You are on page 1of 6

ESP 10/​Paksa:​ ​Ang Mataas na Tunguhin ng Isip at Kilos-loob

UNANG MARKAHAN - IKALAWANG LINGGO


Kasanayang Pampagkatuto:​ ​1.3 at 1.4 ​Code:​ E
​ SP10MP-Ia-1.3 at ESP10MP-Ia-1.4

Isip at Kilos-Loob: Ginagamit sa Paghahanap ng Katotohanan


at Pagmamahal / Paglilingkod
Panuto:​Basahin at unawain ang bawat gawain bago ito sagutan sa inilaang

sagutang papel.

SIMULAN NATIN:
Panimula
“27 ​Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang
nilalang na isang lalaki at isang babae, Genesis 1:27”. ​Ang kasulatang ito ay nagpapakita
na ikaw bilang isang tao ay natatangi sa lahat ng mga nilikhang may buhay ng Diyos
sapagkat ikaw ay nilalang ayon sa kanyang wangis o larawan. Kung iyong babalikan, sa
nakaraang aralin ay itinanim sa iyong puso`t isipan na ikaw ay espesyal, walang katulad
at nagtataglay ng katangian na nagpapabukod tangi sa lahat. Ito ay ang katangiang
mag-isip, pumili, at magpasya.

Sa modyul na ito ay ating palalawakin ang mga katangiang namumukod tangi


lamang sa mga tao upang suriin at gamiting pundasyon sa pagbibigay linaw sa hamon ng
pagpapakatao. Mahalagang hubugin natin ang mga ito sapagkat ito ay magsisilbing
gabay upang makamtan ang tunguhin at misyon sa buhay.

Layunin:
1. Natutukoy na ang mataas na tunguhin ng isip at kilos-loob ay ang paghahanap ng

katotohanan, pagmamahal at paglilingkod.

2. Napahahalagahan ang wastong paggamit ng isip at kilos-loob bilang batayan sa

pagpapakatao.

3. Naitatala ang mga wastong kilos na nagpapakita na ang tao ay may kakayahang

mahanap ang katotohanan, maglingkod at magmahal.

1
Kasanayang Pampagkatuto ​(Most Essential Learning Competencies)

1.3​ Napatutunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng

katotohanan at sa paglilingkod/pagmamahal

1.4​ Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang

katotohanan at maglingkod

ALALAHANIN NATIN:

Natatandaan mo pa ba ang mga konsepto o ideyang may kaugnayan sa nakaraang

aralin? Isulat ang tatlo sa mga obra na makikita sa ibaba na likha ng Diyos.

Pagsunud-sunurin ang iyong sagot gamit ang ​place podium ​na makikita sa gawing kanan sa

ibaba.

Batay sa iyong naging sagot, alin kaya sa tatlo ang mas nakahihigit o nakatataas?

Ipaliwanag ang iyong sagot.

2
UNAWAIN NATIN:

Maaari mo bang tulungan ang isip at kilos-loob na makarating sa kanilang wastong

tunguhin? Gamit ang iyong panulat ay sagutan ang ​puzzle​ na makikita sa ibaba.

4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.

1. Ano ang iyong natuklasan matapos sagutan ang gawain?

2. Bakit mahalagang malaman mo ang mataas na tunguhin ng isip at kilos-loob?

3. Paano makatutulong ang tunguhin ng isip at kilos-loob para maging makatao ang

kilos ng isang indibidwal?

​GAWIN NATIN:

Ipahayag ang iyong tugon o reaksyon sa mga sumusunod na pangyayari na

naglalarawan ng katangian ng taong may kakayahang makapag-isip at makagawa ng

kabutihan sa mga sitwasyong naganap sa buhay mag-aaral. Isulat ang iyong opinyon sa

speech bubble​ na makikita sa ibaba. Punan ito sa sagutang papel.

Sitwasyon 1. ​Ang matalik na kaibigan ni Luis na si Isko ay humiling na pakopyahin siya sa

gagawing pagsusulit sapagkat kapag siya ay bumagsak ay hindi niya makukuha ang

pabuya​ ​na bagong ​cellphone n


​ a ipinangako ng kanyang magulang.

3
Sitwasyon 2. ​Nalaman ni Miriam na may ikinakalat na mga maling impormasyon ang

mga kaklasepatungkol sa kanya. Pinayuhan sya ng kanyang kapatid na gamitin ang

social media ​para maipahayag ang saloobin upang gumaan ang pakiramdam.

SURIIN NATIN:

Basahin at suriin ang parabula mula sa Bibliya. Pagkatapos ay sagutin ang mga

tanong kasunod nito. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

Ang Mabuting Samaritano


Isang araw ay may taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico.
Hinarang siya ng mga tulisan. Hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na.
May isang pari na napadaan sa lugar ngunit sa halip na tulungan ay lumihis siya ng
daan at nagpatuloy lamang sa paglalakad na parang walang nakita. ​Ganun din ang ginawa
ng isang Levita na nakakita sa bugbog saradong katawan ng lalaki.
Nagkataon namang napadaan ang isang lalaking Samaritano na naglalakbay at nang
makita ang lalaki ay agad niya itong tinulungan. Siya’y naawa dito, binuhusan at nilinis ang
sugat saka binendahan.
Pagkaraan ay isinakay niya ang lalaki sa kanyang
asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan siya
doon. Bago umalis kinabukasa ay nag-iwan pa siya ng
dalawang salaping pilak ang namamahala ng
bahay-panuluyan at nagbilin na alagaan niya muna ang lalaki
at kung sakaling may magastos pa siya na higit sa iniwan
niyang pera ay babayaran na lamang niya ito sa kanyang

muling pagbabalik.

4
Mga Tanong:

1. Sino sa tatlong tauhan ang nagpakita ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob?

2. Paano ipinakita ng mga sumusunod na tauhan ang kanilang taglay na isip at kilos- loob?

a. Pari

b. Levita

c. Samaritano

TAYAHIN NATIN:

Isulat ang tsek ​(​✔​) kung nagpapakita ng wastong paggamit ng isip at kilos-loob

bilang batayan sa wastong pag kilos at ekis (x) naman kung hindi. Ilagay ang sagot sa

sagutang papel.

​ gunit mahaba ang


1. Nagmamadaling makabayad ng pinamili si Rachel sa ​grocery store n
pila dahil sa ​social distancing at maraming namimili nang maramihan dahil sa
pandemya. Nang nakita niya ang kaniyang kapitbahay sa pila sa kahera ay sinabihan
niya na isingit na lamang siya sa pila.
2. Alam ni Kim na maaaring magalit ang mga kaklase kapag isinumbong niya ang mga ito
tungkol sa patago nilang pagsusugal sa ​group chat room ngunit naglakas loob pa rin
siya na sabihin ito sa kanilang guro sa pamamgitan ng ​text​.
3. Napangiti ka ng maaala mo noong nakaraang taon na ikaw ay nagmamadali sa
pag-uwi dahil kaarawan ng iyong ina, nang may humintong jeep sa iyong harapan
ngunit nakita mo ang iyong guro na nag-aabang ng masasakyan kaya pinili mo siya ay
paunahin sa pagsakay at mag-aabang na lang ng susunod na sasakyan.
4. Napanuod ni Lotty sa isang programa sa telebisyon na ang maliit na piraso ng basura
ay makapagdudulot ng pinsala sa kalikasan ngunit sa pagmamadaling makasakay ng
jeep ay inihagis niya ang supot ng kanyang pinagkainan sa tabing kalsada.
5. Pinaalalahanan si Ryan ng kanyang ina na huwag magbabad sa paglalaro ng ​online
games dahil mayroon siyang proyekto na kailangang ​tapusin para maipasa
kinabukasan. Si Ryan ay sumunod naman agad sa kanyang ina.

5
​BUUIN NATIN:

Sa araling ito ay iyong napatunayan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit upang

mahanap ang katotohanan, magmahal at maglingkod. Bilang isang indibidwal na taglay ang

mga katangiang ito, pagnilayan kung ito ba ay iyong naisasabuhay. Itala sa loob ng kahon

ang iyong mga naging kilos ngayong panahon ng pandemya upang maipakita ang

kakayahang mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.

SANGGUNIAN:

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (Amarillas, et. al)

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul Para sa Mag-aaral

Pinagkunan ng larawan Clipartstation.com

Clipart art.com Clipart-library.com Vectorstock.com

Webstock review.net Clipartlook.com pluspng.com

Netclipart.com Thespruce.com http://ubdavid.org

You might also like