You are on page 1of 2

Sa ating minamahal na principal ng ANDONG NHS, Dr. Junaida P.

Undac Derico, principal ng


mababang paaralan ng MACADAR CES—mam Norhata P. Undac, sa mga miyembro ng
sangguniang bayan ng Lumbatan gaya nina konsehala, ROWAIDA T. BENITO-MIPANGCAT,
konsehala ASLIAH T. AMPUAN-MUA, mga kapwa ko GURO, sa mga minamahal naming mga
mag-aral, mga magulang, mga panauhing pinagpipitaganan na naririto ngayon sa ‘ting
paaralan.Buong galang na sa inyo’y bumabati ng isang maaliwalas at magandang umaga po, ang
bating marangal.
Sa umaga pong ito, taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay ang ating
pagdiriwang ng BUWAN NG WIKA ngayong AGOSTO taong 2022 na temang: “FILIPINO
AT MGA KATUTUBONG WIKA: KASANGKAPAN SA PAGTUKLAS AT
PAGLIKHA.”
Ipinagdiriwang natin ang BUWAN ng WIKA upang alalahanin ang kasaysayan,
kilalanin, panatilihin at paunlarin ang WIKANG FILIPINO. Ginagawa ito bilang pagsaludo at
pagmamahal sa ating bansang PILIPINAS.
Mula 1946 hanggang 1954, ginugunita ang Linggo ng Wika tuwing March 7 hanggang
April 2. Pinili ang April 2 dahil ito ang kaarawan ng Pilipinong manunulat at makata na si
Franisco Balagtas. Dalawang beses iniusog ang petsa ng pagdiriwang sa ilalim ng pamumuno ni
Pangulong Ramon Magsaysay, ito ay March 29 -April 4 noong 1954, at August 13 noong 1955.
Ayon kay Magsaysay, kaya Agosto ito ipinagdiriwang ay dahil ang orihinal na Linggo ng
Wika ay nagaganap tuwing bakasyon ng mga estudyante,kaya hindi naisasama ang mga paaralan
sa pagdiriwang nito. Itinapat naman ang huling araw ng pagdiriwang sa kaarawan ni Pangulong
Quezon na itinuturing na Ama ng Wikang Pambansa. Pero noong 1997, idineklara ng yumaong
pangulong Fidel V. Ramos na ang selebrasyon ng WIKANG FILIPINO ay magaganap na sa
buong buwan ng Agosto sa bisa ng Proklamasyon Bilang 1041.
Ang tema ng Buwan ng Wikang Filipino ngayong taon ayon sa Komisyon ng Wikang
Filipino (KWF) naglalayong:
1. Ganap na maipatupad ang Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041;
2. Maiangat ang mga kamalayan ng mga mamayang Pilipino ukol sa wika at
kasaysayan nito;
3. Mahikayat ang iba’t-ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na
makiisa sa mga programang tulad nito na nagpapataas sa kamalayang
pangwika at sibiko;
4. Maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagahan ang mga wika sa
Pilipinas sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing kaugnay ng
Buwan ng wikang Pambansa; at
5. Maipakilala sa mga mamamayang Pilipino ang KWF bilang ahensiya ng
pamahalaan na nangangalaga sa mga wika ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga
programang pangwika.
Sa kabila ng pandemya na naranasan natin mula 2020 hanggang ngayon at sa mga
restriction na ipinatupad ng ating gobyerno ay maswerte pa rin tayo, dahil naririto tayo ngayon
mismo upang personal nating ipagdiwang ang BUWAN NG WIKA sa pamamagitan ng iba’t-
ibang aktibidad na aming inihanda para ihandog sa inyong lahat ng minamahal naming
estudyante ng ANDONG National High School. Kaya’t kayo ay aming taos-pusong
inaaanyahan, WELCOME sa inyong lahat at samahan niyo kaming ipagdiwang ang BUWAN
NG WIKANG Pambansa.
Bigyan o pasalubungan natin ng masigabong palakpakan ang ating mga sarili at ang mga
mag-aaral ng ANDONG NHS. Maraming Salamat po sa inyong pakikinig!

You might also like