You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education (DepEd)


Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga City
STA. MARIA CENTRAL SCHOOL SPED CENTER
Sta. Maria District
SY: 2022-2023

Narrative Report
“Pambansang Buwan ng Pagbasa at Araw ng Pagbasa 2022”

I. PANIMULA:

Ang pagbasa ito ay uri ng pag-alam, paghahanap, at pagsasabi ng isang


salita o talata na nakikita saisang materyal na bagay na nagbibigay anyaya na
basahin ito. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng
may-akda sa babasahing kanyang isinulat. Isa sa magandang gawain ang
pagbabasa, sapagkat hinggil sa inyong hilig at interes dito maraming
magagandang bagay itong naidudulot. Nakakapagpalawak ito ng ating
imahinasyon. Naipapaisip sa atin ng ating nababasa ang mga bagay na
imposible nating makita o maranasan. Nakukuha nating maglakbay sa pagbabasa.
Higit sa lahat, marami tayong napupulot nakaalaman at aral. Nadadagdagan ang
ating mga nalalaman.

Pambansang Buwan ng Pagbasa ang buwan ng Nobyembre Alinsunod sa


Memorandum Blg. 389, ang Departamento ng Edukasyon (DepEd), ay
itinampok ang “2022 Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa”, na naglalayon
na pahalagahan ang pagdiriwang ito sa buong bansa upang maisakatuparan
ang tiyak na paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral at higit sa lahat ay
pagyamanin, mapabuti at pataasin ang antas na lebel ng kanilang pagbasa.
Layunin din ng gawain na ito na magkaroon ang mga mag-aaral ng
pagmamahal sa pagbasa, buong kamalayan, tungkulin sa pagbasa at
makamtan ang literasiya upang malinang nang husto ang kritikal na lebel ng
kasanayan.

Kaugnay nito, upang mas mapaunlad ang pagkagiliw ng mag-aaral sa


pagbasa, ang Paaralang Sentral ng Sta. Maria Sped Centre, ay nakiisa sa
okasyong ito mula ika-7 hanggang ika – 29 ng Nobyembre, 2022 sa pamumuno
ng aming Punungguro na si Ginoong Teresito B. Apolinario kasama ang inyong
lingkod Gng. Imee V. Canuel – Filipino Phil-Iri Reading Koordinaytor, at mga
guro sa asignaturang Filipino mula baitang 4 hanggang 6 buong lakas nilang
pinagtulungan upang maisakatuparan ang mga gawain ng paaralan.
Nagsagawa sila ng iba’t ibang gawain na may kaugnay sa pagbabasa. Ang mga
gawain na ito ay ginanap sa loob ng mga silid-aralan kabahagi ng instruksiyon
upang hindi mabuwag ang oras ng klase ng mga mag-aaral at maitupad na rin
ang “DepEd Order No. 9, s. 2005 entitled Instituting Measures to Increased
Engaged Time-On-Task and Ensuring Compliance.”
Sa pagtutulungan ng mga guro na nagiging kaayaaya gawain at pagmamahal sa
pagbabasa. Kaugnay ng layuning nabanggit, narito mga gawaing inilaan upang
maisakatuparan at hikayatin ang lahat ng mga mag-aaral na maging aktibong
mambabasa;

• Mystery Reading Ambassador na isinagawa tuwing Lunes ng


umaga, pagkatapos ng seremonya ng watawat. Nag-imbita ng guro
bilang reading ambassador, nakibahagi Reading Coordinator bilang
reading ambassador na nagbigay kulay sa mga binasang Pambatang
Kuwento.
• Reading Ambassador (iREAD2inspire)- Isa sa kilalang media
praktisyoner at anchor ng Teleradyo TV 11 Date Line Zamboanga
masayang ibinahagi ang kwento sa mga piling mag-aaral.
• Story Telling- Mula sa piling anim na baitang mahusay na
ipinakita ang kanilang galing sa Muling Pagkukuwento sa ginanap
sa loob ng silid aralan.
• Spelling Bee-Masigasig nakibahagi ang mga mag-aaral mula
Baitang 4 hanggang 6 sa Spelling Bee.

Ang lahat ng mga gawain ay matagumpay na naisagawa sa


pamamagitan ng pakikilahok ng mga mag-aaral, at pangangasiwa ng mga
guro na itinalaga sa bawat aktibidad.
B. Mga larawan
Ika- 7 ng Nobyembre, 2022 - “School Level KICK OFF”

Pagkatapos ng “Flag Ceremony “ay nagkaroon ng maikling programa ang


“School Level KICK OFF” kung saan ang mga mag-aaral ay may dalang placard na
may sulat na iba’t ibang bahagi ng pananalita at nagkaroon ng maikling
pagkukuwento at pagsagot sa mga katanungan tungkol sa binasang kuwento ng mga
piling mag-aaral. Nagbigay din ng maikling mensahe tungkol sa kahalagahan ng
Pagbasa ang “Mystery Reading Ambassador” sa katauhan ni Sampaguita T. Barro. At
panonood ng “ Live Streaming” ng Division Kick-off ng Pambansang Buwan at Araw
ng Pagbasa.
Ika- 8-28 ng Nobyembre, 2022 – “Reading Pantry”

Ang Paaralang Sentral ng Sta. Maria Sped Center ay nagsagawa ng


“Reading Pantry”. Dito nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral bumasa
ng mga iba’t ibang uri ng aklat. Dito ay nagkaroon ng “Reading Challenge”,
araw-araw kung saan ang mga estudyante ay bibigyan ng “Reading Challenge
Log” at isusulat nila dito ang pamagat at manunulat ng libro ng bawat librong
kanilang binasa at mga sagot sa tanong dito. Pinabasa din ang mga mag-aaral
ng mga pamplets. Ang mga “Reading Pantry” ay sama-samang naisagawa ng
mga aktibo at malikhaing guro.
Ika- 11 ng Nobyembre, 2022- #IcaughtUreading

Ang gawain na #IcaughtUreading” ay ginanap mismo sa loob at labas ng


klasrum kung saan ang mga guro ay kumuha ng mga larawan ng mga batang
nagbabasa “On the Spot” na kumbaga’y walang kamalay-malay ang
mambabasa sa mga pangyayari habang sila ay nakatutok sa pagbabasa.
Ika-24 ng Nobyembre, 2022- Filipino Spelling Bee

Ang “Spelling Bee” ay isang patimpalak na sinalihan ng mga piling


mag-aaral mula Apat hangang anim na baitang. Naging matagumpay ang mga
gawin na ito at nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makilahok ng
sabayan.
Ika – 29, ng Nobyembre, 2022 – Pangwakas ng Gawain “Culminating Activity”

Ang Pangwakas na Gawain o “Culminating Activity” para sa “2022


Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa” ang siyang pinaka-highlight na
Programa na hinihintay ng mga nagsipanalong mag-aaral. Sa araw na ito,
ginanap ang paggawad ng mga Sertipiko ng Pagkilala at para sa mga nanalo ng
gantimpala bilang 1st, 2nd at 3rd. Ang palatuntunan ay dinaluhan ng Mystery
Ambassador na si G. Philip Abuy III isang ikalalang media praktisyoner at
anchor ng Date Line Zamboanga na walang sawang sinuportahan ang 2022
PBAP. Naipakita din ng Reading Ambassador ang kakayahan at galing niya sa
pagkukuwento na lubos na napahanga sa kanya ang mga mag-aaral. Nagbigay
din ng mensahe si G. Teresito B. Apolinario bilang inspirasyon sa mga bata na
pahalagahan ang Pagbasa upang maiwasan ang pagiging huli sa lahat ng
bagay at matagumpay na makamtan nila ang kasaganaan ng buhay. Ang
”IreadtoInspire”, ay isang patunay na kapag sabay naniwala at sabay na gawin
walang imposible, Cre juntu junto Pwede”.

C. Ika - 24 ng Nobyembre – Patimpalak sa “Spelling Bee”

Nagkaroon ng patimpalak sa “Spelling Bee” na sinalihan ng mga piling


mag-aaral mula sa Apat hanggang Ikaanim na Lebel. Naipamalas ng mga mag-
aaral ang kanilang galing at tagisan ng talino sa pagbaybay ng mga salitang
gamit ang Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ang mga guro sa Filipino ang siyang
nagsagawa ng patimpalak na ito mula sa kani-kanilang lebel. Naging
matagumpay ang aktibidad na ito at nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na makilahok ng sabayan.

Inihanda Ni:
IMEE V. CANUEL
T-II
READING KOORDINAYTOR –FILIPINO

You might also like