You are on page 1of 3

Troop Leader: Sctr. Mark Gregory DV.

Baniaga
Senior Patrol Leader (SPL): Sct. Juan Miguel Carag
Assistant Patrol Leader (APL):
Patrol Kabayo : Sct. Jireh P. Lumague
Patrol Buwaya : Sct. Karl Dwayne M. Cruz
Patrol Lobo : Sct. James B. Manio
Patrol Leon : Sct. Jason Clint K. del Rosario
Patrol Tigre : Sct. James Bryan M. Go
Patrol Usa : Sct. Yeance Amber M. Capistrano
Patrol Manok : Sct. Carl James A. Lomibao
Patrol Aso : Sct. Tristan S. Noche
Patrol Agila : Sct. Vixvy Ice A. Ang
Patrol Tamaraw : Sct. John Benedict Punay
Patrol Cheetah : Sct. Tim Benedict de Jesus
Patrol Pagong : Sct. Juan Miguel Carag

Troops Leader: Handa na ba ang mga batang iskawt?


Candidates: Opo, Ginoo!
Troop Leader: Senior Patrol Leader, Sino ang iyong mga kasama?
SPL: (Lalapit sa Troop Leader, sasaludo bilang paggalang)
Mga Batang Iskawt na nagnanais sumali sa Iskawting, Ginoo!

Troop Leader: Papasukin....


SPL: (Haharap sa tipon) “Lakad patakda na! Pasulong ‘kad.... “Liko sa kanan, liko sa kaliwa na!
(Hanggang sa harap ng Troop Leader sa ayos na U-shape o “Horse Shoe”) “Pulutong to!
APL: Ginoo, handa na po ang patikas ng ______________Patrol!

Troop Leader: Kayo ba ay kusang pumarito at nagnanais na sumali sa samahan ng iskawting at


maging mga batang iskawt?
Candidates: Opo, Ginoo!
SPL: “Tikas pahinga na!

Troops Leader: Kayo ngayon ay nakatakdang italaga bilang kasapi ng Caloocan Council Boy
Scouts of the Philippines. Sa seremonyang ito ay madarama ninyo ang kapatiran at tunay na
diwa ng Iskawting. Ang Batas ng samahan ay ang batas ng iskawt. Ito ay sinusunod ng milyong
iskawt sa buong mundo.
Simulan na natin ang pagsindi ng tatlong kandilang sumasagisag sa tatlong pangako at sumpa
ng iskawt.

Puting Kandila (Unit Committee Chairman) (Sctr. Emerlando Arevalo/ Sctr. Harly Joseph S.
Ignacio): Ang puting kandilang ito na aking sinindihan ay sumasagisag sa Unang Sumpa at
Pangako ng Scout – Tumupad sa aking tungkulin sa Diyos at sa bayan, ang Republika ng
Pilipinas.

Bughaw na Kandila (Institutional Head) (Sctr. Dominador C. Angeles): Ang bughaw na


kandilang ito na aking sinindihan ay sumasagisag sa Ikalawang Sumpa ang Scout – Sumunod sa
batas ng Scout at tumutulong sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon.

Pulang kandila (Institutional Coordinator) (Sctr. Ailyn D. Maniczic): Ang pulang kandilang ito
na aking sinisindihan ay sumasagisag sa Ikatlong Sumpa ng Scout – Pamalagiing malakas ang
aking katawan, gising ang isipan at marangal ang asal.

Troop Leader: Ito ang tatlong kandilang nag-aalab ng liwanag ang sumasagisag sa tatlong
sumpa ng scout. Inyo bang nauunawaan ang kahulugan at diwa ng sumpa ng scout?

Candidates: Opo, Ginoo!

Troop Leader: Kung gayon ay dumako na tayo sa pagsisindi ng labindalawang puting kandila na
sumasagisag sa 12 Batas ng Scout.

SPL: “Tindig Paluwag na!


12 Scouts: (Pagsinding 12 kandila at pagbabanggit ng Batas ng Scout)

Troop Leader: Nauunawaan ba ninyo ang Labindalawang Batas ng Boy Scout na sinasagisag ng
Labindalawang Kandila?

Candidates: Opo, Ginoo!

Troop Leader: Ang Scout ay nabubuhay hindi lamang sa pangako, ito ay nag papaliwanag sa
tatlong Gawain.
1. Gawain sa Diyos
2. Gawain sa Bayan, at
3. Gawain sa Kapwa
Bilang batang Scout, dapat lamang na taglayin ninyo ang diwa at ang kahalagahan ng
Panunumpa ng Scout hanggang sa Labindalawang Batas ng Scout (Scout Oath & Law)

SPL: Order: “Kamay sa ayos ng panunumpa na!” (o” Kamay patlang na!)
(Pagbanggit sa Batas at Panunumpa ng Boy Scout)
Order: “Kamay baba na!

Troop Leader: Narinig ninyo ang pangako at Batas ng Scout. Ito ba ay inyong tinatanggap at
maipapangako na gagawin sa abot ng inyong makakaya?

Candidates: Opo, Ginoo!


Troop Leader: Magaling!
Troop Leader: Ngayun, ang oras ng pagsasabit ng alampay o neckerchief ng mga Scout
APLS: “Harap sa kanan, harap sa kaliwa, harap sa likod na!”
Troop Leader: Mga magulang o ninong at ninang, magtungo na po kayo sa inyong mga anak o
inaanak upang sila ay sabitan ng kanilang alampay

SPL: (Pagkatapos masabitan ng alampay ang mga scout) “Harap sa kanan,harap sa kaliwa,harap
sa likod na!”

Troop Leader: Ngayon ay ganap na kayong mga Boy Scouts. Sana lahat ng inyong narinig sa
pagtatalagang ito ay masunod na walang pasubali, habang kayo ay nabubuhay sa Scouting.
Binabati ko kayong lahat at buong puso kayong tinatanggap sa kapatirang Scout sa Pilipinas.

SPL: “Tipon da. Lakad Patakda na. Pasulong Kad”

You might also like