi tama,
sinusunod niya ito at hindi sinusuway ngunit sinisikap niyang mabago iyon sa
matiwasay na pamamaraan.
8. (Sct. Von Mark) Ang Scout ay Masaya. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa maaliwalas
na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga
tungkulin. Sinisikap niyang makapagbigay ng lugod sa iba.
9. (Sct. Chris Aaron) Ang Scout ay Matipid. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan
ang kayang sarili at upang makatulong sa iba. Nag-iimpok siya para sa hinaharap.
Pinapangalagaan niya at ginagamit ng wasto ang mga likas na yaman. Maingat siya sa
paggamit ng kanyang panahon at ariarian.
10. (Sct. Alex) Ang Scout ay Matapang. Ang Scout ay may lakas ng loob na humarap sa
panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala
niyang tama at matuwid sa kabila ng tudyo o pananakot ng iba.
11. (Sct. James Francis) Ang Scout ay Malinis. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang
kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring
panuntunan. Tumutulong siya sa pagpapanatiling malinis ng kanyang tahanan at
pamayanan.
12. (Scout J-Ron Gabriel) Ang Scout ay Maka-Diyos. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos.
Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya. Iginagalang
niya ang paniniwala ng iba sa kanya.
Troop Leader: Nauunawaan ba ninyo ang Labindalawang Batas ng Boy Scout na sinasagisag ng
Labindalawang Kandila?

Candidates: Opo, Ginoo!

Troop Leader: Ang Scout ay nabubuhay hindi lamang sa pangako, ito ay nag papaliwanag sa
tatlong Gawain:
1. Gawain sa Diyos
2. Gawain sa Bayan, at
3. Gawain sa Kapwa

Bilang batang Scout, dapat lamang na taglayin ninyo ang diwa at ang kahalagahan ng
Panunumpa ng Scout hanggang sa Labindalawang Puntos ng Batas ng Scout na
pangungunahan ng kanilang Senior Patrol Leader, Sct. Kurt Justin E. Repil

SPL: Order: “Kamay sa ayos ng panunumpa na!” (o “Kamay patlang na!”)


(Pagbanggit sa Panunumpa ng Boy Scout at 12 Puntos ng Batas ng Scout)
Order: “Kamay baba na!

Troop Leader: Narinig ninyo ang pangako at Batas ng Scout. Ito ba ay inyong tinatanggap at
maipapangako na gagawin sa abot ng inyong makakaya?

Candidates: Opo, Ginoo!


Troop Leader: Magaling!
Troop Leader: Ngayon, tinatawagan ko sina Scouter Annabel A. Duigan at Scouter Joanne G.
Esguerra upang ipahayag ang kahalagahan ng pagsusuot ng Neckerchief at Carabao Slide.

Unit Leader: Sctr. Annabel A. Duigan:


Ang Neckerchief
Ang Samahan ng Iskawting sa buong mundo ay nagsusuot ng uniporme mula sa iba’t
ibang materyales at disenyo. Subalit, may isang natatanging kasuotan ang isinusuot ng mga
Iskawts. Ito ay ang “neckerchief”.
Ito ay kumakatawan sa karangalan ng isang scout. Ang kalinisian ng alampay o
neckerchief ay nagpapakita ng paggalang ng isang scout sa kanyang sariling dangal. Ito ay
ginagamit sa mga gawaing pang-iskawting tulad ng first aid, proteksyon, knot tying at
marami pang iba na kung saan ay maipapakita ng isang Iskawt ang kanyang pagtupad sa
kanyang pangako—tumulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon.
Unit Leader: Sctr. Joanne G. Esguerra:
Ang Carabao Slide
Kalabaw, ang ating pambansang hayop. Kumakatawan sa katangian na dapat taglayin ng
isang Iskawt--masipag, mapagtiis at matiyaga. Itinuturing itong imahen ng kasaganaan
hindi lamang dahil sa taglay nitong laki at kalusugan ngunit dahil sa kasipagan nito sa
paggawa. Ito ang hayop na maaasahan sa bukid at katuwang ng magsasaka sa paglinang ng
kaniyang lupain. Tulad ng paglinang ng isang Iskawt sa kanyang pagpapanatiling malakas ng
kanyang katawan, gising na isipan at marangal na asal.

Troop Leader: Maraming salamat, Scouter Duigan at Scouter Esguerra. Ngayon, ang oras ng
pagsasabit ng alampay o neckerchief ng mga Scout.

PLs: “Harap sa kanan, harap sa kaliwa, harap sa likod na!”

Troop Leader: Mga magulang o ninong at ninang, magtungo na po kayo sa inyong mga anak o
inaanak upang sila ay sabitan ng kanilang alampay.
Isuot po ninyo sa bata ang kaniyang alampay (neckerchief) na siyang simbulong kanilang
pagiging aktibong kasapi ng Iskawting.
Matapos pong maisuot sa inyong inaanak ang kanilang neckerchief, ay manatili kayong
nakatayo sa kanilang likuran. Ang pagtayo sa likuran ng inyong inaanak ay may katumbas ng
pangakong lagi kayong nasa kanyang likuran upang umalalay sa kaniyang pagtahak sa
mundo ng Iskawting. (Song: “I’m In The BSP”)
Tinatawagan ko po ang aming butihing Institutional Head, upang pangunahan ang
panunumpa ng mga ninong at ninang. Itaas po ninyo ang inyong kanang kamay sa ayos ng
panunumpa.

Sctr. Domitilla S. Gutierrez: Mga sponsors, ilagay ninyo ang kaliwang kamay sa kaliwang balikat
ng inyong ginabayang iskwat. Ilagay ang kanang kamay sa anyo ng panunumpa, at ulitin ang
Panunumpang aking bibigkasin.

“Ako / ay nangangakong gagawin ang buong makakaya / upang akayin ang batang ito /
sa maliwanag / at tamang landas ng buhay, // upang lumaki siya na mabuting mamamayan /
ng ating bansang Pilipinas. //Kaya tulungan Mo po kami, Panginoon.

Troop Leader: Marami pong salamat, Dr. Domitilla S. Gutierrez. Mga sponsors, maaari na po
kayong magsibalik sa inyong upuan.

SPL: (Pagkatapos masabitan ng alampay ang mga scout) “Harap sa kanan, harap sa kaliwa,
harap sa likod na!”
Troop Leader: At ngayon, upang opisyal na matalaga kayo, inaanyayahan po namin muli ang
kagalang-galang na Investing Officer at Council Scout Executive, Scouter Emelando R.
Arevalo, Leader Trainer.

Sctr. Arevalo: Sa pamamagitan ng kapangyarihang ipinagkaloob sa akin ng Boy Scouts of the


Philippines, itinatalaga ko kayo bilang opisyal na miyembro ng Boy Scout of the Philippines.

Troop Leader: Ngayon ay ganap na kayong mga Boy Scouts. Sana lahat ng inyong narinig sa
pagtatalagang ito ay masunod na walang pasubali, habang kayo ay nabubuhay sa Scouting.
Buong puso kayong tinatanggap sa kapatirang Scout sa Pilipinas.

Troop Leader: Boy Scouts….


PL: “Palakpakan… (clap) Palakpakan… (clap)
Bigyan ng isang bagsak (clap),
Bigyan ng isang bagsak (clap),
Bigyan mo pa, bigyan mo pa, pasobrahan mo pa! (clap)”
“Sir, thank you, Sir!”

Troop Leader: Binabati ko kayong lahat!


Candidates: (claps)
SPL: “Tipon ‘da. Lakad Patakda na. Pasulong ‘kad”

HIGNUBAY
Sa ngalan ng lahat ng mabubuting hignubay
Ng kapatirang Iskwating sa buong mundo,
Sumaisip nawa ang iyong pagpapala,
Sumapuso ang iyong pagkalinga,
Hanggang sa muling pagkikita!

You might also like