You are on page 1of 3

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4

AGRIKULTURA

Lagyan ng titik (T) kung tama ang pangungusap at (M) naman kung mali ito.

___ 1. Ang air layering ay maaari din na tawaging marcotting.


___ 2. Kailangan pumili ng matabang sanga, walang sakit para sa isasagawang marcotting.
___ 3. Ang butong ipupunla o itatanim ay kailangan magulang at galing sa malusog na bunga.
___ 4. Mainam din na ibabad magdamag sa tubig na may kahalong kemikal ang butong itatanim.
___ 5. Kailangan sundin ang lahat ng panuntunan sa pagpapaugat,pagpupunla, at pagpuputol.
___6. Kailangan pumili ng sanga o tangkay na may usbong o buko.
___7. Gupitin ang mga sanga o tangkay ng pahilis.
___8. Itanim ito sa kamang punlaan at pabayaan na lamang.
___9. Lahat ng uri ng halaman ay maaaring paramihin sa paraang pagpuputol.
___10. Ang pagpuputol ay mabilis na paraan sa pagpaparami ng halaman.

Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

____11. Ang mga halamang _________ ay ang mga halamang namumulaklak at hindi namumulaklak.
a. ornamental b. herbal c. punongkahoy d. gamot
____12. Ang mga sumusunod ay ang mga pakinabang na makukuha sa mga halamang ornamental,
MALIBAN sa ________.
a. naglilinis ng maruming hangin c. nagbibigay ng liwanag
b. nagpapaganda ng kapaligiran d. napagkakakitaan
____13. Sa paanong paraan nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang
ornamental?
a. nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
b. nagbibigay ng kasiyahan sa pamilya
c. nagpapaunlad ng pamayanan
d. lahat ng mga nabanggit
____14. Ang mga sumusunod ay mga kapakinabangan sa pagtatanim ng mga halamang ornamental
MALIBAN sa isa.
a. nagiging libangan ito na makabuluhan
b. nagbibigay ito ng kabuhayan sa pamilya
c. nagpapababa ito ng presyo ng mga bilihin sa palengke
d. nagbabawas ito ng maruming hangin sa kapaligiran
____15. Paano makatutulong sa pagsugpo ng polusyon ang pagtatanim ng mga halamang ornamental?
a. nililinis nito ang maruming hangin sa kapaligiran
b. naiiwasan nito na malanghap ng mga tao sa pamayanan at ng ating pamilya ang maruming
hangin sa kapaligiran
c. a at b
d. walang tamang sagot
____16. Ito ay isang kagamitang mekanikal na ginagamit ng buong mundo upang madaling maipadala
ang anumang impormasyon sa pamamagitan ng computer.
a. internet b. pananaliksik c. survey d. teknolohiya
_____17. Isang pamamaraan kung saan ginagamit ang sukat ng pangkaisipan, opinion, at pandamdam.
a. internet b. pananaliksik c. survey d. teknolohiya
_____18. Ang pagtuklas upang malutas ang isang suliranin na nangangailangang bigyan ng
kalutasan ay tinatawag na _________.
a. internet b. pananaliksik c. survey d. teknolohiya
_____19. Ano ang maaaring gamitin upang maging madali at mabilis ang pagsu-survey ng kahit anong
halamang ornamental?

a. kompyuter b. radio c. telebisyon d. telepono

____20. Karamihan sa mga halamang ornamental ay napapatubo sa pamamagitan ng __________.


a. buto b. sanga c. ugat d. usbong
____21. Ito ay paraan ng pagtatanim kung saan diretso na sa taniman ang sanga at buto na itatanim.
a. di- tuwiran b. grafting c. marcotting d. tuwiran
____22. Anong uri ng buto ang dapat itanim sa di-tuwirang paraan ng pagtatanim?
a. maliit na buto c. katamtamang laki ng buto
b. malaking buto d. malaki at maliit na buto
____23. Ang ______ ay paraan ng pagtatanim ng halamang ornamental na maaaring isama sa mga
halamang gulay.
a. intercropping b. marcotting c. inarching d. natural
____24. Anong halamang ornamental ang pinakamalakas pagkakitaan ng mga naghahalaman?
a. callalily b. gumamela c. papua d. sampaguita
____25. Mahalaga ang _______ sa pagtatanim ng pinagsamang halamang ornamental at iba pang
halaman tulad ng gulay at punong prutas.
a. plano b. disenyo c. hardin d. panahon
_____26. Ito ang mga dapat isaalang-alang sa paghahanda ng tanimang halamang ornamental MALIBAN
sa isa.
a. mabuhaghag ang lupang tataniman c. may compost upang lumuwag ang lupa
b. tuyo, matigas at bitak- bitak ang lupa d. wala sa nabanggit
______27. Ito ay kasangkapan na ginagamit sa pagpatag ng lupang taniman.
a. pala b. piko c. asarol d. kalaykay
______28. Ano-ano ang dapat pagsama-samahin sa pagsasaayos ng mga halamang ornamental?

a. magkakasing kulay na mga halaman c. magkaka-uring halaman


b. magkakasinlaking halaman d. lahat ng mga ito
______29. Aling mga halamang ornamental ang hindi dapat na itinatanim sa harapan o unahan ng mga
maliliit na halaman?
a. mga lumalaki at yumayabong na halamang ornamental
b. mga may kulay na halaman
c. mga maliliit na halaman
d. mag nabubuhay sa tubig
______30. Sa anong lalagyan maaaring ilagay ang mga halamang lumalaki sa tubig?
a. babasaging lalagyan c. sa tela
b. sa palayok d. plastik na lalagyan
______31. Ano ang hindi dapat mapinsala sa paglilipat ng punla sa taniman?
a. Dahon c. Bunga b. Sanga d. Ugat
______32. Isa ito sa kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop.
a. karagdagang kita ng manok c. pag-aaksaya ng panahon
b. upang hindi gumawa ng iba pang gawain d. upang mapagod ang may alaga
______33. Ang mga kuneho ay magandang alaga sa ating tahanan dahil ang mga ito ay ________.
a. eco-friendly animals c. stress-free animals
b. man’s best friend d. lahat ng nabanggit
______34. Alin sa mga sumusunod ang magandang dulot bilang pag-aalaga ng ibon sa tahanan.
a. gumagawa ng ingay kapag humuhuni
b. nagdudulot ng dumi sa paligid
c. nagdudulot ng kasiyahan lalo na kung nagsasalita at umaawit
d. masarap kainin ang karne
______35. Malaking tulong para kay Aling Alwina ang alaga niyang pusa dahil sa ________.
a. tagaduwit ng pagkain c. tagahabol ng magnanakaw
b. tagahuli ng daga d. tagaligpit ng dumi
______36. Ang alagang manok ni Mang Manny ay mainam na alagang hayop sapagkat ______.
a. man’s best friend c. tagahuli ng daga
b. nagbibigay ng karne at itlog d. lahat ng nabanggit
______37. Karaniwang katangian ng halamang ornamental.
a. nalulugas b. nalalanta c. namumulaklak d. namumunga
______38. Anong klase ng lupa ang dapat gamitin upang maging malusog ang mga pananim?
a. putik b. ipa c. buhangin d. loam soil
______39. Bakit kailangan ang talaan ng puhunan at ginastos?
a. upang malaman ng nagnenegosyo kung saan siya kumita o nalugi
b. upang malaman ng nagnenegosyo ang halaga ng kanyang produkto
c. upang malaman kung magkano ang pinagbilhan at pinagkagastusan
d. lahat ng nabanggit
______40. Ito ay nagbibigay ng karagdagang kita sa mag-anak dahil nagbibigay ito ng itlog at karne.
a. aso b. manok c. pusa d. kuneho
______41. Ang mga sumusunod ay mabuting bagay na naidudulot ng pag-aalaga ng hayop MALIBAN sa
isa.
a. nakakadagdag ng kita sa pamilya c. nagiging mabuting kasama sa bahay
b. nakadudumi ng bakuran d. nakapagbibigay ng saya at nakakaalis ng inip
______42. Ito ay mahusay ding alagaan dahil bukod sa ito’y tagahuli ng daga, mabait ding itong kalaro ng
mga bata.
a. aso b. manok c. pusa d. kuneho
______43 Mainam itong alagaan dahil nakatutulong ito sa paglalakad at maging bantay sa tahanan.
a. pusa b. manok c. aso d. kuneho
______44. Mga hayop na maaaring alagaan sa loob at labas ng tahanan.
a. ahas, leon, elepante, tigre c. butanding, page, pating, balyena
b. aso, pusa, kuneho, manok, ibon d. lahat ng nabanggit
______45. Bakit kailangang tulong-tulong sa paggawa sa anumang gawain?
a. upang gumaan ang gawain ng bawat kasapi ng pamilya
b. upang mabilis matapos ang gawain
c. upang maisakatuparan ang Gawain sa takdang oras at panahon
d. lahat ng nabanggit
_______46.. Ang kulungan ng alagang hayop ay kailangang laging__________.
a. maliit b. malinis c. mataas d. matigas
_______47. Upang mabigyan agad ng karampatang lunas ang alagang hayop, kumunsulta sa _____.

a. doktor sa ospital c. beterinaryo


b. matandang kapitbahay d. may-ari ng hayop
_______48. Ano ang dapat gawin sa hayop upang hindi pagala-gala sa kalye?
a. ipamigay sa nais kumuha nito c. itali o igawa ng kulungan
b. dalhin sa beterinaryo d. huwag pakainin
_______49. Saan dapat dadalhin ang namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit?
a. ibabaon sa lupa c. ibibigay sa kapitbahay
b. itapon sa dagat d. hayaan na lang sa loob ng kulungan
________50. Dapat rin bang maging maingat ang nag-aalaga ng hayop?
a. opo b. hindi c. minsan d. huwag na

You might also like