You are on page 1of 2

BEED- 1A at BSED- 1A, tumugon sa obserbasyon ng ACCREDITATION TEAM

Tumugon ang mga mag-aaral ng Bachelor of Elementary Education( BEED)


1A at Bachelor of Secondary Education (BSED) 1A sa obserbasyon sa mga piling
tagapagturo ng College of Development Education noong ika-17 ng Setyembre
2019, kaugnay sa AACCUP Accreditation 5th Survey Visit.
Pinagmasdan nina Dr. Fe S. Soriano at Dr. Marivic T. Sanchez si Dr. Christopher
B. Dacer, habang nagtuturo ng Educ 2: Foundation of Special and Inclusive Education
sa kanyang mga bibong mag-aaral ng BEED- 1A. Malayang tinalakay ni Dr. Dacer ang
aralin sa asiganaturang Educ 2.
Naging aktibo naman ang mga mag-aaral ng BSED- 1A, ang ipinaliwanag ni Dr.
Claribelle C. Haber ang aralin tungkol sa EL 100; Introduction to Lingusitics na
inobserbahan naman nina Dr. Elena T. Paragas at Dr. Marivic T. Sanchez. Maswerteng
naging katugon ang dalawang seksyon sa nasabing obserbasyon.
Layunin ng nasabing obserbasyon ang maipasa ang isa sa mga kasangkapan ng
accreditation, ang mga guro at masukat ang kagalingan ng mga mag-aaral sa talakayan.
“Nakaka- overwhelm at nakak-proud dahil sa dami ng seksyon ay kami ang napili.
Medyo nakaka- pressure din kasi merong nag-oobserve sa amin na galling sa ibang
lugar, kinakabahan rin baka di namin matamo ang kanilang expectation” ayon kay Philip
B. Purisima, mag-aaral ng BEEd 1A matapois ang obserbasyon.

WIKANG FILIPINO- mahigpit kong hinahagkan ang mayroon ako!


Sa kabila ng pagkakaiba at di pagkakaintindihan sa ibat ibang aspeto tulad ng
kultura, tradisyon, pananampalataya, kaugalian, kinasanayan, paniniwala at higit sa lahat
sa wika at diyalektong ginagamit ay hindi ito nagiging hadlang sa pagtigil ng kaunlaran
nitong ating Inang- bayan. Maituturing man na ito ay isang malaking balakid sa pagtamo
ng inaasahang progreso’t pag-unlad ng bansa, ay masasabing ito pa ang nagiging tulay
upang makamtan ito. Subalit, hindi pa din natin maikakaila na may gumugulong tanong
sa ating malawak na isipan. Samu’tsaring kaganapan.
Paano at anu-ano ang mga hakbang sa pagpapanatili ng ating Wikang Filipino
bilang isang Diwa ng Pagkakaisa at Organisadong Pagkakaisa at Organisadong
Pagkakakilanlan na humahantong sa Mabisang Kaunlaran?
Kung sispatin ang bawat detalye ng tanong ay maaring mahirap sagutin para sa
iba, pero ako bilang isang mamamayang Pilipino ay madali lamang sagutin dahil alam ko
at mabigat kong yinayapos at hinahagkan ang mayrroon ako.
Ang tanging paraan lamang sa pagpapananatili ng kaunlaran ng Wika ay ‘yon ang
pagsasapuso at pagsasatao ng ating mga sinaunang kultura, na magpahanggang
ngayon ay buhay at patuloy na rumarangkada tulad ng BAYANIHAN- gawaing kultural
sa tuwing mayroong ililipat na bahay, ang bawat sambayanan ay nagakakapit-bisig at
nagtutulungan, kaakibat pa nito ay handaan at PIYESTAHAN- sumasalamin sa pagiging
masayahin at pananampalataya sa Poong Maykapal, syempre hindi rin magpapahuli ang
LARO NG LAHI na nagpapakita kung gaano tayo kayaman sa kultura’t tradisyon, hindi
rin mawawala ang mga produktong “ Tatak Lokal, tatak Pinas” na sumisismbolo sa
pagiging malikhain at pagkakaroon ng yamang likas sa ating bansa. Nanaisin din ba
nating mawala sa listahan ang ipinagmamayabang nating KASUOTAN, ang Barong
Tagalog at Saya. Maging ang pagdiriwang ng mga espesyal na araw tulad ng
KAARAWAN, Pasko atbp. Na tumataglay sa hindi pagkalilimutin ng sinuman. Hindi rin
mamamatay sa ating puso at diwa ang mga BAYANING nagtanggol sa ating kalayaan at
wika. Iilan lamang ito sa mga organisado at diwa ng pagkakakilanlan ng ating bansa
maging nitong ating wika. Ito ang diwa ng pagkakaisa at pagkakabuklod-buklod ng ating
bansa.
Tayo’y mapalad sapagkat isa tayo sa mga nagtatamasa’t nagtataguyod na
ipagmalaki at mahalin ang ating wika , tulad ng pagdiriwang natin ng ARAW NG
MASINING NA PAGPAPAHAYAG, kung san binibigyang diin natin ang ating
pagkamakata at mamamyang Pilipino, hindi ikinakahiya ang sariling wika!
Lagging tandaan at itatak sa isipan “Kung walang WIKA, ay wala ding DIWA at
mas lalong walang KAUNLARAN ang ating Bansa!” Ipinapahayag ko lamang dito na
mahigpit kong hinahagkan ang mayroon ako.
Kaya’t wag nating ikakahiya at itakwil ang ating wika. Isipin natin ang nakaraan,
wag nating hayaang tayo ay muling lupigin ng linggwaheng dahil ito lamang ang susi’t
kasagutan sa pag-angat at pag-unlad ng ating bayang sinisinta.
Ikaw, ako at tayo ay magsisilbing diwa ng pagkakaisa at organisadong
pagkakakilanlan tungo sa mabisang kaunlaran ng wikang Filipino, bilang isang
estudyante, tao at higt sa lahat mamamayang Pilipino.
Nanaisin mo bang tayo’y muling magapos sa nakaraan? O di kaya’y alipinin ng
sariling bayan?
“Nasa atin ang diwa ng kaunlaran, ang simbolo ng pagkakakilanlan at katangiang
hindi mapapantayan ng sinumang dayuhan”.

You might also like