You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Schools Division of Marinduque
ALOBO NATIONAL HIGH SCHOOL
Alobo Santa Cruz, Marinduque

TALAAN NG ESPESIPIKASYON
Unang Lagumang Pagsusulit sa EsP 10

Bilang ng
Araw ng Bilang ng Bilang na
Most Essential Learning Pagtuturo Aytem Bahagdan Kinalalagyan Madali Katamtaman Mahirap
Competencies
1.1 Natutukoy ang mataas na gamit
at tunguhin ng isip at kilos-loob 1-4 4 1,3 2
4 6.25%
1
1.2 Nakikilala ang kanyang mga
kahinaan sa
pagpapasya at nakagagawa ng mga 6.25%
4 5-8 6,8 5,7
kongkretong hakbang upamg 1
malagpasan ang mga ito

1.3 Napatutunayan na ang isip at


kilos-loob ay ginagamit para lamang 3 9-11
sa paghahanap ng 6.25% 9,10,11
katotohanan at sa 1
paglilingkod/pagmamahal

1.4 Nakagagawa ng mga angkop na


kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang 6.25%
4 12-15 13,14,15 12
katotohanan at maglingkod at 1
magmahal

2.1 Natutukoy ang mga prinsipyo ng 4 16-19


Likas na Batas Moral 6.25% 16,17,18,
1 19

2.2 Nakapagsusuri ng mga pasiyang


ginagawa sa arawaraw batay sa 6.25%
3 20-22 21,22 20
paghusga ng konsiyensiya 1

2.3 Napatutunayan na ang


konsiyensiyang nahubog batay sa 3 23-25
Likas na Batas Moral ay nagsisilbing 6.25% 23,25 24
gabay sa tamang pagpapasiya at
pagkilos 1

2.4 Nakagagawa ng angkop na kilos


upang itama ang mga maling 6.25%
4 26-29 26,28,29 27
pasyang ginawa 1

3.1 Naipaliliwanag ang tunay na 3 30-32


kahulugan ng kalayaan 6.25% 30,31,32
1
3.2 Natutukoy ang mga pasya at
kilos na tumutugon sa tunay na 6.25% 33,34,35,
4 33-36
gamit ng kalayaan 1 36

3.3 Napatutunayan na ang tunay na


kalayaan ay ang kakayahang 1 4 37-40
tumugon sa tawag ng pagmamahal 6.25% 38,39,40 37
at paglilingkod

3.4 Nakagagawa ng angkop na kilos


upang maisabuhay ang paggamit ng
tunay na kalayaan: tumugon sa 6.25%
4 41-44 41,42 43 44
tawag ng pagmamahal at 1
paglilingkod

4.1 Nakapagpapaliwanag ng 4
kahulugan ng dignidad ng tao 6.25% 45-48
46,47,48 45
1
4.2 Nakapagsusuri kung bakit ang
kahirapan ay paglabag sa dignidad
ng mga mahihirap at indigenous 4 6.25% 49-52 50,51,52 49
groups 1

4.3 Naipatutunayan na nakabatay


ang dignidad ng tao sa kanyang 4
53-56
pagkabukod-tangi (hindi siya
nauulit sa kasaysayan) at sa 6.25% 53,55,56 54
pagkakawangis niya sa Diyos (may 1
isip at kalooban)

4.4 Nakagagawa ng mga angkop na


kilos upang maipakita sa kapwang
itinuturing na mababa ang sarili na
6.25% 57,58,59,
siya ay bukod-tangi dahil sa 4 57-60
60
kanyang taglay na dignidad bilang 1
tao

TOTAL 16 60 100% 60 42 12 6

Inihanda ni:

JULIE ANN P. OPIZ


SST -I
Republic of the Philippines
Department of Education
Schools Division of Marinduque
ALOBO NATIONAL HIGH SCHOOL

PAUNANG LAGUMANG PAGSUSULIT SA EsP 10

Pangalan:________________________________________________Iskor:_____________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
sa patlang bago ang bilang.
_____ 1.“Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na
Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan?
a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
b. Kamukha ng tao ang Diyos.
c. Kapareho ng tao ang Diyos.
d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
_____ 2. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon, paghuhusga
at pagpapasiya.
b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang
nauunawaan.
c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga particular na mga bagay.
d. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
_____ 3. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama.
a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin
_____ 4. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang pinili
a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin
_____ 5. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa
katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang kilos-loob.
a. isip b. kilos-loob c. emosyon d. karunungan
_____ 6. Ito ang kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito.
a. imahinasyon b. instinct c. isip d.kamalayan
_____ 7. Kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
a. instinct c. panloob na pandama
b. memorya d. panlabas na pandama
_____8. Ito ay kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng
kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
a. mag-isip c. maghusga
b. makaunawa d. mangatwiran
Para sa bilang 9 at 10
Si Arvin ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging
maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito.
_____ 9. Bakit kaya ni Arvin na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin?
a. ang tao ay may kamalayan sa sarili.
b. malaya ang taong pumili o hindi pumili.
c. may kakayahan ang taong mangatwiran.
d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon.
_____ 10. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito?
a. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang iban makapagdidikta sa kaniya
ng kailangan niyang gawin.
b. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit
nito sa tamang direksiyon.
c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan
ang pagkakasakit.
d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay
natatangi.
Para sa bilang 11 at 12
Nagkaroon ng pagsusulit si Andrie. Noong una, nag-iisip siya kung mangongopya
sa pagsusulit o hindi. Napagpasiyahan niyang hindi na mangopya. Napagtanto niyang walang
kasiyahan sa hindi pinagpagurang tagumpay. Mahalaga ang pagkakaroon ng prinsipyo sa pag-abot
ng tagumpay.
_____ 11. Ano ang pinatunayan ni Andrie sa sitwasyon ito?
a. ang tao ay may kakayahang pumili ng nais niyang gawin.
b. nakagagawa ang tao ng angkop sa kaniyang pagkatao.
c. ang tao ay may kakayahang alamin ang katotohanan sa bawat sitwasyon.
d. may pag-unawa ang tao sa direksiyon ng kaniyang kilos.
_____ 12. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob ng tao sa sitwasyong ito?
a. natutukoy ng tao ang gamit at tunguhin ng kaniyang isip at kilos-loob sa angkop na
sitwasyon.
b. may kakayahaan ang tao na suriin kung ginamit niya nang tama ang kaniyang isip at
kilos-loob.
c. ang isip at kilos-loob ay ginagamit ng tao sa paghahanap ng katotohanan at sa
paglilingkod/pagmamahal.
d. may kakayahan ang tao na makagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang
kakayahang mahanap ang katotohanan, maglingkod, at magmahal.
_____13. Ito ay tawag kapag tumugon ang tao sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon.
A. Pagmamahal c. hustisya
B. Paglilingkod d. respeto
_____ 14. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang
mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito
ng tawag (calling) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito?
a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo.
b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa.
c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip.
d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob.
_____ 15. Alin sa mga sumusunod ang tamang pahayag?
a. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba
sapagkat parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
b. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.
c. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at panlasa.
d. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-
uunawa.
_____ 16. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmangan na di madadaig?
a. Pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing
sa masama
b. Pagbibigay ng limos sa mga bata sa kalye dahil sa awa ngunit ipinambili lamang ng
rugby
c. Pagpapainom ng gamot sa kapatid na may sakit kahit di-tiyak kung makabubuti ito
d. Pagtawid sa maling tawiran dahil walang paalala o babala na bawal tumawid
_____ 17. Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ang ibig sabihin nito ay:
a. Bahala ang tao sa kanyang kilos
b. Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos
c. Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos
d. Makabubuti sa tao na kumilos nang tama
_____ 18. Maituturing na masama ang magsinungaling. Anong prinsipyo ng Likas na Batas
moral ang batayan nito?
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang
buhay
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papagaralin ang mga
anak
c. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan
d. Wala sa nabanggit
_____ 19. Hindi lamang masamang kitilin ang sariling buhay kundi masama ring kitilin ang
buhay ng kaniyang kapuwa. Anong prinsipyo ng Likas na Batas moral ang batayan nito?
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang
buhay
b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparami ng uri at papagaralin ang mga
anak
c. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahilingan ang tao na alamin ang
katotohanan at mabuhay sa lipunan.
d. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
______20.Ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghusga ng mabuti o masama. Ngunit ito pa
rin ay ang subhektibo, personal, agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya mas mataas na
pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakmataas na batayan ng kilos?
a. Ang Sampung Utos ng Diyos
b. Likas na Batas Moral
c.Matas ng Diyos
d. Batas Positibo
_____ 21. Ito ay tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan
tayong mamili kung ano ang dapat gawin.
a. Problema b. Krisis c. Pagsubok d. kahinaan
_____ 22. Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?
a. Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao
b. Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao
c. Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian
d. Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman
_____ 23. Ang konsensiya ay bumubulong na wari’y sinasabi sa atin, “Ito ang mabuti, ang dapat
mong gawin”, “Ito ay masama ang hindi mo dapat gawin”. Anong yugto ng konsensiya ang
kinapapalooban nito?
a. Alamin at naisin ang mabuti
b. Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon
c. Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos
d. Pagsusuri ng Sarili/Pagninilay
_____ 24. Kailan masasabi na ang paghusga ng konsensiya ay tama?
a. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na
kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisasakatuparan nang walang
pagkakamali.
b. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung walang taong nasaktan dahil sa desisyong
ginawa.
c. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung hindi kailangang pagisipan ng maayos ang
mga pasiyang kailangang gawin.
d. Ang paghusga ng konsensiya ay tama kung mas maraming tao ang nakinabang sa
kinalabasan ng kilos.
_____ 25. Bakit ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain?
a. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nakikibahagi siya
sa karunungan at kabutihan ng Diyos.
b. Ibinigay sa tao ang Likas na Batas Moral noong siya ay likhain dahil nilikha siya ng
Diyos ayon sa kanyang wangis.
c. Dahil tao lang ang may isip at kilos-loob
d. Dahil tao lang ang may kakayahang gumawa ng tama.
_____ 26. Alin sa mga sumusunod ang unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral?
a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahilingan ang taong pangalagaan ang kaniyang
buhay
b. Gawin ang mabuti, iwasan ang masama
c. Kasama ang hayop, likas sa tao ang pagpaparami
d.. May likas na kahilingan ang tao na alamin ang katotohanan.
_____ 27. Bakit mahalaga ang tamang paghubog ng konsensiya?
a. Mahalaga ito upang maging ganap na tao
b. Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan
c. Mahalaga ito upang hindi makagawa ng masama
d. Nakatulong ito sa pagpapakatao ng tao.
_____ 28. Ano ang ibinigay sa tao noong siya ay likhain?
a. Damit b. Pangalan c. Likas na Batas Moral d. Puso
_____ 29. Alin sa mga sumusunod ang nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasya at pagkilos?
a. Batas
b. Mga pagtuturo ng magulang tungkol sa tama o mali.
c. Konsensiyang nahubog sa Batas-Moral
d. Mga batas ng mga may awtoridad
_____ 30. Ito ay ang pagkilos sa sariling kagustuhan.
a. Kalayaan mula sa
b. Kalayaan para sa
c. Kalayaan kaugnay ng malayang kilos-loob
d. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan
_____ 31. Ang pagkilos ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
a. Kalayaan mula sa
b. Kalayaan para sa
c. Kalayaan kaugnay ng malayang kilos-loob
d. Kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan
_____ 32. Aspekto ng kalayaan na nagpapakita ng kawalan ng hadlang
ng isang tao sa pagkamit ng anumang naisin.
a. Kalayaan mula sa c. Malayang pagpili
b. Kalayaan para sa d. Angkop na pagpipilian
_____ 33. Aspekto ng kalayaan na inuuna ang kapakanan ng iba bago
ang sariling kapakanan.
a. Kalayaan mula sa c. Malayang pagpili
b. Kalayaan para sa d. Angkop na pagpipilian
_____ 34. Uri ng kalayaan na ang pagpili sa kung ano ang alam ng taong
makabubuti sa kaniya.
a. Free will c. Parallel freedom
b. Horizontal freedom d. Vertical freedom
_____ 35. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng kalayaan?
a. Hindi sumamang magtanan si Mariel kahit na mahal na mahal niya ang kasintahan.
b. Alam mong pwedeng ulitin ang isang asignatura sa darating na pasukan kaya hindi ka
na pumasok pagkatapos ng ikatlong pagsusulit
c. Pinagsabihan mo ng masasakit na salita ang iyong kaibigan dahil sa sobrang galit.
d. Ang pagsigaw at paghalakhak ng malakas habang nanonood sa isang pagtanghal ay
pagpapakitang maganda ang pinanonood
_____ 36. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapahayg ng katotohanan maliban sa isa
a. Ang pagsasabi ng katotohanan ay nagpapasaya sa damdamin.
b. Magsuot ng damit na nakikita ang pusod dahil uso ngayon.
c. Bilang isang miyembro ng isang samahan sa iyong paaralan, sumama kang pumunta sa
iyong pungguro upang magsumbong na hindi naglilinis ang ibang mag-aaral kung eskedyul nila.
d. Kapatid ng nanay mo ang kahera ng paaralan, pumipila ka upang magbayad.
_____ 37. Pagganap o paggawa ng isang trabaho na nagbibigay ng kasiyahan.
a. sapilitang paggawa b. kusang-loob c. kabayaran d. altruismo
_____38. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
a. kilos-loob c. pagmamahal
b. konsensya d. responsibilidad
_____ 39. Alin sa aytem sa ibaba ang hindi naaangkop na gawain sa pagtugon ng tunay na
kalayaan?
a. Kusang-loob b. Makasarili c. Pagmamahal d. Responsibilidad
______ 40. Bilang mag-aaral, ano ang kailangang mong gawin upang makamit ang tunay na
kalayaan?
a. Magpasa ng batas sa kongreso.
b. Manahimik at maglathala ng mga storya ng naging biktima ng pang aapi sa social
media.
c. Gumawa ng plakard at magwelga sa kalsada o sa labas ng gate ng paaralan.
d. Makipag-usap sa kaukulang tao at magbigay ng suhestiyon o panukala tungkol sa isyo.
______ 41. Lahat na naibigay ay mabuting dulot ng pagsasabuhay ng tunay na kalayaan maliban
sa isa.
a. Nagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan sa damdamin, loob ng pamilya at sa
pamayanan.
b. Nagkakaroon ng pagkitil ng sariling kahusayan sa paggawa at pagbibigat tulong sa
kapwa tao.
c. Nagkakaroon ng katibayan ng pagsasama, kapatiran at pagtulong sa kapwa.
d. Nagkakaroon ng malayang pagpili, pagbibigay ng sariling pananaw sa mga isyu na
nararasan sa ating komunidad.
______ 42. Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
a. Kalayaang pumili c Pagkamit ng hustisya
b. Karapatang bumili at magtinda d. Responsibilad at pagsilbi
______ 43. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita na ang tunay na kalayaan ay pagtugon nang
may pagmamahal at paglilingkod?
a. Nagagawa ni Asuncion ang bumili ng mga kagamitan na sunod sa uso.
b. Malakas ang loob ni Agustin kaya lahat ng ayaw niya ay nasasabi niya ng walang
kasinungalingan.
c. Kadakilaan sa kalooban ni Ginang Teresa Diamante ang magbigay ng ayuda sa mga
bahay ampunan kahit kaunti.
d. Matamlay si Corason na sumama sa kanyang nanay sa lugar ng mga bakwit dahil may
lakad sila ng kanyang kaibigan.
_______44.Ano angtinutukoy na mabuti?
a. ang pagkakaroon ng kalayaan
B. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
C. Ang kakayahan ng taong pumuli ng mabuti
D. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan
______45.Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a.pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b.ibigay ang bahagi ang sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c.maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal
at pagpapahalaga.
Para sa bilang 46,47 at 48
Piliin sa loob ng kahon ang uri ng dignidad na tinutukoy sa bawat bilang.
a.Ancient Stoic Tradition b. Ang Dignidad ng Tao ayon sa Western Philosophy c. Ang Human Dignity Ayon sa Relihiyon
______46. Nag-uugat nag dignidad ng tao ayon sa pagkakakilala sa kaniya na kalarawan at
kawangis ng Diyos.
______47. Taglay ng tao ang katuwiran at kakayahang maunawaan ang santinakpan at ayusin
ang sarili.
______48.Ang dignidad ng tao ay nakabatay sa kaniyang nagawa sa buhay.
______49. Para maiangat ang dignidad ng lahat ng tao, dapat tumulong ang
lipunan dahil dito nagsisimula. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa pagkakapantay-pantay ng
lahat ng tao.
b. Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkikilala sa
karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
c. Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
d. Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na mas
mataas ang katungkulan sa pamahalaan.
_____ 50. Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
a. Kapag siya ay naging masamang tao.
b. Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao.
c. Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
d. Wala sa nabanggit
_____ 51. Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
a. Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
b. Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa upang laging makuha ang paggalang ng
kapwa.
c. Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan upang maging karapat-dapat
sa kanilang pagkilala
d. Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian maayroon kundi sa
karangalan bilang tao.
_____ 52. Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad ng tao?
a. Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
b. Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
c. Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang pag-
aalinlangan.
d. Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi makasasakit o
makakasama sa ibang tao.
_____ 53. Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang
dignidad bilang tao?
a. Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
b. Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya upang may magaruga sa kanya.
c. Humanap ng isang instituyon na maaaring kumalinga sa kanya at mabigyan siya ng
disenteng buhay.
d. Lapitan siya at kausapin sa araw-araw upang maitaas ang kanyang konsepto sa
kanyang sarili.
______ 54. Alin sa mga sumusunod ang maling pahayag ukol sa dignidad?
a. Nagsisimula sa pagrespeto ang pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao.
b. Ang pagpintas sa kulay ng balat ng isang tao ay hindi isang diskriminasyon.
c. Ang lipunan ay isang moral na institusyong binuo ng Diyos upang
pangalagaan ang karangalan at dignidad ng tao.
d. Patuloy ang pagkaranas ng di makatarungang pang-aabuso kung hindi marunong
rumespeto ang mga tao.
_____ 55. Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad maliban
sa:
a. Respetohin ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Isa-isip ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
c. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa iyo.
______ 56. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
a. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
b. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
c. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga ito.
d. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang pagmamahal at
pagpapahalaga
_____ 57. Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
a. Isang negosyante na nagbibigay ng malaking pera bilang puhunan ng isang empleyado
na tumatanda na
b. Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan ng kanyang tulong
c. Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa pamahalaan.
d. Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng kapwa.
_____ 58. Ang mga pahayag ay mga obligasyon ng bawat tao upang mapangalagaan ang
dignidad maliban sa isa?
a. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
b. Gamitin ang kapwa para sa kapakinabangan ng sarili.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais gawin nilang pakikitungo sa iyo.
_____ 59. Ang mga sumusunod ay mga hakbangin tungo sa panghabambuhay na
proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan maliban sa isa?
a. Pagtanggap sa anumang puna ng ibang tao.
b. Pagtanggap sa sariling limitasyon.
c. Pagtawag sa isang moral na tagapayo.
d. Pagsasabuhay ng panghabambuhay na paninindigan sa kabutihan.
_____ 60. Ang sumusunod na pahayag ay totoo maliban sa isa
a. Dahil sa dignidad, naiiba at natatanging nilikha ng Diyos.
b. Ang kapwa ay dapat gamitin para sa sariling kapakinabangan.
c. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
d. Lahat ng tao anuman ang katayuan ay nararapat na igalang.
Susi sa Pagwawasto

1. A 31. D
2. B 32. A
3. A 33. B
4. B 34. B
5. D 35. A
6. A 36. B
7. B 37. B
8. B 38. D
9. A 39. B
10. B 40. D
11. C 41. B
12. D 42. D
13. C 43. C
14. B 44. D
15. B 45. C
16. D 46. C
17. D 47. A
18. C 48. B
19. A 49. C
20. B 50. B
21. B 51. D
22. C 52.D
23. B 53. A
24. A 54. B
25. A 55. D
26. B 56. C
27. B 57. A
28. C 58. B
29. C 59. A
30. C 60. B

You might also like