You are on page 1of 22

Romblon State University

Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

B
S
F
i
-
II
W
E
E
K
1-5 Name: Score:
Year / Section:
1
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Modyul Unang Ang Wikang Pilipino


1 Bahagi

Layunin
Pagkatapos ng Aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
➢ Maunawaan ang wikang Pambansa
➢ Maipaliwanag ang pinagmulan ng wikang Pilipino
➢ maiuuugnay ang wika sa kultura

Sinasabi ng mga Pangulo Tungkol sa Wika


‘’Maari nating hiramin sa loob ng isang panahon ang wika ang wika ng ibang bayan,
ngunit hindi tayo tunay na makakapag-aangkin ng isang wikang Pambansa maliban sa
pamamagitan ng pagpapatibay, pagpapaunlad at paggamit ng isang wika na sariling atin’’.
Pangulong Manuel L. Quezon
“Ang aministrasyon ay walang gagawing hakbang hinggil sa wikang Pambansa.”

Pangulong Sergio Osmeña

“Tayoy’y mayroon nang Kalayaang pampulitika. Nagyo’y nama’y kailangan nating


magkaroon ng kalayaang pangkabuhayan. Dapat narin tayong lumaya sa pag-iisip. At hindi
tayo makakalaya sap ag-iisip hanggat hindi tayo magkakaroon ng wikang pambansang
angkop sa ating sikolohiya bilang isang lahi. Isakatuparan natin ang itinatadhana ng ating
saligang-batas tungkol sa pagkakaroon natin ng Wikang Pambansang Pilipino, sa lalong
madaling panahon.”
Pangulong Manuel A. Roxas
“Kailangang gumawa ng mahigpit na mga pagsisikap upang mapadali ang
pagpapalaganap ng ating wika. Bilang isang Republika, dapata tayong magkaroon hindi
lamang ng isang bansa at isang watawat kundi gayun din ng isang wika.”
2
Page

Pangulong Elpidio Quirino

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

“Huwag ikahiya ang ating wika sapagkat iyan ang diwa ng ating bansa.”
Pangulong Ramon Magsaysay
“Ang wikang Pilipino ay isang tagapagpahayag ng ating pagkabansa at kaisahang
panloob.”
Pangulong Carlos P. Garcia
“Mangyayari nga, lubos ang aking paniniwala na ang wika ay isa sa mahalagang
tulay upang buklurin ng pagkakaisa ang ating bayan at nang sa gayon ay marating natin
ang tugatog ng pangarap na kaunlaran, kasagasaan at katatagan. Ito ang panatang
simulain ng bagong lipunan at dito nakatuon ang lahat ng hakbang, kilos at punyagi ng
ating pamahalaan sa kasalukuyan.”
Pangulong Ferdinand E. Marcos
Naglabas naman ng Memorandum Sirkular blg. 384 noong ika-17 ng Agosto, 1970, ang
Kalihim Tgapagpaganap Alejandro Melchor na nagtatalaga ng may kakayahang tauhan
upang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino sa lahat ng departamento,
kawanihan, tanggapan at iba pang sangay ng pamahalaan, kabilang ang mga
korporasyong ari o kontrolado ng pamahalaan.

Ang Pinagmulan ng Wikang Filipino

Wikang Filipino. Isa lamang sa napakaraming wika sa mundo, at karamihan ng


mga gumagamit ng wikang ito ay matatagpuan sa bansang Pilipinas. Ang tawag sa kanila
ay mga Pilipino. Ilan, kung hindi marami, sa mga Pilipino ay hindi nakakaalam ng
kasaysayan o ang pinagmulan ng Pambansang Wika ng Pilipinas. Kung isa kang Pilipino,
isa ka ba sa kanila? Kung ikaw naman ay isang banyaga, gusto mo bang matuklasan ang
pinagmulan nito? Halina't ating tunghayan ang kasaysayan ng Wikang Filipino.
Alam nating mahalaga ang pagkakaroon ng iisang wika, o masasabing, ang "official
language" ng isang bansa, diba? Nag-umpisa ito noong ika-12 ng Nobyembre 1936. Sa
araw na ito, ang unang Pambansang Asambleya ay nagsabatas na italaga ang Surian ng
Wikang Pambansa (National Language Institute) na mag-aral at magsagawa ng pagsusuri
ng bawat katutubong wika, upang maging basehan para sa magiging Pambansang Wika.
Ang unang tatlong wikang napili ay ang Tagalog, Visaya at ang Ilocano. Noong ika-14 ng
Hulyo 1937, itinakda ng Surian ang wikang Tagalog bilang batayan ng Pambansang Wika,
sa mga kadahilanang:
1. Ang wikang Tagalog ay ginagamit ng mas nakararami at ang wikang ito ang
naiintindihan sa lahat ng rehiyon ng Pilipinas.
2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya at Bikol.
3

3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at


Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

malawak. Mas maraming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa sa iba pang mga wikang
katutubo.
4. Ito rin ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampulitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas
noong panahon ng mga Espanyol at mga Amerikano sa bansa.
5. Ito ang wika ng Himagsikan 1896 at ng Katipunan.

Noong 1959, ang wikang ito ay nakilala bilang Pilipino upang mahiwalay ang
kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng
panibagong Wikang Pambansa na papalit sa Pilipino, isang wikang tinawag na Filipino.
Subalit hindi binanggit sa Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng
wikang Filipino, sa halip ay nanawagan ito na mag-"take steps towards the development
and formal adoption of a common national language to be known as Filipino." Ang
hakbang na ito ay nagdulot ng maraming puna galing sa ibang grupo ng mga ibang
rehiyon. Gayundin, matapos na mapatalksik si Pangulong Marcos, nilaktawan ng Artikulo
XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipagbisa ang anumang pagbabanggit ng
Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na "as [Filipino] evolves, it
shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other
languages." Tiniyak pa ng isang resolusyon ng Mayo 13, 1992, na ang Filipino "ang
katutubong wika, pasalita at pasulta, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon
(National Capital Region), at sa iba pang sentrong urban as arkipelago, na ginagamit bilang
wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo." Gayunpaman, katulad ng mga Saligang
Batas ng 1973 at 1987, hindi nito kinilala ang wikang ito bilang Tagalog, at dahil doon, ang
Filipino ay, sa teorya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo,
kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao.
Idinedeklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa.
Bilang isang mamamayang Pilipino, pinapahalagahan ko ang wikang Filipino at ang
kasaysayan nito. Mahalaga ang bawat detalye ng pinanggalingan ng Pambansang Wika ng
Pilipinas, kaya dapat alamin, suriin at tandaan. Marapat lang na igalang ang wikang sariling
atin, ano mang naunang wika ang nauna dito. Minamahal ko ang sariling wika ko, at kahit
na may pagka-bihasa ako sa pagsasalita ng Ingles ay mas may pagpapahalaga ako sa
wikang Filipino. Ito ay isa sa mga simbolo ng pagkakaisa ng bawat Pilipino, isang bagay na
hindi mabubura sa isipan ng bawat Pilipinong nakakaalam nito. Maging mapagmalaki tayo
na ang wika natin ay Filipino! Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay ang Wikang Pambansa!
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Ang Wikang Pambansa
Ang wikang Pambansa ay mabisang kasangkapan sa pagbubuklod ng sambayanan.
Nakakatulong din sa pagkakaisa ng bansa ang pagkakaroon ng isang wika upang ang mga
mamamayan ay madaling magkaunawaan, hindi natin masasabing ang isang bansa ay
4

ganap na Malaya kung walang iisang wikang nagbubuklod sa mga mamamayan.


Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ang isang wika ay isang kayamanang higit sa lahat ng kayamanang namana mo


sapagkat sa pamamagitan ng wika ay nadalanginan mo ang diyos , nakakausap mo ang
bayan at naipapabatid mo ang itinitibok ng puso’t ang ibunubulong ng kaluluwa.
Maraming bansa ang umuunlad at nagging malakas dahil sa wika na nagbubuklod
sa mga mamamayan. Nagkakawatak-watak ang mga mamamayang walang walang
kaisahan sa wika.
Noong 1936, itinatag ng pamahalaan ng Surian ng Wikang Pambansa na siyang
pinagkakatiwalaang pumili ng isang katutubong wika na gagamiting saligan sa
pagbabalangkas at pagpapatibay ng Wikang Pambansang Pilipino.
Matapos ang masusing pag-aaral itiagubilin ng surian na ang tagalog ay gawing
saligan ng Wikang Pambansa, dahil sa ito ang pinakamaunlad na wika sa bansa at
ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. Ang wikang Pilipino, wikang pambansang salig sa
tagalog, ay hindi salitang dayuhan sa mga hindi isinilang sa Katagalugan. Ayon sa iba, ang
Wikang Pilipino ay batay sa iisa lamang wikain. Samakatuwid, hindi sila nangabigyan ng
pagkakataong maihayag ang kani-kanilang mga hinuha hinggil sa napiling wika.
Ayon din sa surian ng wikang Pambansa, mayaman daw ang tagalog sapagkat sa
pamamagitan ng panlapi at pagtatambal dumarami ang salita.
Napakadaling pag-aralan ang tagalog. Pinatunayan ito ng karanasan na kahit hindi
pormal na pinag-aaralan, maraming Pilipino ang natututo ng Wikang Pilipino. Madali nilang
nauunawaan ang diwa, kahulugan at nilalaman sa pagsubaybay sa takbo at agos ng mga
pangungusap.

5
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Pangalan:_________________________ Petsa:_________________________
Taon/seksyon:_____________________ Marka:________________________

Awtput I

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.


1. Ano ang Wika?
2. Paano nagkakaugnay ang wika at kultura?
3. Ano ang kahalagahan ng wika sa karunungan pantao?
4. Ipaliwanag ang kaiisipang ito:
“kung wala ang wikang Pilipino, walang nasyonalismong Pilipino, kung walang
nasyonalismong Pilipino, kung walang nasyonalismong Pilipino walang bagong lipunang
makikipagtagalan sa mga panahon at kung walang bagong lipunan, ang bagong Pilipino
ay walang katubusan.”
5. Ang ating mga naging pangulo ng bansa ay nangagpahayag ng kani-kanilang
damdamin tungkol sa wika. Bilang mag-aaral ano naman ang masasabi mong
kahalagahan ng wika sa iyong kursong kinukuha sa kasalukuyan.

6
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ikalawang Mga Antas ng Wika


Bahagi

Layunin
Pagkatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
➢ Matukoy ang mga antas ng wika
➢ Maunawaan ang wastong paggamit ng mga salita

Masasabi natin ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng mga salitang binitawan.


Sa pakikipag-usap malalaman natin ang tunay niyang katauhan. Ang ating wika bagama’t
hindi taal na atin (hindi likas na atin) sapagkat nanggaling sa ibat ibang bansa katulad ng
Malaysia, Kastila, Intsik, Ingles at iba pa ay maiituturing na ring atin.
May apat na antas ng wika ang ating ginagamit sa pagsasalita o pagsulat, balbal,
panlalawigan, Pambansa, at pampanitikan.
Sa kasalukuyan ang ating mga kabataan na sinasabi natin na siyang paga-asa ng
ating bayan ang siya pang yumuyurak sa ating wika. Ibat ibat uri ng salita ang sumusulpot
sa kanilang kapaligiran. Dala marahil ng mga pangyayari, na magsisimula sa kanto, sa
palengke at sa T.V. ang salitang balbal ay salitang lansangan na hindi lamang sa
pagsasalita ginagamit kung hindi pat isa pagsulat.
Ang isa pang antas ng wika na madali nating malaman na dahil sa punto at bigkas
ay panlalawigan. Ginagamit lamang ito sa kanilang pook.
Higit na pinakagamitin na antas ng wika ay ang Pambansa. Ito ang madalas gamitin
sa pakikipagtalastasan sapagkat nauunawaan sa buong bansa.
Ang pinakataas na uri ng antas ng wika ay ang pampanitikan na ginagamit ng mga
dalubhasa, mga manunulat at mga mananaliksik.
Ang mga salita
Ang salita ng pinakamaliit na ginagamit upang makapagpahayag. Ito ay maaring
7

kumatawan sa ilang pagpapakahulugan o kaiisipan na kung iuugnay sa iba hindi lamang


Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

ibat ibang kaiisipan ang maipapahayg kundi bukod sa maging malinaw, maayos at kaakit-
akit na; pagpapahayag ay magkakaroon pa ng sining at ganda.
Wastong gamit ng mga salita
Ang pag-aaral ng wastong gamit ng mga salita ay kaugnay ng tuntuning
pambalarila. Ito ay makakapagbigay ng maayos, malinaw, at mabisang pagpapahayag.
NG at NANG
Gamit ng NG
1. Ginagamit bilang pantukoy
Hal. Si Rosa ay nag-aaral ng Pilipino
Malaki at maluwang ang pinto ng paaralan
2. Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas sa Ingles ay WITH
Hal. Pinalo niya ng mahabang kahoy ang aso
Ang papel ay ginupit niya ng gunting.
3. Ginagamit bilang pang-uko na ang katumbas ay SA
Hal. Ang mga bata ay nagsisipanhik ng aklatan.
Magsisitungo ng Calamba, Laguna ang mg turista upang makita ang unang
tahanan ni Dr. Jose Rizal.
Gamit ng NANG
1. Ginagamit na pangatnig sa hugnayang pangungusap bilang panimula ng katulong
na sugnay o sugnay na di makapag-iisa.
Hal. Nang siya ay umalis ako ay natutulog pa.
Ang palatuntunan ay nagsisimula na nang ang panauhing tagapagsalita ay
dumating.
2. Ginagamit bilang pang-abay na nanggaling sa “na” na inangkupan ng “ng” kayat
nagiging “nang”
Hal. Ang aso ay itinali nang mahigpit kayat ito’y di makawala.
Nagsasalita nang malumanay ang guro sa Pilipino.
MAY at MAYROON
Gamit ng MAY
Ang may ay ginagamit kung ang sumusunod na salita ay:
1. Pangngalan
Hal. May mag-aaral na masikap
May taong tamad
2. Pandiwa
Hal. Ang mga pinuno ng barangay ay may ilalahok sa patimpalak .
8
Page

May darating na bagong aklat sa ating pamantasan.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

3. Panghalip na Paari
Hal. May iyo ka may akin ako, may kanya-kanya tayo.
May kanila silang tahanang maipagkakapuri.
4. Pantukoy na MGA
Hal. May mga magagarang damit ang mga bagong tao.
Ang mga kalahok sa timpalak ay may mga utak.
5. Pang-uri
Hal. May mga bagong araling tatalakayin ngayon.
Ang walang batang walang ilaw ang mga mata ay may magandand damit.
6. Pang-ukol na SA
Hal. May sa pagong kung kumilos ang batang iyan.
Ang taong iyon ay may sa-palos.
Gamit ng MAYROON
Ang mayroon ay ginagamit kung ito’y:
1. Sinundan ng Panghalip na Palagyo
Hal. Mayroon tayong pagsusulit sa susunod na pagklikita.
Mayroon kaming dadaluhang pagtitipon bukas.
2. Sinusundan ng isang Kataga
Hal. Mayroon palang gaganaping samaaralan ang mga samahang ang samahang
Pandaylipi, Ink.
Mayroon ding palatuntunan sa Linggo ng Wika.
3. Ginagamit na Patalinhangang pakahulugan.
Hal. Si Don Pedro ang Mayroon sa kanilang bayan.
OOPERAHIN AT OOPERAHAN
Gamit ng OOPERAHIN AT OOPERAHAN
Ang ooperahin ay ginagamit kung tumutukoy sa tiyak na bahagi ng katawang
titistisin.
Hal. Siya ay ooperahin sa bato sa Ospital ng Lungsod ng Maynila.
Ooperahin ang bata sa utak sa darating na Linggo.
Samantalang ang ooperahan ay ginagamit kung tumutukoy sa tao at hind isa bahagi
ng katawan.
Hal. Ang Matandang babae ay ooperahan bukas.
Ooperahan ang nasagasaan sa pagamutan ng Santo Tomas.
9
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

PAKIUSAP, IPAKIUSAP AT PAKIUSAPAN


Gamit ng PAKIUSAP, IPAKIUSAP at PAKIUSAPAN
PAKIUSAP- ginagamit na pangngalan
Hal. Ang pakiusap ng bata ay dininig ng pinuno ng paaralan.
IPAKIUSAP- ginagamit kung ang tinutukoy ay bagay, Gawain, tungkulin, pahintulot atbp.
Hal. Ipakiusap mong huwag na niyang gagawain ang bagay na iyon.
Ang mga nakarran ay ipakiusap mo sa kanyang iguhit na lamang sa tubig.
PAKIUSAPAN- ginagamit kung ang tinutukoy ay ang taong nilalapitan o hinihingan.
Hal. Pakiusapan mo ang ating dekana na tayo’y makapagtanghal ng isang
palatuntunan.
Ang ating guro ay pakiusapan nating pauwiin tayo ng maaga.
MAGBANGON AT BUMAGON
Gamit ng MAGBANGON AT BUMANGON
MAGBANGON- ginagamit kung nagtataglay ng tueirang layon. Kasingkahulugan din ng
magtayo , magtindig, at magtatag.
Hal. Ang mga mag-aaral sa PUP ay magbabangon ng isang Samahang
makakatulong sa pagpapalaganap ng wikang Pilipino.
Magbabangon ng isang panukala ang mga kabataan sa nayon upang mabigyang-
sigla ang darating na pagdiriwang.
BUMANGON- ginagamit na kasingkahulugan ng gumising.
Hal. Ang kasapi ng Samahan ay bumangon upang ihanda ang mga kinakailangang
gamitin.
Bumangon na ba si Juan? Maaga siyang aalis ngayon.

10
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Pangalan:_________________________ Petsa:_________________________
Taon/seksyon:_____________________ Marka:________________________

Awtput 2
Panuto: A. Iwasto ang salita o mga salitang may salunguhit na ginagamit sa mga
sumusunod na pangungusap. Bigyang katwiran ang pagwawastong ginawa.

1. Ng ang panauhing tagapagsalita ay dumating ang mga mag-aaral ay nangagsikain


pa.
2. Sa pamantasang ito mayroong mga gurong matatalino’t matulungin sa mga bata.
3. Pakiusap mo sana sa manggagamot na ang matandang maysakit ay operahin na.
4. Ipakiusap mo ang nanay na ikaw ay payagang makasama sa paglalakbay bukas.
5. Ang mga mangagawa sa bukid ay nagbangon ng maaga upang makatapos sa
pagtatanim nang palay.
6. Bumangon ng isang kapisanan ang masisinop na kadalagahan.
7. Ooperahan sap aa ang nasagasaang bata.
8. Ang aklat ng iyong kapatid ay pakuha mo sa bahay.
9. Susubukan natin kung iyong ilalahok sa patimpalak ay mahusay.
10. Tayo ay aalis mamaya at susubukin natin kung ano ang kanilang gagawin.

B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod at ipaliwanag kung kalian ito


ginagamit:
1. Pahirin-pahiran
2. Kung-kong
3. Sila-sina
4. Namatay-napatay
5. Sumakay-nasakay
6. Sinulat-isinulat
7. Nakain-kumain
8. Haggis-ihagis
9. Malaki-malawak
11
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ikalawang
Bahagi
Ang Pasawikaing Pagpapahayag

Layunin
Pagkatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
➢ Maunawaan ang mga pasawikaing pagpapahayag
➢ Maipaliwanag ang mga sawikain

Ang pag-aaral ng mga sawikain ay kaugnay ng panretorikang kaalaman. Ito ay


nagpapakulay, nagpapabisa at nagpapakabuluhan at pagpapahayag.
Ang sawikain kung pakakasuriin ang bawa’t salitang ginagamit ay taliwas sa
pambalarilang tuntunin. Di-tuwiran nagamit ay taliwas sa pambalarilang tuntunin. Di-tuwiran
o di-sadyang nauukol ang ibig ipakahulugan ng bawat salita.
Mga Halimbawa:
1. Ahas na tulog-makupad; mabagal sa mga Gawain.
a. Ang ahas na tulog na mag-aral ay hirap makarating sa tugatog ng tagumpay.
b. Maiibigan ba siya ni Mona kung siya’y isang ahas na tulog.
2. Alog na ang baba-matanda na.
a. Ang punong tagapangasiwa ng tanggapan ay alog na ang baba
b. Kahit alog na ang baba ni Mang Jose, sita’y nakakabuhat pa ng isang sakong
bigas.
3. Asal-Hudas – mapagkanulo;taksil
a. Asal-hudas ang batang iyan, kayat hindi siya pinagkakatiwalaan ng kanyang
pinuno.
b. Talagang asal-hudas si Juan. Matapos naming kupkupin kami parin ang
masama.
4. Babaha ng dugo- magkakaroon ng Patayan o malaking gulo.
a. Babaha raw ng dugo kapag magkita-kita ang mga magkakaaway
12

b. Kung ang lahat ng tao sa daigdig ay nagkakaunawaan, marahil walang dugong


Page

bumabaha.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

5. Bagong-ahon- bagong dating; kararating lamang.


a. Ang mga bagong ahon ay mga panauhing sa ibat ibang Pamantasan.
b. Kinakapanayam ng mga taga PUPang mga bagong ahon.
6. Balat-kalabaw- hindi marunong mahiya; walanghiya
a. Balat-kalabaw siya dahil hindi niya inalintana ang matatalim na pananalita ng
kanyang amo.
7. Binuksan ang dibdib- nagtapat ng loob; ipinaalam ang nararamdaman.
a. Binuksan ni Maria ang kanyang dibdib sa pinakamamahal na guro pagkatapos
umiyak ng malakas.
b. Sa di makayang paghihirap, binuksan niya ang dibdib sa kabiyak.
8. Kahig ng kahig- walang humpay sa paghahanap ng ikabubuhay
a. Kahit kahig ng kahig si Mang Pedro, ganoon parin ang kanyang buhay.
b. Nakakaawa ang buhay ng angkang iyon. Kahit kahig ng kahig sa wala’t wala rin
nauuwi.
9. Kahiramang suklay- kaibigan; kapalagayang loob.
a. Si Gng. Nicolas ay kahiramang-suklay ni Gng. Padilla.
b. Maasahan mo sa anumang kagipitan ang iyong kahiramang-suklay.
10. Kumakain ng pangaral-nakikinig at sumusunod sa pangaral ng nakakatanda.
a. Ang mag-aaral na kumakain ng pangaral ay gumaganda ang kinabukasan.
b. Naging matagumpay na negosyante si Mario pagka’t siya’y kumakain ng
pangaral.
11. Dagok ng kapalaran- kasawiang palad; masamang kapalaran.
a. Sa kanyang pagwawalang-bahala sa pag-aaral, ngayo’y tumatanggap siya ng
matinding dagok ng kapalaran.
b. Ang tangingb dagok ng kapalaran sa kanyang buhay ay ang di-pagpasa bilang
tagatuos.
12. Di-mahapayang gating- ayaw patalo o padaig.
a. Ang maybahay ni G. Dalig ang di-mahapayang gating sa kapitbahay.
b. Mahirap pakisamahan ang taong d mahapayang-gatang.
13. Gintong-asal- may Mabuti at marangal na ugali.
a. Ang pinunong may gintong asal ay kinagigiliwan ng kanyang nasasakupan.
b. Magigintong asal ang mag-anak na iyan kaya’t minamahal ng buong
pamayanan.
14. Halang ang bituka- hindi natatakot mamatay at makamatay.
a. Haling ang bituka ng taong iyan kayat sugod ng sugod.
b. Ang naging kabiyak ni Aling Rosa ay haling ang bituka.
15. Hanap sa tubig- kapalarang nakuha sa di-mabubuting paraan
a. Ang kayamang hanap sa tubig ay nauuwi saw ala.
b. Mahirap impukin ang salaping hanap sa tubig.
16. Ibuhos ang isip- isipin ng taimtim.
13

a. Nararapat lamang sa mga mag-aaral na ibuhos ang kanilang isip sap ag-aaral
Page

upang marating ang mabulaklak na landas.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

b. Sa tuwinang pagbubuhos-isip niya sa Negosyo naging maunalad ang kanyang


kabuhayan.
17. Iluwag ng loob; ikakapanatag ng damdamin.
a. Sana’y iluwag ng loob niya ang mga pangyayaring naganap.
b. Ang pagkasagot ni Don Tomas ay di-ikinaluluwag ng loob ng kanyang
maybahay.
18. Isip-lamok- mahina ang isipan o ulo.
a. Karamihan sa mga mag-aaral na di-nakakapasa sa mga aralin ay mga isip-
lamok.
b. Ang taong isip-lamok ay hirap makaunawa.
19. Labas-masok- humigit kumulang
a. Ang mga panauhing dumalo sa pagdiriwang ay labas-masok sa limang libo.
b. Labas-masok sa dalawang libong piso ang halaga ng ipinapatayo niyang bagong
tindahan.
20. Lagot ang pisi- naubos ang salapi.
a. Lagot ang pisi ni Fidel pagkagaling sa sugalan.
b. Lagging nag-aaway ang mag-asawa tuwing ang lalaki ay umuuwing lagot ang
pisi.
21. Nakadikit sa balintataw- lagging laman ng guni- guni.
a. Si Juan ay laging nakadikit sa balintataw ni Ramona.
b. Kay gandang dilag niya. Ang kanyang masasayang ngiti ay nakadikit pa sa aking
balintataw.
22. Nakipagbulungan sa bulate- patay at nalibing na.
a. Hindi nalaman ni Ramon na ang kanyang kasintahan ay nakipagbulungan sa
bulate.
b. Nakikipagbulungan na sa bulate ang mayamang mangangalakal nang dumating
ang bugtong na anak.
23. Sapin ng baul- pinakamagarang damit; kahuli-hulihan pera sa kamay.
a. Sapin ng baul ang suot ng katulong nina Aling Felisa.
b. Ang ipinambili ko ng regalong ito ay sapin ng aking baul.
24. Makitid ang noo- hindi matalino; makitid ang pananaw sa buhay.
a. Hindi niya inaasahang makitid ang noo ng kaibigan noon lamang siya’y hiniyain
nito sa karamihan.
b. Ang taong may makitid na noo ay mahirap makapasok sa mataas na uri ng
hanapbuhay.
25. Paa’t kamay- mahalagang katulong.
a. Hindi nakadalo sa pagtitipon si Juana dahil siya ang paa’t kamay ng kanyang
kapatid.
14
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Pangalan:_________________________ Petsa:_________________________
Taon/seksyon:_____________________ Marka:________________________

Awtput 3

A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na sawikain at gamitin sa pangungusap.

1. Asal-hudas
2. Bagong-ahon
3. Balat-kalabaw
4. Kumakain ng pangaral
5. Dagok ng kapalaran
6. Di-mahapayang gating
7. Gintong asal
8. Hanap sa tubig
9. Ibuhos ang isip
10. Lagot ang pisi
11. Mabigat ang dibdib
12. Makitid ang noo
13. Paa’t kamay
14. Sapin ng baul
15. Walang nuking-bibig

B. Gumawa ng isang talatang ginagamitan ng mga pasawikaing pagpapahayag.

15
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ikatlong
Ang Patalinhagang pagpapahayag
Bahagi
o ang pagtatayutay
Layunin
Pagkatapos ng Aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
➢ Maunawaan ang mga pasawikaing pagpapahayag
➢ Paghambingin ang mga uri ng tayutay
➢ Ipaliwanag ang uri ng tayutay

Kaugnay parin ng kalamang panretorika, ay ang patalinhagang pagpapahayag o sa


ibang katawaga’y tayutay. Ito’y nagbibigay ng makulay at mabisang pagpapakahulugan.
Ang makakapagpahayag ng maganda at kawili-wili at makasanayan ang kariktan nito ay
pangunahing layon ng retorika.
Mga Pinakagamiting Uri ng Patalinhangang Pagpapahayag
1. Pagtutulad.(Simile) – ito’y isang paghahambing na ng mga salita o pariralang
ginagamit ay: tulad ng, para ng, kawangis ng, kagaya ng, atb.
Hal.
a. Ang kanilang guro ay parang pulburang madaling magsiklab.
b. Si Rose ay kawangis ng isang talang nagniningning sa kalangitan.
c. Ang balitang siya’y dumating ay tulad ng tambuling gumising sa buong bayan.
2. Pagwawangis (Metaphor)- ito’y paghahambing din gaya ng pagtutulad. Ang
kaibahan lamang ito’y tiyakang naghahambing kaya di na ginagamitan ng mga
pariralang tulad ng, kawangis ng, para ng, gaya ng.
Hal.
a. Ang pananalita mo’y mga tinik na tumarak sa aking maramdaming puso.
b. Ang paalala ng magulang ay maliwanag na sulong tumatanglaw sa madilim na
pamumuhay ng kanilang mga anak.
c. Siya’y isang mabangong bulaklak ngunit wala ni isa mang magtangkang
lumanghap.
3. Pagbibigay katauhan (Personification)- ito’y pagsasalin ng talino, gawi at
16

katangian ng tao sa mga karaniwang bagay o mga bagay. Naipakilala ito sa


Page

paggamit ng pandiwa.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Hal.
a. Ang buong Pilipinas ay nagimbal sa balitang pag-babagsak ng “Skylab”.
b. Lumuluha ang panahon ng ihatid sa huling hantungan ang magiting na bayani.
c. Ang malaking daluyong ang kaulayaw niya sa kanyang pag-iisa.
4. Pagmamalabis (Hyperbole)- ito’y pagpapahayag na lubhang pinalalabis o
pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay, o mga pangayayari. Nagamit
din ito sa tuluyan ngunit higit na angkop sat ula.
Hal.
a. Sa gayong ganda ng mukha’t katawan’y patay o himala ang hindi umibig.
b. Maniwala kang sa magdamag na pagkakahiga, hindi man lamang ako dinalaw
ng antok.
c. Ang dilag ay natunaw sa matinding kahihiyan.
5. Pagtawag (Apostrophe)- ito’y pagpapahayag ng isang karaniwang bagay o isang
di-nadaramang kaisipan na para ng isang buhay na tao o isang taong kaharap na
kinakausap gayong wala naman. Ang pagpapahayag na itoy hawig din sa
pagbibigay-katauhan.
Hal.
a. O Buwan! Sumikat kat’t aliwin moa ko sa aking pagiisa.
b. Pag-asa! Pag-asa! Ako ay lapitan ng maging ,mabulaklak ang aking landasin.

17
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Pangalan:_________________________ Petsa:_________________________
Taon/seksyon:_____________________ Marka:________________________

Awtput 4

A. Ipaliwanag kung paano binubuo ang mga sumusunod na uri ng taytay:


Pagtutulad
Pagwawangis
Pagbibigay-katauhan
Pagmamalabis
Pagtawag

B. Uriin ang patalinhangang pagpapahayag sa mga sumusunod na pangungusap:


1. Ang mga dalaga sa nayon ay kawangis ng mga bulaklak nab ago pa lamang
namumukadkad.
2. Mga basing sisiw ang mga batang naghahambalang sa lansangan.
3. Minsan man sa mga nakaraang gabi’y hindi siya dinadalaw ng antok.
4. Gabundok ang mga labahin ni Aling Rosa.
5. Pag-asa, pag-asa, ako’y tulungan mosa aking mga dalahin sa buhay.

C. Sabihin kung ang mga sumusunod na tayutay ay pagtutlad, pagwawangis,


pagmamalabis o pagbibigay-katauhan o pagtawag.
1. Ang mga pangungusap mo’y tinik na tumino sa aking madaramdaming puso.
2. Ang mga sanga ng punongkahoy ay parang nakadipang mga kamay ng isang
nagdurusa.
3. Ang karalitaan sa nayon ay tila isang kaawa-awang pulubinng humihingi ng
limos.
4. Ang dampa ng mga eskuwater ay parang mga batik na layu-layong ikinalat.
5. Ang mga ank na dalaga ni Aling Nena ay mga sariwang bulaklak na
ipinagkakapuri ng kanilang mga magulang.
6. Kasamang nilamon ng dilim ang aking nalalabing pag-asa.
7. Ang kanyang mapagkunwaring tingin ay nanunuya’t nanlilibak.
18

8. Ang bulong ng hangin ang nagdudulot sa akin ng sindak.


Page

9. Ngumiti ang kapalaran ng magpunta siya sa USA.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

10. Ang masungit na panahon ay nagbabalang may darating na bagyo.

D. Isaayos ang mga pangungusap ayon sa diwang ipinapahayag upang makabuo ng


isang talata. Salungguhitan ang mga patalinhanggang ginagamit.
1. Napag-isipisp niyang ang lahat ng mga ito’y nararapat na mabigyan kahit gabutil
na kasiyahan.
2. Sinalubong kami ni Nora. Masigla siya at mukhang masayang-masaya.
3. Nagpunta kami sa kanyang kaarawan kahapon.
4. Naging mistulang eststuwa siya nang makita niya ang animo’y mga langgam na
nagsisidating ang kanyang mga “fans”
5. Nang araw na iyon sa kanyang maringal na kasuotan ay tala siyang
nagninigning.

19
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Mga Lunsarang Panretorika


“Isang Dipang Langit”
Ni
Amado V. Hernandez

Ako’y ipiniit ng linsil nap uno


Hangad palibhasa’y diwa ko’y piitin,
Katawang marupok, aniya’y pagsuko
Damdami’y supil na’t mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit;


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay,
Lubos na tiwalag na buong daigdig
At inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas


Ay sandipang langit nap uno ng luha,
Maramot na birang ng pusong may sugat,
Watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidla’t ang mata ng tanod,


Sa pintong ma’y susi walang makalapit;
Anaki’y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo’y tila isang tanikala


Na kala-kaldkad nf paang madugo,
Ang buong magdamag ay kulambong luksa
Ng kabaong na waring lungga ng billannggo.

Kung minsa’y nagdaan ang payak na yabag,


Kawil ng kadena ang kumakalansing;
Sa maputlang araw saglit ibibilad,
Sanlibong, aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi’y biglang magulantang


Sa hudyat – may takas’ – at asod ng punglo,
Kung minsa’y tumangis ang lumang batingaw,
20

sa bitayang muog, may naghihingalo.


Page

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Bilangguan mandi’y libingan ng buhay;


Sampu, dalwampu, at lahat ng taon
Ng buong buhay ko’y dito mapipigtal.

Ngunit yaring diwa’y walang takot-hirap


At batis parin itong aking puso:
Piita’y bahagi ng pakikilamas,
Mapiit ay tanda ng hindi pagsuko.

Ang tao’t bathala ay di natutulog


At di habang araw ang api ay api,
tanang paniniil ay may pagtutuos,
habang may bastolya’y may bayang gaganti.

At bukas diyan din, aking matatanaw


Sandipang langit na wala nang luha,
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay
Laying sasalubong ako sa paglaya!

21
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Pangalan:_________________________ Petsa:_________________________
Taon/seksyon:_____________________ Marka:________________________

Awtput 5

A. Talasalitaan
1. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin sa pangungusap.

Linsil lungga
Marupok takot-hirap
Pagkakapariwara paniniil
Muog kuta
Atungal abot- malas

B. Talakayan
1. Ilarawan ayon sat tula ang mga karanasa ng billango habang nasa piitan?
2. Ilarawan ang kuta na pinagkukulangan sa may akda.
3. Ano ang damdaming namayani sat ula. Bakit pinamagatan itong “Isang Dipang
Langit”?
4. Ipahayag ang katangian ni Amado V. Hernandez bilang isang manunulat base sa
kanyang “Isang Dipang Langit”.
5. Ano ang mensaheng napapaloob sa tula.

22
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”

You might also like