You are on page 1of 7

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGIONAL OFFICE NO. VIII
DIVISION OF NORTHERN SAMAR
MAPANAS DISTRICT
SAN JOSE ELEMENTARY SCHOOL
123112
__________________________________________________________________________________

CURRICULUM IMPLEMENTATION DIVISION (CID)


ULAT NG GAWAING NATAPOS
(ACTIVITY COMPLETION REPORT)

PANGALAN NG GAWAIN Selebrasyon ng Buwan ng Wika 2022


PETSA Ika-22 ng Agosto, taong 2022
LUGAR Mababang Paaralan ng San Jose, Distrito
ng Mapanas
MGA TAONG NAKIISA Ulong guro, mga guro, mga mag-aaral
MAKATWIRANG Alinsunod sa Pampanguluhang
PALIWANAG(RATIONALE) Proklamasyon Bilang 1014, s. 1997, ang
Agosto ay itinakda bilang pagdiriwang sa
Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ay
itinakda upang isapuso at maintindihan
ng bawat mamamayang Fiipino lalo na ng
mga kabataan ang kahalagahan at tunay
na diwa ng wikang Filipino.
Sa taong ito, ang napiling tema ay
“Filipino at mga Katutubong Wika:
Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha.”
Ang mababang paaralan ng San Jose ay
nakiisa sa pagdiriwang kasama ang lahat
ng bumubuo nito.
MGA LAYUNIN(OBJECTIVES) Ang mga layunin ng selebrasyon ay ang
mga sumusunod:

1. Ganap na maipatupad ang


Pampanguluhang Proklamasyon
Bilang 1014, s. 1997.
2. Ipamulat sa mga mag-aaral ang
kahalagahan ng wikang Filipino at
kung paano ito makatutulong
bilang kasangkapan o instrumento
sa pagtuklas at paglikha sa iba’t
ibang larangan, at upang hindi
kailanman malimutan at tuluyang
mabura sa isipan ng mga
kabataan ang wikang pambansa at
ang mga katutubong wika.
3. Maipaliwanag ang temang:
“Filipino at mga Katutubong
Wika:Kasangkapan sa Pagtuklas
at Paglikha.”
4. Maipakita ng mga mag-aaral ang
kanilang talent sa pamamagitan ng
paglahok sa iba’t ibang gawaing
may kinalaman sa pagdiriwang.

PINAKAMATAAS NA BAHAGI NG Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng


GAWAIN (HIGHLIGHTS) Wika ay idinaraos sa lahat ng paaralan sa
iba’t ibang panig ng bansa bilang
pagbibigay-halaga sa ating wika bilang
pinakakaluluwa ng ating lahi. Ang tema
sa taong ito ay “Filipino at mga
Katutubong Wika:Kasangkapan sa
Pagtuklas at Paglikha.”

Sinimulan ang pagdiriwang ng isang


maikling programa kung saan ang lahat
ng mag-aaral ay nakilahok sa
pangunguna ng mga guro. Bawat baitang
ay nagpamalas at nagpakita ng kanilang
talento sa pamamagitan ng pagtula, pag-
awit ng katutubong awitin, at marami
pang iba. Hindi rin nagpahuli ang mga
pares ng lakan at lakambini na siyang
nanguna sa kailang klase upang
lubusang maipaunawa ang tunay na diwa
ng nasabing pagdiriwang.

MGA RESULTA(OUTPUT) 1. Matagumpay na naintindihan ng


mga mag-aaral ang kahalagahan
ng wikang Filipino at mga
katutubong wika.
2. Naisapuso ng ng mga mag-aaral
ang kahalagahan ng wikang
Filipino at mga katutubong wika
bilang isang mahalagang
kasangkapan sa pagtuklas at
paglikha ng iba’t ibang larangan.
3. Nalinang ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa pagpapakita ng ng
pagmamahal at pagpapahalaga sa
ating sariing wika.
4. Namulat ang mga mag-aaral sa
tunay na kahulugan ng tema
ngayong taon.
5. Naisapuso ng mga mag-aaral na
ang paggamit ng sariling wika ay
sumasalamin sa pagtangkiik ng
wikang siyang bumubigkis sa atin
bilang mga tunay na Filipino.
6. Makulay at kasiya-siya ang
pagdiriwang dahil sa iba’t ibang
gawaing nilahukan ng mga mag-
aaral.
DOKUMENTASYON/MGA LARAWAN Makikita sa susunod na pahina
ang mga larawan.

Inihanda ni:

DHARYL L. PIANDIONG
Pampaaralan na Tagapag-ugnay sa Filipino
Noted:

JOSEPH C. ESPONILLA
Ulong-guro

You might also like