Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Division of Oriental Mindoro
BANGHAY ARALIN
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Baitang: 11
Kwarter: 1
Oras: G11 Immanuel Kant (MW 7:30 – 9:30)/ G11 Bill Gates (MW 10:00 – 12:00)/ G11 Michael
Faraday (MWF 1:00 – 2:00, 10:00-12:00)
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan, at gamit ng wika
sa lipunang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng isang sanaysay batay sa isang panayam tungkol sa aspektong
kultural o lingguwistiko ng napiling komunidad
D. Kasanayang Pagkatuto
1. Matukoy ang kaugnayan ng sitwasyong pangkomunikasyon sa napanood na
panayam.
2. Magamit ang konseptong pangwika sa sitwasyong pangkomunikasyon sa
talumpati at panayam.
II. Paksang Aralin
Aralin 2: Konseptong Pangwika (Wikang Pambansa, Wikang Opisyal, Wikang Panturo at
Multilinggwalismo)
B. Presentasyon
a. Pagganyak
Huhulaan ng mga mag-aaral ang mga salitang may gulong letra na nasa loob ng kahon.
RTOU
AMNBAASP
OISPLAY
NOLIPIIF
KIWA
C. Paglinang
Sagutan ang Gawain II sa sagutang papel.
D. Pagninilay
Ang ating wika ay pangunahing ginagamit para makatulong sa pakikipagtalastasan o
pakikipagkomunikasyon sa kapwa. Pero sa realidad o aktuwal na praktika ay higit pa rito ang
gamit ng wika. Nagiging simbolo rin ang wika sa iba’t ibang paraan at ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon.
Ang wikang pambansa ay tumutukoy sa wika na ginagamit ng mga tao sa isang bansa.
Halimbawa, ang wikang pambansa ng mga taga-Nepal ay Nepali bagamat mayroon silang 123 na
mga wika. Tulad ng Nepal, ang Pilipinas ay mayroon ding wikang pambansa at ito ang wikang
Filipino batay na rin sa 1987 na Konstitusyon.
Ang rason kung bakit tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si Manuel Luis Quezon ay
dahil siya ang nagsulong ng pagkakaroon ng isang pambansang wika para sa buong Pilipinas.
Ang huli, ang wikang panturo ay tumatalakay sa wika na ginagamit sa loob ng paaralan. Ang
wikang ito ang ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan at ginagamit sa mga libro
at iba pang materyales. Maliban pa sa Ingles at Filipino, ginagamit na rin ng mga guro ang unang
wika ng mga mag-aaral sa mababang baitang lalo na sa mandato na ipatupad ang Mother Tongue-
based Multilingual Education (MTB-MLE) sa ilalim ng K to 12.
Bagamat mayroong mga ganitong wika, hindi maiwawaksi ang wika ng komunidad. Ang
isang lingguwistikong komunidad ay tumutukoy sa wikang ginagamit sa loob ng komunidad, ito man
ay sa mga sitwasyong pormal at di-pormal. Ang wika na ito ay maaaring ginagamit sa loob ng
bahay, sa palengke, sa kalsada at iba pa.
Ilang Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
Tsismis
Isa sa mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino. Ito ay tinutukoy bilang pinag-
uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari namang gamitin ang
tsismis upang malaman ang tungkol sa alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at
maging mas malapit sa bawat isa.
Umpukan
E. Aplikasyon
Think-Pair-Share
1. Gamit ang dayagram na ibibigay ng guro, magbibigay sila ng mahahalagang detalye
F. Pagtataya
Sagutan ang Gawain IV sa sagutang papel.
Inihanda:
ABEGAIL M. HIDALGO
Guro II
Nabatid:
Pinagtibay:
BEDILLA B. NAVELGAS
Punungguro III