You are on page 1of 2

Ibaan District Education And Academe

Unang Pagpupulong Para Sa Teachers’ Day Celebration 2015


August 6, 2015

Ibaan School Heads at Principals kasama si Kon. PJ Chua at Tourism Officer Myla Soriano.

Sa pagpupulong na ipinatawag ni Kon. Paul John Chua, Tagapangulo ng Lupon ng Edukasyon sa Sangguning Bayan ng
Ibaan, pinag-usapan ng mga guro ang mga hakbangin bilang preparasyon sa darating na Teachers’ Day Celebration.

Mayor Toreja at Kon. Chua habang nakikipag-usap sa mga Principal at School Heads ng Ibaan.
Dumating din sa pagpupulong ang Punong Bayan na si Mayor Danny Toreja.
Opisyan na binuksan ang pagpupulong sa pamamagitan ng isang dasal sa pamumuno ni Gng. Veronica Roxas,
Guidance Counselor ng Ibaan Central School.
Sa opisyal na agenda ng pagpupulong, napagkasunduan ng mga guro na isagawa ng selebrasyon sa ika-25 ng
Setyembre 2015 sa Fr. Guido Colleti Gym ng paaralang Saint James Academy. Ito ay upang mas maging komportable
ang ang mga partisipante sa kabuuan ng programa.
Nasa ikaapat na taon ng selebrasyon, ang Teachers Day Celebration ay hango sa ipinasang Municipal Ordinance No.
2012 – 01, “An Ordinance Declaring Last Friday of September Every Year As Official Teachers Day In The Municipality
Of Ibaan, Batangas”, iminungkahi din na gawin “half-day” na lang ang selebrasyon upang mabigyan pa ang lahat ng
sapat na panahon para sa kani-kanilang pamilya. Mulugod naman itong sinang-ayunan ng lahat.

Bilang Tagapangulo ng Lupon ng Edukasyon, pinangunahan ni Kon. PJ Chua ang pagpupulong para sa nalalapit na
Teachers Day Celebration.
Ayon sa katitikan ng pagpupulong, “Ikalawang agenda ay ang programang nakahanda para sa naturang selebrasyon.
Ang unang bahagi ng selebrasyon ay parada na magsisimula sa ganap na ika-7 ng umaga at ang assembly area ay sa
pagitan ng Ibaan Central School at ng tahananan ni G. Dick Caringal. Ang parada ay pangungunahan ng ICS Mini
Band, susundan ng mga guro ng paaralan na ang order ay “alphabetically-arranged“, kasama din ang grupo ng mga
retiradong guro patungo sa Fr. Guid Gym kung saan idadaos ang ikalawang bahagi ng selebrasyon. Ang ikalawang
bahagi ay Thankgiving Mass na pangungunahan ng mga Opisyales ng Pamahalaang Bayan, School Heads.”

Napagkasunduan ng lahat na gawin sa Fr. Guido Colleti Gym ang selebrasyon.


“Ang ikatlong bahagi naman ay ang pagsisimula ng program proper kung may mga pniling bata sa bawat paaralan
upang mabigay ng kani-kanilang simpleng pagtatanghan o bilang. Magkakaroon din ng raffle at mga palaro, gayundin
ng libreng serbisyo tulad ng manicure, pedicure, haircut, makeup at iba pa.”
Kasama din sa nagpagkasunduan ang pagkakaroon ng isang disenyo ng t-shirt na magsisilbing opisyal ng t-shirt ng
mga guro sa Distrito ng Ibaan. Inako naman ng lokal ng pamahalaan ang gastusin para dito.
Sa huli, umaasa ang lahat maiisagawa ng matiwasay ang Teachers’ Day Celebration. Nagpasasalamat din ang lahat sa
pagkakaroon ng nasabing pagpupulong upang magkaroon ng sapat na preparasyon ang nasabing selebrasyon.
Mga Punong guro na dumalo:
 Gng. Neddie N. Alcantara – Bungahan ES
 Gng. Veronica C. Roxas – Ibaan Central School
 Gng. Jocelyn D. Argente – Panghayaan ES
 Gng. Gina A. Cayetano – Sto. Nino ES
 Gng. Pelagia A. Arriola – Mabalor/Catandala ES
 G. Von Chester O. Calabia – Saint James Academy
 Gng. Amelia S. Villanueva – Balanga ES
 Gng. Florence C. Aguila – Quilo ES
 G. Larry M. Roallos – San Agustin ES
 Gng. Preciosa S. Gordo – Lucsuhin ES
Mga Punong guro na hindi nakadalo:
 Gng. Mariloy S. Kalalo – Tulay ES
 Gng. Rosalina B. Anonuevo – Coliat ES
 Bb. Gilda T. Virey – Bright Christian Academy
 Gng. Maxima M. Javier – Maximo T. Hernandez Memorial NHS
 G. Albert M. De Chavez – Malainin ES
KAIBIGAN
May matalik na magkaibigan sina Marjorie at John sila’y nasa kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng kolehiyo.
Matagal na silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at kilala na nila ang isa’t
isa.
Isang araw ay inaya ni John si Marjorie sa madalas nilang puntahan na lugar may mga punodoon at sariwa ang
hangin.”Bes, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong pagsabihan”.nakangiting wika ni John
habang nakahawak sa kamay ni Marjorie.”Ano yon?”may pagtatakang tanong nito.”Kami na ni Feliz!”biglang
napakayakap si John sabay buhos ng malakas na ulan. Napaluha si Marjorie ngunit hindi iyon nahalata dahil sa
ulan.”Masaya ko para sayo”may pilit na ngiti na lumabas sa bibig ni Marjorie. “Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki
sa mundo bes.”bakas pa din ang saya sa mukha ni John.”Pagod na ko. Umuwi na tayo at baka magkasakit pa
tayo.”may panghihina sa boses ni Marjorie. “O sige, hatid na kita”may pagtatakang wika ni John.
Matapos ang pag-uusap nila na yoon ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni John na nagka nobyo na din si Marjorie.
Isang araw ay napagpasyahan ni John na dalawin si Marjorie sa kanilang bahay. “Hi Marj. I miss you.”nakangiting wika
ni John(Wala na ang dating kinang sa mata ni Marjorie, wala na din sigla lungkot na lamang ang nababakas sa
kanyang mukha)wika ni John sa sarili. “Anong ginagawa mo dito?”matamlay na tanong nito.”Gusto kong makita ka
bes.”wika ni John. “Para saan pa? Wala na din kwenta magkita man tayo o hindi” may kirot sa bawat bitaw na salita ni
Marjorie.”Mahalaga kasi mahal!”natigilan si John.”Ano?? Wala!. Alam mo John humiling ako sa bitwin kahit na alam
kong hindi matutupad iyon”umiiyak na umalis si Marjorie. Naiwan pa ding naiwan si John.”Bakit hindi ko naituloy ang
nararamdaman ko na mahal…..ko si Marjorie”wika niya sa sarili.
Araw nan g kanilang pagtatapos ay hinahanap ni John si Marjorie ngunit sabi ng kaibigan nito na hindi daw ito dumalo.
May biglang lumapit na lalaking may balbas, pula ang mata, at mahaba ang buhok na lalaki kay John.”Hi pare, nakita
mob a si Marj? Hindi ba ikaw ang bestfriend niya? Ako nga pala ang nobyo niya”wika ng lalaki kay John.”Bakit sa akin
mo tinatanong hindi ba dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya!”nanlalaking wika ni John.”Easy pare ibibigay ko lang
sana sa kanya ang regalo ko.”at tumalikod na ito.
Kinabukasan ay nagbabasa ng diyaryo si John ng bigla niya itong nabitawan.Ganito ang kanyang nabasa “A College
Graduate is Dead because of her Addict Boyfriend” nasabi doon na pinasubok kay MArj ang drugs na kahit na siya’y
hindi pa niya natitikman. “Walang hiyang iyon drugs pala ang sinasabi nitong regalo. Magbabayad siya!”pabulyaw na
wika ni John.”Na kay Feliz ang atensyon ko ngunit ang dapat kong inalagaan at hindi pinabayaan ay ngayon ay wala
na … ang aking bestfriend. Bakit hindi ko masabi noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa matalik na
kaibigan”umiiyak na wika ni John

You might also like