You are on page 1of 2

Concepcion, Meg Asleigh D.

BS PSYCH 129

Filipino: Wika ng Pagpapantas, Diwa ng Pagbabaklas

Ayon sa Ama ng Wikang Pambansa, “Ang wika ang siyang nagpapahayag ng mga kaisipan
at mithiin ng isang bayan”. Wika ang siyang nagsisilbing tulay o instrument sa pakikipag
komunikasyon. Makailang beses na ba natin napatunayan sa kasaysayan na malaki ang gampanin
ng wika? Upang mas maintindihan pa natin ang paksa sa akdang ito, nais kong bigyan ng
pagpapakahulugan ang bawat salitang nilalaman nito.

“Filipino: Wika ng Pagpapantas”, ang salitang pagpapantas na may salitang ugat na


‘pantas’ ay nangangahulugan ng paglilinang ng kaisipan o pagpapaka dalubhasa ng kaalaman. Ang
isa sa nakahahadlang sa pagyaman ng Wikang Filipino ay ang mababang tingin ng ilan nating
kababayan rito. Wag na natin ikubli na isa sa mga sakit ng ating lipunan ay ang pagtangkilik sa
wikang banyaga. Marami sa atin ay mababa ang tingin kapag ang isang indibidwal ay walang
kasanayan sa ingles, kung minsan pa’y tila ingles na lang ang nagiging batayan para masabing
mataas ang naging antas ng edukasyon ng isang tao. Kung tutuusin mayaman ang Wikang Filipino,
kung bibigyang halaga lamang ito. Dagdag pa roon ay kung pagyayamanin natin ang wikang ito,
makikita nating kaya natin makipagsabayan sa mga bansang mayayaman din sa wika. Naniniwala
ako na mas matimbang ang mga kaalamang nalinang dahil sa sariling atin. Kultura, kasaysayan,
agham.

“Diwa ng Pagbabaklas.” Ito ay nag-uugat sa maka kolonyalismong kaisipan. Ang ilan sa


atin ay nagkaroon ng mataas na tingin sa wikang banyaga, dito nagsimula ang pagkakabaklas ng
ating iisang adhikain para sa sarili nating wika. Hidni maitatanggi na marami ang sanhi kung bakit
nagkakawatak-watak tayo sa magandang adikain ukol sa wika. Maaaring antas ng ating
pamumuhay, etnikong grupo na ating kinabibilangan o mga simpleng bagay na nagiging dahilan
upang humina na ang mabuting adhikain sa wika.

Ang Wikang Filipino ang siyang nagpapayabong ng ating kaalaman sa mga bagay bagay
sa ating paligid. Wika natin ang siyang nagtuturo at nagpapatalino sa atin ngunit mas gusto pa rin
nating tangkilikin o sundin ang mga nakasanayan ng mga banyaga. Gayunpaman, kahit na ang
wika ang siyang nagbibigay talino sa atin ay tayo pa mismo ang nag aalis sa ating mga sarili upang
maglaan ng oras para makibagay sa mga banyaga.

You might also like