You are on page 1of 6

PANUNUMPA SA TUNGKULIN

Ako si na itinalaga bilang ___________ ng PTA


Officers ay taimtim na nanunumpa na aking gagampanan nang buong husay at
katapatan ang lahat ng mga tungkulin na nakaatang sa aking katungkulan, na ako
ay mananalig sa dakilang adhikain ng aming samahan, na ako ay susunod at
makikiisa sa mga panuntunan at alituntuning napagpasiyahan ng pamunuan at mga
kasapi nito at ng DepEd.

Na, kusa at buong laya kong babalikatin nang wagas at tapat ang
pananagutang ito ng walang pasubali o hangaring umiwas.

Kasihan nawa ako ng Diyos.

SINUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika-11 ng Hulyo, 2018


dito sa Prenza I, Marilao, Bulacan.

JOIE S. GERMAR
Principal I / Adviser
August 7, 2014

RUTH RAMOS
DSWD
Marilao, Bulacan

Madam;

Pagbati !

Sa ngalan po ng Paaralang Elementarya ng Prenza , Prenza I, Marilao, Bulacan , kami po ay lubos


na nagpapasalamat sa lahat ng suporta nyo sa aming mahal na paaralan. Sa ngayon po, nais naming
humingi ng tulong sa inyo na kami ay pahintulutan na makapagsagawa ng Proyekto na may kinalaman sa
Mr. & Miss Prenza Elementary School 2014-2015. Ang amin pong malilikom na halaga ay gagamitin sa
mga sumusunod:
 Pagsasaayos ng silid-aklatan at Science Laboratory ng paaralan.
 Pagpapagawa o pagbili ng mga gamit para sa silid-aklatan at Science Laboratory.
 Pagbili ng lapel o kurtina para sa mga silid-aralan.

Ang mga kalahok ng Mr. & Miss Prenza E/S SY 2014-2015 ay may kapahintulutan ng kanilang mga
magulang. Ang malilikom na halaga ay pangangasiwaan ng GPTA Officers 2014-2015 alinsunod sa kanilang
napagkasunduan.

Umaasa po kami sa inyong maagang pagtugon.

Gumagalang,

VANESSA GUMAFELIX CLAIRE CALUAG REBECCA V. CASTRO MA. TERESA R. ANTONIO


GPTA-Tagasuri GPTA-Ingat-Yaman GPTA-Kalihim GPTA-Pangulo
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
MARILAO DISTRICT

KATITIKAN NG PAGPUPULONG
July 21, 2014
1:00 pm
BEIS Bldg., Marilao Central School

Ginanap ngayong araw, Hulyo 21, 2014 ginanap ang halalan ng Marilao PTA
Federation sa BEIS Bldg., ng Marilao Central School.
Nagsimulang magdatingan ang mga pangulo ng ibat-ibang paaralan sa Marilao ng
ganap na ala una ng hapon. Ang lahat po ay pumirma sa attendance sheet. Labing apat na
pangulo ang dumating at anim na pangulo ang hindi nakarating.
Nagbigay ng pang-unang pananalita ang tagamasik pampurok na si Dr. Ma. Neriza F.
Fanuncio. Binati nya ang mga dumalong pangulo ng bawat iskwelahan at muling ipinaalaala
ang mga responsibilidad at gampanin ng bawat isa.
Sinimulan ang pagpapakilala sa bawat pangulo sa pamamahala ni Gng. Ma. Fe D. Farne
ng Prenza Elementary School na siyang tumatayong tagapayo ng Municipal PTA Federation.
Matapos ang pagpapakilala ay ibinigay ang mga balota upang masimulan ang pag
hahalal sa magiging pamunuan. Ang komite sa eleksyon na binubuo nina Gng. Enriquez at
Bb. Dela Cruz ang nagbilang ng balota. Narito po ang talaan ng mga nanalo;
1. Ferdinand Batol - 13 - MCS
2. Agnes Lascana - 13 - SRES I
3. Ma. Teresa Antonio - 12 - PRES
4. Eduardo Paronable - 11 - PAES
5. Meriam Icatlo - 10 - LAES-Annex
6. Virgilio Payumo - 10 - IES
7. Francis Veloria - 10 - LAES
8. Emelita Leongson - 10 - LODGES
9. Amy Rosario - 10 - ASES
10. Melmie Azares - 9 - FSS Patulo
11. Daisy Maratas - 8 - NV 4B
12. Arnel Rubiales - 7 - SRES II
13. Angelito Aguilar - 5 - ANES
14. Cristy Macaranas - 3 - TES
Muli pong nagbotohan ang sampung may mataas na boto upang pumili ng limang
(5) Executive at mga Special Committee. Nanalong pangulo si Ferdinand Batol, pangalawang
pangulo si Eduardo Paronable, kalihim si Ma. Teresa Antonio, Ingat-yaman si Agnes Lascana,
Taga-suri si Meriam Icatlo. Pumili na lamang sa mga natitirang lima para sa Special
Committee.
Narito po ang kumpletong talaan ng mga nanalong opisyales;

President - Ferdinand Batol - MCS


Vice President - Eduardo Paronable - PAES
Secretary - Ma. Teresa Antonio - PRES
Treasurer - Agnes Lascana - SRES
Auditor - Meriam Icatlo - LAES
Special Committee

Committee on Ways & Means


Ver Payumo – IES
Member
Celia Campita

Committee on Election
Amy Rosario – ASES

Member
Cristy Macaranas

Committee of Finance
Emelita Liongson – LODGES

Member
Marilou Reynera

Committee on Audit
Melmie Azares – FSS Patulo

Member
Edmund Meclat
Grievance Committee
Francisco Veloria – LES

Member
Jervie Auditor

External & Community Affairs Committee


Daisy Maratas

Member
Jocelyn Diaz

Natapos ang halalan at pagpupulong sa ganap na ika-5 ng hapon. Ang lahat at


nagbigay galang sa tagamasik pampurok.

Ipinasa:

MA. FE D. FARNE FERDINAND BATOL MA. TERESA ANTONIO


Tagapayo,AP Pangulo, MPTA Fed. Kalihin, MPTA Fed.

Inalam:

MA. NERIZA F. FANUNCIO, Ed.,D.


Tagamasid Pampurok

Parents Meeting
of all Candidates
for Mr. & Miss
Prenza Elementary
School SY 2014-
2015 is on Friday,
August 8,2014at
2:00PM.

You might also like