You are on page 1of 2

Bilang bahagi ng Memorandum No. 244 (s.

2011) kung saan idineklara ang buwan ng Nobyembre bilang


Buwan ng Pagbasa, ang ika-27 ng nasabing buwan ay Araw ng Pagbasa alinsunod sa Republic Act 10556 na
pinirmahan ni dating pangulong Benigno Aquino III bilang pag-alala sa kaarawan ng kanyang amang si Sen.
Benigno Aquino Jr. na ipinanganak noong ika– 27 ng Nobyembre 1932.

Kaugnay nito, inilunsad ng Kagawaran ng Filipino ang sa pangunguna nina Gng. Paulina Cas at Gng.
Marjorie Diaz at Gng. Rowena Subong (Mga Chairman ng nasabing aktibidad) noong ika- 15 ng Nobyembre.
Napag-usapan na din ang isasagawang kick-off upang isang pambungad na pagsasagawa ng mga aktibidad sa
buwan ng pagbasa.

Sa Kick-off na isinagawa sa AVR ng Mataas na paaralan ng Kongresyonal nagsimula ang programa sa


pagpapabatid sa mga mag-aaral ng mga nakatakdang gawain para sa buong Buwan ng Pagbasa, sinundan ng
pagpapanood ng maikling dokumentaryo na kaugnay sa kahalagahan ng pagbasa na may temang ‘’Pag-asa sa
Pagbasa’’ at tinapos ng paghahandog ng mga mag-aaral ng mga aklat para magsilbing donasyon sa paaralan na
ilalagak sa silid-aklatan ng paaralan.

Sa unang araw ng programa para sa pagbasa, isinagawa noong Nobyembre 19-22 ang ‘’Road Trip’’ kung saan
papangkatin ang bawat klase sa apat at kukuha ang guro ng dalawa hanggang sa apat na representante mula sa
bawat grupo. Ang guro ay may inihandang mga bahagi nmg makukulay na papel, ang mga ito ay may kalakip
na bugtong na kailangang sagutin ng mga mag-aaral, sa espesipikong pook sa loob ng paaralan na siyang sagot
sa bugtong ay matatagpuan nila ang mga maiikling pangungusap. May iba’t ibang tema ang bawat lebel, ang
GRADE 7- Pag-asa GRADE 8-Pagbibigayan GRADE 9-Pagkakaisa at GRADE 10-Pagtutulungan matapos nito
ay iuulat nila ito sa harap ng klase.

Noong Nobyembre 25, 2019 ay nagsagawa ng naman ‘’Reading Challenge’’ kung saan maging ang mga guro at
admin maging ang mga ulong guro at punong guro ay maaring maging bahagi ng aktibidad na ito. Sa GRADE 7-
Mag-iimbita ang mga mag-aaral ng magbabasa sa kanila ng isang maikling kuwento. Sa GRADE 8- Pagbasa ng
maiikling dagli, sa GRADE 9 at 10 Ang mga guro ng baiting siyam (9) at sampu (10) ay hahanap ng mga post o
shared post mula sa Facebook na may kinalaman sa mga mag-aaral. Ibabahagi ito sakanila at sa loob ng klase ay
magkakaroon ng talakayan kung saan kanilang ibabahagi ang kanilang reaksyon tungkol dito.
MGA GAWAIN SA BUWAN NG PAGBASA
Nobyembre 18, 2019 – Kick-off
Gawain:
1. Panimulang programa
2. Pagpapabatid ng mga inihandang gawain para sa mga mag-aaral
3. Pagpapanood ng isang maikling video na may kaugnayan sa pagbasa”Pag-asa sa Pagbasa”
4. Paghahandog ng mga aklat

Nobyembre 19-22, 2019


Gawain: Road Trip
Magkakaroon ng 15 hanggang 20 minutong paglilibot ang mga mag-aaral sa buong kampus upang hanapin
at basahin ang mga babasahing inilagay ng mga guro sa iba’t ibang bahagi ng paaralan.
Araw Lebel Tema
Nob. 19 - G7 Pag-asa
Nob. 20 - G8 Pagbibigayan
Nob. 21 - G9 Pagkakaisa
Nob.22 - G10 Pagtutulungan

Nobyembre 25, 2019


Gawain: Reading Challenge
G7- Isang hamon ang ipagagawa sa mga mag-aaral ng G7
Bawat seksyon: Sino ang seksyon na may pinakamaraming maiimbitahan na guro o kung sino mang
empleyado ng paaralan na magbasa para sa kanila ng mga maikling kuwento.
G8 – Pagbasa at Pag-unawa ng mga akdang Dagli
G9 at 10 – Pagbabahaginan ng sariling reaksyon
Ang mga guro ng baitang siyam (9) at sampu(10) ay hahanap ng mga post o shared post mula sa Facebook
na may kinalaman sa mga mag-aaral. Ibabahagi ito sa kanila at sa loob ng klase ay magkakaroon ng talakayan
kung saan kanilang ibabahagi ang kanilang reaksyon tungkol dito.

Nobyembre 27, 2019


Gawain: Block Out day (maaaring tumbasan sa Filipino)
Para sa lahat ng lebel: Sino ang mag-aaral na makakapagpasa ng pinakamaraming mababasa sa buong araw
ng Nob.27,2019.

Nobyembre 28, 2019


Gawain:
G7- Malikhaing Pagbasa
G8- Chambers Theatre
G9 at G10- Interpretatibong Pagbasa
Nobyembre 29, 2019- Closing Program

You might also like