You are on page 1of 6

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYONG PANTAHAN AT PANGKABUHAYAN (EPP) 5 -AGRICULTURE


S.Y. 2023-2024
Pangalan: ____________________________________ Iskor: _____________________
Baitang/Pangkat: ________________ Petsa: _____________________

Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
A. Napabubuti ang hilatsa ng lupa gamit ang abonong organiko.
B. Napalalaki nang malusog ang mga pananim at hindi na kailangang bumili ng abonong
komersiyal.
C. Napagaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Ang basket composting ay:
A. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.
B. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad ng compost pit.
C. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.
D. Wala sa nabanggit.
3. Ito ay isang paraan sa paglalagay ng abono na ikinakalat sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin.
Kadalasan, ito’y ginagawa sa isang maliit na taniman.
A. Broadcasting method
B. Foliar application method
C. Basal application method
D. Side-dressing method
4. Ang mga sumusunod ay katangian ng lupang taglay ang abonong organiko maliban sa isa? Alin dito?
A. Maganda ang texture at bungkal (tilt)
B. Malambot
C. Hindi mabilis matuyo
D. Matigas
5. Ang mga sumusunod ay pwedeng gamiting materyales sa paggawa ng compost, maliban sa isa. Ano
ito?
A. dumi ng hayop
B. apog
C. mga di-nabubulok na bagay
D. tuyong dahon
6. Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
A. Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos.
B. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
C. Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
7. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang maaaring gawin upang makagawa ng
compost?
A. Eresaykel ang mga lumang gulong ng sasakyan sa pamamagitan ng pagpapatong-patong para
magsilbing hukay ang mga ito.
B. Bumili ng lupa sa kapitbahay.
C. Gamitin ang batyang ginamit ng iyong nanay sa paglalaba.
D. Maghanap ng malaking kahon para gawing compost.
8. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang dapat unang gawin?
A. Ilagay ang mga natuyong dahon, nabulok na prutas, gulay, pagkain at iba pang nabubulok na
bagay.
B. Araw-araw itong diligan. Lagyan ito ng kahit anumang pantakip.
C. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
D. Ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng 12 pulgada o 30 sentemetro
ang taas.

9. Ano ang basket composting?


A. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.
B. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad
din ng compost pit.
C. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.
D. Wala sa nabanggit.
10. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng compost pit ang pinakahuling dapat
gawin.
A. lagyan ng pasingawang kawayan at diligan ito araw- araw upang maging mabilis ang
pagkabulok .
B. takpan din ng ilang piraso ng dahon ng saging o kahit na anong uri ng pantakip upang hindi
langawin at pamahayan ng anu-mang uri ng peste.
C. Mag tipon ng mga nabubulok na basura tulad ng mga balat ng gulay ay prutas, dahon, dumi ng
hayop at iba pa. Pag patung-patungin ang mga ito sa inihandang sisidlan hanggang sa ma-puno at
lagyan ito ng lupa.
D. Haluin din ng mabuti ang natipong mga basura at pagkalipas ng dalawang buwan o higit pa ay
maari ng gamiting pataba.
11. Ito ang dapat gamitin pang mapanatili ang iyong kaligtasan habang gumagawa ng abonong organiko.
A. sabon
B. Personal Protective Equipment o PPE
C. paying
D. manipis na kasuotan
12. Tamang pagdilig ng ginawang abonong organiko.
A. oras-oras
B. araw-araw
C. linggo-linggo
D. buwan-buwan
13. Ito ang mainam gamitin habang gumagawa ng abonong organiko sa ilalim ng init ng araw.
A. payong
B. kapote
C. sombrero
D. sarong
14. Pinakamabisang panahon sa pagdidilig ng halaman.
A. Sa umaga
B. Sa Tanghali
C. Sa umaga at hapon
D. Kahit anong oras
15. Ito ay mga masistemang paraan sa pagbubungkal ng lupa maliban sa isa:
A. Gamit ang bolo, farmer’s claw o hand trowel, palambutin ang lupang nakapaligid sa halaman
upang makahinga ang mga ugat.
B. Panatilihin ang pagtanggal ng mga damo sa paligid ng halaman upang hindi nito maagaw ang
pataba at tubig na idinidilig sa halaman.
C. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa pamamagitan ng paggamit ng bolo o palang
tinidor.
D. Pinakamabisang gamitin ang regadera pagdidilig ng halaman.
16. Alin sa mga sumusunod na uri ng halaman ang mabisang pestisidyo gamit ang tuyong dahon nito?
A. ilang-ilang
B. siling labuyo
C. tabako
D. anahaw
17. Dapat bang puksain ang mga insektong kumakain ng mga dahon?
A. Oo
B. hindi tiyak
C. hindi
D. hindi alam

18. Mainam bang gamiting pamatay ng kuto ang sili, sibuyas at luya?
A. Oo
B. hindi tiyak
C. hindi
D. hindi alam
19. Anong uri ng halaman ang pinakamabisang insect repellants na madalas na
ginagamit ng mga magsasaka?
A. Lemon Grass
B. Watermelon
C. Ilang-ilang
D. Spring Onion
20. Ito ay isang uri ng pananim na ginagawang pestisidyo ang pinatuyo at dinikdik na bunga nito at
mainam ibudbod sa mga halamang pinamumugaran ng mga insekto.
A. kamyas
B. kamatis
C. pulang sili
D. atis
21. Ito ay isang paraan sa paglalagay ng abono na ikinakalat sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin.
Kadalasan, ito’y ginagawa sa isang maliit na taniman.
A. Broadcasting method
B. Basal application method
C. Foliar application method
D. Side-dressing method
22. Ito ay ginagawa sa pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng abonong
organiko sa mga dahon ng halaman
A. Side-dressing method
B. Broadcasting method
C. Foliar application method
D. Side-dressing method
23. Ito ay isang paraan ng pag-aabonong organiko na inilalagay sa lupa malapit sa ugat ng
halaman sa pamamagitan ng kamay o isang kagamitang nakalaan para dito.
A. Side-dressing method
B. Broadcasting method
C. Foliar application method
D. Side-dressing method
24. Uri ng pamamaraan ng pagpuksa ng peste na ginagamitan ng mga kamay.
A. mekanikal
B. attractants
C. kemikal
D. insect repellant
25. Ito ay ang organikong paraan ng pagsugpo ng mga kulisap o peste.
A. pagpapa-usok
B. pagbubungkal
C. pag-abono
D. pagdidilig
26. Ito ang pinakamabisang organikong pamuksa ng peste.
A. dinurog na carrots at singkamas
B. dinurog na bawang
C. dinurog na paminta na may suka
D. dinurog na sili, sibuyas at luya
27. Ano ang kabutihang dulot sa inyong pamilya kung napagdesisyunan mong mag-alaga ng mga manok
sa likod na bahay ninyo?
A. Dagdag kita sa pamilya
B. Nakapagdulot ng kalat sa bakuran
C. Dagdag gastos wala namang pera
D. Walang magawa sa pera

28. Ito ay uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog nito. Upang regular na mangitlog, kinakailangang
malayo ang mga ito sa ingay. Ang malakas na ingay ay nagdudulot ng masama sa kanilang pangingitlog.
Ano ito?
A. Layer
B. Broiler
C. Pugo
D. Itik
29. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng hayop na
inaalagaan?
A. Magasin
B. Internet
C. Aklat
D. Dyaryo
30. Inaalagaan ang manok na ito para sa taglay nitong karne.
A. Broiler
B. Layer
C. Minorca
D. Mikawa
31. Ang isdang ito ay madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay ito ng sustansiya na kailangan ng
ating katawan gaya ng protina.
A. Hipon
B. Maya-maya
C. Balyena
D. Tilapia
32. Ano ang maaaring gawin sa mga dumi ng iyong alagang hayop?
A. Hindi lilinisan
B. Itatapon sa dagat
C. Antaying linisin ng kapitbahay
D. Gawing pataba sa halaman
33. Alin ang iyong gagamitin upang matukoy na ikaw ay kumita o nalugi?
A. Talaan ng ginastos at kinita
B. Talaan ng materyales
C. Talaan ng bibilhin
D. Talaan ng budget
34. Sa paanong paraan ipinagsasapamilihanl/ibinibenta ang mga produkto?
A. Pagpapautang
B. Tingian/pakyawan
C. Barter
D. Wala sa nabanggit
35. Si Paul ay nakapagbenta ng halagang ₱10,000 mula sa karne ng manok at baboy sa palengke kung
saan gumastos lamang niya rito ng halagang ₱5,000. Si Paul ay masasabing _______.
A. Kumita mula sa kanyang pagsasapamilihan.
B. Kumita mula sa kanyang online business
C. Kumita mula sa kanyang paglalako
D. Kumita mula sa kanyang pangangapitbahay
36. Si Elma ay gumastos ng ₱1,325 sa itlog na maalat na kanyang ibinebenta na binili niya direkta sa
isang tagapag-alaga ng itik. Sa maghapon niyang paglalako ay nakapagbenta siya ng halagang ₱2,650 at
naubos ang lahat niyang paninda. Siya ay masasabing ______.
A. Kumita sa kanyang paglalaba
B. Kumita sa kanyang pagtatanim
C. Kumita sa kanyang pag-aalaga ng hayop
D. Kumita sa kanyang pagbebenta
37. Ang mga sumusunod ay mga estratehiya sa pagbebenta ng hayop maliban sa isa.
A. Pagbenta sa palengke
B. Pagbenta sa online na tindahan
C. sa paglathala sa mga dyaryo, TV at radio
D. Pagbibigay ng mga produkto

38. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng hayop na inaalagaan?
A. Magasin
B. Aklat
C. Internet
D. Dyaryo
39. Sa pagsasapamilihan ng iyong alagang manok, kailangan ito ay:
A. Malusog
B. Payat
C. Sakitin
D. Wala sa nabanggit
40. Saang lugar ipasasapamilihan ang mga alagang hayop?
A. Sa department store
B. Palengke
C. Sa hardware
D. Sa tabi ng daan
41. Ito ay tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda
A. Kita
B. Tubo
C. Presyo
D. Puhunan
42. Ang kulungan ng isdang ito ay nangangailangan ng kawayan, lambat o net cage at fish pen.
A. Alumahan
B. Tilapia
C. Karpa
D. Lapu-lapu
43. Ito ay ginagamitan ng ilaw o bombilyang may 50 watts para mailawan ang bagong pisang sisiw.
A. Layer
B. Bibe
C. Itik
D. Broiler
44. Ang kulungan at bakod nito ay may sukat na 1 1⁄2 hanggang tatlong metrong kuwadrado at may lubid
bilang pantali.
A. Baka
B. Baboy
C. Kambing
D. Manok
45. Paano nakatutulong sa pangangailangan ng pamilya ang pag-aalaga ng hayop?
A. Nakapagdagdag ng gawain sa tahanan
B. Maaring ipagbili ang alagang hayop at makadagdag ng kita
C. Karagdagang gastusin sa pamilya dahil sa pagbili ng pagkain nito.
D. Nakakukuha ng sakit ang mga miyembro ng pamilya dahil sa mga dumi na dulot ng mga
hayop.
46. Ito ay kapag tatlo hanggang apat na buwan na o kaya’y 80-100 gramo at nasa saktong haba at laki ay
handa na itong anihin. Maari rin naman itong aanihin kapag labing-limang sentimetro na ang haba.
A. Tawilis
B. Bangus
C. Dilis
D. Tilapia
47. Ito ay isang ibon na karaniwang inaalagaan para mangitlog. Karaniwang mangingitlog ang mga inahin
pagkaraan ng 45 araw. Ibenta ang mga itlog nito habang sariwa pa.
A. Itik
B. Maya
C. Pugo
D. Bibe

48. Ang mga sumusunod ay ang mga palatandaan na maari mo na ibenta ang mga manok maliban sa isa.
A. Ang timbang dapat ay nasa 1.6 kg sa loob ng 35 days.
B. Ang tuka nito ay mamula-mula na.
C. Kung hihipuin mo ang harapan ng manok ito ay dapat hugis bilog.
D. Malusog at hindi sakitin.
49. Makukuha ang kabuuang kita sa paghahayupan kung malalaman mo ang ______
A. bilang, halaga, benta, at tubo ng mga hayop na sinapamilihan
B. benta at tubo ng mga hayop na sinapamilihan
C. bilang at tubo ng mga hayop na sinapamilihan
D. Wala sa mga nabanggit.
50. Ano ang mabisang gawin upang masigurado ang kikitain sa pag-aalaga ng hayop?
A. Tingnang mabuti ang kabuuang gastos o puhunan bago mag bigay ng presyo.
B. Ibigay sa murang halaga upang makarami ng benta at huwang na lamang pansinin ang
puhunan.
C. Tingnang mabuti ang kabuuang gastos o puhunan at itaas ang presyo ng makalawang beses sa
puhunan.
D. Wala sa mga nabanggit.
ANSWER KEY
1 C 11 B 21 A 31 D 41 C
2 B 12 C 22 C 32 D 42 B
3 A 13 C 23 A 33 A 43 D
4 D 14 C 24 A 34 B 44 A
5 D 15 D 25 A 35 A 45 B
6 D 16 C 26 D 36 D 46 D
7 A 17 A 27 A 37 D 47 C
8 C 18 A 28 A 38 C 48 B
9 B 19 A 29 B 39 A 49 A
10 C 20 C 30 A 40 B 50 A

You might also like