You are on page 1of 1

Ang pagkitil sa Wikang Filipino

Nakakabahala ang pag-alis ng asignaturang Filipino sa tersyarya ngunit bakit ang mga
namamahala ay parang hindi nababahala sa desisyong ito. Bilang kaugnayan, ang Commission on Higher
Education(CHED) ay nakapagpasa na ng memorandum na nag-aalis sa asignaturang Filipino sa tersyarya
at ito naman ay sinang-ayunan at sinabing pinal na ng Supreme Court.

Ang Wikang Filipino ay ang ating pagkakakilanlan at ito ang nagbubuklod sa ating mga Pilipino sa
iba’t ibang panig ng Pilipinas. Sa bawat panig ng bansa ay mayroong iba’t-ibang lengwahe at sa wikang
Filipino tayo ay nagkakaisa. Ito ay midyum na ating ginagamit upang maintindihan tayo ng ibang mga
kababayan na may ibang lenggwahe tulad ng Ilokano, Kapampangan, Bisaya, at Panggasinan.

Ayon nga sa isang guro ng Filipino, ito ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang barirala o
gramatika, at pag-unawa sa akdang binabasa. Sapagkat ito ay isang pagpapalalim ng ating wika at
kultura na siyang nagpapayabong sa ating sariling wika. Ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika
ay daan upang magkaroon tayo ng matatag na pagkakilanlan.

Sa tersyarya ay maraming itinuturong mga asignatura na nadadagdagan pa dahil sa asignaturang


Filipino. Ito ay maaring makapagpabigat sa dalahin ng mga nasa tersyarya lalo na kung ito ay nagbibigay
ng maraming rikisito. Ngunit, ito ba ay sapat upang alisin ang isa sa daan upang mas mapaunlad ang
ating wikang Pambansa?

Ang pag-alis sa asignaturang Filipino sa tersyarya ay maaring ihalintulad sa pagpigil sa pag-


yabong ng Wikang Filipino, sapagkat ang pagyabong ng wikang Filipino ay hindi natitigil pag katapos ng
sekondarya. Ang wikang Filipino ay walang hanggan’ at marami pa tayong hindi nalalaman ukol dito.
Kung ang kabataan nga talaga ay ang pag-asa ng bayan ngunit bakit tinanggalan ang mga nasa kolehiyo
ng karapatan upang mas mapalawak ang kaalaman ukol sa wikang Filipino na siyang magiging daan
upang mas makilala ang ating kultura sa buong mundo.

You might also like