You are on page 1of 21

Romblon State University

Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

YUNIT 3
FILIPINO BILANG
LARANGAN AT FILIPINO SA
IBA’T IBANG LARANGAN

PANGALAN:
ANTAS/ KURSO/ SEKSYON:
1
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

MGA LAYUNIN
Layunin ng pagtalakay sa aklat na ito na:
1. Gamitin ang Filipino bilang unique na diskurso sa iba’t ibang larangan katulad ng
Pantaong Sining (Humanities). Agham Panlipunan (Social Sciences), at mga
kaugnay na larangan (related discipline);
2. Maipaliwanag ang mga teksto sa disiplina ng Pantaong Sining (Humanities).
Agham Panlipunan (Social Sciences), at mga kaugnay na larangan (related
discipline) gamit ang Filipino bilang wika ng pagtalakay;
3. Magsagawa ng diskurso sa Filipino sa Pantaong Sining (Humanities). Agham
Panlipunan (Social Sciences), at mga kaugnay na larangan (related discipline)
alinsunod sa layunin ng kumpleto o holistikong General Education (GE).
4. Gumawa ng mga diskurso sa Siyensya, Teknolohiya, at mga kaugnay na larangan
gamit ang Filipino batay sa layunin ng kumpleto o holistikong General Education
(GE)

Pantaong Sining (Humanities)


Ang Pantaong Sining (Humanities) ay inilalarawan sa pamamagitan ng mga
kwento, ideya, at mga salita na tumutulong sa atin upang maging higit na
makabuluhan an gating buhay at ang mundo.
Sa pamamagitan ng (Pantaong Sining o Humanities) pagpapakita ng uri ng
pamumuhay ng iba at paglalahad ng kanilang mga pananaw sa buhay, ang
pagpapasaya sa kung ano ang mahalaga sa ating buhay at kung ano ang ating
magagawa upang higit pa itong mapagbuti ay napadadali.
Ang Pantaong Sining (Humanities) ay makatutulong sa atin upang ilarawan kung
paano natin haharapin ang mga pagsubok kasama an gating mga pamilya,
komunidad, at ang nasyon.
Bilang sangay ng pag- aaral, pinahahalagahan ng Pantaong Sining (Humanities)
ang pagsusuri at pagpapalitan ng ideya sa halip na sa pamamagitan ng masining
na pagpapahayag ng sining o ng kwantitatibong pagpapaliwanag

ANTROPOLOHIYA

Ito ay tumutukoy sa pag- aaral sa pinagmulan ng iba’t ibang lahi ng tao. Ito
ay holistiko sapagkat tinitingnan sa dalawang kamalayan: pag- alala sa lahat ng
tao sa bawat panahon at sa bawat kasukatan ng sangkatauhan. Ang salitang
antropolohiya ay nanggaling sa salitang anthropo na nangangahulugan ng
pagiging tao at salitang logia na ang kahulugan ay salita.
2
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

ARKIYOLOHIYA (ARCHAEOLOGY)

Ito ay tumutukoy sa mga gawain ng tao sa pamamagitan ng pagbawi at


pagsusuri sa mga material na kultura. Ito ay maaaring ituring sa parehong Agham
Panlipunan (Social Sciences) at sangay ng Pantaong Sining (Humanities). Ito ay may
iba’t ibang layunin na nagsisimula sa pag- unawa sa kulturang pangkasaysayan
tungo sa rekonstruksyon ng nakaraang pamumuhay sa pamamagitan ng
pagdudokumento at pagpapaliwanag sa mga pagbabagong nagaganap sa
lipunan ng tao sa mga nagdaang panahon.

KASAYSAYAN (HISTORY)

Ito ay isang sistematikong kalipunan ng mga impormasyon hinggil sa


nakaraan na kung gagamitin sa larangan ng pag- aaral ay tumutukoy sa
interpretasyon ng mga tala hinggil sa tao, lipunan, institusyon at kahit na anong
paksa na nagbago sa loob ng panahon.

LINGGWISTIKA (LINGUISTICS) AT WIKA (LANGUAGE)

Ang linggwistika na itinuturing na siyentipikong pag- aaral ng wika ay


itinuturing na agham panlipunan (social sciences), likas na agham (natural
sciences), o kognitibong agham, ang pag- aaral naman ng wika ay nananatiling
pinakapuso ng pag- aaral ng pantaong sining (humanities).

LITERATURA

Sinasabi na ang literatura ang sumasailalim sa kaluluwa ng isang bansa.


Kinabibilangan ito ng mga akdang nakasulat at nagtataglay ng meriting
pangliteratura; wika na kinakikintalan ng pagiging aral na sumasalungat sa
paggamit ng ordinaryong wika. Ang salitang ito nanggaling sa salitang Latin na
literatura na ang kahulugan ay pagsulat na binubuo ng mga titik, bagamat may
ilang mga depinisyon na kinabibilangan ng mga sinasalita o inaawit na mga teksto.
Ang literatura ay mauri sa gawa- gawa (fiction) o batay sa katotohanan (non-
fiction), at maaari ring prosa (prose) at patula (poetry).

PILOSOPIYA (PHILOSOPHY)

Ito ay tumutukoy sa pag- aaral sa mga suliraning may kaugnayan sa mga


bagay na katulad ng pag- iral (existence), karunungan, pangangatwiran,
katotohanan, katarungan, tama o mali, kagandahan, utak, at wika. Ang pilosopiya
3
Page

ay iba sa mga larangan sapagkat ito ay nananalig sa makatwirang argumento sa

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

halip na sa produkto ng mga eksperimento. Ang pilosopiya ay nangangahulugan


ng pagmamahal sa karunungan o love of wisdom.

TATLONG PANGUNAHING SANGAY NG KARUNUNGAN

Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing sangay ng karunungan:


likas na yaman (natural sciences), agham panlipuna (social sciences), at ang
pantaong sining (humanities). Ang teknolohiya ay ang praktikal na duktungan ng
likas na agham, pulitika ang praktikal na duktungan ng agham panlipunan.
Kaugnay nito, ang pantaong sining (humanities) ay mayroon ding praktikal na
dugtungan na tinatawag na transformative humanities o culturonics.

LARANGAN NG MEDIA

Malaki ang papel na ginagampanan ng midya sa buhay ng mga Pilipino at


ng maraming tao saan mang panig ng mundo. Nagsisilbi itong daluyan ng
komunikasyon na ang layunin ay magbigay ng kaalaman, impormasyon, diskurso,
libangan at marami pang iba. Matatagpuan ito sa marami nitong mukha katulad
ng aklat, telebisyon, pahayagan, radio, social media (facebook, youtube, twiiter,
Instagram), at marami pang iba.

SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN SA PAG- AARAL SA EPEKTO NG MIDYA (MEDIA)

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga siyentipikong pamamaraan


upang ating maunawaan ang epektong naidudulot ng midya sa buhay ng bawat
isa.

1. Empirisismo (Empiricism)
Ang direktang karanasan ng isang tao ay makatotohanang daluyan ng
kaalaman, hinggil sa epekto ng midya. Marami sa atin ang
pinanghahawakan ang sariling karanasan sa pagpapaliwanag sa epektong
naidudulot ng midya sa kanila.
2. Pananalig sa Awtoridad (Authority)
Ang ating pananalig sa kahusayan ng mga doctor sa larangan ng
siyensya ay nagbubunga n gating pagtuklas sa lunas sa ating mga
karamdaman.
4
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

3. Siyensya
Tumutukoy ito sa tiyak na pamamaraan na alamin ang isang bagay. Isa
sa matatag na sandigan ng siyentipkong pamamaraan ay ang sistematikong
obserbasyon na kabaligtaran ng kaswal na obserbasyon. Ang siyensya ay
kombinasyon ng empirisismo at lohikal na pag- iisip para sa higit kapani-
paniwalang obserbasyon o pagmamasid. Ang siyensya ang nagpakilala sa
atin ng antibiotics para sa ating mga karamdaman; dinala tayo sa buwan;
Ipinakilala ang internet; nagdala sa atin sa mundo ng kaginhawahan.

LAYUNIN NG SIYENSYA

Ang siyensya ay may iba’t ibang layunin katulad ng mga sumusunod:

1. Pagbibigay ng Prediksyon
Tumutukoy ito sa pagsasabi sa maaaring mangyari. Isa sa pangunahing
layunin upang matukoy ang epekto ng midya ay ang pagkakaroon ng tiyak
na prediksyon.
2. Pagpapaliwanag
Layunin ng siyensya na ipaliwanag kung ano ang mga pangyayari,
mga dahilan kung bakit ito nangyari, at mga ugnayan ng isang pangyayari
sa iba pang pangyayari.
3. Pag- unawa
Ang pag- unawa ay may kinalaman sa pag- alam sa particular na
pagkakasunud- sunod ng mga kaganapan na nagbunga ng phenomena ng
interes.
4. Kontrol
Kung ang mga siyentipiko ay kayang magbigay ng tiyak na prediksyon,
magpaliwanag, at umunawa sa phenomena, siya rin ay may kakayahan na
kontrolin sa ilang pagkakataon ang isang phenomena.

MGA METODO SA PAG- AARAL SA EPEKTO NG MIDYA (MEDIA)

Ang mga sumusunod ay mga tiyak na metodo na ginagamit sa pag- aaral


upang malaman ang epektong maidudulot ng midya.

1. Pagsusuri ng Nilalaman ng Midya (Analyzing Media Content)


2. Sarbey (Survey)
3. Eksperimentasyon (Experiment)
5
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

PAGSUSURI NG NILALAMAN (CONTENT ANALYSIS)

Sa pamamagitan ng pagsusuri ng nilalaman (content analysis) ay mailalarawan ng


mananaliksik ang kalikasan ng nilalaman ng komunikasyon sa isang sistematiko at
mahigpit na pamamaraan.

Ang pagsusuri ng nilalaman ay isang pamamaraan ng pannaliksik para sa


obhektibo, sistematiko, at kwantitatibong deskripsyon ng nagpapakita na nilalaman
ng komunikasyon.

Higit na pinapahalagahan ng pagsusuri ng nilalaman o content analysis ang


pagkokoda ng mga nakitang nilalaman (manifest content) kasya mga hindi
aktibong nilalaman (latent content). Ang mga nakikitang nilalaman (manifest
content) ay tumutukoy sa mga material na nakikita at nangangailan ng minimum
na pagpapakahulugan ng nagkokoda. Ang mga hindi aktibong nilalaman (latent
content) ay mga nilalaman na maaaring makita matapos na bigyan ng
interpretasyon ng tagakoda ang mensahe bago isagawa ang pagkokoda.

SARBEY (SURVEY)

Ang pagsusuri sa nilalaman sa pananaliksik na may kaugnayan sa


komunikasyong pangmadla ay nakasentro sa nilalaman ng mensahe, subalit
mayroong mahahalagang katanungan na higit na magandang sagutin gamit ang
ibang metodo ng pananaliksik katulad ng pag- aaral sa pananaw ng mga tao sa
isanf babasahin o obra na angkop lamang sagutin sa pamamagitna ng paggamit
ng ibang metodo katulad ng sarbey.

Ang paggamit ng sarbey ang isa sa pinakapopular at gamiting metodo ng


pag- aaral na kung saan ang mananaliksik ay pumipili lamang ng sampol sa
malaking bilang ng populasyon.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ginagamit sa komunikasyong


pangmadla au nauunawaan natin ang kinaugalian o media habits ng tao.

GABAY SA PAGBUO NG TALATANUNGAN PARA SA SARBEY (SURVEY)

Ang mga sumusunod sa talatanungan paraa sa sarbey (survey) ay


makatutulong sa pangangalap ng iba’t ibang uri ng datos para sa isang kapani-
paniwalang pag- aaral o pananaliksik.
6
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

1. Mga bukas na katanungan (open- ended)


Ito ay ginagamit upang mabatid ng nagsasagawa ng pag- aaral kung
ano ang nararamdaman ng tao. Nangangailan ito ng higit na atensyon sa
pagsusuri sa ng mga kasagutan na ibinigay ng respondent ng pag- aaral.
Halimbawa:
Ano para sa iyo ang maayos na programang pangtelebisyon? Gaano
ito kahalaga para sa iyo?
2. Mga katanungan na maraming pagpipilian (Multiple Choice Question)
Karaniwang ibinibigay ang ganitong mga katanungan upang alamin
ang demograpikong kaligiran ng respondent ng pag- aaral o ang sakop ng
usapin.
Halimbawa:
Kasarian: _____ Lalaki
_____ Babae
Edad: _____ 18-21
_____ 22-25
_____ 26- 29

3. Mga katanungang Iskalang Ordinal (Ordinal Scale Questions)


Hinihingi ng talatanungang ito sa mgs respondent na kanilang iranggo
ang mga baryabol na kasama kaya naman ay ang mamili ng sagot sa set ng
baryabol.
Halimbawa:
____ Kahirapan
____ Kriminalidad
____ Ibayong dagat (foreign policy)
____ Korapsyon
____ Edukasyon
4. Mga Katanungang may Iskalang Interbal (Interval Scale Question)
Ito ang pinakakaraniwang uri ng talatanungan. Mahalaga sa ganitong
uri ang espasyo sa bawat opsyon, ito may ay sa anyo ng bilang o kaya ay ng
interpretasyon.
Halimbawa: Ibigay ang antas ng iyong pagsang- ayon sa teleseryeng

Ang Probinsyano gamit ang sumusunod na iskala:


4- Mataas ang natas ng Pagsang- ayon
3- Sumasang- ayon
2- Hindi sumasang- ayon
1- Mataas ang antas ng hindi pagsang- ayon
7
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

5. Mga Katanungan na Kinabibilangan ng Iskalang Ratio


Ang mga katanungan sa ganitong uri ng talatanungan ay madaling
sukatin katulad ng katanungang hinggil sa dalas ng panunood ng telebisyon
sa loob ng isang lingo; oras na inilalaan sa panunood ng telebisyon;
buwanang kita.

ANG PAMAMARAANG ESKPIREMENTAL


Ang pangangalap ng datos sa ganitong uri ng pag- aaral ay direktang
kinakalap sa tao. Subalit, hindi katulad ng sarbey, ang mga datos sa ganitong uri ng
pag- aaral ay makukuha lamang sa ilalim ng control ng isang sitwasyon na maaaring
ang mananaliksik ay mayroong partisipasyon.
Ang disenyong eksperimental (experimental designs) ay nakabatay sa
maayos na paghahanda at binalangkas na eksperimento na kung saan ang ilan sa
tiyak casual na ugnayan ay sinuri sa ilalim ng kontroladong kondisyon.

Sa kabilang dako, ang disenyong hindi eksperimental (non- experimental


research designs) ay tumutukoy sa mga pag- aaral na kinasasangkutan ng
pagmamasid katulad ng sarbey o ng pagsusuri ng nilalaman.
MAHAHALAGANG PAMANTAYAN SA DISENYO NG PAG- AARAL
Ang mga sumusunod ay mahahalagang pamantayan na dapat isaalang-
alang sa pagbuo ng disenyo ng pag- aaral.
1. Balidad (validity) ang pagtatasa kung nasusukat ba ng pag- aaral ang nararapat
nitong sukatin.
2. Pagiging Makatotohanan (reliability) isang mahalagang pamantayan sa
pananaliksik na kung saan inilalarawan nito kung gaano katama ang isang
sukatan at maaari ring tawagin sa ingles na “reapeatability”.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pamamaraan upang sukatin
ang pagiging makatotohanan (reliability) ng isang pag- aaral:
1. Test- retest na kung saan ay sinusukat ang ugnayan ng mga sampol sa mga
sinuring katanungan;

2. Reliability na pagtataya na katulad ng Cronbach’s alpha.

IBA’T IBANG URI NG EPEKTO NG MEDIA


Ang epekto ngmedia na maaaring malakas o mahina ay nakabatay sa
mensahe, midyum, manunood, at ng tipo ng epekto na pinag- aaralan.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga uri ng epekto ng media


1. Micro- level o Macro- level
2. Content- specific or Difuse- general
8

3. Alteration laban sa Stabilization


Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

MGA BAYOLENTENG PALABAS SA MEDIA


Sa diskurso na ginawa ni Sparks (2010) sa kanyang aklat, kanyang sinabi na
maraming pag- aaral ang nagsasabing mataas ang antas ng paniniwala na ang
panunuod ng mga bayolenteng palabras ay nakapagpapataas ng antas ng
agresibong pag- uugali, bagamat, sap unto ng esatadistika, ang epektong ito hindi
gaanong malaki.

ILAN SA MGA TEORYA NA MAY KAUGNAYAN SA MEDIA


Maraming teorya na maaaring iuugnay sa pag- aaral ng media at
komunikasyon subalit ang may- akda ng aklat na ito ay nagpasya na magfocus na
lamang sa dalawang mahahalagang teorya, at ang mga ito ay ang mga
sumusunod:
1. NORMATIVE MEDIA
Ang teorya sa media ay tumutukoy sa isang komplikadong sosyo- political-
pilosopikal na mga prinsipyo na kung saan ay isinasaalang- alang ang ideya hinggil
sa ugnayan ng media at lipunan. Nakapaloob sa ganitong mga prinsipyo ang
paniniwala o teoryang normative na kung saan ay pinaniniwalaan nito ang
magagawa ng media sa lipunan nang higit sa nagawa na nito.
Narito ang ilan sa mga pangunahin nitong anyo:
1. Teoryang Authoritarian lahat ng media at komunikasyong pampubliko ay
kailangang sumailalim sa superbisyon ng kinauukulan kung saan ang mga
pahayag o opinyon na bumabangga sa metatag na lipunan at politika ay
kailangang ipagbawal.
2. Free Press lagging isinasaalang- alang na kung saan ang ganap na kalayaan ng
tao na magpahayag at operasyong pang- ekonomiya ng media ay hindi
kailangang panghimasukan ng media sa kahit na anong aspeto.
3. Social Responsibility sinasabi sa teorya na ito na ang media ay Malaya subalit
kaakibat ng kalayaang ito ay ang tungkulin nito sa kapakanan ng higit na
nakararami.
4. Development Media ginagamit sa mga bansang may mababang antas ng
ekonomikong pag- unlad at may limitadong mga pinanggalingan ay kinakikitaan
ng ganitong anyo ng teorya na nagmumungkahi ng kalayaan sa media,
bagamat kailangan, ay kailangang sumailalim sa kahingian ng ekonomiko,
panglipunan at pampulitikang pag- unlad.
5. Alternative Media mula sa kritikal na panlipunang perspektiba ay nagsasabing
ang dominanteng media ng metatag na lipunan ay maaaring hindi sapat batay
sa kahulugang nito sa maraming pangkat ng lipunan o maaari namang labis-
labis sa ilalim ng control ng estado at ibang awtoridad o mayayaman.

EPEKTO NG MEDIA
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga teorya na maiuugnay sa epekto ng
9

media:
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

1. Direct effects model. Ito ay nag-ugat sa malawakang pangamba na ang


mensahe na dulot ng mass media ay makaimpluwensya sa kultura ng tao higit sa
impluwensyang maaaring magbuhat sa pamilya at komunidad.
2. Agenda- Setting Theory. Siyang ganap na kabaligtaran ng direct effects model
ay ang mass media ang siyang tumutukoy sa mga usapin na may
pagpapahalaga sa publiko higit sa pagpapahalaga sa pananaw ng publiko.
3. Teorya ng Uses at Gratifications. Pinaniniwalaan ng teoryang na ang mga
consumer ay gumagamit ng media upang mapagbigyan ang kanilang mga
pangangailangan at kagustuhan.
4. Symbolic Interactionism. Isa pang karaniwang teorya na ginagamit sa
pananaliksik sa media ay ang symbolic interactionism na kung saan ay
pinangingibabaw na ang sarili ay kinuha o nabuo sa pamamagitan ng
interkaksyon sa ibang tao.
5. Teoryang Spiral Silence. Ang mga mangilan- ngilan na magkakatulad ang
pananaw ay nagpapasya na manahimik na lamang upang maiwasan ang
pagsasa- isang tabi sa kanila ng lipunan at ipinaliliwanag ang papel na
ginagampanan ng media sa pagbuo at pagpapanatili ng mga dominanteng
pananaw.
6. Media Logic. Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang karaniwang format at istilo
na media ay maituturing na pamamaraan sa pagbibigay ng pananaw sa mundo.
7. Cultivation Analysis. Naniniwala ang teoryang ito na ang sobrang paggamit ng
media ay maaaring magbigay sa tao ng isang ilusyong pananaw ng
katotohanan batay sa pinakamadalas ulitin at mga konsistent na mensahe sa
particular na midyum.

LARANGAN NG POLITIKA

Mga pilosopiyang Pampulitika


Kilala din ito sa tawag na teoryang political na kung saan ay pinag- aaralan
nito ang mga paksang may kaugnayan sa politika, kalayaan, katarungan,
pagmamay- ari, karapatan, batas, at ang pagpapatupad sa batas ng mga
kinauukulan.

Mga Maimpluwensyang Pilosopo ng Politika


Ilan sa mga maimpluwensyang pilosopo sa larangan ng politika ay ang mga
sumusunod:
1. Thomas Aquinas. Binigyan niya ng sintesis o pag- uugnay ang mga turo ng
Kristyano at mga turo ng Peripatetic (Aristotelian) sa kanyang Treatise on Law na
kung saan ay kanyang binigyang- diin ang biyaya ng Maykapal na higit na
mataas na pag- iisip na makikita sa batas ng tao sa pamamagitan ng banal na
kabutihan binibigyang daana ng asambleya ng makatwirang pamamahala.
10
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

2. Aristotle. Siya ay kilala sa kanyang teorya na ang tao ay mga hayop sa lipunan,
at ang pulid ay umiiral upang magdala ng kabutihan sa buhay na angkop mga
hayop.
3. Jeremy Bentham. Siya ang unang nag- isip na suriin ang hustisyang panlipunan sa
larangan ng pag- maximize sa pinagsama- sama o pangkalahatang benepisyo
ng mamamayan.
4. Confucius. Siya ang unang nag- isip na iugnay ang etika sa larangan ng
kaayusang pampulitika.
5. John Dewey. Kasama siya sa mga nagatatag ng pragmatism at nagsuri sa
mahalagang papel na ginagampanan ng edukasyon sa larangan ng
demokratikong pamahalaa.
6. Friedrich Hayek. Kanyang nagging argumento na ang semtral na pagpaplano ay
hindi sapat sa kadahilanang ang mga kasapi ng sentral na pamahalaan ay hindi
kayang tumbasan ang kagustuhan o preferences ng mga kumukonsumo o
manggagawa sa kasalukuyang kondisyon.
7. Thomas Hobbes. Siya ang itinuturing na unang nagbigay ng artikulasyon kung
paanong ang konsepto ng kasunduan sa lipunan ay binigyan ng paliwanag o
justification ang kilos ng mga namumuno o rulers ay maiuugnay sa pagsilang ng
soberenya.
8. Immanuel Kant. Naging argumento ni Kant na ang partisipasyon ng lipunan ng
sibilyan ay isinagawa hindi para sa sariling kapakanan, kundi isang moral na
tungkulin.
9. John Locke. Inilalarawan ni Locke katulad ni Hobbes ang teorya ng kasunduan sa
lipunan batay sa pundamental na karapatan ng mga mamamayan sa estado ng
kalikasan.
10. James Madison. Siya ay isang Amerikanong politiko na sumunod sa yapak ni
Jefferson, ang “Ama ng Saligang Batas” at “Ama ng Bill of Rights” ng Estados
Unidos.
11. Karl Marx. Iniambag niya ang dimension ng kasaysayan upang maunawaan ang
lipunan, kultura, at ekonomiya.
12. Plato. Isinulat ni Plato ang the Republic na kung saan ay kanyang inilahad ang
kanyang pilosopiya ng politika.
13. Adam Smith. Karaniwan na siya ang itinuturo na siyang nagtatag ng
makabagong ekonomiya; ipinaliwanag ang pagkakaroon ng benepisyong pang-
ekonomiya mula sa sariling interes na gawi ng mga manggagawa at
mangangalakal.
14. Thomas Jefferson. Isang politiko at theorist noong American
Enlightenment.pinaliwanag niya ang pilosopo ni Thomas Phane sa pamamagitan ng
Republicanism sa United States.
15. Dr. Jose P. Rizal. Si Rizal ay isang ilustrado na may pananaw na ang sinakop na
bansa katulad ng Pilipinas ay hindi dapat na pagsamantalahan, sa halip ay
11

nararapat itong paunlarin, gawing sibilisado, turuan, at sanayin sa siyensya ng


Page

sariling pamamahala.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

LARANGAN NG TEKNOLOHIYA
Teknolohiya
Ang teknolohiya ay tumutukoy sa paggamit ng siyentipikong kaalaman
upang makalikha ng kapaki- pakinabang na mga kagamitan. Karaniwang anyo
nito ang mga sumusunod: information technology; networks; sensors; internet.

Ang information technology, ay malawak na klase ng teknolohiya batay sa


makina o machines na nagpoproseso ng mga datos at nagsasagawa ng
kalkulasyon sa mataas na bilis na kilala sa tawag na computer.

Sa kabilang dako, ang networks naman ay tumutukoy sa mga ugnayan o links


na kung saan ay hinahayaan ang mga devices na magbahagi ng datos. Ang
networks ay ikunukunekta sa iba pang networks upang lumikha ng mas malawak na
networks katulad ng internet.

Ang internet of things naman ay tumutukoy sa mga kasanayan ng pagsama-


sama ng computer, sensor, at kapalidad ng network sa pang- araw- araw na
kagamitan o objects na katulad ng infrastraktura.

Ang pang- araw- araw na transportasyon ng tao ay ginagamitan din ng


teknolohiya upang mapatakbo nang mabilis ang mga sasakyan na panlupa,
panghihipawid , o pandagat.

KABUTIHAN AT KASAMAANG DULOT NG TEKNOLOHIYA


Kaakibat ng tao sa kanyang pang- araw- araw na pamumuhay ang
tinatawag na teknolohiya. Pinagagaan nito ang buhay ng tao mula paggising
hanggang sa kanyang pagtulog. Kahit saan lumingon, kahit saan magtungo,
anuman ang iyong gagawin ay hindi maiiwasan ang paggamit nito. Subalit
tatandaan na ang lahat ng masam o labis ay maaaring magdulot ito nang higit na
malaking problema sa halip na solusyon sa problema. Ang mga sumusunod ay ilan
lamang sa mga kabutihan at kasamaang maaaring maidulot ng teknolohiya.

KABUTIHAN NG TEKNOLOHIYA SA LARANGAN NG KALAKALAN


Ang teknolohiya ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na kabutihan sa
larangan ng Kalakalan.
1. Makapagliligtas ng oras, lakas, at salapi. Ang paggamit ng automated teller
machine, counting machine, at marami pang teknolohiya sa larangan ng
Kalakalan ay malaking tulong sa ikagagaan ng oras, lakas, at salapi ng
parehong nagmamay- ari ng negosyo ay mga kliyente nito.
2. Pagtaas ng antas ng produksyon. Ang automation ng isang negosyo ay
12

maaaring magbunga ng higit na mataas na produksyon at pagiging


Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

episyente ng mga tao kung ito ay ikukumpara para sa dating rotina ng


Kalakalan.
3. Pagpapabuti ng palitan ng impormasyon. Ang teknolohiya ay mainam
gamitin upang higit na maging maganda ang daloy at palitan ng
impormasyon sa bwat opisina o tanggapan sa loob ng isang kompanya.
4. Makatutulong ang teknolohiya upang makabuo ng mas magandang
bentahe sa larangan ng kalakalan.

NEGATIBONG DULOT NG TEKNOLOHIYA SA KALAKALAN


Sa kabilang dako, ang pag- unlad ng teknolohiya ay hindi naman ligtas sa
negatibong implikasyon nito katulad ng mga sumusunod:
1. Ang pagbili ng mga kagamitang pangteknolohiya ay may taglay na
kamahalan na masakit sa bulsa ng mga nagnenegosyo, lalong higit kung
maliit na negosyo lamang an gating pag- uusapan.
2. Bukod sa nabanggit na usapin sa itaas, dapat ding tingnan na ang
teknolohiya sa kasalukuyang panahon ay mabilis ding maluma. Ang uso
ngayon ay maaaring hindi na rin uso sa kinabukasan.
3. Hindi rin nakasisigurado ang Kalakalan sa paggamit ng teknolohiya lalo na
kung internet ang pag- uusapan.
4. Marami ng pag- aaral ang naisagawa na nagpapatunay na ang paggamit
ng teknolohiya ay may masamang epekto na naidudulot sa pakikipag-
ugnayan ng tao sa kapwa tao; pakikipag- ugnayan ng kawani sa kapwa
kawani.

KABUTIHAN NG TEKNOLOHIYA SA LARANGAN NG EDUKASYON


Malaki rin ang papel na ginagampanan ng teknolohiya sa pagpapanday ng
karunungan ng mga mag- aaral sa anumang akademikong institusyon sa Pilipinas
at maging saan mang panig ng mundo katulad ng mga sumusunod:
1. Ang teknolohiya ay nakatutulong sa indibidwal na proseso ng pagkatuto ng
bawat mag- aaral.
2. Ginagamit na rin ang teknolohiya sa interaksyon ng mga mag- aaral at
dalubguro sa loob ng klase.
3. Malaki rin ang nagagawa ng teknolohiya sa kakayahan ng mga mag- aaral
na magsulat at magbaybay.
4. Malaki rin ang papel na ginagampanan ng teknolohiya para sa mga
pangkatang Gawain at pagkatuto ng mga mag- aaral.
5. Inihanda ng teknolohiya sa klase ang mga mag- aaral sa totoong mundo ng
trabaho na kailangan nilang harapin sa hinaharap.
6. Ginagawang simple ng teknolohiya ang trbaho ng isang dalubguro.
13
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

NEGATIBONG DULOT NG TEKNOLOHIYA SA LARANGAN NG EDUKASYON


1. Hindi lahat ng akademikong institusyon ay may kakayahang gumamit ng
teknolohiya dahil na rin sa halaga na kailangang gugulin upang magkaroon
nito para sa bawat mag- aaral.
2. Maaari itong nakasagabal sa mga gawaing pagkatuto dahil mga
applications na taglay nito katulad ng facebook, youtube, twitter, at marami
pang iba.
3. Ang paggamit ng teknolohiya ay nangangailangan ng ibayong pagsasanay
o kasanayan ng parehong dalubguro at mga mag- aaral.

PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA UPANG SUGATIN ANG ISANG USAPIN


Ang pag- aaral sa teknolohiya ay maaaring ikategorys sa:
1. Deskriptibo na teorya. Isang pagtatangka na sagutin o tukuyin ang kahulugan
at kabuluhan ng teknolohiya, pamamaraan kung paano ito nakilala o
lumitaw, nagkaroon ng pagbabago o development, at ang ugnayan nito sa
tao at lipunan.
2. Kritikal na teorya. Teknolohiya ang kadalasang ginagamit ng teoryang
deskriptibo bilang batayan ng artikulasyon ng kanilang mga usapin, agsusuri
kung anong paraan ng ugnayan ang maaari pang baguhin.

MGA DULOG DESKRIPTIBO (DESCRIPTIVE APPROACHES)


1. Panlipunang pagbuo ng teknolohiya (social Construction of Technology-
SCOT). Pinaniniwalaan ng teorya na ito na ang hindi ang teknolohiya ang
nagpapasya sa kilos o aksyon na tao, bagkuas ang kilos o aksyon ng tao ang
siyang bumubuo o gumagawa ng teknolohiya. Kasama sa pangunahing
konsepto nito ang mga sumusunod:

a. Interpretative flexibility. Nangangahulugan ito na mayroong pleksibilidad


kung paano nag- iisip ang tao o lung paano niya binibigyan ng
interpretasyon ang artifacts, maging kung paano nagkakaroon ng
pleksibilidad kung paano ang hinulma o binigyang disenyo ang artifacts.
b. Relevant social group. Inilalarawan nito ang pangkat na mayroong
magkakatulad na pagpapakahulugan hinggil sa artifact;
c. Closure and stabilization. Dito naman ay ipinakikita kung paanong ang
isang mahalagang pangkat ay nakaaabot sa mabuting pagpapasya o
consensus;
d. Wider context. Ang sosyo- kultural at kalagayang pampulitika ng isang
pangkat sa lipunan ay hinuhulma ang kanyang norms at values, na sa
bandang huli naman ay nakaiimpluwensya sa kahulugan na ibinibigay sa
artifact.
2. Actor- network theory (ANT)- nagtataglay ito ng magkakahalong network ng mga
14

tao at mga hindi tao bilang magkakapantay na magkakaugnay na mga aktor.


Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

3. Structuration theory- binibigyan nito ng depinisyon o kahulugan ang istruktura


bilang panuntunan at pinanggagalingan na isinasaayos bilang pagmamay- ari
ng sistemang panlipunan.
4. Systems theory- itinituring nito ang historical nap ag- unlad ng teknolohiya at
media na may emphasis o pagpapahalaga sa inertia at heterogeneity,
binibigyang diin ang koneksyon sa pagitan ng artifact na binubuo at lipunan,
ekonomiya, political, at mga kultural na salik na nakapaligid dito.
5. Activity theory- itinuturing nito ang buong Sistema ng paggawa/ aktibidad lampas
sa ibang actor o gumagamit

DULOG KRITIKAL
Higit sa deskriptibong dulog ang pagtingin ng teoryang kritikal kung paano
umiinog ang mga bagay, at pag- aaral kung bakit nagging ganito ang pag- inog,
at kung paano ito hindi dapat na uminog sa ganitong paraan.
IBA PANG PANINIWALA O PANANAW
Maraming paham o mga author ang gumagamit ng teknolohiya upang
bigyan ng kritiko at bigyang diin ang aspeto ng teknolohiya na tumutugon sa mga
pangunahing teorya. Mayroong gumamit ng teknolohiya bilang teksto upang
bigyan ng kritiko ang sosyolohiya ng siyentipikong kaalaman na ginagamit sa
teknolohiya at upang paghambingin ang tatlong tigon sa nosyon na: instrumental
na tugon interpretivist na tugon.
Teorya ng Pangkat. Maraming teorya na may kaugnayan sa teknolohiya ang
sumasagot sa mga usapin kung paano ang teknolohiya ng media ay nakaapekto
sa proseso ng pangkat.

Ilan sa mga sabkategorya ng teorya ng pangkat ay ang sumusunod:


1. Presensya ng lipunan (Social Presence)
2. Kayamanan ng Media (Media Richness)
3. Pagiging Likas ng Media (Media Naturalness)

IBA PANG TEORYA NA MAY KAUGNAYAN SA TEKNOLOHIYA


1. Techno- optimism. Ipinaliliwanag ng teoryang ito na ang pag- unlad ng
teknolohiya ay tama at positibo; higit na matimbang ang maibibigay ng
teknolohiya kaysa panganib na katambal nito; maitutuwid ng pag- unlad o
progreso ang anumang usapin o suliraning ibinigay ng kasalukuyan at nakaraang
teknolohiya.
2. Techno- skepticism. Sinasabi ng teoryang ito na ang pag- unlad ng teknolohiya
ay isang maling konsepto; ang control ng makapangyarihang mga korporasyon
at estado sa teknolohikal nap ag- unlad ay labag sa demokrasya o anti-
democratic; na ang bisyon o paniniwala na lagging solusyong teknolohikal sa
15

mga usaping panlipunan at maging suliraning pangkalikasan ay isang delikadong


Page

sapantaha o ilusyon.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

3. Technological determinism. Nag- ugat sa paglago ng bayolohikal at panlipunang


siyensya noong ika 18 at 19 na siglo at sa malawakang interes sa ideya ng
modernisasyon at pag- unlad.

16
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

SUBUKAN MO!
Panuto: Sagutin mo ang mga gabay na katanungan matapos basahin
ang buong seleskyon.

Tatlong Mukha ng Proklamasyon 1017


Ni Mario H. Maranan

“Ibon mang may laying lumipad, kulungin mo umiiyak. Bayan pa kayang sakdal
dilag ang di magnasang makaalpas.”
Tulad ng mga ibong malayang ikinakampay ang kanilang mga bagwis, nais
ko ring maging Malaya. Gagamitin ko sa pagkakataong ito ang wikang
pinagkakakilanlan ng ating lahi upang maipahayag ang aking diwa at saloobin
hinggil sa patuloy na pagsisiil sa ating kalayaang makapagpahayag… sa
pagpatay sa diwa ng demokrasya.
Sa patuloy na pagtaas ng bahagdan ng mga taong nawawalan ng pag-
asa… pagtaas ng bilang ng krimen… pagnagsak ng ekonomiya.. sa pagkukubli
ng totoong mukha ng kahirapan at kalapastangang pantao, nag- ugat at
isinilang ang Proklamasyon 1017. Diumanno’y pananggalang ng gobyerno sa
banta ng pang –aagaw ng kapangyarihan at tangkang pagpapabagsak ng
pamahaalan ang tootong motibo ng kautusang ito, subalit makikitang ang
nilalaman nito ay mapalinlang. Diumano’y seguridad ng nakararami ang
binabantayan subalit dama nating sa kapakanan lamang ito ng iilan.
Hindi ko nais na pagtuunan ng pansin ang isang usaping mahirap bigyan ng
lunas sapagkat sa labas lamang natin nakikita. Suriin natin ang uod ng sugat
upang dumating ang panahon na tuluyan nang maghilom ang lahat ang hapdi
nito.
Matagal nang naghahari ang Proklamasyon 1017 sa pinakamaliit nay unit ng
alinmang instirusyong pang- akademiko subalit maraming saksi at biktima ang
nagmistulang pipi at bingi sa paglalahad ng katotohanan. Sa apat na sulok ng
silid ng bawat klase, makikita ang realidad na ang dalubguro ang batas at
walang sinumang maaaring sumuway sa kanyang kautusan. Ang pagtatanong
ng mga mag- aaral ay itinuturing na gawa ng kaaway at ang pagbibigay ng
opinion ay isang gawaing subersibo. Ito ay nagbunga at patuloy na
nanganganak ng isang lipunang animo ay bangkay na pinaglalamayan ng mga
mapang- abuso at sakim sa pansamantalang kapangyarihan. Lipunang tahimik
at walang pakialam sa mga isyung dapat sana ay mabigyan ng agarang lunas
upang maiwasan ang patuloy na pagkaagnas nito. Lipunang hindi nag- iisip at
walang ginagawa kundi ang magsunud- sunuran na lamang. May mga
17

ideolohiyang nakapanghihinayang na hindi maibahagi sa kapwa sapagkat


minarapat na sarilihin na lamang dahil itinuro ng eskwelahan na huwag pumalag
Page

kung nasasaktan… huwag lumaban kung nilalapastangan.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ang paniniil sa karapatang makapagpahayag sa panig ng mga mag- aaral


ay hindi malayo sa paniniil sa karapatan na nadarama ng ilang lahing
manggagawa. Paniniil na ang pinagmulan ay inggit at takot na mawalan ng
kapangyarihan… paniniil na ang puno at dulo ay ang kawalan ng tiwala sa
sariling kakayahan kung kaya’t hinahanap ang kamalian ng iba upang mapunan
ang mga pansariling pagkukulang… hindi ko hinahangad na magsilbing daana
ng pitak na ito upang ako ay kamuhian at isumpa ng mga taong inaasahang ako
ay lagi nilang kapanalig. Ang tanging hangad ko lamang ay ang idilat ng bawat
isa ang kani- kanilang mga mata upang Makita ang hinahanap na katotohanan.
Hindi masama ang magtanong kung may nais kang malaman… hindi masama
ang mag- ingay kung mayroon kang nalalaman. Nabubuhay ang karamihan sa
takot na mawalan ng trabaho kapag nagsalita tulad ng lipunang natatakot na
makibaka dahil sa pangamba na isang araw ay magising na lamang silang isang
basura. Ang tingin nila sa pamahalaan ay Panginoon nagpaparusa sa mga
makasalanan… Kasalanang ang hangad lamang naman ay maipahayag kung
ano ang kanilang mga sentimyento at saloobin.
Isang propagandang maituturing ang Proklamasyon 1017 upang sabihin na
may bantang panganib subalit ang katotohanang ito ay isang likhang isip na sila
lamang ang may gawa. Itinuturing na makakaliwa ang mga Satur Ocampo,
Crispin Beltran, Liza Masa ng ating lipunan. Itinuturing na rebelled sapagkat
matapang, kaaway sapagkat tapat at kriminal sapagkat nagmamahal sa mga
kasamahan.
Hindi ko nais yurakan ang pamahalaan o saktan ang sinuman. Nais ko lamang
na maging isang Rizal sa panahong kasalukuyan na siyang gigising sa nahihimlay
nating kamalayan.
Ang problemang Malaki ay nasosolusyunan habang maliit pa ang apoy. Hindi
maghihilom ang sugat kung hindi gagamutin ang ugat nito. Simulant muna nating
linisin ang ugat ng ating mga sugat upang manatili tayong metatag sa gitna ng
naghihikahos na bayan.
Isang panganib ang naghihintay… kumilos tayo… puksain natin ang ating
nakatatakot na ambisyon at kasakiman sa kapangyarihan. Dito … maaaring
ipagdalang – tao ang susunod na pinuno ng bansa… dito … maaaring
ipagdalang- tao ang susunod na pinuno ng bansa… dito … maaaring isilang ang
panibagong lider ng sakim sa kapangyarihan… dito maaaring mag- ugat ang
isang taong mapanupil sa kalayaan. Hanggat nasa sinapupunan pa… Hanggat
maliit ang sugat… Hanggat hindi pa humahaba ang sungay… huwag nang
hayaan pang isilang… huwang nang lalong paduguin ang lumalaking sugat…
Putulin na ang humahabang sungay… Gumising ka kaibigan… “Lingunin natin
ang kahapon, paghandaan ang ngayon para sa isang magandang bukas.” Sa
mga palad natin nakasalalay ang pagbabagong matagal nang inaasahan.
Puksain ang Proklamasyon 1017.
18
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Mga Gabay na Katanungan


1. Ano ang Proklamasyon 1017?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Ilarawan ang tatlong mukha ng Proklamasyon 1017 na tinalakay ng may- akda
sa seleksyong binanggit.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
3. Iugnay ang paglalarawang ibinigay ng may- akda sa seleksyong binasa sa
sariling pananaw sa lipunang iyong ginagalawan.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
4. Ano ang pangunahing layunin ng may- akda sa pagtalakay sa tatlong mukha
ng proklamasyon 1017?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ang may akda ng seleksyon binasa, paano mo ito bibigyan ng
konklusyon?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
19

____________________________________________________________________________
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Panuto: Bumuo ng talatanungan para sa mga sumusunod na pag-aaral. Mag


hanap ng dalawang tao na magiging repondente sa iyong gagawing pagsasaliksik.
Isang kilalang babae at lalaki sa inyong lugar. (politiko, mga empleyado, guro at
matataas na opisyal ang pwedeng maging respondente)

A. Pamagat: Paggamit ng social media bulang kasangkapan ng patalastas


para sa isang pangyayari o event
B. Paglalahad ng suliranin: Nais ng mga mananaliksik na malaman ang sagot sa
mga sumusunod na katanungan hinggil sa paggamit ng social media bilang
kasangkapan ng patalastas (advertising tool) para sa isang pangyayari o
event na kanilang binuo. Ang ,ga sumusunod na tiyak na katanungan ay nais
sagutin ng pag-aaral na ito:
1. Ano ang profile ng mga respondente ng pag-aaral batay sa mga
sumusunod na baryabol:
1.1 Pangalan:
1.2 Edad:
1.3 Kasarian:
1.4 Sosyo-ekonomikong kalagayan:bilang kasangkapan ng patalastas
2. Gaano kaepektibo para sa mga respondente ng pag-aaral ang paggamit
ng mga sumusunod na social media bilang kasangkapan ng patalastas
para sa inoorganisang pangyayari o event?
2.1 Facebook
2.2 Instagram
2.3 Twitter
3. Anu-ano ang mga kalakasan at kahinaan ng social media bilang
kasangkapan ng patalastas para sa mga pangyayari o event?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Batay sa resulta ng pangyayari, anong mungkahing plano ang
maibibigay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
20

________________________________________________________________________
Page

________________________________________________________________________

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Panuto: Sumulat ng repleksyon tungkol sa ating paksa. (100 salita)

Mula sa paksang ang Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t Ibang


Larangan, aking napagtanto na…..

21
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”

You might also like