You are on page 1of 12

Romblon State University

Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

YUNIT 4
BATAYANG KAALAMAN SA
MGA TEORYA SA
PANANALIKSIK NA AKMA O
BUHAT SA LIPUNANG
PILIPINO

PANGALAN:
ANTAS/ KURSO/ SEKSYON:
1
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

MGA LAYUNIN

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng teorya at metodo upang mabuo

ang isang pag- aaral na may kredibilad at makabuluhan. Sa pagtatapos ng
talakayan sa bahaging ito, ang mga sumusunod na layunin ay inaasahang matamo
ng mga mag- aaral.

1. Natutukoy ang mga mapagkakatiwalaan at may kredibilidad na sanligan para

sa mga tiyak na pag- aaral at disiplina;
2. Nailalapat sa pag- aaral ang mga makabuluhang konseptong lokal at dayuhan
batay sa konteksto ng lipunan at ng bansa;
3. Nakapagsusuri ng mahahalagang impormasyon at datos mula sa mga
babasahing Filipino sa iba’t ibang larangan o disiplina;
4. Nakapagsasagawa ng pag- aaral hinggil sa mga usaping panlipunan sa lokal at
internasyunal na perspektiba na gamit ang tradisyunal at modernong mga
sanggunian bilang batayan;
5. Nalilinang ang Filipino bilang multidisiplinaring diskurso ng pananaliksik na
sumasailalim sa katotohanang nagaganap sa lipunang ginagalawan ng mga
Pilipino;
7. Naitataguyod ang wikang Filipino bilang kasangkapan ng mataas na antas ng
diskurso nararapat sa lipunang Pilipino, at bilang wika ng pananaliksik na
kailangan ng lipunan at ng bansa.

NASYUNALISMO
Ang nasyunalismo ay tumutukoy sa isang sistemang pampulitikal, panlipunan,
at pang- ekonomiya na inilalarawan ng pagsusulong sa interes ng particular na
nasyon upang higit na makamtan ang layunin na makuha at mapanatili ang
kanyang sariling soberenya o sariling pamahalaan.
Samakatwid, ang nasyunalismo ay naglalayong panatilihn ang kultura sa
isang nasyon sa pamamagitan ng pagmamalaki sa lahat ng natamo ng isng
bansa, at may kaugnayan sa patriyotismo na kinasasangkutan ng paniniwala na
ang nasyon ay kailangan kontrolin ang gobyerno ng isang bansa at ang mga
pamamaraan ng produksyon.
Sa perspektiba ng pulitika at sosyolohiya , mayroong tatlong paradigm upang
maunawaan ang pinagmulan at batayan ng nasyunalismo: primordialism;
ethnosymbolism; modernism.
Sinasabi ng primordialism (perennialism) na ang nasyunalismo ay isang likas
na phenomena na kinahaharap ng bawat nasyon.
Ang ethnosymbolism ay isang paradigmasng komplikado, nakabatay sa
2

perspektibo ng kasaysayan, at ipinaliliwanag na ang nasyunalismo ay isang

Page

dinamiko, ebolusyonaryong phenomena na kinasasangkutan ng historical na

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

kahulugan, sa pamamagitan na nangangailangan ng istrukturang sosyo-

ekonomiko ng makabagong lipunan.
Ang Citizenship sa isang pangkat etniko, kultural, relihiyon, o ang
multinationality ng isang estado ay kinakailangang bumuo sa karapatan na
magpahayag at maipakilala ang pambansang pagkakakilanlan kahit na ng
minorities o iilan.
Ang pagtanggap sa pambansang pagkakakilanlan sa aspeto ng historical
nap ag- unlad ay karaniwang resulta ng pagtugon ng maimpluwensyang
pangkat na di sang-ayon sa tradisyunal na pagkakakilanlan dahil na rin sa hindi
pagtugma ng nakatakdang antas panlipunan sa karanasan ng mga kasapi nito,
na nagreresulta ng isang sitwasyong pagkapoot na nais resolbahin ng mga
mamamayan.
Ang mga pambansang simbolo katulad ng bandila, pambansang awit,
pambansang wika at iba pang simbolo na nagpapakita ng kanilang
pagkakakilanlan ay mahalaga upang ipakita ang nasyunalismo.

MARXISM
Ang Marxism ay isang metodo ng sosyo- ekonomikong pagsusuri na kung saan
ay tinitingnan ang ugnayan ng klase at tunggaliang panlipunan gamit ang
materyalistang interpretasyon ng pag- unlad ng kasaysayan at ginagamitan din
ng diyalektikal na pananaw ng transpormasyong panlipunan o social
transformation.
Gumagamit ng metodong historical materialism ang Marxiam, upang suriin, at
bigyan ng kritiko ang pag- unlad ng kapitalismo at ang papel na ginagampanan
ng piangdaraanan ng bawat klase sa Sistema ng pagbabagong pang-
ekonomiya.
Ayon sa teoryang ito ang tunggalian ng uri ay nagbuhat sa mga kapitalistang
lipunan dahil sa mga kontradiksyon sa pagitan ng material na interes ng siniil na
proletariat o mga lahing manggagawa na inalipin ng mga bourgeoisie mga
makapangyariahn o mga nagmamay-aei ng produksyon at kumukuhan ng
kanilang yaman sa pamamagitan ng mga apropriyasyon o paglaan ng mg akita
(surplus product) buhat sa mga proletariat.
Ang Marxism ay malaking impluwensya sa pandaigdigang akademya at
pinalawak sa maraming sangay katulad ng archaeology, antropolohiya, pag-
aaral ng midya, agham pampulitika, edukasyon, pilosopiya, at marami pang iba.

TEORYANG DEPEDENSYA
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang yaman ng estado ay nagmula sa silid
ng mahihirap na ang kapalit ng pag- unlad ay ang paghihirap ng isa. Ang puso
ng argumento ng teoryang ito ang paniniwala na ang mahihirap na estado ay
pinagkaitan samantalang ang mayayaman naman ay pinagkalooban sa
3

pamamagitan ng pagsasama sa mahihirap sa pamamalakad ng mundo.

Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ang teoryang depedensya ay sumasalungat sa teorya ng modernism.

Tinututulan nito ang pananaw na ang mahihirap na bansa ay hindi lamang
naunang anyo ng maunlad na bansa, subalit mayroon itong sariling kakanyahan
at istruktura; bukod dito ay kabilang sa napag- iiwanang kasapi sa ekonomiya ng
pamilihan sa mundo.
PANTAYONG PANANAW
Mainam na himayin ang pinag- ugatan ng kombinasyon ng mga salitang
bumubuo sa konsepto ng pantayong pananaw upang maiangkop ang teoryang
ito sa isang espisipiko o tiyak nap ag- aaral. Ang salitang “pantayo” ay binuo sa
pamamagitan ng pagsasama ng salitang ugat na “tayo” at unlaping “pan” na
ang kalalabasang kahulugan ay “mula sa amin- para sa amin”. Ito ay
kabaligtaran ng konsepto ng “pangkami” na nabuo sa pamamagitan ng
pagsasama ng salitang ugat na “kami” at unlaping “pang” na ang kagyat na
kahulugan ay para sa nagsasalita at hindi kasama ang nakikinig nito. Sa kabilang
dako, ang kabiyak na salita pananaw ay tumutukoy sa perspektiba o anggulo.
Ayon kay Zeus (1997) napapaloob ang kabuuan ng pantayong pananaw sa
pagkaugnay-ugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan,
hangarin, kaugalian, pag-asal at karanasan ng isang pangkabuuang
pangkalinangan kabuuang nababalot sa, ipinapahayag sa pamamagitan ng
isang wika.
Ang pantayong pananaw ay isang deskriptibong konsepto na tumutukoy sa
anumang kalipunan na nagtataglay ng pinag- isa at panloob na artikulasyon ng
linggwistik- kultural na istruktura ng komunikasyon at interkasyon ng kahalagahan
ng pagkakaisa ng layunin at dahilan ng pananatili.
Ayon kay Salazar (1997), magkakaroon lamang ng pantayong pananaw
kapag gumagamit ang lipunan at kalinangan ng Pilipinas ng mga konsepto at
ugali na alam ng lahat ang kahulugan na magiging talastasang bayan.

TATLONG MAHAHALAGANG SANGKAP NG PANTAYONG PANANAW

1. Dulog etic at emic. Sa mga disiplina na katulad ng antropolohiya at agham
panlipunan, ang emic at etic ay tumutukoy sa dalawang sangay ng
pananaliksik batay sa pananaw: ang emic ay tinitingnan mula sa pangkat ng
lipunan mula sa perspektiba ng paksa o subject, samantalang ang etic naman
ay tinitingnan mula sa labas o sa perspektiba ng mga tagamasid.
2. Pag- unawa at Pagpapaliwanag. Ang pinakamahinang posisyon ay
ikinukonsidera ang parehong paggamit ng terminong teoretikal at ang
paggamit ng emic sa mga diskurso ng pantayong pananaw basta ang higit na
nakararaming teksto ay nakasulat ang pagpapalitan ng berbal na
komunikasyon ay ginamitan ng Filipino.
3. Suliranin ng idilohiya. Ang panggitnang posisyon ay ang pagbibigay ng
pribilehiyo o prayoritasyon ng dulog emic laban sa panghihiram o paglalaan
4

ng konsepto, habang inilalayo ang huli sa prinsipyo.

Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

SIKOLOHIYANG PILIPINO
Ang sikolohiya o dalubisipan sa pangkalahatang pagkilala rito ay tumtutukoy
sap ag- aaral ng isip. Diwa, at asal. Ito ay ang siyentipikong pag- aaral ng
kamalayan ng tao at sa tungkulin nito lalo na iyong nakakaapekto sa kilos.
Ang Sikolohiyang Pilipino ay isang alternatibong paraan upang maipaliwanag
nang mabuti ang diwa, gawi, at damdaming nanalantay sa ugat ng bawat
Pilipino na taliwas o di- tugma sa ibang pang sikolohiya sa Pilipinas.
Ang Sikolohiyang Pilipino ay pagtaliwas sa konbensyonal na paglalarawan sa
mga Pilipino na gamit ang Kanluraning oryentasyon. Sinasabi sa Sikolohiyang
Pilipino na ang diwa at karanasan ng mga Pilipino ay nararapat na tingnan o
unawain batay sa perpekstiba ng mga Pilipino at hindi ng Kanluraning
perspektiba upang mailarawan ang mga Pilipino nang wasto at
makatotohanan.

TATLONG ANYO NG SIKOLOHIYANG PILIPINO (ENRIQUEZ, 1994)

Si Virgilio Enriquez ang siyang nagpakilala sa konsepto ng Sikolohiyang Pilipino.
Ang kanyang pinakamahalagang kontribusyon sa larangang ito ay ang
pagbibigay ng liwanag kung ano ang Sikolohiyang Pilipino. Binigyang- liwanag ni
Enriquez ang pagkakaiba- iba ng konsepto ng mga sumusunod na anyo ng
Sikolohiyang Pilipino
1. Sikolohiya sa Pilipinas. Kinasasangkutan ng lahat ng mga sanggunian
katulad ng mga pag- aaral, libro, at sikolohiyang makikita sa Pilipinas, ito man
ay banyaga o maka- Pilipino.
2. Sikolohiya ng Pilipino. Patungkol sa lahat ng mga pananaliksik o pag- aaral
at mga konsepto sa sikolohiya na kinasasangkutan ng mga Pilipino.
3. Sikolohiyang Pilipino. Isang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyon ng
mga Pilipino. Nangangahulugan ito na tanging mga Pilipino lamang ang
may kakayahanh makapagsulat hinggil dito.

MGA KONSEPTONG SIKOLOHIYANG PILIPINO NA MAY KAUGNAYAN SA WIKA

Maraming paham sa akademya sa larangan ng Sikolohiya ang naniniwala na
ang maraming konsepto sa Sikolohiya ay nararapat na isalin sa wikang Filipino
upang maging madali ang pagtalakay dito. Narito ang ilan sa mga konsepto
ng sikolohiya na may kaugnay sa pagsasalin at sa wika.
1. Katutubong Konsepto ng Sikolohiyang Pilipino ang mga salitang taal o likas
na ginagamit sa Pilipinas. Hinalaw ang kahulugan ng mga salitang ito batay
sa kultura at kinaugalian ng mga Pilipino.
2. Pagtatakda ng kahulugan ang bahagyang tumataliwas sa konsepto ng
katutubong konsepto. Sa pagtatakda ng kahulugan, ang salita na may
kaugnayan sa Sikolohiyang Pilipino ay maiuugnay sa taal ng wikang Filipino
bagamat ang kahulugan nito ay tinumbasan lamang ng banyagang
5

kabuluhan.
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

3. Pag- aandukha o ang pagkuha ng dayuhang salita at ang pagbabago ng

anto nito hanggang sa ito ay magkaroon ng katuturan sa Filipino.
4, Pagbibinyag tumutukoy sa paglalagay ng mga dayuhan ng kanilang sariling
pagpapakahulugan sa salitang ginagamit ng mga Pilipino
5. Paimbabaw na asimilasyon tumtukoy sa pagbabagong anyo ng morpema
dahil sa impluwensya ng mga katabing tunog nito.
6. Ligaw/ Banyaga na mga salita ang pinakahuling konsepto ng Sikolohiyang
Pilipino. Ito ay mga salitang banyaga na ginagamit sa Pilipinas sapagkat
walang katumbas na maibibgay sapagkat hindi naging bahagi ng kultura.

LIMANG PANGUNAHING PAMANTAYANG PRINSIPYO NA MAY KAUGNAYAN SA

PAGGAMIT NG KATUTUBING PERSPEKTIBA SA PANGKALAHATAN AT TIYAK NA
KATUTUBONG METODO NG PANANALIKSIK
1. Ang antas ng ugnayan o relasyon na namamagitan sa mananaliksik at ng
sinaliksik at mahalagang tumutukoy sa kalidad ng datos na nakalap sa
buong proseso ng pananaliksik;
2. Ang mga mananliksik ay nararapat na magkaroon ng patas na pagtingin sa
mga kasangkot sa pananaliksik;
3. Ang kapakanan ng mga kasangkot ay higit na mahalaga kaysa mga datos
na nakalap buhat sa kanila;
4. Ang metodo na gagamitin sa pananaliksik ay piliin batay sa kaangkupan nito
sa populasyon at umiiral na kultural na kaugalian.
5. Ang wika ng tao ay kailangan ng maging wika ng pananaliksik sa lahat ng
pagkakataon.

Ang mabuting mananaliksik ay dapat magkaroon ng pakiramdam sa

kanyang pag- aaral upang maiwasan ang pag- usbong ng mga usapin sa mga
datos na kanyang makakalap. Dapat mabatid ng mananaliksik ang tamang wika
na kailangan sa tamang tao at tamang pagkakataon.
Wika ang pinakamahalagang kasangkapan upang maisalin ng mananaliksik
ang kanyang ideya sa kanyang mga respondent, at ng respondent ang kanyang
kasagutan sa mga nagsasagawa ng pananaliksik.

ILAN SA MGA KATUTUBONG METODO NG PANANALIKSIK

1. Pagtatanung- tanong (improvised informal, at unstructures interview)
2. Pakikipagkwentuhan (story telling o informal conversation)
3. Ginabayang talakayan (collective indigenous discussion)
4. Pakikisama (getting along with)
5. Pagdalaw- dalaw (visiting)
5. Panuluyan (residing in the research setting)
6
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

PANTAWANG PANANAW
Sa kabila ng iba’t ibang uri ng suliraning kinahaharap ng mga Pilipino sa
kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ay nagagawa ng mga itong

panatilihin ang pagiging masayahin na pinatunayan ng ulat ng United Nations na

nagbibigay ng kompirmasyon na tumaas ang ranking ng Pilipinas sa World
Happiness Report nito ngayong 2018.
Ipinaliwanag ng isang sosyolohista na maraming Pilipino ang pinaniniwalaan
na kanilang kakampi ang pag- asa sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay,
bukod pa ito sa katotohanan na talagang likas sa mga Pilipino ang pagiging
masayahin.
Ayon kay Bro. Clifford Sorita, sa panayam sa kanya ni Apples Jalandoni (2018)
na higit sa kaligayahan ay mayroong tatlo na kayamanan ang lipunan: faith
(pananalig); family(pamilya),at friends (mga kaibigan).
Kaugnay ng kaligayahan ay ang konteksto ng pantawang pananaw subalit
upang magkaroon ng higit na kabuluhan ang pagtalakay, higit na makabubuti
kung bibigyan ng paghimay ang dalawang salitang bumubuo sa kontekstong ito,
ang “pagtawa” at “pananaw”.
Ang pagtawa ay tumutukoy sa pisikal na manipestasyon ng kaligayahan ng
isang tao. Sinasabi ng maraming pag- aaral na ito raw ay isang mabuting medisina.
Sa isang artikulo ni Di Salvo (2017), kanyang sinabi na ang pagtawa ay nakahahawa
sa kapiligiran.
Ang pagtawa ay mahalagang kakampi ng tao upang pagaanin at
pasayahin anuman ang kanyang kalagayan o antas sa buhay. Maituturing itong
mekanismo ng damdamin na humahanap ng solusyon kung paanong matuturuan
ang tao na harapin ang anumang bagay sa paraang magaan at nakaaaliw.
Ang pagtawa ng tao ay may objek na pinanggalingan katulad ng mga
kaganapang biglaan katulad ng pagkatanggal na kasuotan, pagkadapa,
ekspresyon ng mukha at marami pang iba.
Kung bubusisiin ang pagtawa ng bawat Pilipino at ang paghagalpak sa mga
kakaibang bagay na nakikita sa kapaligiran, masasabi na ang gaiwang ito ay
nakadugtong hindi lamang sa damdamin o emosyon kundi maging sa kamalayang
Pilipino.
Pananaw. Kinasasangkutan ng pag- iisip ng tao ang konsepto ng “pananaw”
na kung saaan ay kanyang dinadalumat o binibigyan ng interpretasyon ang mga
penomenang makabuluhan para sa kanya sapagkat totoong nangyayari sa
kapaligiran.
Mahalagang element ng pantawang pananaw ang midyum o daluyan nito
katulad ng tanghalan, pahayagan, radio, telebisyon, at iba pang anyo ng midya.
Ang konteksto ng pagtalakay ay nakatuon sa mga usaping panlipunan
katulad ng tanghalan, pahayagan, radio, telebisyon, at iba pang anyo.
7

Ang pantawang pananaw din ay isang paraan upang subhektibong basagin

Page

ang katauhan, kaligiran, katawan, at kaayusan ng lipunanbilang paksa ng

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

pagpapatawa at tuligsa. Intersubhektibo rin ang pantayong pananaw sapagkat

nangangailangan ito ng ibang tao na mkikibahagi sa pagbibigay kritiko sa
pamamagitan ng pantawang pananaw. Ang pantawang pananaw din ay
katangiang intertekswal at repleksibo na kug saan pinagtutuunan ng pansin ang
pamamaraan sa pagtugon ng mga tekstong nasal abas ng isinusulat katulad ng
akdang pampanitikan, produkto ng kulturan popular o iba pa.

Batayang Kaalaman sa Metodolohiya (Pagtitipon, Pagpoproseso, Pagsusuri ng

Datos) sa Pananaliksik-Panlipunan.

Inilalarawan ng metodo ng pag-aaral ang akto ng mananaliksik sa pagsusuri

ng mga suliranin ng pag-aaral at ang mga dahilan sa paggamit ng tiyak na
pamamaraan upang atukoy, piliin, iproseso, at analisahin ang impormasyon pa
pag-nawa ng suliranin. Dalawa an pangunahing katanungan na tinutugunan sa
metodo ng pag-aaral at ang mga ito ay ang mga sumusunod (1) Paano kinokolekta
ang Datos?; (2) Paano ito inalisa? Ang pagsulat ng metodo ay kailangan lagging
direkta, tiyak, at ginagamitan ng pandiwa na nasa pangnagdaang kapanahunan.

Dalawang Pangkat ng Metodong Pananaliksik

1. ang pangkat ng empirical-analytical na nag-aaral sa agham panlipunan na

katulad ng pag-aaral sa mga agham na likas. Ang tipo ng pananaliksik na ito ay
nakatuon sa kaalaman sa layunin, mga katanungan ng mananaliksik na maaring
masagot ngoo o hindi, at ang operasyunal na kahulugan ng mga susukating
baryabol.
2. ang interpretatibong pangkat ng metodo ay nakatuon sa pag-unawa sa
phenomena gamit ang komprehensibo at holistikong pamamaraan.

Talaan ng mga Metodolohiya sa Pananaliksik

Ang mga sumusunod nametodolohiya ng pag-aaral o pananaliksik ay

maaaring gamitin batay sa kaangkupan niyo sa sangay (field) at mga
pangangailangan (needs):

1. sarbey (survey)
2. pag-aaral ng kaso (case study)
3. disenyong experimental (experimental design)
4. etnograpiya (ethnography)
5. penomelohiya (phenomenology)
6. kilos (action research)
7. grounded theory
8

8. naratibong pagsusuri (narrative analysis)

Page

9. pag-aanalisa ng nilalaman (content analysis)

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

10. diskurso (discourse analysis)

11. pag-aanalisa ng dokyumento (documentary analysis)
12. pag-aanalisang pangkasaysayan (historical analysis)
13. semiotika (semiotics)
14. video documentation
15. SWOT ANALYSIS
16. Rebyu literatura
17. pagtatanung-tanung, obserbasyon, interbyu, FGD atp.
18. obserbasyon ng mga partisipant
19. kwentong-buhay
20. pagsusuri sa sekondaryang datos
21. experimental na pananaliksik

Sarbey (survey)

Ang pagsasarbey (survey) ang pinakakaraniwang pamamaraan ng

pangangalap ng datos. Ito ay isinasagawa sa pagitan ng pagtatanong sa
indibidwal (pasulat o sa pamamagitan ng panayam) hinggil sa isang particular na
paksa o mga paksa at pagkatapos ay isasagawa ng mananaliksik ang
paglalarawan sa mga naging tugon ng respondente.

Bilang paglilinaw ng mananaliksik ang maaaring gumamit ng mga sumusunod

na uri ng talatanungan:
1. istandardisado (standardized questionnaire)
2. sariling likha (self-made questionnaire)

Isatandardisadong talatanungan- ito ay mga talatanungan na ginagamit na

sa mga mahahalagang pag-aaral na maaring gamitin sa kasalukuyang pag-aaral
dahil na rin sa kanilang pagkakatulad sa maraming bagay.
Sariling likha- dahil sa pagiging sensitibo ng maaaring epekto ng pag-aaral sa
mga mambabasa o sasangguni dito, mahalaga na dumaan sa balidasyon ang
sariling likhang talatanungan.

Mga Pangunahing pamamaraan para sa survey

Ang pamamahagi ng talatanungan (questionnaire) ay isinasagawa upang

makapangalap ng sapat na
9
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Panuto: Sumulat ng repleksyon tungkol sa ating paksa. (100 salita)

Mula sa paksang ang Batayang Kaalaman sa mga Teorya sa

Pananaliksik na Akma o Buhat sa Lipunang Pilipino, aking napagtanto na…..

10
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at ibigay ang hinihingi ng mga
ito.

1. Matapos mong makapasa ng Licensure Examination for Teacher (LET) ay

nabigyan ka ng pagkakataong magturo bilang isang grade school teacher sa
isang pribadong paaralan sa maynila. Sapagkat nais mong malaman kung gaano
ka epektibo ang mga estratehiya na ginagamit mo sa iyong pagtuturo, ikaw ay
nagpasya na magsagawa ng pag-aaral hinggil dito. Ano kayang uri ng pag-aaral
ang maaaring gamitin sa sitwasyon? Anong metodo ang maaaring gagamitin
upang makapangalap ng sapat na impormasyon para sa kapani-paniwalang
resulta ng pag-aaral? Talakayin.

_________________________________________________________________________________

11

_________________________________________________________________________________
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

2. Nais ng iyonh magulang na magulang na magtayo ng isang restaurant sa a

Recto na pamamahalaan mo pagkatapos mo ng kursong Hospitality
Management. Ang lugar na pagtatayuan ng Negosyo ay nasa sentro ng U-belt na
kung saan ay madalas itong daanan ng tao. Napapaligiran ito ng maraming
eskwelahan, nagtataasang gusali, establisyimento ng pagkain, hospital, at
maraming kainan o restaurant at food chain. Sinangguni ka ng iyong mga
magulang hinggil sa planong ito. Ano-anung inisyatibong pag-aaral ang
maimumungkahi mo sa kanila? Anong metodo ng pag-aaral ang nararapat
gamitin upang makapangalap ng sapat na impormasyon para sa kapani-
paniwalang resulta?

12

_________________________________________________________________________________
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”

You might also like