You are on page 1of 1

ULAT NG PAGSASALAYSAY SA BUWAN NG WIKA 2017

Alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang proklamasyon Blg.1041 s. 1997, ang buwan ng


Agosto ay buwang inilaan upang bigyang pagpapahalaga ang ating wika at tamang panahon upang
lubos na ipaunawa sa ating mga mag-aaral ang tunay na kahalagahan nito hindi lang sa ating pang
araw araw na buhay kundi maging bilang isang malaking bahagi ng kaunlaran ng pagbuhay at
pagkatao ng isang Pilipino.
Kaugnay nito, ang aming Paaralan ay muli na namang ipinagdiwang ang isa sa
pinakahihintay na okasyon ng mga mag-aaral ang “Buwan ng Wika 2017” upang ipamalas ang
kanilang kakayahan o talento sa mga iba’t-ibang uri ng pagpapahayag sa pamamagitan ng sariling
wika na alinsunod ito sa paksang diwa:

FILIPINO:
“WIKANG MAPAGBAGO”

Sa unang linggo ay pormal na inilunsad ang “Buwan ng Wika”.Dito ay pormal ding


ipinakilala ang tema sa taong ito.

“Ang tema ay makatotohanan, napapanahon at napapatunayan. Ano nga ba ang


kahulaugan ng salitang “MAPAGBAGO” Ito ay nagmula sa salitang “nagbabago” Ang
Wikang Filipino ay sadyang pabago-bago…nagbabago…laging may bago…innovative ika
nga sa wikang Ingles.
Ayon a Linguistic Society of America, ang mga wika saan man sa mundo ay patuloy na
nagbabago at umuunlad kaalinsabay sa kaalinsabay ng gumagamit nito. Kultura,
teknolohiya, kaugalian at impluensya ng mga banyagang bansa.”

Ang nasabing tema ng buwan ng wika ay nagsilbing ugat ng programa upang gisingin ang
kamalayan ng mga kabataan at maunawaan ang kahalagahan ng Ating Inang Wika sa kanilang
araw-araw na pakikisalamuha sa lipunan.

Nagsimula ang programa sa ikalawang linggo ng Agosto, 2017, sa silid aralan ng mga mag-
aaral sa ikalimang baitang. Nagkaroon ng munting talakayan at orientasyon patungkol sa tema at
sa planong mangyayari sa loob ng isang buwan.
Ika-10, ng Agosto ang unang araw ng pinaka espesyal na programa sa patimpalak sa Pagtula,
na nilahukan ng mga mag-aaral ng Kinder at mag-aaral ng Una at ikalawang baiting, na naganap
sa silid aralan ng ikalimang baiting. Agosto 14, naman ang ikalawang programa sa Pagbasa,
nilahukan ito ng mga mag-aaral ng ikatlo at ika-apat na baiting na ginanap naman sa silid aralan
ng Ika-anim na baiting. Ang Balagtasan, ay pinaglabanan ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang
samantalang Masining na Pagkukwento naman ang ikaanim na baitang na ginanap sa silid-aralan
ng ika-apat na baitang noong ika-16 ng Agosto. Sa kabila ng malakas na unos ng ulan ay
matagumpay paring natapos ang programa sa silid-aralan kasama ang mga magulang ng mga
batang kalahok sa nasabing patimpalak.

You might also like