You are on page 1of 1

Pagbibigay Pugay sa mga Guro 2022

Ipinagdiwang ang araw ng mga guro sa Governor Feliciano Leviste Memorial National
High School na may temang "Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino," na
pinangunahan ng Supreme Student Government President na si Kgg. Jan Jeremy P.
Obando kasama ang mga kasapi nito, noong ika-5 ng Oktubre 2022.

Naganap ang iba't ibang uri ng aktibidad, at nag alay ng iba't ibang presentasyon ang
nasasabing mga mag aaral na lubos na nagpasaya sa mga kaguruan ng paaralan.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang misa, bago inawit ang Pambasang
Awit na pinangunahan ni Heart M. Capuno, sumunod ang panalangin ni Axana F.
Noblefranca, panunumpa ni Niño Arjay M. Deomampo, at makabayan songs ni Gng. Patricia
B. Razon. Nagbigay din ng mensahe si Kgg. Jan Jeremy P. Obando at panimulang mensahe
ng SSG adviser na si Gng. Clarinda G. Villanueva.

Hindi din nagpahuli ang mga kaguruan ng iba't ibang departamento sa kanilang
pampasiglang bilang na nagbigay ng saya sa mga manonood.

Nagkaroon din ng pagkakataon na mabigyan ang mga guro ng parangal dahil sa


kanilang paghihirap at pagsasakripisyo.

Sa pagtatapos ay nagbigay ng mensahe ang SSG Vice President na si Kgg. Aithne


Euanne Mandanas bilang pasasalamat sa tumulong at nagtaguyod para mairaos ang isang
matagumpay na programa.

You might also like