You are on page 1of 1

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon IV-MIMAROPA
Sangay ng Occidental Mindoro
Distrito ng Rizal
Panlabayan Elementary School

Salaysay na Ulat sa Buwan ng Wika 2019

“ Wikang Katutubo Tungo sa Isang Bansang


Filipino”
Tuwing buwan ng Agosto ipinagdiriwang
ang buwan ng wika bilang pag-ala-ala sa
namayapang dating Pangulo ng PIlipinas at
siya rin ang Ama ng WIkang Pambansa si
Manuel L. Quezon.
Ang tema ngayong taon ay natuon sa
wikang kinagisnan natin na kung saan nag
wika raw ang siyang nagsisilbing daan upang
makamit natin ang ating mga pangarap at
upang maging maunlad na mamamayan
dahil ang wika ang siyang nagpapatibay ng
relasyon sa ating tahanan,eskwelahan at
maging sa ating pang- araw- araw na buhay.
Ang wika ang nagbibigkis sa ating lahat.
Paano kung walang wika? Sa palagay mo ba
nagkakaunawaan kaya tayo? Malamang
hindi. Kung kaya’t ang bawat paaralan ay
ipinagdiriwang ang buwan ng wika upang
sariwain ang mga ala-ala ng ating mga
namayapang mga bayani/Pangulo. Ang
Mababang Paaralan ng Panlabayan ay
nagdaos ng ganitong pagdiriwang upang sa
maikling panahon ay aming maipabatid sa
kanila ang kahalagahan ng wika at kung
paano ba ito nakatulong sa ating
pamumuhay sa araw-araw. Ang wikang
kinagisnan ay napakahalaga sa bawat isa .

Inihanda ni :
Siniyasat ni:

Prince Lee Jun M. Suerte Eric D. Dumo


T-I TIC

You might also like