You are on page 1of 32

GE Fil 1 (PANITIKAN) MODYUL BILANG 6

Module Title: Paraan ng Pagpapahayag

Topic: (PAGLALAHAD, PAGSASALAYSAY, PAGLALARAWAN, AT PANGANGATWIRAN)

Manunulat: Maricel B. Baldo

Panimula at mga Pokus na Tanong

Bakit nagsusulat ang tao?


Maraming dahilan ang tao sa kanyang pagsusulat. Kadalasan, ito’y udyok ng pangangailangang
magpahayag ng kanyang mga kaisipan at damdamin lalo na iyong inaakala niyang pakinabangan ng
kanyang mambabasa. Sa isang mag-aaral lagi nang ang dahilan ng kanyang pagsusulat ay sapagkat ito’y
isang pangangailangan sa klase bilang pagsasanay at pagpapahusay ng kakayahan sa pagpapahayag.

Ang pagpapahayag ay may iba’t ibang anyo na kung saan ang mga anyong ito ng pagsulat ng
pagpapahayag ay udyok ng ating damdamin at kaisipan upang maipahayag ang mga bagay na inaakala
ng manunulat na bibigyang pansin ng kanyang mga mambabasa.

Ano mang anyo ng pagpapahayag ang gamitin sa pagsulat ng mga saloobin, kinakailangang ikintal sa
isipan ang mga alituntuning dapat na isaalang-alang sa pagsulat upang sa gayon ay maging epektibo at
malinaw ang gagawing pagpapahayag.

Sa iyong sariling pananaw, ano ang pinakamabisang paraan ng pagpapahayag? Paano nakatulong ang
paraan ng pagpapahayag sa iyong sarili lalo na sa pang-araw-araw ng pamumuhay? Ilan lamang ito sa
mga katanungang iyong tutuklasin sa pag-aaral ng modyul.

CLASS MODE GENERAL INSTRUCTION

Online Class 1. Enroll in classroom.google.com


2. Perform the designated activity
3. Use the learning materials uploaded in
performing the activity
4. Submit the output as directed
Off-Site Class 1. Learning materials will be sent to your
home thru a courier.
2. Follow the instructions as provided in the
material.
3. Take note of the schedule and place of
submission as provided
SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, masasagot ang mga katanungan dahil sa sumusunod na aralin.

. A. Paraan ng pagpapahayag
● Paglalahad
● Pagsasalaysay
● Paglalarawan
● Pangangatwiran

a) nakikilala ang pagkakaiba-iba ng mga paraan ng pagpapahayag


b) nakapagbibigay ng sariling halimbawa sa bawat paraan ng pagpapahayag
c) nakapagbibigay ng sariling repleksyon tungkol sa napanood at nabasa

Kapaki-pakinabang ang pagbibigay-pansin mo sa binuong mapa ng mga leksyon na pag-aaralan mo sa


modyul na ito:

PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG

PAGLALAHAD PAGLALARAWAN

PAGSASALAYSAY PANGANGATWIRAN

PANIMULANG PAGTATAYA

MGA INAASAHANG KASANAYAN: Nang matamo mo ang higit na pang-unawa at lubusang pagkatuto,
kailangan mong isaalang-alang at gawin ang mga sumusunod:

1. Manalangin muna bago simulan ang pagsagot sa modyul;


2. Ibigay ang buong konsentrasyon sa pag-aaral;
3. Siguraduhing walang ibang bumabagabag sa isipan;
4. Isiping lahat ng matutuhan ay susi sa pagkamit ng tagumpay;
5. Gawing inspirasyon ang mga mahal sa buhay lalo na ang iyong ama’t ina na patuloy na
nagsasakripisyo para sa iyong kapakanan;
6. Sa oras na ikaw ay dalawin ng matinding suliranin; pansamantalang itigil ang pag-aaral sa
modyul na ito at ipagpatuloy lamang kapag nalutas ang mga nabanggit na problema;
7. Maging bukas ang isipan sa mga tanong na nasa modyul ;
8. Laging hilingin ang gabay at dunong mula sa Poong Maykapal para matamo ang higit na
kalinawana at kaunawaan sa iyong pag-aaral at;
9. Pagkatapos na maisagawa ang mga gawain huwag kalimutan na magpasalamat sa panginoon sa
kanyang paggabay habang isinasagawa ang mga gawain.

PAUNANG PAGTATAYA

Bago mo simulan ang pagsasagawa sa mga makabuluhang gawain sa modyul na ito, oras na upang
tuklasin natin kung gaano kalawak ang iyong kaalaman sa modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot
mo sa sumusunod na mga katanungan. Sagutin ang lahat ng aytem. Pagkatapos masagot ang
panimulang pagtatayang ito, malalaman mo ang iyong iskor. Pagkatapos masagutan at maiwasto ang
lahat ng kasagutan, isaalang-alang ang mga naging kamalian at tuklasin ang tamang sagot sa mga ito
habang pinag-aaralan ang modyul.

Ano na ba ang alam mo?

Ang layunin ng pagsusulit na ito ay masukat ang dati mo nang kaalaman tungkol sa paksa kaya huwag
kang matakot sa pagsusulit na ito.

Handa ka na ba?

Magsimula ka na!

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap o talata. Isulat sa
nakalaang patlang kung ito ay naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay, at nangangatwiran.

1. Katarungan para kay Ka Dencio! Ipagtanggol natin ang kanyang karapatan, dahil kung hindi, tayo ang
susunod na aapihin ng estado. __________________________
2. Nakalulungkot ang larawang bumubulaga sa kanyang pagharap sa salamin: numinipis at pumuputing
buhok, lumalaking tiyan, nanunuyong balat, ugatang mga binti. _____________________
3. Nasa unang baitang ako noon sa elementarya. Bakasyon kami dahil magpapasko. Sa loob ng dalawang
linggong bakasyon, nagkasakit ako ng tigdas. Nilagnat ako at nagkaroon ng mapupulang marka ang buo
kung katawan. Nang gumaling ako, sa di malamang dahilan ay hindi na ako makalakad. _____________
4. Kapag bata ka, lahat ng marinig mo, totoo. Marami kang nakikitang hindi nakikita ng iba. Tulad ng
ginintuang bundok na naraanan nila kanina sa Kennon Road. Kulay-kalawang na lupa lamang daw, ayon
kay Winnie. Ngunit sa kanyang batang puso, iyon ay ginintuang bundok. __________________
5. Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. Laging may
isang patinig ang isang pantig. ____________________
6. Marahang-marahan kaming naglalakad, parang isa-isang binibilang ang mga hakbang. Sa gilid ng daan,
isinuko na ng mga bulaklak ng gumamela ang mapupulang talulot nito sa takipsilip. Itinikom na ng mga
puno ng sampalok ang mga dahoon upang tanggapin ang gabi. Unti-unting lumalamig ang bumubulong
na hangin. ____________________________
7. At dahil Hunyo ang pasukan sa mga eskwela, maraming kulay ang pinananabikan kong muling Makita,
ang mga pulang gumamela sa gilid ng paaralan, ang mga dilaw na santan sa malapit sa tagdan, ang puti
at rosas na bougainvillea pagdungaw sa bintana ng aming mga silid-aralan, at ang mga puting rosal sa
mesa ng aming guro. ______________________
8. Limang itlog! Lima na ang itlog sa pugad. Walang pagkasiyahan sa tuwa ang batang lalaki. Ibig niyang
sumigaw, ipagbunyi ang limang itlog sa pugad. Ngunit naaalala niyang ang pugad ay banal na lihim na
tanging silang dalawa lamang ang nakakaalam. Hindi niya ito dapat ipaalam sa iba. _______________
9. Pagluluto ng minatamis na beans. Magdamag na ibabad ang dalawang tasang beans. Pakuluan
hanggang lumambot. Hinaan ang apoy kapag kumukulo na upang makatipid sa gas o kuryente. Hintaying
nagpuputok na ang balat ng beans bago ihalo ang asukal dahil hindi naito lalambot kapag inilagay agad
ang asukal. Kapag nailagay na ang asukal, pakuluan nang kalahating oras pa sa mahinang-mahinang
apoy. __________________________
10. Halos magputok sa bandang tiyan ang suot niyang marusing na polo shirt. Doble ang kanyang baba,
namumutok ang mga bisig. Gusot ang buhok na parang ilang buwan nang hinahabol ng barber. Nagbago
ang simoy ng hangin nang lumapit siya. ________________

PAGTUKLAS
Simulan natin ang aralin sa pagtuklas sa pamamagitan ng pagkilala ng kahulugan sa mga salitang may
salungguhit sa loob ng pangungusap. Ang gawaing ito ay makakatulong upang malinang ang talas ng
isipan ninyo pagdating sa bokabularyo. Ito ang magsisilbing tulay upang ang inyong pagpapahayag ay
maging mabisa dahil angkop ang mga salita na ginagamit sa pagbuo ng mga pangungusap.

GAWAIN 1: Pagpapakahulugan ng mga salita


DESKRIPSYON: Basahin ang pangungusap at ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit.

1. May sakit sa baga ang kanyang ama.


2. Patayin mo ang baga sa kalan matapos mag-ihaw.
3. Makalawang na an gating tubo kaya kulay-putik ang dumadaloy na tubig sa ating mga gripo.
4. Malaki ang ating tubo mula sa pagtitinda kahapon.
5. Sa tubo nanggaling ang asukal.
6. Malaki ang butas ng ating bubong kaya tumutulo.
7. Butas pala ang bag mo kaya nahuhulog ang iyong mga damit.

Sagutin ang mga pamprosesong tanong:

1. Ano ang iyong naging sagabal sa pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang may salungguhit?

2. Sa iyong palagay, may maitutulong ba ang gawain na ito sa mga susunod pang gawain?
3. Ano-ano ang mga estratehiya na iyong ginamit upang maibigay mo ng tama ang mga kahulugan ng
salita?

4. Paano mo palalawakin ang iyong talasalitaan upang hindi makasagabal sa ibang mga gawain?

GAWAIN 2: BASAHIN MO, ANO ANG MENSAHE!


DESKRIPSYON: Basahin at unawain ang pahayag at ibigay ang sariling pananaw o mensaheng
ipinababatid ng pahayag. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

A. Ang tao ay dapat na maging malaya sa paglinang ng kanyang mga kakayahan at interes.

Mensahe:

B. Dapat hangarin ng tao ang lubos na kasiyahan sa pangkasalukuyang buhay.

Mensahe:

Gawain 3: Anticipation Reaction Guide

Basahin ang mga pangungusap sa gitnang bahagi ng kolum sa ibaba. Lagyan ng markang tsek (√) ang
kaliwang kolum kung ikaw ay sumasang-ayon. Huwag mo nang sagutan ang ikatlong kolum.

ANTICIPATION REACTION GUIDE

BAGO ANG TALAKAYAN PAHAYAG PAGKATAPOS NG TALAKAYAN


1. Ang paglalahad ay isang anyo ng
pagpapahayag, pasalita man o pasulat na
nagpapaliwanag.
2. May likas na pang-akit ang pagsasalaysay
dahil lagi nang interesante sa sinuman ang
malaman ang kwento ng iba.
3. Ang isang tekstong naglalahad ay
maaaring gumamit ng pagsasalaysay upang
maging higit na malinaw ang ideyang
inihahatid.
4. Mahalaga ang pagpili ng mga salita
upang makalikha ng mga larawan sa ating
isipan.
5. Ang layunin ng pangangatwiran ay ang
papaniwalain, hikayatin, akitin, at
kumbinsihin ang tagapakinig o mambabasa
tungo sa isang tiyak na aksiyon.
6. Pangunahing layunin ng paglalahad na
maging malinaw ang isang bagay.
7. Ginigising ng paglalarawan ang ating mga
pandama.

Sa puntong ito, tinuklas natin ang iyong mga dating kaalaman tungkol sa apat na paraan ng
pagpapahayag.

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS

Nasubukan mo na ang pagbibigay ng kahulugan sa mga salita at pagbibigay ng mensahe sa mga pahayag.
Ngayon mas palalawakin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod
na gawain na makikita sa modyul na ito.

Ang mga matututunan mo sa bahagi ng modyul na ito makakakatulong sa iyo upang mas palawakin pa
ang iyong imahinasyon para makalikha ka ng isang akda na isinasaalang-alang ang paraan ng
pagpapahayag.

PAGLINANG

Ang iyong layunin sa bahaging ito ng modyul ay matutuhan at maunawaan mo ang pagkakaiba ng
paraan ng pagpapahayag at masuri ang mga sitwasyon/pahayag na ibibigay. Basahin at unawain ang
akda at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Ano-ano ang mga paraan ng pagpapahayag?

Ang mabisang pagpapahayag ay makapangyarihan.


Ito ang pangunahing paraan ng isang tao upang pakawalan ang kanyang dakilang kaisipan o masidhing
damdamin na maaaring magpayaman ng kaalaman, magbigay-inspirasyon, o magpakilos ng kanyang
kapwa. Ito ang kasangkapan ng isang guro upang mapadaloy ang kanyang karunungan sa mga mag-aaral
at malinang sa kanila ang nararapat na mga kasanayan: ng isang abogado upang maipagtanggol ang
katwiran at mailapat ang katarungan sa mga api; ng isang manggagamot upang maipaliwanag ang
Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong:

1. Ano ang iyong depinisyon ng pagpapahayag? Gumawa na depinisyon ng pagpapahayag na may


tatlong bahagi: termino, genus, at differentia.

2. Bakit mahalaga sa isang tao na pagtuunan ng pansin ang mga pagpapahayag? Makakatulong ba ito
upang mapadali ang pakikipagkomunikasyon?

3. Sa iyong palagay, bakit magkakaugnay ang apat na paraan ng pagpapahayag sa pang-araw-araw na


pamumuhay ng isang tao?

GAWAIN 4: PAGHAHAWAN NG BALAKID (TALASALITAAN)


DESKRIPSYON: Salungguhitan ang wasto at angkop na salita sa bawat pahayag.

1. Ang mataas na uri ng brilyante ay (makislap, makinang).


2. (Mabait, Maamo) sa tao ang alaga kong aso.
3. Ang Wikang Filipino ay (masaklaw, malaganap) na rin.
4. (Masagana, Mabiyaya) sa kalsyum ang dilis.
5. Ang eroplano ay (bumagsak, nahulog) sa bundok.
6. (Maliksi, Mabilis) ang agos ng tubig.

BASAHIN AT UNAWAIN

Basahin at unawain ang akdang nauuhaw si Ramil ni Aurora Lopez.

Nauhaw si Ramil
Ni: Aurora Lopez

Nagkakatuwaan sina Ramil at ang kanyang mga kaibigan /kalaro. Magsisipaligo sila sa malaking
posong nasa harap ng bahay nila. Maalinsangan ang panahon at masarap maligo.
“O, ano pang hinihintay natin? Maligo na tayo! Sigaw ni Lito.
“On nga!” sagot ni Noel. “Maligo na tayo! Ramil, ikaw na munang unang bumomba sa poso.”
Bobomba na talagang si Ramil nang matanaw niya si Aling Esang. Tindera ng nilagang mais at saging
ang matanda. “Aba, nilagang saging at mais,” sabi ni Ramil……….
“O sige,” ayon ng ibang bata.
Nagbilihan ng saging at mais ang mga bata. Nagkainan. At pagkatapos kumain, ipinukol na lang nila
ang busal at balat ng saging at mais sa paligid.
“Hayan, busog na tayo!” sabi ni Lito. Pwede na tayong maligo.
Ilang sandal pa nga, magulong-magulo nang naliligo ang mga bata. Tuwang-tuwa sila sa
pagsasabuyan. Naghahabulan sila’t nagbubuhusan kaya’t putik na putik ang paligid ng poso.
Hapong-hapo na ang mga bata nang tumigil sa paliligo at paglalaro.
, uwian na tayo!” sabi ni Lito.
Pagdating sa kanilang bahay, nakaramdam si Ramil ng antok nang makapagpatuyo ng katawan at
makapagbihis. Naupo siya sa silyon ng kanilang balkonahe at sumandal. Ilang sandal pa nga, magulung-
magulo nang naliligo ang mga bata. Tuwang-tuwa sila sa pagsasabuyan. Naghahabulan sila’t
nagbubuhusan kaya putik na putik ang paligid ng poso.
Hapong-hapo na ang mga bata nang tumigil sa paliligo at paglalaro.
“Ayoko na” sabi ni Ramil, “nanlalata na ako”.
“Ako rin”. Sabi ni Noel
“Sige, uwian na tayo!” sabi ni Lito.
Pagdating sa kanilang bahay, nakaramdam si Ramil ng antok nang makapagpatuyo ng katawan at
makapagbihis. Naupo siya sa silyon sa kanilang balkonahe at sumandal.
Ilang sandal lang, tulog na si Ramil. Talagang napgod siya sa paglalaro nila habang naliligo.
Naabala sa pagtulog si Ramil nang makaramdam siya ng matinding uhaw. Napatuwid siya ng upo.
Sobra ang uhaw niya. Tumayo siya at nagtungo sa kanilang lagayan ng inumin.
Ngunit walang laman ang kanilang inumin.
Bitbit ang timba, tinungo ni Ramil ang poso. Pagdating doon, agad siyang bumomba. Ngunit anuman
ang gawin niyang pagtimba, walang tubig na lumalabas sa poso.
“Ha ha ha!” Narinig ni Ramil ang tawa. Lumingon siya ngunit wala namang tao sa likuran niya. Walang
tao sa paligid.
“Sino Ka?” ang tanong niya sa tinig na nanginginig sa takot…………..
Isang tinig ang sumagot. “Ako ang poso. At hindi kita bibigyan ng tubig. Mamamatay ka sa uhaw.”
Kinilabutan si Ramil. “Bakit?” Bakit ayaw mo akong bigyan ng tubig?”
“Sapagkat wala kang utang na loob,” sagot ng poso.
“Walang utang na loob?” Ano baa ng masama kong nagawa sa iyo?”
“Hindi ba’t ikaw ang kumayag sa mga batang naliligo rito kanina? Tingnan mo ang paligid ko……
nagpuputik! At, hayun, nilalangaw na ang itinapon ninyong busal at balat ng mais at pinagbalatan ng
saging,” sagot ng poso. “Pagkatapos kong magsilbi sa inyo, ito ang ganti ninyo sa akin. Wala kayong
utang na loob kaya hindi na ako magbibigay ng tubig.”
Hindi natutulan ni Ramil ang sinabi ng poso. Totoo iyon. “Sori. Hindi na mauulit ‘yon. At parang awa
mo na, bigyan mo ako ng tubig. Uhaw na uhaw na ako. Tuyung-tuyo na ang lalamunan ko.”
“A, hindi!...sigaw ng poso. “Mamatay kang unti-unti sa matinding uhaw. Iyana ng bagay sa batang
tulad mo.”
“ Kaunting tubig lang…..” samo ni Ramil. “H-hindi na ako makahinga.”
“Iyana ng mabuti sa iyo!” sabi ng poso. “Ha ha ha
Nahihilo na si Ramil sa hindi paghinga dala ng pagsisikip ng tuyung-tuyong lalamunan. Umiinog ang
kanyang tingin. “Tubig…..tubig…..” Nalugmok siya sa tabi ng poso. Tubig…..”
“Kuya! Kuya, gising! Nananaginip ka.”
“Pagdilat ni Ramil, Si Emilie ang nakita niya. At wala siya sa tabing-poso, nasa silyon pa rin siya. Kung
ganoon, naisip niya, panaginip lang ang lahat!
“Bakit ba sigaw ka nang sigaw ng Tubig!?” tanong ni Emilie.
“Napanaginipan ko kasing…….pero, mamaya ko na lang ikukuwento sa iyo ang pangarap ko,” sabi ni
Ramil.
“Ba’t mamaya pa?”

“May gagawin pa kasi ‘ko …….lilinisin ko ang paligid ng poso……” Tumayo at nanaog si Ramil. Naiwan
niyang nagtataka ang kapatid sa pagkakatingin sa kanya.

GAWAIN 5: ACRONYM NG SPEAKING (DELL HYMES)


DESKRIPSYON: Sagutin ang hinihingi ng bawat letra sa Acronym ng SPEAKING

1. S – etting (Lunan) – Saan nag-uusap ang mga tauhan?

2. P – articipant – Sino ang kausap, nag-uusap?

3. E – nds – Ano ang layon ng pag-uusap?

4. A – ct sequence – Paano ang takbo ng usapan?

5. K – eys – Pormal ba o di pormal ang mga salita at lunan?

6. I – nstrumentalities – Pasalita ba o pasulat ang takbo ng usapan?

7. N – orms – Ano ang paksa ng pag-uusap?

8. G – enre – Salungguhitan o sipiin ang mga pahayag sa teksto kung ito ay naglalahad, nagsasalaysay,
naglalarawan, at nangangatwiran.

Sagutin mo ang mga pamprosesong tanong:

1. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit naisipan ni Ramil na linisin ang paligid ng poso?
Siya ay may nadiskubre o kaya bukal lamang sakanyang puso ang pag lilinis ng paligid ng poso.
2. Bakit kaya nararapat na panatilihin, pahalagahan, at ingatan natin ang mga biyayang ipinagkaloob sa
atin ng ating Panginoon?
Nararapat na panatilihin at alagaan ang mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng Panginoon dahil ito ay
ipinahiram lamang saatin. Kung ito ay sasayangin natin maaaring ito ay bawiin at mahirapan tayo sa
pang araw araw natin.
3. Masasabi bang makatwiran ang panaginip ni Ramil dahil ito ang nagging daan upang itama ang
kanyang pagkakamali? Ipaliwanag.
Masasabi ko na makatwiran ang panaginip ni Ramil dahil ito ang nagging daan upang malaman ang
katotohanan at para mabago niyo.
4. Mahusay ba ang kaisipang isinalin ng may akda sa mga mambabasa?
Masasabi ko na mahusay ang kaisipan ng may akda sa mga mambabasa dahil madali itong intindihin
ang madali makakuha ng atensyon.
5. Masasabi bang epektibo ang paraan ng pagpapahayag sa paglalapat sa akdang isusulat?
Pangatwiranan.
Masasabi kong epektibo ang paraan ng pagpapahayag sa pag lalapat sa akdang isinulat dahil kakaiba
ang kwento at kahit na sino ay makukuha ang atensyon.
GAWAIN 6: MAGTSEKLIST TAYO
DESKRIPSYON: Sa puntong ito, aalamin nati ang mga kasanayang iyong natutunan sa aralin. Layunin
ng tseklist na ito na makita ang kalakasan sa pagbuo ng iyong inaasahang pagganap.

Kakayahan Aking nagawa


Paghahawan ng Balakid (Talasalitaan)
Acronym ng SPEAKING
Pagpapaliwanag
Pagbuo ng Konsepto

Katapusang Bahagi ng Paglinang:


Sa bahaging ito, tinalakay natin ang paraan ng pagpapahayag upang igiya tayo sa tamang paglapat nito
sa pasulat o pasalita man na diskurso.

Ngayong alam mo na ang mahahalagang kaalaman na ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na
bahagi ng ating modyul. Palalimin natin ang iyong kaalaman sa susunod na bahagi ng modyul.

PAGPAPALALIM
Bilang panimula sa bahaging ito, ibig kong magkaroon ka sa pansariling pagtataya. Sa iyong palagay, sa
tulong ng mga sinundang gawaing iyong isinagawa, masasabi mo bang kaya mo nang tatasin o bigyang
kahulugan ang apat na paraan ng pagpapahayag? Magagamit mo ba ang mga mensaheng ito upang mas
mapaunlad ang pakikipagkapwa at maging mabuting indibidwal.

Bilang pagpapatunay sa araling ito, nakabubuti munang balikan moa ng Konsepto ng Pagbabago na
iyong nasimulan sa ilalim ng Pagtuklas. Alin sa mga nagging sagot moa ng nangangailangan ng
pagbabago? Ilahad mo rin ang mga dahilan kung bakit kinailangan mong palitan ang iyong mga nagging
sagot. Sagutin mo ang kolum pagkatapos ng talakayan.

ANTICIPATION REACTION GUIDE

BAGO ANG TALAKAYAN PAHAYAG PAGKATAPOS NG TALAKAYAN


1. Ang paglalahad ay isang anyo ng
pagpapahayag, pasalita man o pasulat na
nagpapaliwanag.
2. May likas na pang-akit ang pagsasalaysay
dahil lagi nang interesante sa sinuman ang
malaman ang kwento ng iba.
3. Ang isang tekstong naglalahad ay
maaaring gumamit ng pagsasalaysay upang
maging higit na malinaw ang ideyang
inihahatid.
5. Ang layunin ng pangangatwiran ay ang
papaniwalain, hikayatin, akitin, at
kumbinsihin ang tagapakinig o mambabasa
tungo sa isang tiyak na aksiyon.
6. Pangunahing layunin ng paglalahad na
maging malinaw ang isang bagay.
7. Ginigising ng paglalarawan ang ating mga
pandama.

Bakit kinakailangan mong baguhin ang mga naging sagot? At ibigay ang iyong paliwanag.

A. Dating kasagutan B. Bagong kaalaman


1.
2.
3.
4.

PALIWANAG:

GAWAIN 7: PAGSUSURI SA ISANG VEDIO


DESKRIPSYON: Iklik mo ang mga sumusunod na link. Ilista ang mga kaalamang makakalap sa
panonooring vedio. Ang mga vedio ay tungkol sa iba’t ibang pagpapakitang gilas sa paraan ng
pasalitang diskurso. Tukuyin mo ang mensahe at kung paano ito magagamit sa mga tunay na
pangyayari sa buhay. (Isa lang po ang piliin na link at limang pangungusap lamang ang pagbibigay ng
mensahe)
1. https://www.youtube.com/watch?v=GaQqCUpRpYU

Mensahe:

2. https://www.youtube.com/watch?v=3axDA8kB2Lo

Mensahe

Sagutin ang mga pamprosesong tanong:


1. Ano-ano ang mga estratehiya na ginamit ng mga nagsasalita upang mahikay at mapaniwala nila ang
kanilang mga tagapanood?

2. Bakit kailangan ng isang tagapagsalita ng lakas ng loob kapag nagsasalita sa harap ng madla?

3. Mabisa ba ang ginawang pamamaraan ng isang tagapagsalita? Bakit?

4. Kung ikaw ay naatasan na lumahok sa isang paligsahan sa pagsasalita, ano ang paghahanda na iyong
gagawin upang maging mabisa at matagumay ka sa patimpalak?

5. Ano-ano ang iyong isasaalang-alang upang matugunan mo ang mga pamantayan sa nasabing
patimpalak?

KATAPUSANG BAHAGI NG PAGPAPALALIM:


Sa bahaging ito, tinalakay natin ang mga kaalaman hinggil sa mga dapat gawin kapag nagsasalita sa
harap ng madla at mga dapat isaalang-alang sa mabisang pagpapahayag. Ano-anong mga kaalaman o
mensahe ang iyong natutuhan na maaari mong magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay at ano ang
nakatulong sa iyo upang matamo ito?

Ngayon at may malalim ka nang pang-unawa sa paksa, handa ka nang gawin ang isang gawain na may
kinalaman sa paraan ng pagpapahayag.

PAGLILIPAT

Ito na ang huling bahagi ng aralin ng modyul na ito na talaga namang inilaan upang higit pang
mapayaman ang iyong kaalaman at mapagtibay ang anumang bagay na iyong natutuhan. Mga
natutuhang magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Layunin ng bahaging ito na sukatin ang iyong pang-unawa at sukatin ang iyong mga natutuhan sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa pagsasakatuparan ng isang gawain. Sa ngayon, upang
maihanda ka sa iyong inaasahang pagganap tungkol sa pagsulat ng isang blog isaalang-alang mo muna
ang mga sumusunod na makakatulong sa iyo sa nasabing gawain.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Paggawa ng Blog

1. Dapat malinaw ang pagkakagawa ng blog at madali itong maintindihan.


2. Magkaroon ng sapat na kaalaman bago sumulat nito upang madaling malaman ng nagbabasa ang
isinusulat. Gumamit lamang ng malinis at angkop na salita sa paggawa nito.
3. Dapat magsilbi itong gabay sa mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral upang madali silang matuto.
4. Dapat tama ang pagkakabaybay nito upang hindi mailto ang nagbabasa at magkakaroon ng maayos na
kasagutan sa kanyang mga tanong.
5. Isaalang-alang din ang wastong paggamit ng mga pangungusap, siguraduhing nasa pormal itong anyo
upang hindi mailto ang nagbabasa.
6. Isulat lamang ang mga bagay na nakapaloob sa iyong nais ipahiwatig at dapat pangkalahatan ito
upang malaman ng ibang tao ang iyong mga nais ipahiwatig.

GAWAIN 8: PAGSULAT NG BLOG


DESKRIPSYON: Sumulat ng isang makabuluhang blog entry tungkol sa mga sumusunod na paksa sa
ibaba. Pumili lamang ng isang paksa na gagawan ng blog. Isaalang-alang sa pagsusulat ang mga
prinsipyo sa mabisang pagsulat. Maaari itong isulat sa isang maikling coupon bond sa anyo ng isang
blog. Lakipan ng isang larawan ang blog entry na kaugnay ng pagtalakay.

Pumili ng isa sa mga sumusunod na mga paksa:


1. Ako Bilang Pangulo ng Pilipinas: Ang Unang Isandaang Araw
2. Maganda ang Buhay: Ipagdiwang!
3. Pag-ibig: Iba’t Ibang Mukha, Iba’t Ibang Kasaysayan
4. Kalikasan: Nakakamanghang Kariktan, Nakakahamong Pangalagaan

Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Blog

Pamantayan Puntos
1. Nilalaman (makabuluhan) 25
2. Wastong paggamit ng mga pangungusap 20
3. Balarila 20
4. Malinaw at madaling maintindihan 20
5. Pormal 15
Kabuuan 100

PAGTATAPOS NG PAGLILIPAT

Sa bahaging ito, naisagawa mo ang isang masining na pagsulat ng blog. Paano mo ilalarawan ang iyong
isinagawang pagganap? Paano nakatulong ang mga gawain upang makagawa ka ng isang masining na
pagsulat ng blog? Ano ang pakiramdam na naibahagi mo sa lipunan ang iyong ginawa? Sa tingin mo,
makakatulong ba ito sa ibang mag-aaral? Pangatwiranan.

Ngayon handa ka ng ipagpatuloy ang pagsagot sa modyul na ito sa pamamagitan ng susunod na aralin.
TIYAKIN ANG NATUTUHAN

A. Panuto: Sabihin kung Tama o Mali ang pangungusap.

1. Sa Filipino, ang salitang diskurso ay tinatawag ding talumpati, o pagsasalita sa harap ng mga tao upang
talakayin ang isang tiyak na paksa.
2. Kapag my ipinapaliwanag na ideya, lalot sa harap ng mga tagapakinig, sinasabi na ang isang tao ay
nagdidiskurso.
3. Kapag pasalita ang diskurso, iisang kahulugan lamang ang maibibigay sa isang pahayag.
4. Ang artikulong my human interest ay nagbibigay ng “mukha” at salamin sa isang balita.
5. Ang pagsulat ng journal ay hindi maibibilang sa mga estratehiya sa pagkatuto ng wika.
6. Kapag sumusulat ng artikulong ekspositori, mahalagang isaalang-alang ang kapangyarihang
makakumbinse ng mga mambabasa.
7. Ang paglalarawan ay magagamit sa pagpapaliwanag o sa diskursong ekspositori.
8. Kung may bagay na bibigyan ng depinisyon, maaari itong ihambing sa ibang katulad na bagay upang
madaling maunawaan ng mambabasa.
9. Ang alamat at pabula ay mga uri ng pagsasalaysay.
10. Maaaring magpalit-palit ng punto de bista sa pagsasalaysay.

B. Panuto: Anong uri ng diskurso ang angkop para sa bawat sitwasyon sa ibaba? Sabihin kung
naglalahad, nagsasalaysay, naglalarawan, at nangangatwiran ang pinakaangkop na ilapat sa bawat
sitwasyon.

1. Hindi ka nakakuha ng pangunahing pagsusulit. Hinihingan ka ng iyong guro ng paliwanag kung bakit
dapat ka niyang bigyan ng special exam at hindi bagsak na grado.
2. Gusto mong ibenta ang iyong gamit nang laptop sa pinakamataas na halaga hangga’t maaari dahil
talaga namang hindi pa ito gaanong nagagamit.
3. Inimbita moa ng iyong mga kabarkada sa inyong bahay, pero ni isa sa kanila ay wala pang nakapunta
sa bahay ninyo.
4. May gusting bumili ng ibinenta mong tuta. Pero gusto muna niyang malaman kung anong klase ng
tuta ito.
5. Nagkokopyahan habang kumukuha ng pagsusulit ang dalawa mong katabi. Nang mabisto sila, hiningi
ang panig mo sa pangyayari.

REFERENCES AND WEBSITE LINKS USED IN THIS LESSON:

https://www.youtube.com/watch?v=GaQqCUpRpYU

https://www.youtube.com/watch?v=3axDA8kB2Io

Aurora E. Batnag, et. al., 2011, SAYUSAY, Sining ng Mabisang Pagpapahayag, C & E Publishing, Inc.,
Quezon City
Cid V. Alcaraz, et. al., 2005, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, LORIMAR PUBLISHING COMPANY
INC., Quezon City

Melrose A. Saliot, et. al. (2010), Masining na Pagpapahayag, Plaridel Bulacan. TCS Publishing House

Rolando A. Bernales, et. al. (2001), Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina, Valenzuela City,
MEGA-JESTA PRINTS, INC.

You might also like