You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
GREGORIA DE JESUS ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
Third Periodical Test in ESP 5

CLASSIFICATION OF OBJECTIVES
LEARNING COMPETENCY NO. OF REMEMBERING UNDERSTANDING ANALYZING APPLYING EVALUATING CREATING NO. OF TEST PERCENTAGE
HOURS ITEMS
60% 24 items 30% 12 items 10% 4 items
1. Nagpapakita ng mga kanais-nais na 2 days/ 1,3,4,9, 24,25 6 15%
ugaling Pilipno 1 hour 40
Nakikisama sa kapwa Pilipino mins
2. Tumutulong sa bayanihan at palusong 1 day/ 5 1 2.5%
50 mins
3. Magiliw na pagtanggap ng panauhin 1 day 7,8 2 5%
50 mins
4.Sayaw,awitsining,gamit ang anumang 2 days/ 2 20 2 5%
multimedia o teknolohia. 1 hour 40
minutes
5. Napapanatili ang pagiging 2 days/ 11 10 2 5%
mabuting mamamayang Pilipino sa 1 hour 40
pamamagitan ng pakikilahok mins

6. Pagsunod sa mga alituntunin tungkol 2 days/ 26 1 2.5%


sap ag-iingat at paalala kapag may 1 hour 40
kalamidad mins
7. Nagpapakita ng magandang 2 days/ 6 1 2.5%
halimbawa sa pagiging responsibleng 1 hour 40
tagapangalaga ng kapaligiran mins
8. Nagpapakita ng magandang 1 day/ 13,14,15 3 7.5%
halimbawa sa pagiging responsibleng 50 mins
tagapangalaga ng
kapaligiran ,pagmamalasakit sa
kapaligiran sa pmamagitan ng pakikiisa
sa mga programang pangkapaligiran 16,17,18 3 7.5%

9. Napapatunayan na di nakukuha sa 1 day/ 27,28,29, 31,32 5 12.5%


kasakiman ang pangangailanagan 50 mins
10. Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga 1 day/ 30 1 2.5%
programang pampamahalaan na may 50 mins
kaugnayan ng pagpapanatili ng
kapayapaan
11. Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga 1 day/ 35,36 12 3 7.5%
programang pampamahalaan na may 50 mins
kaugnayan ng pagpapanatili ng
kapayapaan at paggalang sa karapatang
pantao
12. Paggalang sa opinion at ideya ng iba 4 days/ 23 37 2 5%
3hrs 50
mins
13. Nakalalahok sa pangangampanya sa 1 day/ 19 1 2.5%
pagpapatupad ng mga batas para sa 50
kabutihan ng lahat minutes
14. Nakalalahok sa pangangampanya sa 1 day/ 38 1 2.5%
pagpapatupad ng mga batas para sa 50 mins
kabutihan ng lahat, pangkalinisan,
pangkapaligiran at pangkalusugan
15. Pangkapayapaan at pangkalikasan 1 day/ 22,39,40 3 7.5%
50 mis
16. Nakikiisa ng buong tapat sa mga 1 day/ 33,34 21 3 7.5%
gawaing nakatutulong sa bansa 50 mins
TOTAL 28 days 1 26 1 12 40 100%

Prepared by:

MA. CRISTINA Z. CEJES


Teacher I

Checked by:

MARY ROSE B. MENDOZA


Master Teacher I

Noted:

DOMITILLA S. GUTIERREZ PhD


Principal III
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
GREGORIA DE JESUS ELEMENTARY SCHOOL
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5
Pangalan: ______________________________________ Baitang /Pangkat:_________________________

I.Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong
papel.

1. Nakita mong patawid sa kalsada ang isang babaeng matanda at marami siyang dala-dalang gamit. Ano ang
gagawin mo?
a. Pabayaan ko lang siya kasi matanda na siya
b. Tutulungan ko siya sa pagbitbit at pagtawid
c. Titiingnan ko na lamang siya at aalis
d. Sasabihin ko sa traffic enforcer na tulungan na lamang ang matanda na tatawid.
2. Magaling sumayaw si Mildred.Isang kaibigan ang nanghingi ng tulong, nais nitong matutong sumayaw. Bakit siya
pagbibigyan ni Mildred?

a. Upang lalo silang maging matalik na magkaibigan.


b. Upang pagbibigyan din siya kapag siya na ang nangangailangan.
c. Upang maibahagi niya ang kanyang angking kakayahan sa iba
d. Upang mabigyan siya ng bayad lagi
3. Ano ang mga pamantayan ng iyong pagtulong sa iyong kapwa?
a. Dapat ito ay bukal sa kalooban
b. Para may aantaying kapalit sa iyong binigay na tulong
c. Upang maging sikat sa paaralan
d. Upang kumita ng Malaki lagi
4.Anong dapat gawin upang malaman kung karapat dapat ang ating tinutulungan?
a.Kilatisin kung tunay na nangangailangan ang tutulungan
b.pagbigyan na lamang upang di na mangulit pa
c.hayaan na kahit na ano pa ang kailang gagawin sa bagay na binigay sa kanila
d.magsasawalang kibo na lang ako at aalis na lamang ako
5.Alin sa mga magagandang katangian ng mga Pilipino ang tinataglay sa isang bayanihan?
a. matulungin b.masayahin c. maasikaso d. malikhain
6. Hindi maiangat ng munting mag-aaral ang kanyang gamit pababa sa hagdanan. Ano ang iyong gagawin?
a. Magkunwaring di nakikita
b. Hahayaan ko na lang ang iba ang tumulong
c. Tutulungan ko siya sa kanyang gamit para makababa siya ng maayos
d. Magmamadali na lamang akong bumaba at hindi siya papansinin
7.May dumaang bulag na pulubi sa inyong tahanan. Ano ang iyong gagawin upang matulungan ito?
a. Ipahahabol ko siya sa aming aso
b. Magkunwari na di siya napansin
c. Papaupuin ko siya at bibigyan ng pagkain upang makatulong sa kanya
d. Sasabihin ko na dun na lang siya pumunta sa aming kapitbahay mamaya
8.Tumutukoy sa bisita o mga taong galing sa ibang lugar. Ano ang tawag sa kanila?
a.Kalaban b. panauhin c. kaaway d. di nakikilala
9.Ano ang likas na ugali ng mga Pilipino tungkol sa pagsalubong sa bisita?
a. matulungin b. hospitable c. bayanihan d. masayahin
10.Paryentes, mga taong ang isang dugo ay nasa iisang pamilya.
a. Kapitbahay b. kababayan c. kamag-anak d. kasamahan
11. Bilang Pilipino , Paano mo maingat ang mga produktong gawa sa ating bansa?
a. Tangkilikin ang sariling atin
b. Ikahiya ang gawang Pilipinas .
c. Hanapin ang produktong gawa ng ibang bansa at ito na lamang ang bibilhin
d. Sabihin sa mamimili gawa sa ibang bansa ang produkto mo at laging magsinungaling
12. Kapag narinig mong tumutugtog ang pambansang awit, ano ang dapat mong gawin?
a. Di papansinin
b. Itutuloy ang paglakad
c.Titigil at tatayo ng tuwid bilang paggalang
d. Magmamadali upang malampasan ang lugar kung saan tumutugtog
13.Nakita mong pinagkakaguluhan ng iyong kakalase ang isang malaswang babasahin. Ano ang iyong gagawin?
a. Makikitingin na rin
b. Mag sawalang imik
c. Hahayaan ko sila
d. Pagsasabihan ko na itigil na ang pagbabasa dahil hindi ito magandang basahin
14. Bilang mag-aaral ng ikalimang baitang, ano ang maitutulong mo upang maging malinis ang ating kapaligiran?
a. Itapon ang mga basura sa tamang tapunan
b. Walang gagawin
c. Ikalat kung saan-saan ang mga pinagkainan dahil wala naming sisita sa maling gawain
d. Bata pa ako para tumulong sa iba
15.Buuin ang kasabihan. Ang Taong Malinis ay Malapit Sa _______________.
a. Kaaway b. kapahamakan c. sakit d. Diyos
16.Ano ang dapat taglayin ng bawat isa upang mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran?
a. Katapangan b. katalinuhan c. disiplina d. palakaibigan
17.Narinig mong nangangailangan ang iyong tiyuhin ng maraming magagawang papel at ang solusyon ay
magpuputol ng maraming puno ang iyong ama. Ano ang gagawin mo?
a. Ikakampanya ko ang pagtitipid ng papel sa aking mga kaklase upang mabawasan ang kunsumo nito.
b. Hahayaan lang ang nakagawiang pagsasayang ng papel ng mga kaklase ko
c.Marami namang puno.. di naman mauubos agad kaya gagawin ko rin ang ginagawa nila
d. Di na iimik at hahayaan na lamang ito
18.Namamasyal kayo sa may lake ng may makita kang bata na walang pakundangan na nagtatapon ng basura sa
lake.Ano ang iyong gagawin?
a. Hayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa
b. Lalayo nalang ako sa kanya
c. Gawin ko rin ang ginagawa niya
d. pagsasabihan ko siya na nakakadumi ito sa lake
19.Nakita mo ang iyong nakakabatang kapatid na nagsisipilyo na bukas ang gripo ng tubig. Ano ang gagawin mo?
a. Papaluin ko siya
b. Di nman mauubos agad ang tubig,kaya hahayaan ko lang siya at gagaya ako
c. Pagsasabihan ko siya na baso ang gamitin para makatipid kami sa tubig
d. Pababayaan ko na lang siya baka umiyak pa at magalit pa sa akin
20.Upang makalanghap tayo ng sariwang hangin, ano ang ating dapat gawin?
a. Magtanim ng mga halaman at puno
b. Magtambak ng basura sa bakanteng lote
c. Magsusunog ng goma at plastic lagi
d. Hahayaan na lamang ang mga sasakyan na magbuga ng maitim na usok sa iba
21. Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-aruga na hango sa pamamaraan ng pag-indak at
pag-indayog ng mga nananayaw nito sa saliw ng mabining awitin.Ano ang tawag dito?
A. Tinikling b. Pandango sa Ilaw c. Itik-Itik d. Cariñosa
22.Nang yayain mo ang kapatid mong maglinis ay sinagot kang “Hindi ako boy scout. Ang paglilinis ay ginagawa
lamang ng boy scout at ayokong maglinis ng bahay”. Ano ang gagawin mo upang makumbinsi siya na dapat siyang
tumulong sa bahay sa paglilinis?
a. Sampalin ko siya upang matauhan siya sa sinabi niya
b. Hayaan ko siya yun ang gusto niya baka magalit pa siya sa akin
c. Ipauunawa ko sa kanya na ang bawat isa ay may tungkulin na maglinis
d. Ako nalang ang maglilinis

23.Nakita mo ang iyong kaklase na nagtapon ng balat ng kendi sa parke kahit may nakasulat sa karatula na “BAWAL
MAGTAPON NG BASURA DITO.”Ano ang gagawin mo?

a. Ipahuhuli ko siya sa pulis dahil mali ito b. Ipagsasabi ko ang kaniyang ginawa sa iba

c.Magkunwaring di siya kakilala d. sasabihin ko sa kanya na bawal ang magtapon ng basura


24.Napansin mong habang nagsasalita ang inyong lider tungkol sa pangkatang gawain ang ilan sa iyong mga kagrupo
ay hindi nakikinig. Ano ang iyong gagawin?
a. Makikinig ako kahit ayaw nila c. kakalabitin ko sila at senyasan na making
b. Sisigawan ko sila upang tumahimik d. makikisali sa kanilang pinag uusapan
25.Titigil sa pag-aaral ang iyong matalik na kaibigan dahil nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang. Ano
maipapayo mo sa kaniya bilang kaibigan niya?
a. Titigil din ako kasi malulungkot ako kapag wala na siya sa buhay ko
b. Sasabihin ko sa aking mga magulang baka makatulong sila sa kaibigan ko
c. Hindi ko na siya papansinin kahit kalian dahil sa problema niya
d. Kakalimutan ko na lang na nagging kaibigan ko siya
26.Hatinggabi na ngunit malakas paring nagpapatugtog ng radyo ang inyong kapitbahay.Ano ang gagawin mo upang
maitama ito at hindi na makaistorbo sa iba pang tao?
a. Papakiusapan ko ang aming kapitbahay sa malumanay na salita na kung puede bukas nalang ulit.
b. Magpapatugtog din ako sa bahay ng malakas para makita niya na mali ang ginagawa niya
c. Isusumbong ko sila sa kapitan para pagalitan
d. Magtakip nalang ng unan at matulog

II. Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong papel.

_____27. Tutulong ako sa lahat ng pagkakataon.

_____28. Pipiliin ko ang taong dapat tulungan.

_____29.Patutubuan ko ng malaki ang halagang aking naitulong.

_____30. Tutulong ako ng bukal sa aking puso lagi.

_____31.Tutulong ako kung maraming taong nakakakita.

_____32. Tutulong ako kung may kapalit na gantimpala.

_____33.Magbibigay ako ng ng walang pag-aalinlangan sa kapwa.

_____34. Tumulong lamang kung may kapalit lagi.

_____35. Isapuso lagi ang pakikipagtulungan sa kapwa.

____ 36. Nakatutulong sa mga mag-aaral ang pagbabasa at panonod ng mga malalaswang gawain.

___ 37. Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagtitinda ng mga malalaswang panoorin dahil ito ay mali.

____ 38. Isipin lagi ang magiging epekto ng gagawing pagpapasya.

_____39. Hindi dapat lumalahok sa mga kampanya laban sa mga malalaswang panoorin at babasahin.

_____40. Makisiksik ka sa mga mag-aaral na nagsisiksikan palabas ng silid kapag nagkaroon ng sunog sa paaralan.
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

KEY TO CORRECTION

1. B 11. A 21. D 31. MALI


2. C 12. C 22. C 32. MALI
3. A 13. D 23. D 33. TAMA
4. A 14. A 24. C 34. MALI
5. A 15. D 25. B 35. TAMA
6. C 16. C 26. A 36. MALI
7. C 17. A 27. TAMA 37. TAMA
8. B 18. D 28. TAMA 38. TAMA
9. B 19. C 29. MALI 39. MALI
10. C 20. A 30. TAMA 40. MALI

You might also like