You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
GREGORIA DE JESUS ELEMENTARY SCHOOL

TABLE OF SPECIFICATIONS
Third Periodical Test in FILIPINO 5
SY 20223-2024
CLASSIFICATION OF OBJECTIVES
LEARNING COMPETENCY NO. OF HOURS REMEMBERING UNDERSTANDING ANALYZING APPLYING EVALUATING CREATING NO. OF TEST PERCENTAGE
ITEMS
60% 24 items 30% 12 items 10% 4 items
1. Nagagamit ang pang-abay at 2 days/1 hour 35,36 2 6%
pang-uri sa paglalarawan ng kilos. 40 minutes
2. Napagsusunod-sunod ang mga 2 days/1 hour 6,7,8 5 4 10%
pangyayari sa tekstong napakinggan 40 minutes
(kronolohikal na pagsusunod-sunod )
3. Nakabubuo ng mga tanong matapos 2 days/1 hour 14 1 2%
mapakinggan ang isang salaysay 40 minutes
4. Natutukoy ang mahahalagang 2 days/ 13 1 2%
pangyayari sa napanood na pelikula. 1 hour 40
Nakapag-uulat tungkol sa pinanood minutes
5. Nasusuri ang mga tauhan/tagpuan sa 2 days/1 hour 10,11 2 6%
napanood na maikling pelikula 40 minutes
6. Naibabahagi ang isang pangyayaring 2 days/1 hour 12 1 2%
nasaksihan 40 minutes
7. Nakagagawa ng isang timeline batay sa 2 days/1 hour 16 15 2 6%
nabasang kasaysayan 40 minutes
8. Naisasalaysay muli ang napakinggang 2 days/1 hour 9 1 2%
teksto. 40 minutes
9. Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon 2 days/1 hour 17,18 19, 20, 21 5 11%
o katotohanan. 40 minutes
10. Nagagamit nang wasto ang pang- 2 days/1 hour 22,23,24,25 4 10%
angkop sa pakikipagtalastasan. 40 minutes
11. Naibibigay ang mga salitang 2 days/ 26,27,28 29,30 5 11%
magkakasalungat at 1 hour 40
magkakasingkahulugan minutes
12. Nakapagbibigay ng angkop na pamagat 1 day/ 9,10,11,12 4 10%
sa tekstong napakinggan. 50 minutes
13. Nasasabi ang simuno at panaguri sa 1 day/ 1,2 3,4 4 10%
pangungusap 50 minutes
14. Nagagamit ang pangkalahatang 2 days/ 39,40 2 6%
sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa 1 hour 40
isang isyu. minutes
15. Naibibigay ang datos na hinihingi ng 2 days/1 hour 37 38 2 6%
isang form. 40 minutes
TOTAL 28 days 12 12 6 6 2 2 40 100%

Prepared by:

ANNA ROSE L. TAPEL

Teacher III

Checked by:

MARY ROSE B. MENDOZA

Master Teacher I

Noted:

DOMITILLA S. GUTIERREZ PhD

Principal III
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Caloocan City
GREGORIA DE JESUS ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 5
IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

Name: ______________________________________________ Gr./Sec: _______________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

Para sa bilang 1-4: Basahin ang sumusunod na pangungusap at sagutan ang mga tanong.

1. Ang mga guro ay nararapat na igalang at pahalagahan. Ano ang simuno ng pangungusap?
A. pahalagahan B. ang mga guro C. igalang D. nararapat
2. Masayang nakilahok sa paligsahan sina Yuan at Jayden. Ano ang panaguri sa pangungusap?
A. nakisali sa patimpalak C. masayang nakilahok sa paligsahan
B. masayang nakisalo sa patimpalak D. nakilahok sa paligsahan
3. Kilala sa pagiging magiliw tumanggap ng mga bisita ang mga Pilpino. Ano ang simuno sa pangungusap?
A. magiliw tumanggap ng mga bisita C. kilala sa pagiging magiliw
B. ang mga Pilpino D. ng mga bisita
4. Si Ginang Tapel ay nahalal bilang pangulo ng samahan. Ano ang panaguri sa pangungusap?
A. nahalal bilang pangulo ng samahan C. Si Ginang Tapel
B. Si Ginang Dela Cruz D. Samahan

Para sa bilang 5 – 9: Basahin at unawain ang seleksyon. Sagutan ang mga tanong.

Pistang Bayan
Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagustuhan ng mga Pilipino.
Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-
kanilang mga tahanan, naglalagay ng mga palamuti sa mga lansangan at
naghahanda ng mga pagkain.
Sa madaling-araw ng pista naririnig ang ingay ng mga baboy, kambing, itik,
manok, bibe, baka, at iba pang hayop na kinakatay.
Sa araw ng kapistahan, makikita ang matatanda at mga bata na masayang
nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang
pampasaya.
Masaya rin silang pumupunta sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan
upang mamista. Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga
palabas.
Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng mga
pinagkainan at nagkukuwenta ng pinagkagastusan, subali’t makikita mo naman sa
kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan.
(Rosalinda Cabacang, Palanit ES
Isidro II)
5. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng pinagkakaabalahan ng mga Pilipino bago pa dumating ang
pistang bayan?
I. naglalagay ng mga palamuti sa mga lansangan
II. naglilinis ng kani-kanilang mga tahanan
III. naglalaba ng mga mga damit
IV. naghahanda ng mga pagkain
A. I, III, IV B. II, III, IV C. II, I, IV D. IV, II, III
6. Sa araw ng kapistahan, ito ang mga pagkakasunod-sunod na pangyayaring isinasagawa ng mga tao maliban
sa_________.
I. Nanonood ng mga palabas
II. Sumasama sa prusisyon
III. Masayang nagsisimba
IV. Tahimik na natutulog
A. IV B. III C. II D. I
7. Sa gabi ng pista, alin sa mga pangyayari ang ginagawa ng mga Pilipino matapos sumama sa prusisyon?
A. naglilinis ng tahanan C. naglalagay ng dekorasyon
B. kumakain ng mga handa D. nanonood ng mga palabas
8. Batay sa kuwento, alin sa mga pangyayari ang nasa huling bahagi?
A. Naglilinis ng tahanan at nagliligpit ng mga pinagkainan C. Nagkakatay ng hayop
B. Nagbibilang ng mga regalo D. Nakikipagsayawan
9. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?
I. Sumama sa prusisyon
II. Naglilinis ng tahanan
III. Masayang nagsisimba
IV. Naglalagay ng dekorasyon
V. Nagkukuwenta ng pinagkagatusan
VI. Pagkatay ng mga hayop
A. I-II-III-IV-V-VI C. III-II-I-IV-V-VI
B. II-IV-VI-III-I-V D. II-III-I-IV-VI-V

Para sa bilang 10 – 14: Suriin ang mga tauhan/ tagpuan sa buod ng maikling pelikula inilahad.
Sagutin ang kasunod na mga tanong.
Magnifico
Buod ng Pelikula:
Lumaki sa mahirap na pamilya ang batang si Magnifico. Sa murang edad ay tumutulong na siya sa mga
taong nangangailangan. Binibigyang-halaga niya ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pag-aalaga sa may
sakit niyang lola at kapatid na may kapansanan. Isa rin sa problemang kinahaharap ng pamilya ni Magnifico ang
kakulangan sa pera o panggastos sa mga pangangailangan. Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng
kaniyang pamilya tulad ng kaniyang kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na
natanggalan ng iskolarsip.
Isang umaga, nagkaroon ng aksidente sa kaniyang lola. Nahulog ito mula sa itaas ng bahay. May taning na
rin ang buhay ng kaniyang lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kaniyang pamilya gumawa siya ng paraan
upang paghandaan ang magiging burol ng kaniyang lola. Sa tulong ng kaniyang kaibigan ay palihim silang gumawa
ng kabaong at naghanda ng kasuotan isusuot kapag namatay na ang kaniyang lola.
Tunay na mabuting bata si Magnifico. Maliban sa kaniyang kapamilya marami pang natulungan si Magnifico
gaya ng matandang nakatira sa loob ng sementeryo na si Ka Doring na yamot na yamot sa mundo at sina Cristy at
Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagkaayos din sa tulong niya. Ngunit sa kasawiang palad habang siya
patungo sa pagkukuhaan ng wheelchair para sa kaniyang lola, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahagip siya ng
isang sasakyan. Ito ang naging dahilan ng kaniyang maagang pagkamatay. Maraming tao ang nakiramay sa
paglisan ni Magnifico.
Ang paghahandang burol para sa kaniyang lola ay nagamit sa kaniyang sariling pagpanaw. Ang kabutihan ni
Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kaniyang natulungan at nakasama lalong-lalo na ang kaniyang
kapamilya. (Star Cinema Directed by Maryo J. de los Reyes. Written by Michiko Yamamoto)

10. Ano ang ipinakitang pag-uugali ni Magnifico?


A. masipag na mag-aaral
B. maaasahan at malambing
C. matalino at madiskarte sa buhay
D. mapagkalingang bata sa kaniyang kapuwa
11. Suriin ang tauhan na si Magnifico, nararapat ba siyang gawing ehemplo o modelo? Bakit?
A. Opo, sapagkat siya ay matalino at talentadong bata.
B. Hindi po, sapagkat hindi nararapat gawin ito ng isang bata.
C. Hindi po, sapagkat nararapat na ang pag-aaral ang unahin at atupagin ni Magnifico.
D. Opo, sapagkat patunay ang mga naibahagi niyang kabutihan na siyang maaari rin nating gawin.
12. Paano naganap ang kasawian ni Magnifico?
A. Siya ay nabundol ng sasakyan habang hinihintay ang taong magbibigay ng wheelchair.
B. Siya ay tumawid sa kalsada dahil mayroon siyang bibilhin para sa kaniyang lola.
C. Siya ay namamalimos nang mahagip ng isang bus.
D. Siya ay nagtitinda nang mabundol ng sasakyan.
13. Batay sa kuwento, ano ang kalagayan mayroon ang tagpuan?
A. lugar na di dapat kalakihan ng mga bata
B. mayaman ang lugar at puno ng kariwasaan
C. kakikitaan ito ng karangyaan at masayang pamumuhay
D. kakikitaan ito ng kahirapan at lugar na puno ng problema
14. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na kausapin si Magnifico, ano ang nais mong itanong sa kanya?
A. Bakit hindi ka nag-ingat sa pagtawid?
B. Sino ang matalik mong kaibigan?
C. Ano ang paborito mong laruan?
D. Ano ang naramdaman mo sa iyong pagpanaw?

Para sa bilang 15-16: Gumawa ng timeline ayon sa tamang pagkakasunod-sunod batay sa petsa at sagutan
ang mga tanong.

Mga Naging Pangulo sa Pilipinas


Benigno Aquino III – 2010 Gloria Arroyo – 2001 Fidel Ramos - 1992
Rodrigo Duterte – 2016 Joseph Estrada – 1998 Corazon Aquino - 1986
Ramon Magsaysay – 1953 Ferdinand Marcos – 2022 Jose Laurel - 1943
Elpidio Quirino – 1948 Carlos Garcia – 1957 Diosdado Macapagal – 1961

15. Ayon sa timeline na iyong ginawa sino ang pangulo ng Pilipinas ngayon?
A. Rodrigo Duterte C. Joseph Estrada
B. Ferdinand Marcos D. Gloria Arroyo
16. Sino ang pinakaunangnaging pangulo ng Pilipinas batay sa petsa ng timeline na iyong ginawa?
A. Jose Laurel C. Joseph Estrada
B. Ferdinand Marcos D. Gloria Arroyo

Para sa bilang 17-21: Suriin kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan. Isulat ang letrang (A) kung ito ay
Opinyon at letrang (B) kung Katotohanan.

17. Batay sa Kautusang Pangkagawaran blg. 203, “Filipino” ang katagang tumutukoy sa Wikang Pambansa.
18. Sa aking palagay lahat ng kalalakihan ay mas mahusay umawit at sumayaw kaysa sa mga kababaihan.
19. Inihahalal ang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ng boto ng mga mamamayan para sa terminong may
habang anim na taon.
20. Sa tingin ko ay mas gusto ng mga mag-aaral ang asignaturang Science kaysa sa Math.
21. Ayon sa batas ng Magna Carta of Women o Republic Act 9710, ito ay isang komprehensibong karapatang
pantao para sa kababaihan sa Pilipinas.

Para sa bilang 22-25: Punan ng wastong pang-angkop ang patlang upang mabuo ang pangungusap.

22. Pagod ___ pagod si Katrina matapos siyang umakyat panaog sa mataas na gusali.
A. -ng B. -g C. na D. at
23. Ang kaibigan___ maaasahan ay laging handang dumamay kailanman.
A. -g B. -ng C. at D. na
24. Lubos ___ kagalakan ang naramdaman ni Antioco nang matanggap siya sa trabaho.
A. -ng B. na C. -g D. at
25. Mahilig sa mga masusustansiya ___ pagkain si Harlou kaya’t hindi siya sakitin.
A. -g B. -ng C. at D. na

Para sa bilang 26-28: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.

26. Masaya ang pamilyang nagmamahalan at nagtutulungan.


A. maganda B. maligaya C. nagdiriwang D. nagdadalamhati
27. Nang umulan ay ipininid ni Anamae ang bintana.
A. iniwan B. isinara C. pinunasan D. tinakpan
28. Nababagot si Mang Zedrick sa kaniyang hanapbuhay.
A. nagugulat B. naiinip C. naiinis D. nawiwili

Para sa bilang 29-30: Ibigay ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit.

29. Malusog ang anak ni Aling Odette.


A. duwag B. matikas C. matipuno D. sakitin
30. Marami ang nakikiisa sa bagong ipinatupad na ordinansa ng barangay.
A. naghihirap B. nakikilahok C. nakikisama D. tumataliwas

Para sa bilang 31-34: Tukuyin ang angkop na pamagat sa tekstong binasa. Piliin sa ibaba ang letra ng
tamang sagot.

31. Si Calyx ay mahilig sa halaman. Bata pa lamang ay nakahiligan na niyang magtanim. Kumukuha siya ng mga
malalaking galon ng tubig upang gawing recycled na paso. Isang araw ay naisipan niyang magtungo sa kanilang
hardin at saka siya nakaisip ng kakaibang plano, ang paghahalaman. Sa tulong ng kaniyang Ate Mira ay ibinenta nila
ito sa pamamagitan ng “Online Selling”. Mabilis na kumita ang mag-ate. Nakatulong na sa kalikasan, nagdulot pa ng
magandang pagkakakitaan. (bahagi ng akda ni M. Balingit)
Ano ang angkop na pamagat ng talata?
A. Paghahalaman: Hatid ay Magandang Kinabukasan C. May Panlasa Ka pa ba?
B. Ang mga Pangarap ni Yngrid D. Pakikipagsapalaran ni Ben

32. Ang pag-eehersisyo ay mahalaga sapagkat ito ay lubos na makatutulong na panatilihing masigla at gumagana
nang husto ang puso. Sa tulong ng pag-eehersisyo ay magkakaroon ng sapat na oxygen sa buong katawan. Ang
pag-eehersisyo araw-araw o kahit tatlong beses sa isang linggo ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating
resistensya. (bahagi ng akda ni M. Balingit)

Ano ang angkop na pamagat ng talata?


A. Si Hesus at ang Pasko C. Ang Kahalagahan ng Pag-eehersisyo
B. Ang Paghahanda sa Kapistahan D. Mamahaling Sapatos

33. Ang nars ay isang propesyon na nagbibigay-kalinga sa mga indibidwal na may sakit o may karamdaman.
Maliban dito sila rin ay nangangalaga sa mga napinsala. Nagpapakita rin ng sigla at lakas sa mga pasyente kapwa
sa pisikal at emosyunal na pamamaraan. Higit sa lahat ang nars ay bukas palad at handang tumulong sa mga
nangangailangan, mapagsakripisyo, at pinagmumulan ng pag-asa. (bahagi ng akda ni M. Balingit)

Ano ang angkop na pamagat ng talata?


A. Ang Matalinong Nars C. Ang Pagmamahal ng Isang Nars
B. Nars, Isang Propesyong Nagbibigay Kalinga D. Ang Paglalakbay ng Nars

34. Ang mga Kaminero o Metro Aide o Street Sweepers sa ingles ang siyang nagiging daan upang maging malinis
ang mga kalsada natin. Maaga pa lang ay makikita na ang kasipagan ng mga kaminero sa iba’t ibang lugar.
Nagtutulong-tulong ang mga kaminerong ito sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga lansangan upang
maiwasan ang mga basura at kalat sa kapaligiran. (bahagi ng akda ni M. Balingit)

Ano ang angkop na pamagat ng talata?


A. Ang Pito C. Pag-abot sa Pangarap
B. Ang Kaarawan ni Moriel D. Ang Kalinisang hatid Ko sa Inyo

Para sa bilang 35-36. Suriin ang mga pangungusap at sagutin ang mga tanong.

35. Matuling tumakbo ang manlalaro mula sa Caloocan. Ang salitang may salungguhit ay ________.
A. Panghalip B. Pang-uri C. Pandiwa D. Pang-abay
36. Ang buhay ng mag-anak ay maginhawa. Ang salitang may salungguhit ay________.
A. Panghalip B. Pang-uri C. Pandiwa D. Pang-abay

Para sa bilang 37-38: Pag-aralan ang form at sagutin ang mga tanong ukol rito.

37. Alin ang tamang paraan ng pagsulat ng pangalan batay sa form?


A. Kevin M. Badiango C. Dela Cruz, Jayson P.
B. Dela Cruz, Jayson Pastrano D. Kevin Manibo Badiango
38. Anong datos ang dapat ilagay sa petsa ng kapanganakan?
A. Caloocan City B. Oktubre 15, 2002 C. 09205467719 D. Lalaki

Para sa bilang 39 – 40: Tukuyin kung anong sanggunian ang isinasaad sa bawat bilang.

39. Nalalaman/nababasa ang mga nangyayari sa loob at labas ng bansa araw-araw.


A. Encyclopedia B. Pahayagan C. Atlas D. Almanac
40. Nakatutulong upang malaman ang kahulugan, baybay, bigkas, at bahagi ng pananalita ng isang salita.
A. Encyclopedia B. Atlas C. Diksyonaryo D. Almanac
Q3 FILIPINO V

Susi ng Pagwawasto

1. B
2. C
3. B
4. A
5. C
6. A
7. A
8. A
9. B
10. D
11. D
12. A
13. D
14. D
15. B
16. A
17. B
18. A
19. B
20. A
21. B
22. C
23. A
24. B
25. B
26. B
27. B
28. B
29. D
30. D
31. A
32. C
33. B
34. D
35. D
36. B
37. C
38. B
39. B
40. C

You might also like