You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

HERCOR COLLEGE
Riverside Campus
Roxas Avenue, Roxas City
KOLEHIYO NG EDUKASYON
Komunikasyon sa Akademikong Filipino

FILIPINO

GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG

Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran


kung paano sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad
sa ortograpiyang ito ang estadardisadong mga grapema (o pasulat na mga simbolo)
at mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito.
I.Mga Grapema
Ang mga grapema sa praktikal na Ortograpiya ng Wikang Filipino ay binubuo
ng:
A.Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto.
Ang alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawamput walong (28) letra at
binibigkas sa tawag-Ingles maliban sa n (enye) na tawag sa Kastila.
Aa
ey
Hh
eych
Nn
enye
Tt
ti

Bb
bi
Ii
ay
NGng
enji
Uu
yu

Cc
si
Jj
jey
Oo
o
Vv
vi

Dd
di
Kk
key
Pp
pi
Ww
dobolyu

Ee
i
Ll
el
Qq
kyu
Xx
eks

Ff
ef
Mm
em
Rr
ar
Yy
way

Gg
ji
Nn
en
Ss
es
Zz
zi

B.Maaaring buuin ito ng:


1.Paiwa ( ` ) at pakupya ( ^ ) na sumisimbolo sa impit na tunog.
2.Tuldik na pahilis ( ) na sumisimbolo sa diin at/o haba.
3.Bantas, gaya ng tuldok ( . ), pananong ( ? ), pandamdam ( ! ), kuwit ( , ), tuldokkuwit ( ; ), tutuldok ( : ), kudlit ( ) at gitling ( - ).
II.Mga Tuntuning Panlahat sa Pagbaybay
A.Pasalitang Pagbaybay

Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino. Ang ibig sabihin ay isa-isang


pagbigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang
salita, pantig, daglat, akronim, inisyal, simbolong pang-agham, atbp.
PASULAT
Salita
di-o/
Pantig

Akronim

Daglat

Inisyal ng Tao

PAGBIGKAS

boto
plano
Fajardo

/bi-o-ti-o/
/pi-el-ey-en-o/
/capital ef-ey-jey-ey-ar-

it
kon
pa

/ay-ti/
/key-o-en/
/pi-ey/

MERALCO
/em-i-ar-ey-el-si-o/
(Manila Electric Company)
ASEAN
/ey-es-i-ey-en/
(Association of Southeast Asian Nations)
Bb. (Binibini)
G. (Ginoo)
Gng. (Ginang)

/kapital bi-bi/
/kapital ji/
/capital ji-en-ji/

MLQ
(Manuel L. Quezon)
CPR
(Carlos P. Romulo)

/em-el-kyu/
/si-pi-ar/

Inisyal ng Samahan/Institusyon
KWF
/key-dobolyu-ef/
(Komisyon sa Wikang Filipino)
KBP
/key-bi-pi/
(Kapisanan ng Brodkaster sa Pilipinas)
Simbolong Pang-agham/Pangmatematika
Fe (iron)
HO (water)

/ef-i/
/eych-tu-ow/

B.Pasulat na Pagbaybay
1.Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika
sa Pilipinas.
Halimbawa:
Butanding (Bicol) sa halip na whale shark
Cabalen (Pampanga) sa halip na kababayan

2.Pagbaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika, panatilihin ang
orihinal nitong anyo.
Halimbawa:
Bouquet
Pizza
Samurai
3.Pagbaybay ng mga salitang mula sa Espanol, baybayin ito ayon sa ABAKADA.
Halimbawa:
cheque
familia
maquina

tseke
pamilya
makina

4.Pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na e hindi ito pinapalitan ng


letrang i. Kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at ginagamitan ng gitling sa
pagitan ng salitang-ugat.
Halimbawa:
berde
libre
kape

berdeng-berde
libreng-libre
kapeng-kape

5.Pag-uulit ng mga salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na o hindi ito pinapalitan


ng letrang u.
Halimbawa:
ano
sino
pito

ano-ano
sino-sino
pito-pito

*May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan


ng gitling. Ang hindi paggamit ng gitling ay nagpapahiwatig na hindi taglay ng
salitang-ugat ang kahulugan nito, at sa halip, nagkakaroon ng bagong kahulugan
ang nabuong salita tulad ng:
Halimbawa:
Haluhalo (pagkain)
Salusalo (piging/handaan)
Hindi kasama ang paruparo at gamugamo dahil walang salitang-ugat na
paro at gamo o paru at gamu at hindi makatatayong mag-isa.

6.Sa mga salitang may o sa huling pantig inuulit man o inuunlapian, nananatili ang
letrang o.Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng mga salitang-ugat.
Halimbawa:
Bukod
Kahon
Milyon

bukod-bukod
kahon-kahon
milyon-milyon

7.Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa e, ito ay


nagiging i at ang o ay u.
Halimbawa:
Balde
Korte
Kape

baldihin
kortihan
kapihan

Sinusunod din ang tuntuning ito sa mga salitang-ugat na may panlaping


kabilaan (unlapi at hulapi).
Halimbawa:
Bukod
Dugtong

pagbukod-bukurin
pagdugtong-dugtungin

*Gayunman, may mga salitang nananatili ang e kahit hinuhulapian.


Halimbawa:
Sine
Bote

sinehan
botehan

8.Makabuluhan ang tunog na e at o kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa


mga katutubo o hiram na salita.
Halimbawa:
Mesa
Uso

misa
oso

9.Gayunman, hindi puwedeng palitan ng i ang e at o ang u. Dapat pa ring gamitin


ang baybay na matagal na o lagi ng ginagamit.
Halimbawa:
babae
buhos

hindi babai
hindi buhus

III.Ang Pantig at Palapantigan


A.Ang Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa
pagbigkas ng salita. May isa (1) lamang patinig sa bawat pantig.
Halimbawa:
oras
ulo

o.ras
u.lo

B.Kayarian ng Pantig
Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan ng paggamit ng
simbolo:
K para sa katinig, P para sa patinig.
Kayarian
P
KP
PK
KPK
KKP

Halimbawa
i.log
bu.nga
us.bong
bul.sa
prito

C.Pagpapantig
Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita. Ito ay ibinabatay sa
grapema o nakasulat na simbolo.
1.Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal,
midyal at pinal na salita, ito ay hiwalay na mga pantig.
2.Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram,
ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na
patinig.
Halimbawa:
Salita
aklat
banyo
estilo

Pantig
ak.lat
ban.yo
es.ti.lo

3.Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang
dalawa ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huli ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:

Salita
eksperto
eksportasyon
transpormer

Pantig
eks.per.to
eks.por.tas.yon
trans.por.mer

4.Kapag ang una sa tatlong magkasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na


dalawa ay alinman sa bl, br, dr, pl, tr, ang unang katinig ( m o n ) ay sa
sinusundang patinig kasama at ang huling dalawa ay sa kasunod na patinig.
Halimbawa:
Salita
alambre
balandra
templo

Pantig
a.lam.bre
ba.lan.dra
tem.plo

5.Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang
dalawang katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa
patinig na kasunod.
Halimbawa:
Salita
ekstra
eksklusibo
ekstradisyon

Pantig
eks.tra
eks.klu.si.bo
eks.tra.dis.yon

D.Ang Pag-uulit ng Pantig


Ang mga tuntunin sa pag-uulit ng pantig ay ang sumusunod:
1.Kung ang unang tunog ng salitang-ugat o batayang salita ay patinig, ang patinig
lamang ang inuulit
Halimbawa:
alis
iwan
ulan

a.a.lis
i.i.wan
u.u.lan

Sinusunod din ang tuntuning ito kahit may unlapi ang salita.
Halimbawa:
maiwan
uminom

ma.i.i.wan
u.mi.i.nom

2.Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP, ang katinig at


kasunog na patinig lamang ang inuulit.

Halimbawa:
ba.ha
pu.lot

ba.ba.ha
pu.pu.lot

mag.ba.ba.ha
mag.pu.pu.lot

3.Kung ang unang pantig ng salitang hiram ay may kambal katinig o klaster, inuulit
ang unang katinig at patinig.

Halimbawa:
plantsa
plano
prito

pa.plan.tsa.hin
pa.pla.nu.hin
pi.pri.tu.hin

mag.pa.plan.tsa
mag.pa.pla.no
mag.pi.pri.to

Sa mga salitang hiram naman na karaniway sa Ingles, ang inuulit ay ang


tunog ng unang KP ng orihinal na ispeling .
Halimbawa:
brown out
drawing
photocopy

magba-brown out
magdo-drawing
magpo-photocopy

4.Kung ang salitang hiram ay may digrapo o kambal katinig na may iisang tunog,
inuulit ang digrapo at ang unang patinig o tunog sa Filipino ng unang pantig.
Halimbawa:
shower
shopping
tsinelas

magsha-shower
magsha-shopping
magtsi-tsinelas

Ang iba pang salitang hiram na may kambal katinig kapag inuulit o nilalapian
ay binabaybay sa pamamagitan ng pag-uulit ng tunog ng unang katinig at patinig
ng unang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
Iki-cremate

magda-dye

magko-crochet

IV. Ang Panghihiram


Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ay
ang sumusunod:

A.Tumbasan ng kasalukuyang leksikon sa Filipino ang mga salitang hiram o


banyaga.
Halimbawa:
rule
narrative
skill

tuntunin
salaysay
kasanayan

B.Gamitin ang natatanging mga salita mula sa mga katutubong wika sa Pilipinas at
panatilihin ang orihinal na baybay.
Halimbawa:
bana
asawang lalaki
chidwa
gahum

(Hiligaynon at Sugbuanong Binisaya) tawag sa

(Ivatan) biloy (dimple)


(Cebuano,Hiligaynon,Waray) Kapangyarihan

C.Mga Salitang Hiram sa Espanyol.


1.Baybayin ang salita ayon sa ABAKADA.
Halimbawa:
vocabulario
telefono
queso

bokabularyo
telepono
keso

2.Sa mga salitang hiram sa Espanyol na may e, panatilihin ang e.


Halimbawa:
estudyante
estilo
desgrasya

hindi istudyante
hindi istilo
hindi disgrasya

3.Sa mga salitang hiram sa Espanyol na may o, panatilihin ang o.


Halimbawa:
politika
opisina
tornilyo

hindi pulitika
hindi upisina
hindi turnilyo

4.Sa mga salitang hiram sa Espanyol na may o at sinusundan ng n nagbabago ang


kasunod na katinig, ang o ay nagiging u at ang n ay nagiging m.

Halimbawa:
Kastila
conferencia
confesar
confianza

Filipino
kumperensiya
kumpisal
kumpiyansa

*Sa aspektong kontemplatibo (panghinaharap), inuulit ang unang katinig K at


patinig (P) ng salita.
Halimbawa:
magpa-PAL
magvi-VIOS

magfo-FORD
magjo-JOHNSON

B.Sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang hiram, idinurugtong ang tunog ng unang
KP sa unlapi.
Halimbawa:
magjo-juice
magta-transcribe

magju-duty
magba-brown out

C.Pangmaramihang anyo ng mga salita sa pagsulat.


1.Ginagamit ang mga sa pagsulat ng maramihang anyo ng salita.
Halimbawa:
mga painting
mga opisyal
2.Hindi ginagamitan ng mga ang salitang hiram na nasa anyong maramihan.
Halimbawa:
paintings
opisyales

hindi mga painting


hindi mga opisyales

3.Hindi ginagamitan ng pamilang at mga ang mga salitang hiram na nasa anyong
maramihan.
Halimbawa:
kalalakihan
-

hindi mga kalalakihan


hindi limang kalalakihan

kababaihan

hindi mga kababaihan


hindi anim na kababaihan

4.Pagbuo ng Pang-uri

*Ginagamit ang panlaping makauri sa salitang-ugat na hindi orihinal na panguri.

Halimbawa :
pang-akademya/akademiko - hindi pang-akademiko
pangkultural/cultural
- hindi pangkultural
panlingguwistika/lingguwistik-hindi panlingguwistik
D.Mga Salitang may Digrapo
1.Sa mga salitang Ingles na nagtatapos sa ct, ang ct ay nagiging K kapag
binabaybay sa Filipino.
Halimbawa:
abstract
impact
connect

abstrak
impak
konek

2.Sa mga salitang hiram na may ch tatlong paraan ang maaaring gamitin.
a.panatilihin ang orihinal na anyo.
Halimbawa:
chunks
chat

chess
charger

b.palitan ng ts ang ch at baybayin sa Filipino.


Halimbawa:
chapter
chart

tsapter
tsart

c.palitan ng k ang ch at baybayin sa Filipino.


Halimbawa:

machine
scholar
chemical

makina
iskolar/eskolar
kemikal

*Maging consistent sa paggamit ng alinman sa tatlong paraan.


3.Mga salitang may sh
a.panatilihin ang orihinal na anyo.

Halimbawa:
shower
shuttle

shop
showcase

b. palitan ng sy ang sh at baybayin sa Filipino.


Halimbawa:
workshop
shooting
censorship -

worksyap
syuting
sensorsyip

E.Mga salitang hiram na nagsisimula sa letrang s ay maaaring baybayin sa


dalawang paraan.
1.Panatilihin ang orihinal na anyo.
Halimbawa:
scarf
script

slogan
spa

2.lagyan ng i sa unahan kapag binabaybay sa Filipino.


Halimbawa:
schedule skit
status
-

iskedyul
iskit
istatus

F.Mga salitang may magkasunod na parehong katinig


Kinakaltas ang isa sa mga magkasunud na parehong katinig.
Halimbawa:
bulletin

bulletin

immortal
grammar

immortal
grammar

G.Mga Salitang May Kambal-Patinig


Sa pagbaybay ng mga salitang hiram sa Espanyol na may kambal-katinig,
isaalang-alang ang dalawang uri ng patinig. Malakas na patinig (a,e,o) at mahinang
patinig (i, u).Narito ang mga tuntunin:

1.Pinanatili ang magkasunod na malakas na patinig a + (e, o), o + (a, e) sa mga


salitang hiram sa Espanyol.
a + (e,o)
e + (a,o)
o + (a,e)

maestro, aerosol
teatro, empleado
loa, poeta

2.Pinapalitan ng y ang mahinang patinig na i at ng w ang mahinang patinig na u sa


mga salitang Espanyol na may kombinasyon ng mahina at malakas na patinig.
i + (a,e,o) at u + (a,e,i, o)
Halimbawa:
ia
ie
io
au
ua
ue
uo

(barberia) barberya, (gracia) grasya


(Deciembre) Disyembre, (alianza) alyansa
(ambicion) ambisyon, (beneficio) benepisyo
(auto) awto, (auditor) awditor
(estatua) estatwa, (aguador) agwador
(abuela) abwela, (pozuelo) poswelo
(ambiguo) ambigwa

3.Pagsisingit ng w o y sa mga salitang may kombinasyon na i + (a,e, o) at u +


(a,e,i) kung:
a.Ang kambal katinig ay sumusunod sa panimulang katinig ng salita.
Halimbawa:
ia
ie
io
iu
ua
ue

(viaje) byahe, (diabetes) diyabetes


(biernes) biyernes, (infierno) impiyerno
(Dios) Diyos, (biologia) biyolohiya
(ciudad) siyudad, (viuda) biyuda
(cuaderno) kuwaderno, (cuago) kuwago
(cuello) kuwelyo, (cuento) kuwento

b.Ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang katinig.


Halimbawa:

(accion) aksiyon
(adiccion) adiksiyon
(bibliografia) bibliyograpiya
c.Sumusunod sa pantig na may tunog h kapag binaybay sa Filipino.

Halimbawa:
(antologia) antolohiya
(estrategia) estratehiya
(colegio) kolehiyo

Inihanda nina:
ROSELYN JIRO
CHYNN AZARCON
Iniulat kay:
G.MICHAEL L. MARCELINO

You might also like