You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon sa Rehiyon XI


Tagum City National High School
Departamento ng Senior High School

2nd HOMEROOM PTA MEETING

KATITIKAN NG PULONG NG TAGUM CITY NATIONAL HIGH SCHOOL 1 ST


HOMEROOM PARENTS-TEACHERS ASSOCIATION MEETING NA GINANAP SA
TAGUM CITY NATIONAL HIGH SCHOOL, CLIMACO MAURILLO GYM AT SENIOR
HIGH SCHOOL BUILDING, SILID ARALAN NG SEKSYON GALILEI, ROOM 205
NOONG IKA – 8 NG SETYEMBRE 2017.

Ang nanguna sa unang parte ng pagpupulong na ginanap sa Climaco Maurillo


Gym ay si Bb. Melissa Porras at nag simula ng 1:22 ng tanghali, na dinaluhan ng mga
magulang ng mag-aaral sa Senior High School at kabilang din dito ang mga sumusunod
na guro;

Bb. Jepherlie De Leon Gng. Grace Sandukan

Bb. April Mae Ydel Gng. Jellie Mustacho

Bb. Evelyn Tripoli Gng. Madilyn Ondoy

Gng. Nancy Gonzales Gng. Eliza Tolentino

Gng. Madeline Namuag Gng. Rina Joyce Ajos

G. Jhoniel M. Viernes G. James Cherish Gumela

G. Joseph Richel Ramos G. Ernie Balbuena

Ang pagpupulong ay sinimulan sa pamamagitan ng pag awit sa Lupang Hinirang


na pinangunahan ni Bb. Jepherlie De Leon sumunod ang panalangin na pinamunuan ni
G. Joseph Richel Ramos.

At nagpatuloy ang pagpupulong sa pagpapahayag ng mensahe ni Gng. Joseph


Isidro Boyles, PTA President. Nilinaw niya na naaprobahan ang PTA contribution na
may halagang 750 pesos noong nakaraang General PTA meeting at nilinaw din niya
ang mga sabi sabi na 500 lamang ang PTA contribution at ayon sa kanya base ito sa
Regional Memo na galling sa Regional Director, Atty. Escabarte. Ipinaliwanag niyang
mabuti kung bakit 750 lang ang contribution dito sa Tagum City National High School
(TCNHS) na mayroon labing isang tauhan at nagkakahalaga ang kanilang honorarium
mula 5,000 hanggang 8,000 at mayroon pa silang PhilHealth, SSS at bonuses. Sa
contribution na 750 ang 60 pesos nito ay mapupunta sa pundo ng Supreme Student
Government ng paaralan at 60 pesos din ay sa school publication. Ang 138 pesos
naman ay hahatiin ng 25 departamento ng TCNHS. Ang 371 ay para sa janitorial
angler. Napag-alaman na kung maari ay mayroong 370 na mga magulang ang
magbabayad kada buwan ngunit sa buwan ng Hunyo at Hulyo mayroon lamang 150 na
mga magulang ang nakabayad na. Importante talaga ang suporta ng mga magulang.
Ipinahayag din ni G. Boyles ang isa pang problema ng paaralan sa patubig sa ikatlo at
ikaapat na palapag ng Senior High School building, na isang malaking hamon sa PTA
ngunit kanila nang pinagtutuunan ng pansin at kaugnay dito ay gumagawa na ng plano
si Engr. Jhoniel Viernes - guro sa Practical Research 2.

Ipinaalam rin niya na kung mayroon mga magulang na may dalawa o higit pang
anak na nag-aaral dito ay isang PTA contribution lamang ang babayaran.At ipinaalam
din niya na voluntary lamang ang pagbayad sa insurance na 45 pesos para sa
seguridad ng mga estudyante sa kanilang darating na emersion. May dalawang
magulang na nagtanong at maayos naman itong sinagot at ipinaliwanag ni G. Boyles na
kung pwede ay isahin lang pagbayad at mas mainam na magbayad ng maaga.

Sumunod naman ang pahayag ni Gng. Nancy Gonzales – Senior High School
Focal Person patungkol sa una, insurance ng mga mag-aaral sa Senior High School na
kung saan napili ang Philam Life Insurance na nagkakahalaga ng 45 pesos taonang
bayad at pwede ng magsimulang magbayad nito sa opisina ng PTA hanggang sa
katapusan ng buwan ng Setyembre. Pangalawa ay ang pagsisimula ng Work Emersion
Program ng Senior High sa buwan ng Nobyembre, simula ng pangalawang semester.
Nabanggit din ni Gng. Gonzales ang patungkol sa pagkakaroon ng mga mga-aaral sa
Senior High School ng asul na polo shirt para mayroon naman silang pagakakakilanlan
pagdating sa mga companya o sa LGU na kanilang papasukan at para mas maging
komportable sila suot ito at sout ang pantalon kesa sa kanilang mga uniporme at sa
kung ano mang mga bagay ang kanilang maaring gawin sa mga companyang kanilang
mapupuntahan.

Nagpapasalamat din siya kay G. Ernie Balbuena – guro sa ETech sa paggawa


ng lay-out sa polo shirt ng mga bata. Na sa harapan ang may selyo at sa likurang
bahagi naman ay may nakalagay na “Senior High School Work Emersion”.
Kinakailangan ding mayroong sout na I.D. ang mga bata at kung wala pa ay ipagbigay
alam lamang sa adviser ng iyong anak upang mabigyan ng sapat na tugon. Ipagbibigay
alam lang sa mga bata kung kalian ang deadline at kung maggano ang babayaran. At
ipinagbigay alam din niya ang patungkol sa Intramurals ngayong darating na Setyembre
21-22. Mayroong gaganapin na mga sports at musical activities.

Natapos ang unang parte ng pagpupulong sa ganap na 2:04 ng hapon sa


mungkahi na din ni Gng. Nancy Gonzales.

Ang nanguna sa ikalawang parte ng pagpupulong ay si Gng. Madilyn Ondoy na


guro sa section Galilei at nag simula ng 2:17 ng hapon, na dinaluhan ng mga magulang
at mag-aaral sa Senior High School, Section Galilei at mayroong 32 dumulo sa
pagpupulong at sila ay ang sumusunod: ang mga sumusunod:

Loreta Yroy Rogelio Normilita


Toroctocon Cervantes
J.M Anides
Luzminda Algoso Carolina Abrenica
Stella Mangaron
Ruby Songkit Amie Temon
Lolita Deiparine
Eutemio Sugsi Jossel Genn
Rechel Sabac Partosa
Orlando Rupio
Mary Joy Morales Felipe Barcena
Baltazar Potestas
Romil Item Jan Laurine
Analisa Obejero Sulatorio
Lyne Claro
Lalie Bolamban Arturo Mantilla
Margarita Salar
Silvestre Ilad Elsie Escalante
Ivy Trebajo
Reggie Nuez Prisca Loquire
Agnes Adolfo
John Rey
Ellen Camarinta Facundo

Ang pagpupulong ay sinimulan ng isang panalangin na pinangunahan ni Bb.


Rowena Loquire at sumunod ang pagpapakilala sa mga opisyales ng Homeroom PTA
noong nakaraang pagpulong at ang pagpapakilala ng iba pang mga magulang.

Ipinaliwanag ni Gng. Madilyn Ondoy na hindi na lamang ipapadala ang mga card
at kung puwede ay litratuhan nalang pagkatapos mapirmahan. Ipinahayag din niya na
may mga iilan na hindi pumapasok sa tamang oras ng klase na 7:30 ng umaga.
Ipinagbigay alam rin niya ang patungkol sa mga kulang na mga requirements na kung
saan ay nakapaskil ang listahan nito sa pisara.
Nagtanong si Gng. Rechel Sabac kung puwede ba ang NSO Birth Certificate ang
ibigay at nilinaw ni Gng. Ondoy na kailangan pa niyang ikumpirma sa nakakataas ang
kung pwede ba NSO Birth Certificate lang muna at hindi yung PSA Birth Certificate para
hindi maaksaya ang oras at pera ng mga magulang. Patungkol naman sa School Risk
Reduction Management Concern ipinahayag niya na alam na ng mga estudyante ang
gagawin kung mayroon mang lindol na dumating dahil ang paaralan ay nagsasagawa
ng mga drill para maihanda ang mga estudyante.

Ipinagbigay alam din ni Gng. Ondoy ang tungkol sa Intramurals 2017 ngayong
darating na Setyembre 21-22 at may babayarang 20 pesos sa kada estudyante para sa
pagkain at pamasahe ng mga atleta at mga tagasanay. Maaring magbayad sa ingat-
yaman ng Section Galilei na si Ferian Barcena. Ang deadline ng pagbayad ay pwede
isang linggo bago ang Intramurals.

Ang sumunod ay ang pagbibigay parangal sa mga nakakuha ng 90 at pataas na


average sa unang kwarter ng unang semester. Ito ay sina:

1. Lodel Jhun Deparine 8. Eufa Abryll Claro


2. Raye Aileen Suico 9. Rowena Loquire
3. Ma. Christine Buck 10. Dorothy Trebajo
4. Jesilin Anides 11. Shane Charlotte Adolfo
5. Teddee Locaba 12. Aila Mantilla
6. Kouta Morata 13. Ricmar Salar
7. Celine Marie Cervantes

Natapos ang pangalawang parte ng pagpupulong sa pamamagitan ng


pamimigay ng mga cards sa mga magulang at estudyante sa ganap na 3:02 ng hapon
ayon na rin kay Gng. Madilyn Ondoy.

You might also like