You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
TABLE OF SPECIFICATION
Second Quarter Examination in Grade 10

Learning Competency/Topic No. Of % of No. Cognitive Process Item


Days Teachin Of Dimensions Placement
Taugh g Time Item
t s
Modyul 5:
Ang Pagkukusa ng
Makataong Kilos at mga 25%
Salik na Nakakaapekto sa
4 R U A A E C
Pananagutan ng Tao sa
Kahihinatnan ng Kilos at
Pasya

1. Nakikilala
a. na may pagkukusa sa
makataong kilos kung
nagmumula ito sa malayang 6% 4 1, 3, 4. 6
1 4
pagsasagawa ng kilos loob sa
pamamatnubay ng isip
(EsP10MK-IIa- 5.1)

2. Nakapagsusuri ng:
a. mga kilos na may
pananagutan
b. mga sitwasyong 6% 4 2 2 8,10,12,14
nakakaapekto sa pagkukusa 1
sa kilos dahil sa
kamangmangan, masidhing
damdamin, takot, karahasan,
at gawi (EsP10MK-IIa- 5.2)
3. Napatutunayan na:
a. ang makataong kilos ay
sinadya (deliberate) at niloob
gamit ang isip kaya 7% 3 3 2, 5, 7
pananagutan niya ang 1
kahihinatnan ito (kabutihan o
kasamaan) (EsP10MK-IIa-
5.3)

4.Nakapagsusuri ng 1
a. sariling kilos na dapat
panagutan at nakagagawa ng
paraan upang maging
mapanagutan sa pagkilos 4 1 2 1 9,11,13,15
6%
b. sarili batay sa mga salik
nanakakaapekto sa
pananagutan ng tao sa
kahihinatnan ng kilos at pasya
at nakagagawa ng mga
hakbang upang mahubog ang
kanyang kakayahan sa
pagpapasya ng tama at mabuti
(EsP10MK-IIa- 5.4)

MODULE 6: Ang Layunin,


Paraan, Sirkumstansya, at
Kahihinatnan ng Kilos
1. Naipaliliwanag ang
layunin, paraan,
sirkumstansya, at 1 60 4 1 3 16, 20, 21, 28
kahihinatnan ng
makataong kilos.
2. Nakapagsusuri ng
kabutihan o kasamaan
ng sariling pasya o kilos
sa isang sitwasyon batay 1 60 4 2 2 18, 26, 27, 29
sa layunin, paraan,
sirkumstansya, at
kahihinatnan nito.
3. Napapatunayan na ang
layunin, paraan at
sirkumstansya at
kahihinatnan ng kilos ay 1 60 4 1 1 1 1 17, 19, 25, 30
nagtatakda ng
pagkamabuti o
pagkamasama nito.
4. Nakapagtataya ng
kabutihan o kasamaan
ng pasya o kilos sa isang
sitwasyon na may
1 60 3 2 1 22, 23, 24
suliranin (dilemma)
batay sa layunin, paraan
at sirkumstansya at
kahihinatnan nito.
MODULE 7
Ang Kabutihan o 4 25% 15
Kasamaan ng Kilos
Ayon sa Paninindigan,
Gintong Aral at
Pagpapahalaga
1. Natutukoy ang 1 4 4 1 1 2,6,12,13,14,1
batayan ng 5
paghusga sa
kabutihan o
kasamaan ng
kilos ayon sa
paninindigan,
gintong aral, at
mataas na
pagpapahalaga
2. Nakapagsusuri 1 4 1 1 1,4
kung paano
paiiralin ang mas
mataas na
pahpapahalaga
sa isang
sitwasyon na may
conflict
3. Naipaliliwanag 1 3 2 10,11
ang Batayang
Konsepto ng
aralin
4. Naitatama ang 1 4 3 2 3,5,7,8,9,
isang maling kilos
sa pamamagitan
ng paggawa ng
mga tiyak na
hakbang gamit
ang paninindigan,
gintong aral, at
mas mataas na
pagpapaliwanag
Modyul 8: Mga Yugto ng
Makataong Kilos at mga
Hakbang sa Moral na
Pagpapasiya

1. Naipaliliwanag ang bawat 1 7% 4 1 1 1 1 1, 2,3,4


yugto ng makataong kilos at
mga hakbang sa moral na
pagpapasiya;
2. Natutukoy ang mga kilos at 1 7% 4 1 1 1 1 5,6,7,8
pasiyang nagawa na umaayon
sa bawat yugto ng makataong
kilos;
3. Naipaliliwanag ang 1 7% 4 2 1 1 9,10,11,12
Batayang Konsepto;
4. Nakapagsusuri ng sariling 1 6% 3 1 1 1 13,14,15
mga kilos at pasiya batay sa
mga yugto ng makataong
kilos at nakagagawa ng plano
upang maitama ang mga kilos
o pasiya.

TOTAL
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A (CALABARZON)
Division of Cavite

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ESP G10

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na
sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa sagutang papel.

1. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang
mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang ________
niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama.

A. Isip B. Kalayaan C. Kilos-loob D. Dignidad

2. Masipag at mabuting anak si Lyn. Maraming tao ang nagpapatunay na siya ay


mabuting anak dahil sa mga positibong katangian na ipinapakita niya. Dahil dito,
napansin ng mga iba niyang kapatid na siya ay paborito ng kanyang mga magulang.
May pananagutan ba si Lyn kung bakit nasa kanya ang paghanga ng mga magulang
at ibang tao?

A. Oo, dahil siya lamang kinakitaan ng mga positibong pag-uugali.

B. Oo, dahil ang hindi niya binibigyan ng pagkakataon ang ibang kapatid na
patunayan ang kanilang sarili.

C. Wala dahil ginawa lamang niya ang alam niyang tama at tungkulin bilang isang
anak.

D. Wala, dahil talagang may kompetisyon sa pagitan nilang magkakapatid.

3. Ayon kay Agapay, dito nakasalalay sa mga ginagawa niya ngayon at gagawin pa sa
mga nalalabing araw ng kanyang buhay.

A. Kilos B. Isip C. Paninindigan D. Sarili

4. Ang kilos ng tao (act of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o
ayon sa kanyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Alin
sa mga sumusunod na pangungusap ang maituturing na act of man?

A. Pagkurap ng mata C. Pagsama sa barkada

B. Pagbabasa ng aralin D. Paggamit ng cellphone


5. Si Ana ay patungo sa canteen upang bumili ng pagkain nang sa kanyang paglalakad
ay narinig niya ang kwentuhan ng kanyang mga kaklase tungkol sa maagang pag-
aasawa ng isa nilang kamag- aral. Hindi niya sinasadya na marinig ito at magkaroon
ng kaalaman tungkol dito kaya nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa canteen.
Paano ipinakita ni Ana ang makataong kilos?

A. Hindi niya inintindi ang tsismis na kanyang narinig at hindi ito tumimo sa
kanyang isipin. Mas pinili niyang hindi tumugon sa kanyang narinig.

B. Nakinig siya sa kuwentuhan ng kanyang kaklase.

C. Nagtungo siya sa canteen ng hindi sinasadya ay narinig niya ang kwentuhan ng


kanyang mga kaklase.

D. Nagbigay sya ng kanyang opinion tungkol sa kwentong narinig.

6. Ito ay tumutukoy sa kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman at pagkukusa.

A. Human Act B. Act of Man C. Kilos loob D. Isip

7. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman


ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin
sa lahat ng pagkakataon?

A. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat.

B. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain

C. Hindi, dahil walang obligasyon ang tao gawin ito.

D. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi
pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga.

8. Masipag at matalinong mag-aaral si Billy. Sa talakayan at pangkatang gawain ay


hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kanyang
galling, maging ang kanyang pag-uugali ay kahanga hanga. Dahil dito madalas
siyang nabibigyan ng magagandang papuri ng kanyang mga guro. May pananagutan
ba si Billy kung bakit nasa kanya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kanyang
guro?

A. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang kanyang mga kamag-aral upang sumagot.

B. Oo, dahil siya na lang lagi ang nakikita ng guro.

C. Wala, dahil ginawa niya ang tungkulin ng isang mabuting mag-aaral.

D. Wala, dahil talagang may kompetisyon sila sa klase.

Para sa bilang 8-9, suriin ang sitwasyon

Tanging si Andres at ang kanyang nakababatang kapatid ang naiwan sa kanilang


bahay dahil kapwa naghahanapbuhay ang kanilang mga magulang.Napansin ni Andres na
tahimik at tila may nararamdamang hindi maganda ang kanyang bunsong kapatid. Nang
lapitan niya ito, nalaman niyang maiinit ito at idinadaing ang matinding sakit ng kanyang
tiyan. Kahit hindi sigurado, kumuha ng gamot sa medicine cabinet si Andres at ipinainom
ito sa kapatid.
8. Batay sa sitwasyon, anong salik ang nakaapekto sa pananagutan ni Andres sa kanyang
naging kilos?
A. Gawi B. Masidhing damdamin C. Kamangmangan D. Takot
9. Masasabi bang tama ang naging kilos ni Andres?
A. Oo, dahil silang dalawa lang naman ng kanyang kapatid ang naroroon.
B. Oo, dahil mas mabuting painumin ng gamot ang kanyang kapatid kasya magtiis ito
sa sakit.
C. Hindi, sapagkat maaaring mas lumala ang kalagayan ng kanyang kapatid.
D. Hindi, sapagkat hindi naman siya isang doktor.

Para sa bilang 10-11,suriin ang sitwasyon.

Nakita ni Liza ang mga kaklase niya na itinali ang bag ng isa nya pang kakalase sa
upuan. Nang tanungin ng guro ang klase kung sino ang gumawa nito ay walang sumasagot
sa klase. Tinanong din ng guro kung mayroong nakakita ng pangyayari. Kahit nakita ito ni
Liza, nanatili siyang nakayuko at tahimik sa kanyang upuan.
10. Batay sa sitwasyon, anong salik ang nakaapekto sa pananagutan ni Liza sa kanyang
pananahimik?
A. Gawi B. Masidhing damdamin C. Kamangmangan D. Takot
11. Kung ikaw si Liza, ano ang iyong gagawin?
A. Mananatili ring tahimik upang makaiwas sa gulo.
B. Lalapitan ang guro sa labas ng klase at ikukwento sa kanya ang nakita
upang managot ang nakagawa ng pagkakamali.
C. Magsusumbong sa mga pulis upang agad na maparusahan ang mga gumawa ng
kasalanan.
D. Hahayaan lang ang mga kaklase sa kanilang ginagawa dahil hindi naman ako ang
biktima nito.

Para sa bilang 12-13, suriin ang sitwasyon.


Nakasanayan na ni Jose ang hindi pagbabayad sa tuwing sumasakay siya sad yip.
Katwiran niya, hindi naman siya sinisita ng drayber at palagi naman siyang nakalulusot.
Tuwang-tuwa siya sa tuwing nakakalibre ng sakay nang hindi nahuhuli ng drayber ng dyip.
12. Batay sa sitwasyon, anong salik ang nakaapekto sa pananagutan ni Jose sa kanyang
kilos?
A. Gawi B. Masidhing damdamin C. Kamangmangan D. Takot
13. Masasabi bang tama ang naging kilos ni Jose?
A. Oo, dahil gumagawa lamang siya ng paraan upang makatipid.
B. Oo, dahil hindi naman nagagalit sa kanya ang drayber ng dyip.
C. Hindi, dahil ang ibang pasahero ay nagbabayad ng kanilang pamasahe.
D. Hindi, dahil isa itong panloloko sa kapwa at hindi magandang kilos na
nakasanayan na.

Para sa bilang 14-15, suriin ang sitwasyon.

Nang malaman ni Andrea na nanalo siya sa lotto, agad niyang nabuhat ang isang
batang maliit na nasa kanyang harapan. Nagulat ang bata kaya umiyak ito ng malakas.
Nagulat din ang ina ng bata sa ginawa ni Andrea. Agad namang humingi ng paumanhin si
Andrea sa kanyang naging kilos.
14. Batay sa sitwasyon, anong salik ang nakaapekto sa pananagutan ni Andrea sa kanyang
kilos?
A. Gawi B. Masidhing damdamin C. Kamangmangan D. Takot
15. Masasabi bang mali ang naging kilos ni Andrea?
A. Oo, dahil napaiyak niya ang isang bata.
B. Oo, dahil maaari siyang makasuhan ng child abuse.
C. Hindi, dahil ang kanyang naging kilos ay bunga lamang nang labis na
kasiyahan.
D. Hindi, dahil ang kanyang naging kilos ay hindi naman nakasakit sa bata at sa ina
nito.
16. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.
a. pasiya c. kakayahan
b. kilos d. damdamin
17. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto.
Tomas de Aquino?
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
18. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na
mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga
tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na
kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang
kilos ni Jimmy?
a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.
b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.
c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.
d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang
panloob na kilos.
19. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang
papel ng kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon. c. Tumulong sa kilos ng isang tao.
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.

20. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?


a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na
ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon
ang kilos-loob.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng
isang kilos.
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.
21. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin?
a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos.
b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan
ng kilos.
d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
22. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa
kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera
nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong
kasamaan ang kaniyang ginawa dahil___________.
a. kinuha niya ito nang walang paalam
b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

23. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon
nang asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang
pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang
prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng
mabuti o masama.
b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
24. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya.
Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-
araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano
kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o
masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
d. Ang sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.
25. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay
manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano
kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa
masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
26. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng
kilos maliban sa _______________.
a. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat
na pananagutan.
b. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito.
c. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa.
d. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay
na dapat isaalang-alang.
27. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay
kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi
lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga
pasyenteng iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay sa makataong kilos ang
ipinakita ni Gene?
a. Layunin c. Sirkumstansiya
b. Kilos d. Kahihinatnan

28. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang
layunin.
a. Layunin c. Sirkumstansiya
b. Kilos d. Kahihinatnan

29. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka
nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa
iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na
sagot sa pagsusulit.

30. Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos?


a. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong
kilos, kahit mabuti ang panlabas.
b. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos.
c. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos.
d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos

31. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti at masama ng isang kilos
ayon sa pananaw ni Immanuel Kant?
A. ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos
B. ang makita ang kilos bilang isang tungkulin
C. ang layunin ng isang mabuting tao
D. ang mabuting bunga ng kilos.
32. Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler ang pangongopya ay
A. Tama, dahil natugunan nito ang pangangailangang pumasa.
B.Tama, dahil ito ay nagbibigay kasiyahan sa gumagawa.
C.Mali, dahil hindi pinili ang negatibong halaga kaysa katapatan.
D.Mali, dahil maari kang makagalitan ng guro.
33. Alin sa mga kilos sa Ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin?
A. ang pagbabayad ng buwis sa tamang panahon.
B. Ang pagbibigay ng regalo tuwing okasyon.
C. Ang pagtakbo sa halalan upaaaang maglingkod sa bayan.
D. Ang pagtulong sa kapwa na may hinihintay na kapalit.
34. Ayon kay Max Scheler, alin sa mga sumusunod ang tanging nakakakita sa
pagpapahalaga natin sa mga bagay, gawi, o kilos?
A. Isip C. Kilos- Loob
B. Damdamin D. Saloobin
35. Ang pagtulong sa kapwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa mga
sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga?
A. ang pagtulong sa kapwa ay nagbibigay kasiyahan sa sarili
B. ang pagtulong sa kapwa ay daan upang tulungan ka rin nila.
C. ang pagtulong sa kapwa ay pagtugon sa tawag ng paglingkod
D. angpagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama
36. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon
kay Max Scheler?
A. nakalilikha ng iba pang halaga
B. nagbabago sa pagdaan ng panahon
C.malaya sa organismong dumaranas nito
D. mahirap o di mabawasan ang kalidad
37. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagtupad sa
tungkulin?
A. Isang saleslady na tapat sa mga mamimila tungkol sa kalidad ng mga produkto
upang lalo itongtangkilikin.
B. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda.
C. Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga
mahihirap
upang maalala sa panahon ng halalan.
D. Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa
mga paninda.
38. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan
ang pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang aralin maliban
sa;
A. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nagaaral nang mabuti.
B. Hindi ito katanggap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa kanyang
tungkulin.
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng
mataas na marka.
D. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral,pagsusulit at paglikha ng orihinal na
bagay.
39. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral?
A. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan.
B.Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman.
C. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan.
D. Ang pag-aaral ay para sa matatalino at masisipag pumaasok sa paaralan.
40. Bakit kailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa sa ating pagkilos?
A.Ito angtanda ng tunay na pananampalataya
B.Sa pagbibigay sa kapwa tumatanggap din tayo
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maari ding gawin sa iyo.
D. Lahat ng nabanggit.
41. Alin sa mga sumusunod ang hindi batayan ng moralidad
A. Kautusang Walang Pasubali C. Pagpapahalaga
B. Gintong-Aral D. Layunin

42. Isang kautusang walang kondisyon


A. Pagpapahalaga C. Gintong-Aral
B. Kautusang Walamg Pasubali D. Pagpapahalaga

43. Ayon sa kanya, ito ang dahilan ng pagkilos ayon sa Kautusang Walang Pasubali
A. Immanuel Kant C. Confucius
B. Max Scheler D. Lao Tzu

44. Sinasabi niya na ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama
ang isang gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga (values)
A. Immanuel Kant C. Confucius
B. Max Scheler D. Lao Tzu
45. Itinuturing niya na matibay na batayan ng moral na kilos ang reciprocity o
Reversibility.
A. Immanuel Kant C. Confucius
B. Max Scheler D. Lao Tzu

46. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay St.
Tomas de Aquino?
a. Isip at kilos-loob
b. Intensiyon at Layunin
c. Paghuhusga at Pagpili
d. Sanhi at Bunga

47. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya ?
a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay.
b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos.
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan.
d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kanyang pagpili.

48. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


a. Upang magsilbing gabay sa buhay.
b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin.
c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin.
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili.

49. Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na
pagpapasiya.?
a. Tingnan ang kalooban
b. Magkalap ng patunay
c. Isaisip ang posibilidad
d. Maghanap ng ibang kaalaman.

50. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na
iyong gagawin?
a. Isaisip ang posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Umasa at magtiwala sa Diyos
d. Tingnan ang kalooban

51. Habang naglalakad sa mall si Cristina ay nakakita siya ng bag. Matagal na


niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng bag. Tumigil siya sandali at nag-isip
kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong
kilos si Cristina?
a.Intensyon ng layunin
b. Nais ng layunin
c. Pagkaunawa sa layunin
d. Praktikal na paghuhusga sa pagpili
52. Niyaya si Ramon ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta
na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot si Ramon bagkus ito ay
kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali. Anong proseso ng
pakikinig ang ginamit ni Ramon?
a.Isaisip ang mga posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Tingnan ang kalooban
d. Magkalap ng patunay

53. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang


halaga mo kung ang iyong pasiya ay makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong
bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya?
a.Magkalap ng patunay
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Tingnan ang kalooban
d. Umasa at magtiwala sa Diyos

54. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Maan ang pagpapasiya palagi niyang


tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang
kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si
Maan?
a.Tingnan ang kalooban
b. Isaisip ang posibilidad
c. Maghanap ng ibang kaalaman
d. Umasa at magtiwala sa Diyos

55. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na makikilala o makikita ng isang tao
ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
a.Mabuting pagpapasiya
b. Paghuhusga sa paraan
c. Intensyon ng layunin
d. Pagkaunawa sa layunin

56. Anong makataong kilos ang isinagawa ni Beth kung saan ang kaniyang isip ay
nag-uutos na bilhin ang nasabing damit na gusto niya?
a.Paggamit
b. Nais ng layunin
c. Pagpili
d. Utos

57. Sa kagustuhan ni Ericson na makuha ang kanyang pinakamimithing sapatos,


nagtatalo sa kanyang isip kung ito ay kanyang bibilhin o nanakawin na lamang.
Ngunit nanaig ang kanyang pasya na bayaran ang halaga ng sapatos. Anong yugto
ng makataong kilos ang ginawa ni Ericson?
a.Pagkaunawa sa layunin
b. Paghuhusga sa paraan
c. Praktikal na paghuhusga sa sarili
d. Masusing pagsusuri ng paraan

Para sa Bilang 13-15, suriin ang sitwasyon.


Nakakita si Luis ng isang bagong modelo ng cellphone sa SM Rosario. Halos lahat ng kanyang mga
kaibigan ay mayroon na at tuwang-tuwa siya ng mabili niya ito.

58. Anong yugto ng makataong kilos ang ginawa ni Luis kung saan matagal na
niyang nais magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma
na?
a. Nais ng layunin
b. Pagkaunawa sa layunin
c. Paghuhusga sa nais makamtan
d. Intensiyon ng layunin

59. Tuwang-tuwa na si Luis sa pagtatamo niya ng cellphone na bago, anong yugto


ng makataong kilos ang naipakita niya?
a. Praktikal na paghuhusga
b. Paghuhusga sa paraan
c. Pagpili
d. Pangkaisipang kakayahan ng layunin

60.. Matapos mabili ay kaagad-agad na ginamit ni Luis ang kanyang bagong


cellphone. Anong yugto ng makataong kilos ang naganap?
a. Bunga
b. Paggamit
c. Utos
d. Pagpili
Key to Correction
1.A 31. C
2.C 32.A
3.A 33.D
4.A 34.A
5.A 35.C
6.A 36. B
7.A 37. C
8.C 38. C
9.C 39. C
10.D 40. C
11.B 41. D
12.A 42. B
13.D 43. A
14.B 44. B
15.C 45. C
16.B 46. A
17.C 47. D
18.D 48. D
19.B 49. B
20.B 50. C
21.C 51. B
22.C 52. A
23.A 53. C
24.A 54. C
25.A 55. A
26.B 56. C
27.D 57.C
28.B 58. B
29.D 59. D
30.A 60. C

You might also like