You are on page 1of 4

DIVINE LIFE INSTITUTE OF CEBU, INC.

Yati, Liloan, Cebu


S.Y. 2021-2022

MODYUL SA FILIPINO 9

Asignatura Filipino 9 Klase Offline


Markahan 1 Linggo 2
Petsa Agosto 16-20, 2021 Guro Bb. Charlene C. Guzman

Panibagong linggo ay panibagong dagdag kaalaman na naman! Mataman nating pag-aralan sa


linggong ito ang mga paksang magbibigay sa atin ng aral na ang pagsusunog ng kilay at pangarap ng
magulang ay nilingap kalayaan sa kahirapa’y tiyak na malalasap ng anak na sa buhay ay nagsusumikap. Tara!
Samahan mo ako sa pagtuklas!
I. Paksang Aralin

 Timawa
 Ang Nobela at ang Tunggaliang Makikita Rito
 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at Mga Wastong Gamit ng Salita

II. Layuning Pangnilalaman

Sa linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


 Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela;
 Nasusuri ang tunggaliang tao vs. sarili sa binasang nobela;
 Nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa akda;
 Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan;
 Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao vs. sarili; at
 Nagagamit ang mga pahayag na ginagagamit sa pagbibigay-opinyon (sa tingin / akala /
pahayag / ko, iba pa).

III. Kagamitang Pampagkatuto

Kakailanganin mo ang mga sumusunod:

 Aklat— Pinagyamang Pluma 9 Aklat 1 mga pahina 34-57


 Flash drive/ Smartphone/ Laptop/ Tablet/ Desktop computer
 Gamit Panulat at Panulatang Papel gaya ng Kuwaderno sa Filipino at/ o Long Bondpaper

IV. Karanasang Pampagkatuto

Ikalawang Linggo (Agosto 16-20, 2021)

Unang Araw (Lunes, Agosto 16)


Bakit nga ba mahalagang bigyang-pansin ang mga aral at pangarap ng magulang para sa anak? Paano
ito magagamit upang magsumikap at maging matagumpay sa buhay? Subukan nating alamin ang mga
kasagutan nito ngayong araw. Ihanda ang iyong flash drive at gawing batayan ang mga bidyo na nakalagay
dito na may filename na Q1-W2 9 Timawa at Q1-W2 9 Ang Nobela at ang Tunggaliang Makikita Rito
para sa talakayan sa araw na ito. Ito ang magsisilbing gabay mo upang lubusang maunawaan ang ating
paksa.

1|FILIPINO 9
Narito ang daloy ng talakayan:

 Talasalitaan- Buksan ang aklat sa mga pahina 36-37. Makikita sa bahaging ito ang gawain na may
pamagat na Pagyabungin Natin A at B. Sagutan ang mga gawaing ito upang maging pamilyar sa
mga mahihirap na salitang makakasalubong sa pagbabasa ng akdang Timawa. Ang mga susing
sagot ay makikita sa hulihang bahagi ng modyul na ito.

 Tayo Na’t Magbasa-Manood! – Kakailanganin mo sa gawaing ito ang bidyo na pinamagatang Q1-
W2 9 Timawa. Pakinggang maigi ang paglalahad ng kuwento at gawing gabay sa pag-unawa ang
mga katanungang makikita sa pahina 43 ng iyong aklat.

 Malayang Talakayan gamit ang Powerpoint Presentation - Tatalakayin ang tungkol sa


Nobela at ang Tunggaliang Makikita Rito. Mangyaring magtala ka ng mahahalagang bagay o punto
mula sa talakayan sa bidyo.
1. Sa iyong palagay, gaano ba kahalaga ang tunggalian sa isang nobela?
2. Ano kaya ang posibleng mangyari kung walang tunggalian ang isang akda?

Ikalawang Araw (Martes, Agosto 17)

Nakuha ba ang talakayan kahapon? Gawin ngayong araw naman ang gawain sa ibaba.

 Synergy Activity: Blog Post- Isa sa mga hamon ng kabataan ngayon ay kung paano nila
maipagpapatuloy ang kanilang edukasyon sa kabila ng pandemiyang kinakaharap. Isa ka sa mga
essay writer ng inyong klase na inimbitahan na lumahok sa “Championing the Education Summit” na
inilunsad ng inyong school publication.  Layunin ng patimpalak na ito na gumawa ng isang blog post
na may 250-300 salita na maghihikayat sa ibang kabataan na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon
kaakibat ang iba’t ibang suliranin na may kinalaman sa pag-aaral at sarili. Narito ang dapat na
bigyan pansin sa isusulat na blog:
 Suliranin sa pag-aaral na may kaugnayan sa kakapusan (oras, kagamitan, pinansiyal,
produktibidad) - Araling Panlipunan
 Mga gagawing desisyon at paraan sa pagharap ng suliranin na nagpapakita sa tunggalian ng
tao vs. sarili – Filipino
Ang iyong blog ay ipo-post sa social media account ng inyong paaralan na siyang huhusgahan ng
mga hurado ayon sa mga sumusunod na pamantayan: Lawak at lalim ng nilalaman tungkol sa
suliranin na may kinalaman sa kakapusan (50%), angkop na pagpapakita sa tunggalian ng tao vs.
sarili (50%).

Mahalagang paalala: Ang naihanda mong pinal na blog post ay iyong isulat o i-print sa isang long
bond paper na naglalaman ng iyong pangalan, baitang at seksyon, at petsa. Sa pagpasa rin ng
gawaing ito ay isulat sa likurang bahagi ng papel ang markang nakuha mula sa gawain Pagyabungin
Natin A at B, Madali Lang ‘Yan.

Ikatlong Araw (Miyerkules, Agosto 18)

Dumako tayo ngayong araw sa panibagong paksa. Ihanda ang iyong flash drive at gawing batayan ang
bidyo na nakalagay dito na may filename na Q1-W2 9 Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng
Opinyon at Mga Wastong Gamit ng Salita para sa talakayan sa araw na ito. Ito ang magsisilbing gabay
mo upang lubusang maunawaan ang ating paksa.

Narito ang daloy ng talakayan:

 Malayang Talakayan gamit ang Audio-Visual/ Powerpoint Presentation- Tatalakayin ang


tungkol sa mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon at mga Wastong Gamit ng Salita.
Mangyaring magtala ka ng mahahalagang bagay o punto mula sa talakayan sa bidyo.

 Madali Lang ‘Yan- Sagutan ang gawain sa pahina 54 ng iyong aklat sa bahaging Madali Lang ‘Yan.
Pagkatapos masagutan ay wastuhan ang sariling sagot gamit ang susing sagot na makikita sa huling
bahagi ng modyul na ito. Katapatan ay pairalin sa gawaing ito.

2|FILIPINO 9
Ikaapat na Araw (Huwebes, Agosto 19)

Palalimin pa natin ngayon ang iyong kaalaman mula sa naging talakayan kahapon.

 Subukin Pa Natin- Sagutan sa iyong kuwaderno ang gawain sa bahaging Subukin Pa Natin sa
pahina 54-55 ng iyong aklat. Maging komprehensibo sa pagsagot nito. Huwag kalimutang ilagay ang
pamagat ng gawain sa iyong kwaderno at petsa sa araw na ito.

Paalala:

Ipasa ang mga sumusunod na gawain sa Lunes, Agosto 23, 2021

 Blog Post
*Ang kwaderno ninyo ay aking kokolektahin sa katapusan ng markahan.

Magaling!
Binabati kita sa pagiging produktibo at matiyaga mo sa aralin natin sa linggong ito. Ito pa lamang ang
unang linggo at pinakitaan mo na ako ng positibong gawi. Tiyak na sa susunod nating mga aralin ay madali na
lamang para sa iyo ang mga ito, sabayan pa ng pagiging pursigido mo. Pasiglahin ang sarili para sa susunod
na mga linggo. Ingat palagi at pagpalain nawa kayo ng Panginoon.

Bb. Charlene C. Guzman


Guro sa Filipino

_____________________________________________________________________________

Mga Susing Sagot sa Pagwawasto (mga pahina 36-37; 54):

PAGYABUNGIN NATIN A

1. e
2. b
3. a
4. d
5. c

PAGYABUNGIN NATIN B

1. KS 6. KH
2. KH 7. KS
3. KS 8. KH
4. KS 9. Bonus
5. KH 10. KS

MADALI LANG ‘YAN

1. ☹
2. 😊
3. 😊
4. 😊
5. ☹

3|FILIPINO 9
4|FILIPINO 9

You might also like