You are on page 1of 19

Kohesyong

Gramatikal
Ano nga ba ito?

Ito ay mga salitang tulad ng panghalip na


nagkakawing sa mga salita, parirala at
sugnay.
Ano nga ba ito?

Ginagamit upang maiwasan ang paulit-


ulit na paggamit ng pangnga-lan o
salitang ginagamit sa pagpa-pahayag.
I. Pagpapatungkol (Reference)

-Paggamit ng panghalip na tumu-


tukoy sa mga nauna o nahuling
pangalan.
I. Pagpapatungkol (Reference)
A. Anapora (Sulyap na Pabalik)
-Ito ay panghalip na ginagamit sa
hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan ng pangungu-
sap.
Halimbawa:
a. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Isla
ng Boracay sa Aklan dahil sila’y totoong
nagagandahan dito.
b. Si Gracia Burnham ay isa sa mga
dayuhang turista na pumunta sa Dos
Palmas Resort dahil ayon sa kanya,
paborito niya itong pasyalan.
I. Pagpapatungkol (Reference)
B. Katapora (Sulyap na Pasulong)
-Ito ang panghalip na ginagamit
sa unahan bilang pananda sa pinali-
tang pangngalan sa hulihan.
Halimbawa:
a. Patuloy nilang dinarayo ang Isla ng Boracay
sa Aklan dahil ang mga turista’y totoong
nagagandahan dito.
b. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na
patuloy na pumupunta sa Dos Palmas
Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia
Burnham paborito niya itong pasyalan.
Subukin Natin!
1. Isa sa mga panlipunang sakit ng mga Pilipino ay
pagkakaroon ng kaisipang kolonyal kung kaya tayo
ay nawawalan ng pagpapahalaga sa ating lahi.
2. Ang pagdaong ng mga Amerikano sa Pilipinas ay
maituturing na sumpa at pagpapala, sila ay nakabuti
at nakasama.
3. Mananatili itong sakit na papatay sa ating lipunan,
dahil ang Amerikanisasyon ay tila isang sakit na
nakahahawa.
II. Elipsis

-Pagtitipid sa pagpapahayag. May


mga salitang hindi na inilalagay o
nawawala dahil naiintindihan na ito
sa pahayag.
Halimbawa:
a. Wala ng ibang hinangad ang mga Pilipino
kundi ang makapunta sa bansang iyon.
b. Ang paglala ng kahirapan ay dahil sa mga
taong tulad nila.
c. Bibihira ang nagsasalin ng mga ganito sa
ibang wika.
III. Pagpapalit

-Paggamit ng iba’t iba pang repe-


rensiya sa pagtukoy ng isang bagay
o kaisipan.
Halimbawa:
a. Dahil sa pagsasalin ng mga akda sa wikang
nauunawaan natin ay namumulat tayo sa
kulturang banyaga. Nalalaman natin ang
kulturang Hapon at natututo tayo sa mga
gawain nila.
IV. Pag-uugnay

-Paggamit ng iba’t ibang pangatnig


upang pag-ugnayin ang dalawang
pahayag.
Halimbawa:
a. Itinatanghal ang Kyogen kapag tapos na
ang pagtatanghal ng Noh upang maging
kaaliw-aliw naman sa manonood ang
panonood sa teatro.
Whiteboard
Activity
Maraming Salamat
sa Pakikinig!

You might also like