You are on page 1of 27

EDUKASYONG PANTAHANAN AT

PANGKABUHAYAN IV
(AGRICULTURE)
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

____ 1. Ang pagtatanim ng mga halamang ornamental ay napagkakakitaang gawain.


Alin sa mga sumusunod ang magpapatunay dito?
A. Nagiging makabuluhang libangan
B. Nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya
C. Nagpapababa ng mga presyo ng bilihin
D. Nagbabawas ng maruming hangin
____ 2. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng halamang ornamental
gaya ng mga sumusunod. Alin ang hindi kabilang sa grupo?
A. napagkakakitaan
B. nagpapaganda ng kapaligiran
C. nagbibigay ng liwanag
D. naglilinis ng maruming hangin
____ 3. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental sa pamilya at pamayanan?
A. nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
B. nagbibigay kasiyahan sa pamilya
C. nagpapaunlad ng pamayanan
D. lahat ng mga sagot sa itaas
____ 4. Ang _______ay makabagong pamamaraan na nakapagpapabilis ng isang
gawain.
A.teknolohiya C. pananaliksik
B.internet D. Survey

____ 5. Ito ay isang kagamitang mekanikal na ginagamit ng buong mundo upang


madaling maipadala ang anumang impormasyon sa pamamagitan ng computer.
A.teknolohiya C. pananaliksik
B.internet D. Survey
____ 6. Ginagamitan ng __________ bilang paraan ng pananaliksik upang
malaman kung anong halamang ornamental ang mainam itanim.
A.teknolohiya C. pananaliksik
B.internet D. survey

____ 7. Ang intercropping ay paraan ng pagtatanim ng halamang ornamental na


maaring ________.
A. isama ang mga halamang gulay
B. ihiwalay ang mga gulay sa mga halamang pampalamuti
C. itabi sa isang sulok ang mga halamang naiiba
D. paghihiwalay ng halamang may iba’t ibang katangian
____ 8. Alin sa mga sumusunod na halaman ang maaring pagsamahin?
A. mga puno at herbs
B. mga gumagapang at mga puno
C. mga herbs at gumagapang
D. mga herbs at namumulaklak

____ 9. Mahalaga ang _______________ sa pagtatanim ng pinagsamang


halamang ornamental at iba
Pang mga halamang angkop dito.
A. laki ng lugar C. Disenyo
B. Dami ng halaman D. Espasyo
____ 10. Ang tuwirang pagtatanim ng mga halaman ay paraan na kung saan ang
mga tanim ay _______.
A. ginagamitan ng kahong punlaan
B. diretso sa taniman ang pagtatanim
C. Pagpapasibol ng murang sanga o buto
D. Pagbababad ng mga buto
____ 11. Paano ang pagsasagawa ng di-tuwirang pagtatanim ng halaman?
A. Paggamit ng kahong punlaan upang makapagpasibol ng bagong
halaman.
B. Diretso sa taniman ang pagtatanim.
C. Pagtutusok ng magugulang na sanga sa lupang taniman.
D. Pagtatnim ng malalaking buto sa lupa.
____ 12. Ito ay ang pag-aayos ng iba’t-ibang halamang ornamental sa tahanan,
paaralan, parke,
hotel at restaurant.
A. vegetable gardening B. landscaping C. orchidarium
D. Aquaphonies

____ 13. Alin sa mga halimbawa ng halamang ornamental ang may malalambot at di-
makahoy na
tangkay?
A. Daisy C. Rosal
B. Morning Glory D. Bermuda grass
____ 14. Saan maaaring itanim ang halamang ornamental na Bermuda grass o Carpet
grass?
A. sa paso sa loob ng tahanan
B. sa paso sa labas ng tahanan
C. Sa malalawak o bakanteng lugar
D. Sa mabatong lugar

____ 15. Sa pagtatanim ng mga halamang ornamental, ang lupang taniman ay


karaniwan nang
nakaangat.
A. Tama C. Puwede
B. Mali D. Maaari
____ 16. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim?
A. upang mabilis lumaki ang mga halaman
B. upang maisakatuparan ang proyekto nang wasto
C. upang mapadali ang pagsugpo sa mga sakit nito
D. upang maibenta kaagad ang mga produkto

____ 17. Ano-ano ang dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng mga halamang


ornamental?
A. magkakasing kulay na halaman
B. magkakauring halaman
C. Magkakasinlaking halaman
D. Lahat ng mga ito
____ 18. Kung magpaparami ka ng pananim sa paraang pasanga o cutting, ano ang
nararapat mong gawin?
A. Putulin ang sanga, paugatin at itanim.
B. Tanggalin ang balat, lagyan ng lupa at lumot, balutin ng bunot ng niyog at
plastik.
C. Pagsamahin ang dalawang sanga galing sa dalawang puno
D. Hiwain ang dalawang puno, pagdikitin at itali nang mahigpit.
_____ 19. May wastong hakbang sa pagpaparami ng pananim sa pamamagitan ng
marcotting o air layering. Piliin ang titik na nagpapakita ng wastong pagkakasunud-
sunod.
1. Pagbabalot ng bunot ng niyog/plastik
2. Pagtatanggal ng balat
3. Paglalagay ng lupa at lumot
4. Pagkakaskas ng panlabas na hibla ng sanga
5. Pagtatali
A. 1 2 3 4 5 C. 1 4 2 5 3
B. 2 3 5 1 4 D. 4 1 3 2 5
____ 20. Upang makagawa ng organikong pataba, may mga hakbang na dapat gawin?
Alin sa mga sumusunod ang dapat unang ilagay sa compost pit?
A.nabubulok na basura C. Damo
B. Dumi ng hayop D. lupa

____ 21. Alin naman ang dapat huling ilagay sa compost pit?
A.nabubulok na basura C. Damo
B. Dumi ng hayop D. lupa
____ 22. Ano ang pagkakaiba ng gamit ng piko at asarol sa paghahalaman?
A. Ginagamit ang asarol upang durugin at pinuhin ang malalaking tipak na
bato at ang piko naman ay sa pagbubungkal ng lupa upang ito ay mabuhaghag.
B. Ginagamit ang piko upang durugin at pinuhin ang malalaking tipak na
bato at ang asarol naman ay sa pagbubungkal ng lupa upang ito ay mabuhaghag.
C. Ginagamit ang asarol sa paglilinis ng bakuran at ang piko naman ay sa
paglilipat ng lupa.
D. Ginagamit ang piko sa paglilinis ng bakuran at ang asarol naman ay sa
paglilipat ng lupa.
____ 23. Kung walang regadera ay maaaring gumawa ng ___________ upang
magamit sa pagdidilig ng mga halaman.
A. lata ng gatas at butasan C. Timba
B. Dulos D. Asarol

____ 24. Kailan dapat ipagbili ang mga halamang ornamental lalo na yung mga
namumulakalak?
A. kung may ugat na C. Kung may bulaklak na
B. kung may dahon na D. Kung may tangkay na
____ 25. Ang mga sumusunod ay wastong paraan ng pagtitinda, alin ang HINDI?
A. Panatilihing malusog at malinis ang pangangatawan.
B. Iwasan ang pagbati sa mga mamimili.
C. Iwasan ang maling pagsusukli
D. Maging magalang sa pakikipag-usap sa mga mamimili.

____ 26. Paano malalaman ng isang nagnenegosyo kung saan siya kumikita o
nalulugi?
A. talaan ng puhunan at ginastos C. Talaan ng ginastos
B. talaan ng puhunan D. Talaan ng pautang
____ 27. Alin sa mga sumusunod ang palatandaan kung maaari nang ipagbili ang
halamang ornamental na namumulaklak at di-namumulaklak?
A. matataas C. magaganda ang mga dahon
B. malalago D. Lahat ay tama
____ 28. Narito ang talaan ng ginastos at kita. Alamin kung magkano ang naging tubo sa
ginawang pagtitinda

A. P 1, 300 B. P 1, 400
C. P 1, 500 D. P 1, 600
____ 29. Ang mga sumusunod ay dapat isa-alang-alang sa pagtatayo ng taniman o
narseri ng ornamental, maliban sa isa. Alin ito?
A. Uri ng lupa na pagtataniman
B. Lugar na pagtataniman
C. Ang laki ng halaman
D. Ang laki ng pagtataniman

____ 30. Ano ang kapakinabangang nakukuha ng mga mag anak sa pag-aalaga ng
hayop?
A. Nagbibigay ng karne at itlog sa mag –anak.
B. Nagbibigay ng dagdag na kita sa mag-anak.
C. Nagbibigay kasiyahan sa mag-anak.
D. Lahat ng nabanggit.
____ 31. Anong hayop ang maari nating alagaan sa ating mga tahanan/bahay?
A. kalabaw C. Kambing
B. Kalapati D. Kabayo

____ 32. Ang mga sumusunod na pangungusap kabutihang dulot ng malawak at


malinis na lugar ng mga hayop maliban sa isa.
A. mainit at masikip ang pakiramdam ng mga hayop
B. ligtas sa sakit ang mga hayop
C. maiiwasan ang ang pagsisiksikan ng mga ito
D. laging sariwa ang kanilang pakiramdam
______33. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay:
a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at umunom
d. Wala sa nabanggit

______34. Bakit dapat wasto ang paggamit ng computer at internet?


a. Dahil maaaring mapahamak sa maling paggamit.
b. Dahil magagalit ang nanay.
c. Dahil maaaring sumabog ang computer.
d. Wala sa nabanggit
____ 33. Alin sa mga ito ang hindi katangian ng isang maayos na bahay ng alagang
hayop?
A. malawak at malinis na kapaligiran
B. may sapat na malinis na tubig
C. nasisikatan ng araw
D. maliit at marupok ang bubong
____ 34. Bakit kailangang bigyan ng tamang nutrisyon ang mga alagang hayop?
A. upang maging malusog
B. upang may panlaban sa sakit
C. upang madaling lumaki
D. lahat ng nabanggit
____ 35. Ano ang maaring idulot ng paggawa ng plano bago simulan ang
pagpaparami ng alagang hayop?
A. Upang matiyak na kikita ang naparaming alagang hayop.
B. Upang makapagbigay ng maraming uri ng hayop.
C. Malalaman ang kasanayan ng nag-aalaga ng hayop.
D. Maibibigay ang kagustuhan ng nag-aalaga.

____ 36. Isa sa mga alagang hayop na dapat paramihin dahil sa pagbibigay aliw at
mabuting kasama sa bahay ay ang_____.
A. kuneho C. kalabaw
B. aso D. Kambing
____ 37. Alin sa mga sumusunod ang makatutulong sa pagtitipid ng oras, lakas at
panahon?
A. Talaan C. Panuntunan
B. Talatakdaan D. Gawain

____ 38. Ang dapat gawin upang magkaroon ng panahon sa pag-aalaga ng hayop,
tayo ay susunod sa . . .
A. gusto nating oras C. Utos ng ating mga kapatid
B. Iskedyul D. Sasabihin ng nakatatanda
____ 39. Anong kaso ang maaring harapin ng taong mahuhuling nananakit ng mga
hayop?
A. Paglabag sa Animal Welfare Act
B. Paglabag sa Animal Rights policy
C. Paglabag sa Animal Protection Law
D. Paglabag sa Animal Protection Policy

____ 40. Kung tayo ay may alagang hayop, dapat nating ingatan na ito ay
________________________.
A. Makakagat sa mga taong naglalakad sa pamayanan.
B. Makagala sa pamayanan ng walang pumapansin.
C. Hindi maturukan ng anti-rabies.
D. Lahat ng ito.

You might also like