You are on page 1of 21

Romblon State University

Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

B
E Sinesosyedad: Isang
E Manwal sa Pagbasa at
D Pagsuri mg Pelikulang
Filipino
-
II
W
E
E
K
Name: Score:
3 Year / Section:
1
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Pelikulang Filipino: Industriya

Modyul 5
ng Kasiyahan
Lektyur 5

Pagbasa, Pagkatuto at Pagtanggap sa Pelikulang Filipino: Mga Artikulo, Rebyu at

Pagsusuri
Ang kritisismong pampelikula ay isang uri ng pag-aanalisa na ang layunin ay
husgahan ang pelikula sa kanyang kabuuan maliban lang sa kasiyahan na dulot nito.
Ang kritisismong pampelikula ay isang Gawain na hindi para sa lahat ng manunuod
dahil ito ay gawaing intelektwal ng nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng pelikula.
Kaya’t ang kritisismo ay hindi katulad ng pagpapahalaga sa pelikula na para sa
pangkalahatang manonood.
Ang mga mag-aaral ng pelikula, mga mag-aaral ng komunikasyon, manunulat, mga
intelektwal n pelikula ang mga may karapatan na magsulat ng kritisismo.
Ang kritisismo ay iba sa; sa kritisismo importante na may alam ka o dalubhasa ka
sa mga teorya ng pelikula; sa rebyu sinasabi mo na maganda at panuorin nila ang pelikula
na hindi mo na kailangan pa ng teorya upang hikayatin ang mga manunood.
Halimbawa at ‘’magabasa’’ at ‘’magsuri’’ tayo ng mga piling-piling pelikulang
panlipunan.
Pelikulang Feminismo
1. Bata, Bata Paano ka Ginawa(1998)
Direksyon: Chito Rino
Prodyuser: Star Cinema
Mga Artista: Ms. Vilma Santos, Albert Martinez, Ariel Rivera, Carlo Aquino, at
Serena Darymple
Sumulat: Lualhati Bautista/Ricky Lee
Direksyon
Ang ‘’Bata, Bata Paano ka Ginawa’’ ay isang pelikulang hango sa nobela ng isang
premyadng manunulat na si Lualhati Bautista.
Ag estorya ay umikot sa mga kababaihan noon na pawing nagging sunudsunoran
lamang sa mga asawa nila o sa mga kalalakihan. Noon madalas Makita ang mga
kababaihan na gumaganap lamang bilang ina o asawa ngunit nag-iba ang lahat ng
mabuksan ang mga tanggapan para sa mga babaeng naabuso o nananakawan ng
karapatang pantao.
2
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ditto itinalakay ang buhay ng isang makabagong ina kung saan siya ay
nagtatrabaho at hindi katulad ng tipikal na ina na laging sa bahay lamang, si Lea ay may
dalawang anak, isang babae at isang lalaki. Makikita sa pelikulang ito kung paano
isabuhay ng isang ina ang pagiging magulang sa kanyang mga anak sa makabagong
panahon.
Naging pelikula rin ang mahabang estoryang ito sa pangunguna ng batikang aktres
na si Vilma Santos, bilang Lea noong 1998 at sa direksyon ni Chito S. Roño.
Buod
Nagsimula ang estorya sa pambungad na pagtatapos ng kanyang anak na babaeng
si Maya mula sa kindergarten. Nagkaroon ng palatuntunan at pagdiriwang. Sa simula
maayos ang takbo ng buhay ni Lea, ang buhay niya na may kaugnayan sa kanyang mga
anak, sa mga kaibigan niyang mga lalaki, at sa kanyang pakikipagtulungan sa isang
samahan na pangkarapatang-pantao.
Subalit lumalaki na ang mga anak niya at nakikita niya ang pagbabago ng mga ito.
Naroon na ang mga hakbang sa pagbabago ng mga ugali ng mga ito: si Maya sa pagiging
paslit na may kuryosidad, samantalan si Ojie sa pagtawid nito mula sa pagiging isang
ganap na lalaki.
Dumating ang tagpuan kung kalian nagbalik ang dating asawa ni Lea upang kunin at
dalhin sana si Ojie sa Estados Unidos. Naroon ang takot niyang baka kapwa kuhanin na
ang kanyang mga anak ng mga ama nito. Kailangan niya ring gumugol ng panahon para sa
trabaho at sa samahang tinutulungan niya.
Sa bandang huli, nagpasya ang mga anak niyang piliin siya isang pagpapasyang di
niya iginiit sa mga ito. Isa ring pagtatapos ng mga mag-aaral ang laman ng huling
kabanata, kung saan panauhing pandangal si Lea. Nagbigay siya ng talumpati na ang
paksa na kung paano umiiral ang buhay, at kung paano sadyang kay bilis ng panahon, na
kasing bilis ng paglaki, pagababago, at pag-unalad ng mga tao. Nag-iwan siya ng mensahe
na hindi wakas ang pagtatapos mula sa paaralan sapagkat iyon ay simula pa lamang ng
darating pang mga bagay sa buhay ng tao.
Sinematograpiya
Bawat galaw ng kamera ay siguradong tiyak at masining. Ang bawat anggulo ay
tama lamang ang bawat galaw, ang layo at lapit ng kinukuhanan na nais nating Makita.
Nagging maayos din ang timbang ng liwanag at dilim sa pag-iilaw.
Dahil dito malinaw at maayos na naipaparating sa mga manunuod ang tunay
mensahe at mga nagging damdamin sa bawat eksena. Tumatak ang pelikulang ito sa
isipan ng mga manunuod dahil sa perpektong pagkuha ng mga kaganapan. Hindi kana
maguguluhan sa biglaang pag-iba ng anggulo ng kamera sapagkat malinis ang pagkuha ng
kaganapan. Nagging maayos at perpekto ang lahat. Matagumpay nitong naisalarawan ang
nilalaman sa pamamagitan ng pag-iilaw, komposisyon, galaw at iba pang bagay na
3
Page

kaugnay sa teknik.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Disenyong Pamproduksyon
Bumagay ang mga kagamitang ginamit sa daloy ng kwento. Naisakatuparan sa
malikhaing paraan ang pook, tagpuan, make-up, kasuotan, kagamitan, na nagpalita ng
panahon at tunay na emosyon.
Makikita dito na hindi gaanong mayaman ang pamilya ni Lea. Nagging tama ang
mga kasuotang ginamit sa bawat eksena dahil ayon ito sa estado ng kanilang pamumuhay.
Tulad na lamang ni Raffy at ni Elinor, may kaya sila sa buhay kaya’t makikita ditto na
maayos ang kanilang kasuotan kaysa kina Lea bagama’t medyo may kasimplehan.
Ang mga lugar naman na ginamit sa bawat kaganapan ay makikitang nagging
angkop sa bawat pangyayari, simpleng bahay ni Lea, paaralang pinapasukan nina Maya at
Ojie, ang pinagtatrabahuhan ni Lea at pati na rin magandang bahay nina Raffy.
Tamang-tama ang tema sa panahon na ito. Ang komplikasyon ng oras sa pamilya at
trabaho, mga taong hindi mo lahat mapapasaya, may masayang araw, at mayroon ding
hindi.

Pag-eedit
Hindi matawaran ang kagalingan ng pag-eedit ng peikulang ito. Maayos ang
pagkaka-edit nito bagamat nag-iiba ang pokus ng kamera hindi natin mapapansin agad-
agad ito. Nagawang mapagdugtong-dugtong ang magkakaputol na pangyayari, at nagging
malinaw at malinis naman ang mga detalye ng pelikulang nabanggit.
Indi naapektuhan ang nais iparating ng director at ng mga gumaganap. Malinaw
nitong pinakitid o pinalawak ang oras, galaw at kalawakan. Nagging madali ang pag-iintindi
sa pelikula. Tunay na nagging matagumpay ang pedlikulang ito.

Reaksyon:
________________________________________________________________________

4

________________________________________________________________________
Page

________________________________________________________________________

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________
2. Dekada (2002)
Direksiyon: Chito Rino
Prodyuser: Star Cinema
Mga Artista: Mis Vilma Santos, Christopher de Leon, Pilo Pascual, Carlo Agasi,
Marvin Agustin Danilo Barrios, Carlo Muñoz, Tirso Cruz III, Orestes Ojeda, John
Waune Sace, Marianne de la Riva, Manjo Del Mundo, at Cacai Bautista.
Sumulat: Lualhati Bautista/Ricky Lee
Buod
Ang pilekula ay ibinatay sa nagantimpalaang nobela ni Lualhati Bautista, ang
Dekada 70 na sumasalaysay sa isang panggitanang-klaseng mag-anak na Pilipino sa loob
ng isang dekada, ay nagkaroon ng kamalayan sa mga patakarang pampolitika na sa
kaLaunan ay naghatid sa panunupil at sa katyuang batas-militar sa pilipinas. Gumanap sa
Amanda si Vilma Santos, na napahulo sa mga kahihinatnan ng buhay habang nasa ilalim
ng diktaturya matapos na mapagmuni-muni ang mga magkakasalungat na mga pananaw
at pagtanggap ng kaniyang asawa at limang anak na lalaki.
Si Julian ang asawa ni Amanda, ay kakampi ng anak nilang lalakisa mga Gawain
nitong kumakalaban sa pamahalaan habang kasabayan naming tumatangging unawain
ang kagustuhan ni Amanda na makahanap ng hanap-buhay. Isang sundalong pandagat ng
Estados Unidos ang pangalawang anak na lalaki (Carlos Agassi) ni Amanda. Ang ikatlo
naman niyang anak na lalaki (Marvin Agustin) ay nagsusulat naman ng mga ipinagbabawal
na mga sulating pampolitika na nagsisiwalat ng mga katiwalian. Ang ikaapat (Danilo
Barrios) ay nagging biktima ng isang tiwaling kagawaran ng pulisya, habang isa pa lamang paslit
na bunsong lalaki (John W. Sace) ang ikalima.
Tumatanggap ang dekada 70 ng 11 gantimpala at 12 banggit ng pagkakahalal ito
ang opisyal na lahok ng pilipinas sa ika-76 na taunang Academy Awards para sa
katergoryang pelikuang nasa ibang wika.
Kung tutuusin, ang isang tunay na magandang pelikula ay higit pa sa pagsasama ng
iba’t ibang element nito. The hole is greater than the sum of its part, wika nga. Maari natin
itong sabihin sa pelikulang dekada 70 ng Star Cinema pra sa 2002 Metro Manila Film
Festival. Sa katunayan , ito ay higit pa sa magara nitong production design,
sinematograpiya at iba pa nitong teknikaL na aspeto, sa makbagbag-damdaming pag-arte
ng mga nagsiganap, sa matalino nitong screenplay na si Lualhati Bautista mismo ang
5

sumulat, at syempre sa impresibongdireksiyon ni Chito Roño.

Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Dahil nga sa mainam na pagkakagawa ng pelikula, nagiging background na lamang

ang mga makatotohanang props at setting, at animoy nanonoodat nakikinig na lamang tayo
sa mga masalimuot na pangyayari sa buhay at madalas ay madrama o nakakatuwang mga
usapang ng isang angkaraniwang pamilya noong dekada sitenta. Nakakalimutan nating si
Vilma Santos talaga si Amanda Bartolome, at Christopher de Leon talaga ang asawa
niyang si Julian, at napapaniwala tayong isangmataas na pinuni ng NPA talaga si Jules, at
hindi ito si Piolo Pascual.
Sa ganitong banda, madali para sa isang ordinaryong manunuod na mag-
concentrate sa mga nilalamang mensahe sa estorya. At katulad ng premyadng nobela
pinagbasihan nito, mayaman ang pelikula sa mahahalagang mensaheng ito. Ngunit una sa
lahat kailangan nating banggitin na kung ang Dekada ay isa lamang pelikula tungkol sa
panahon ng martial law, maaaring hindi ito singganda. Tinanggap natin itong isang
melodrama at hindi social commentary na nagkataon lamang. Na naganap ang estorya
noong panahon ng batas militar.
Bagamat naniniwala tayong maganda ang pelikula, naunawaan nating si Roo ay
hindi isang Lino Brocka, at masasabi nating mas pampolitika parin ang nobela kaysa
pelikula, kahit pa si Bautista ang mismong nagsulat.
Maliban sa pagpapaalala sa ating mahalagang bantayan an gating kalayaan at
gampanan ang ating mga panangutan dito, naniniwala tayong wala itong tunay mabigat na
mensaheng pampolitika ngunit muli, hindi natin sinasabing kakulangan ito. Sa katunayan
nauunawaan nating taman na dito ituon ang mga pangunahing tema ng pelikula: sa katulad
ng sarili nating bansa. Sa ganitong paraan, hindi nakakaahon at nakakulong lamang sa
isang dekada ng ating kasaysayan ang mensahe nito. It transcends its own time in
history.
Halimabawa, sa una’y hindi nauunawaan ni Amanda kung bakit gayon na lamang
ang animoy pagkabale-wala ni Julian sa mga nangyayari sa kanilang mga anak. Makikita
nating isa lamang siyang maybahay na naghahangad din naming hanapin ang sarili niyang
fulfillment sa labas ng papel na ito. Dito pa lamang, totoo sa kanyang pagiging pemenista,
ipinapaalala sa atin ni Bautista ang maling kalagayn ng kababaihan sa ating bansa.
May isang eksena pa na pilit sumasali si Amanda sa usapang pampolitika nina
Julian at mga kaibigan niya, kung saan ipinagkamali niyang nagsulat si Amado Hernandez
ng isang librong Ingles. Gayunman, lumabas na katawa-tawa sia rito at kaawa-awa rin,
ngunit hindi natin maiwasang humanga parin sa kanya dahil kahit papano’y nanindigan
siya.
Mapapansin din nating nauna pa nga na namulat si Jules a ang kapatid niyang
manunulat na si Emmanuel (Marvin Agustin) sa mga masamang katotohanan ng martial
law kaysa kay Amanda nang dahan-dahan bagamat sigurado.
Si Julian naman ay isang may pagkasinaunang ama ng tahanan whose word is final,
6

bagamat may pagkaliberal din dahil kuno ay ipinapalaganap niya ang freedom of
Page

expression sa kanilang bahay. Maiisip nating maaaring ito ay dahil lahat naman ng

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

kanilang limang anak ay pawing mga lalake rin. Walang kiyemeng ipangangalandakan pa
nga niya sa kanila at kay Amanda na ang kaligayahan ng mga babae ay maaari lamaNg
magmula sa mga lalake. Double standards, like charity, begin at home.
Itinuturing din niya na ayon lang naman sa kanyang mga liberal na pananaw na
hayaang hanapin ng kanilang mga anak ang kanilang sariling mga paniniwalaan sa buhay.
Every man has to believe in something he can die for, because a life that does not have
something to die for is not worth living, sasabihin pa niya, ngunit mkikita natin sa huli na
ang totoo’y natatakot din siya sa maaaring kahinatnan ng mga anak niya.
Ipinapakitang patas din ang turing ng Dekada sa mga kalalakihan nang ibinigay nit
okay Julian ang linyang mahirap din ang mga lalake. Maraming emosyon ang iniipit nalang
dito, sabay turo sa kanyang puso. Anupaman ang mga limitasyon ng pananaw ni Julian sa
buhay, nagawa parin niyang lumabas sa kanyang sariling kahon at mamulat sa kanyang
sariling paraan.
Dahil nga nagaganap ang istorya sa panahon ng batas military, maaasahan nating
marami sa mga tema ng pelikula ay may bahid-politika. Sa katunayan, mainam nitong
isinalarawan ang masalimuot na panahong ito sa ating kaaysayan. Maigting na ipinpakita
ang mga nag-aalab na damdamin ng mga aktibistang-estudyante sa iba’t ibang paraan.
Nariyan ang tapang nila sa harap ng karahasan ng Metrocom sa mga nagra-rally, ang
pagkakasal sa isang magkasintahan kasama sa kilusan kung saan sa halip na putting
alindong ay pulang bandilang komunistaang ibinabalabal at sa halip na singsing ay
kuwarenta’ysinkong baril ang hahawakan nila, at iba pa. si Jules bilang panganay at
estudyanteng kolehiyo, ang mamumulat sa ganitong mga pangyayari sa kanyang
kapaligiran.
May isnag eksena sa gitna ng pelikula na simple ngunit puno g simbolismo. Sa gabi
ng unang araw ng pag-alis ni Jules upang sumali na sa NPA at mamundok, makikita natin
na si Amanda at Julian na nakaupo sa veranda ng kanilang bahay. Pinag-uusapan nila ang
ginawa ng kanilang anak. Nagsisimula ang eksena sa isnag long shot, at mapapansin
nating nasa ibabang bahagi ng screening isang mesang bubog kung saan nasasalamin
ang baiktad na imahes ng mag-asawa. Ipinapahiwatig sa atin ng shot na ito na binabaliktad
na ng mundo sa labas ng kanilang dati’y masayahin at tahimik na tahanan.
Sa katunayan, mapapansin natin katulad ng mga nabanggit na, na tila ang mga ank
pa mismo nina Amanda at Julian ang nag-aakay sa dalawa upang harapin ang kanialang
tungkulin bilang mamamayan. Sa maalab na paninindigan ng magkakapatid, at kahit sa
mga kapus-kapalarang sinapit ng isa sa kanila, si Jason (Danilo Barrios), pagdadaanan
mismo ng mag-asawa ang sakit at pait ng mga katulad nilang magulang na nagging biktima
ng batas militar ang kanya-kanyang anak.
Sa huli kng tutuusin ay pampolitika din naman ang mensahe ng Dekada 70.
Binibigyang-diin nitong mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga magulang sa
7

paggabay sa kanilang mga anak sa mga usaping katulad ng kalayaan o karapatang pantao
Page

o peminismo at marami pang iba. At sa kahihinatnan makikita nating ganito rin kahalaga

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

ang papel na gagampanan ng isang pamilya magulang at anak sa paghubog ng isang

tunay na Malaya at mapagpalayang lipunan.

3. Everything About Her (2016)
Direksiyon: Joyce Bernal
Prodyuser: Star Cinema
Mga Artista: Ms. Vima Santos, Ms, Angel Locsin, and Xian Lim.
Sumulat: Lualhati Bautista
Buod
Si Vivian at tinitingala sa kanyang propesyon sa pagiging isang matagumpay. Ngunit
sa tagumpay na kanyang tinatamasa ay kilala siya bilang matapang, mahigpit at
kinatatakutan ng lahat. Siya na-diagnose sa sakit na kanser sa buto kaya nagbago ang
lahat. Ipinayo ng doctor na kinakailangan niya ng mag-aalaga sa kanya. Isang private
nurse ang kanyang makikilala at makakasama sa paglaban niya sa sakit na kanser. Sa
simula ay hindi niya maksundo si Jaica, ngunit bilang kanyang private nurse ay
magkakapalagayan sila ng loob.
8

Nalaman ni Jaica na may-anak na si Vivian kaya minabuti niya nag ipagbigay-alam

Page

sa anak nito ang kalagayan ng ina. Noong una ay nagalit si Vivian kay Jaica dahil sa

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

pakikialam nito sa relasyon ng mag-ina umuwi ng pilipinas si Albert upang bigyan ng

pagkakataon na magka-ayos silang mag-ina. Marami silang pinag-usapan at
pagpapaliwanag upang sila ay magkapatawaran.
Nagkaroon ng bagong pag-asa ang mag-ina na magka-ayos samantalang si Jaica naman
ay natutunan ding patawarin ang ina na nawalay sa kanya ng mahabang panahon na
nagtatrabaho sa ibang bansa .
Aral
Sa buhay ng tao, may ma darating sa ating pagsubok. Huwag tayong mawalan ng
pag-asa at lagging tumawag sa diyos. Matuto tayong magpatawad gaano man kasakit ang
mga naiwang sugat sa atin. Mahalin at ipagpasalamat ang buhay na bigay ng Diyos.
Reaksyon:
Labis akong humahanga sa mga karakter ng pelikula. Ang pagpapatawad ay pinaka
importante upang magkaroon tayo ng kapayapaan sa ating puso. Maswerte ako sa
pagkakaroon ng ina at magulng na lagi ng nagmamahal at nag-aaruga sa akin.

4. The Mistress (2012)

Direksiyon: Oliva Lamasan
Prodyuser: Star Cinema
Mga Artista: John Lyod Cruz, Bea Alonzo, Hild Koronel aNd Roaldo Valdez
Sumulat: Olivia Lamasan and Vanessa Valdez
Buod
Dapat pansinin Na ang ‘’the Mistress’’ ay sumusunod sa isang medyo tipikal na
pagbuo ng kwento para sa isang pelikulang tagalog . ito ay isang klasikong kwento ng pag-
ibig na sinamahan ng sakit sa puso, pagkakanulo, kapatawaran, pagkakaiba at katayuan
sa lipunan at klase, at pag-ibig laban sa lahat ng mga posibilidad.
Ang kwento at tungkol kay Sari (Nilalaro ni Bea Alonzo), isang seamstress na
nangangarap magkaroon ng sariling negosyo . si Sari ay nakikipag-ugnayan sa isang mas
matanda, may asawa na nangangalang Rico Torres (nilalaro ni Ronaldo Valdez). Ang
asawa ni Rico na si Regina (na ginagampanan ni Hilda Koronel), ay nalalaman ang tungkol
sa kaniyang asawang lalaki ngunit walang gaanong ginagawa tungkol dito. Pagkatapos
isang araw ang paulit-ulit na JD (na ginagampanan ni John Lyod Cruz) ay dumating sa
buhay ni Sari at pinihit ang kaniyang mundo.Gayunpaman, mayroong higit pa sa
background ni JD kaysa sa una na ipinakita.
Ito ay isang pamantayan at pangkaraniwang kwento ng pag-ibig na makikita sa
maraming iba pang mga pelikula ng parehong genre at sa maraming mga pelikula sa
Tagalog, partikuar. Ngunit ito ay gumagan ng maayos, dahil ang kwento ay mabuti at
mahusayna pinangungunahan ni Olivia M. Lamasan. Dagdag pa ng mga myembro ng cast
9

ang gumawa ng mabuti at nakakumbinsi na mga tarabaho sa kanilang mga naibigay na

Page

tungkulin at karakter. Ang mga character ay mahusay na detalyado at mahusay na

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

konektado sa pamamagitan ng storyline. Ang bawat karakter ay nagdala ng kanilang

sariling natatanging ugnay at aspeto sa kwento, na kung saan ay mahusay. Kung walang
pinaniniwalaan at makatotohanang mga character, ang isang pelikula na tulad nito ay
magiging kahoy at guwang.
Kung maari mong lumipas ang mga clichés at ang taludtod ng aklat- aralin, kung
gayon ang ‘’The Mistress’’ ay talagang isang nakakalaiw na pelikula, at ang dalawang oras
ay tila mabilis na dumaan ng walang isang mapurol na sandali.

Pelikulang Hinggil sa Migrasyon at Diaspora

1. Hello, Love, Goodbye (2019)
Director: Cathy Garcia-Molina
Prodyuser: Carlo L. Katigbak At Olivia M. Lamasan
Mga Artista: Kathryn Bernardo at Alden Richards
Sumulat: Olvia Lamasan at Vanessa Valdez
10

Pagsusuri ng Pelikulang ‘’Hello, Love, Goodbye’’

Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ang Pelikulang ‘’Hello, Love, Goodbye’’ ay may nakakabighaning epekto

batay sa mga nagging mensahe nito sa mga manonood. Mula sa mga gumanap na
tauhan hanggang sa daloy ng kwento, masasabi kung itoy dapat panoorin at
subaybayan sapagkat ito ay mga kompletong element na dapat nilalaman ng isang
pelikula at kasama na rito ang pagbibigay ng tamang emosyon katulad ng bigat sa
dibdib ng dahil sa katotohanang hindi lahat ng bagay na ginygusto nating makamit
ay ibibigay sa atin sapagkat may mga bagay na dapat muna nating gawin bago ito
kamtin.
Mga Tauhan
Ang mga pangunahing tauhan sa kwento ay may kanya kanyang galing sa
pagpapalabas ng mga emosyon sa bawat eksena na naaangkop dito. Dagdag pa
rito, sila ay may kanya kanyang paraan upang mapalabas ang karakter na kanilang
gaganapin sa pelikula at halimbawa na rito ay pagranas ni Kathryn ‘immersion’ sa
Hong kong bilang OFW na namasukang katulong. Ayon kay Cathy-Garcia Molina,
ang director ng nasabing pelikula, nais niyang Makita si Joy Fabregas; ang
pangunahing tauhan sa kwento, mula sa mga mata ni Kathryn kung saang
pinaparamdam sa kanya ang hirap ng isang domestic helper na pumunta sa ibang
bansa para buhayin ang kanyang pamilya.
Maliban doon, ang nabanggit na aktres ay nabalitaang siya ay pinagbawalang
makipag-usap at makisalamuha sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay at
siya’y pinagtrabaho katulad ng paglilinis ng bahay, paninilbihan sa kanyang amo, at
iba pang mga tipikal na Gawain ng isang D. H.
Nang dahil dito ang artistang si Kathryn Bernardo ay unti-unting naihulma ang
sarili bilang Joy Fa bregas kung saan ito ay lubusang makikita sa pelikula at
masasabing siya ay may angking talent bilang aktres na ating nasubaybayan sa
tagal ng taon niya sa industriya pagdating sa pagbibigay-buhay sa isang karakter na
hindi lamang sumasalamin sa hirap ng buhay ng isang D. H sa dahyuhang bansa
kung hindi pati narin sa pagpapakita ng tunay na pangyayari na nararanasan ng
mga Pilipinong napapalayo sa kanilng mga mahal sa buhay uang mabigyan sila ng
magandang buhay sa sumunod naman sa pangunahing tauhan sa pelikula ay si
Ethan ang lalaki na namamasukan bilang barista sa Hong Kong na
ginagagampanan ni Alden Richards.
Base sa aking panonood, masasabi kung mahusay ang pagganap ni Alden
sapagkat maayos niyang binibigyan ng buhay ang karakter ni Ethan dahil ang
kanyang mga kilos at paraan ng pananalita ay naangkop sa pagbibigay ng
deskripsyon sa nabanggit na karakter bilang isang makulit at mapaglarong lalaki na
may tinatagong pait ng karanasan sa buhay na unti-unting nailalantad habang
11

nagpapatuloy ang estorya sa pelikula. Dagdag pa nito, masasabi ko rin na natural

ang lahat ng interaksyon ng mga pangunahing tauhan sa isat isa sa mga rason na
Page

aking nakikita ukol sa paghakot ng mariming atensyon upang mahikayat ang mga

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

manonood dahil bukod sa nakakaantig ito ng puso at isip, ito ay kasalukuyan paring
nangyayari sa atin sapagkat maraming myembro ng pamilya o Pilipino ang
namamasukan sa ibang bansa upang matustusan ang lahat ng pangangailangan ng
kanilang mga mahal sa buhay.

Buod
Ang istorya ay umiikot sa isang OFW na namamasukan bilang domestic
helper sa hong kong na nangangalang si Joy Fabregas na ginagampanan ni Kathryn
Bernardosa kanyang pagdating sa Hong kong, nabanggit niya na pansamantala ang
kanyang pananatili sa Hong kong sapagkat si Joy mayroon lamang dalawang taon
na kontrata upang makapagtrabaho sa nabanggit na bansa.
Karagdagan pa nito, siya pasimpleng kumukuha pa ng ibang trabaho na
mahigpit na ipinagbabawal sa Hong Kong kaya kapag may mga rumorondang pulis
na nagsasagawa ng inspekyon sa mga trabahador, siya ay hind nagdalawang isip
na tumakbo paalis. Sa bawat araw na lumipas uko sa kanyang pananatili sa Hong
Kong, ganon din ang bilang ng araw ng kanyang pakikipagsapalaran sa hamon ng
buhay.
At sa bawat solusyon na patuloy niyang hinahanap sa kanyang mga
problema, dito papasok ang pagkros ng landas ni Ethan, isang lalaki na namasukan
bilang isang barista. Sa pagpapatuloy ng istorya, ganoon din ang pagpatuloy ng
pagkilala nila s bawat isa na nauwi sa utin-unting paglalim ng kaniang pagtingin at
damdamin.
Sa kabila ng matamis na pangyayari, humantong ito sa pangyayari na
kailangan nilang maghiwalay hindi dahil sa ito ay kanilang gusto sapagkat ito ay
kanilang kailangan na gawin upang maisaayos ang desisyon na dapat nilang pinili
upang maisakatuparan ang mga ninanais nilang tahakin na landas na dapat sana ay
kanila ng nakamtan.
Simula
Ang simula ng pelikua ay tungkol kay Joy na nasa paliparan at tinitigan ang
kanyang flight schedule. Ang istilo na ginamit ng may akda ukol sa pelikulang ito ay
napapaloob sa pagiging naratibo kung saan nabanggit ni Joy na may mga bagay na
pansamantala lamang at may mga bagay na pangmatagalan. Pagkasunodsunod ng
pangvavan. Ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari ay nakabatay sa
karaniwang takbo ng buhay ni Joy bilang isang Domestic helper. Mula sa kanyang
paggisng upang pagsilbihan ang kanyang mga amo hanggang sa sumapit na ang
gabi at dxumating ang panibagong araw ng kinabukasan. Ito ay malinaw na ipinakita
ng dahil sa estilo ng pauli-ulit na pagpapakita ng mga ganitong senaryo sa kanyang
12

trabaho.
Wakas
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ang pagwawakas ng pelikula ay napakalungkot sapagkat ang mga

pangunahig tauhan ay hindi nagkatuluyan. At bilang isa sa mga nakapanood,
nakaramdam ako ng panghihinayang at kirot sa puso sapagkat ang nais kung
mangyari sa kanila ay hindi nagkatotoo o naganap sa huli. Maliban doon, ang
pelkula ay nag iwan ng clit hanger kung saan mapapisipat mapapatanong ka sa
susunod na pangyayari ng kanilang buhay.

2. Caregiver (2008)
Direktor: Chito S. Roño
Prodyuser: Star Cinema
Mga Artista: Sharon Cuneta, John Estrada, John Manalo, Ric Peralejo,
Jhong Hilario, Saul Reichlin, Matthew Rutherford, Claire Jeater, Makisig
Morales, Mickey Ferriols, Julia Montes, Lotlot De Leon, Marita Zobel, Anita
Linda, Cheska Billiones, at Consuelo Bilcliffe
Sumulat: Chris Martinez, Jewel C. Castro at Chito Roño
Buod
13

Tpikal na istorya ng isang pilipinang may ambisyon para sa pamilya ang papel ni
Sarah. Dahil sa hangarin niyang matulungan ang kanyang asawang si Teddy (John
Page

Estrada) ay nag-aral siya ng kursong caregiving at naging isa sa 150,000 OFWs na

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

nagtrabaho sa United Kingdom. Magkasama nilang iniwan sa pilipinas ang anak na si

Paulo (John Manalo) na binilhan niya ng winter coat kalakip ang pangakong pag-iipunan
niya ang pamasahe nito upang makasama nila sa London. Hindi ng oportunidad na
makapgtrabaho lamang sa ibang bansa ng naging katuparan ng mga pangarap ni Sarah.
Bumigat ang pagtitimbang sa maraming bagay. Kaalinsunid nito ang mga
pagbabago sa kanyang pagkatao, manapa’y ang pagkatuklas tungkol sa kanyang sarili.
Magmula sa isang pagiging masunurin at maamong maybahay ni Teddy, at bilang
katuwang sa pagsisinop ng kanilang pamilya hanggang sa pagkakaroon ng kapangyarihan,
dignidad at pagpapahalaga sa kanyang sarili bilang isang babae. At bilang isang taong
may silbi sa kanynag mundong ginagalawan.
Makalikas ang sigla at kasabikan na makatapak sa London, nagsimulang matikman
ni Sarah ang lahat ng uri ng paghahamon na siya ring pinagdaanan ng lahat ng mga
OFW’s sa kanilang araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa:ang kakaibang lamig ng
klima, ang hirap ng pakikitungo sa samut-saring ugali ng mga nakakasalamuhang tao at
ang kalbaryo ng sukdulang pagtitiis at pag-aalaga sa isang maysakit. Kinalaunan ay namuo
ang mga tensyon sa banyagang lugar na kanyang kinasadlakan, sa relasyon nila bilang
mag-asawa ni Teddy, at sa kanyang ginagampanang tungkulin. Ngunit sa gitna ng unos ay
pinanatili ni Sarah ang pagigiging matatag at mag nag-uumapaw na pang-unawa, higit sa
laha ang dedikasyon at determinasyong mapagtagumpayan ang piniling larangan.
Ginupo si Teddy ng mga pagsubok hanggang sa dumating sa puntong
napagpasyahan niya ng bumalik sa pilipinas. Hinimok niya si Sarah na sumama sa kanya
upang umuwi. Dito mahahati ang desisyon ni Sarah. Isang matalinong pagpapasya kung
ano ang dapat niyang gawin –ang manatili sa London kakambal ang matiim na hangaring
magagumpay sa kanyang propesyon sa kabila ng pagkawala ng kanilang relasyon bilang
mag-asawa, ang paglaho nh kanyang mga pangarap kapalit ng pagiging buo ng kanilang
pamilya.
Paksa
Ang pelikulang ito ay nagbigay-diin sa pakikipagsapalaran ng ating mga kababayan
upang mabigyan ng mgandang buhay o kinabukasan ang mga minamahal sa ayan
pansamantalang iniwan. Ito ay patungkol sa Overseas Filipino Workers na nagtitiis sa mga
hirap na nararanasan nila at sa patuloy na pagkayod para sa ikakabuti o kapakanan ng
kanilang pamilya sa pilipinas, napagtuunan din ang tarnspormasyon ng mga indibidwal
tungo sa ikakaunlad o ikababagsak ng kanilang pagkatao.
Una, sa parte ni Sarah (Sharon Cuneta), mula sa nakasanayan niyang pagsunod sa
kagustuhan ng kaniyang asawa ay nabago niya ang takbo ng kanyang buhay malaya
siyang nakakapagpasiya para sa ala, niyang mas makabubuti sa buhay niya sa kabilang
banda, mula sa nasimuang determinasyon gumanda ang buhay naipakita kay Teddy ang
14

isnag nakabibiglang pagbabago at ito ay ang desisyonniyang sumuko na sa trabahong sa

tingin niya ay hindi naman karapat dapat sa kanya.
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Bukod pa rito natalakay rin ang mga katangian ng isang tunay na Pilipino isa sa mga
ito ay buong pusong pagbibigay serbisyo, pagtulong sa abot ng makakaya, paggalang sa
kapwa, at higit sa lahat, pagkapit sa tamang paniniwala o ang pagsulong sa tamang
prinsipyo.
Ang paksa ay masasabing tunay at matapat. Sa pelikula pinakita ang realidad ng
buhay sa kabila ng paghihirap at problemang kinakaharap. Ang pamumuhay nina Sarah at
Teddy sa United Kingdom sa kabila ng matinding pagtitiis sa hirap, ang pasakripisyo ni
Sarah para sa pamilya , lalong lalo na sa kanuang anak na si Pau, ang pagpupursigi ng iba
pang pangunahing tauhan sa trabaho sa UK at ang pagharap ng bawat karakter sa
mgaproblemang dumadagsa sa kanilang buhay ay ilan sa mga katibayan na ito ay naging
tunay at matapat na paksa.
Banghay
Ang kwento ay nagsimula noong napagpasyahan na nga ni Sarah na sumunod
patungong UK upang doon ay makasama sa trabaho ang kanyang asawa at upang
matulungan niya niya narin itong itaguyod ang pamilya sa pilipinas. Nang makarating si
Sarah sa UK upang makapagtrabaho, noong una ay naging mahirap ang kanyang
gampanan ang kanyang trabaho bilang isang caregiver sapagkat hindi niya masikmura ang
maglinis ng puwet ng matandang hindi niya naman kaano-ano. Kinalaunan ay minahal
narin niya ang kanyang trabaho, na kahit alam niyang naghihintay na lamang ng
kamatayan ang mga matatandang inaalagaan niya hindi siya sumuko sa mga tungkulin at
pananagutan niya. Dahil sa pagkakaroon ng dedikasyon sa trabaho, napamahal na siya sa
mga ito kaya naman tuwing may binabawian ng buhay sa sinuman sa kanyang alaga, hindi
na niya mapigil ang subrang pag-iyak at paghihinagpis.
Sa gitnang parte ng kwento naaksihan din ang pagbagsak ng loob ni Teddy dahil sa
paniniwalang hindi katangap-tanggap ang trabahong napapunta para sa kanya. Tunay na
nahirapan si Sarah na maayos ang sitwasyon sapagkat dumating ang mga araw na lagi na
lamang may inom o kaya naman ay hindi pumapasok sa trabaho si Teddy. Nawalan ng
loob si Teddy sa kanyang trabaho at ito rin marahil ang isa sa mga dahilan ng kalungkuta
ni Sarah habang siya ay nananatiling nagtatrabaho sa UK kasama ang kanyang asawang
si Teddy.
Nang hindi matanggap ni Teddy ang mga kabiguan niya noong siya ay napadpad sa
bansang UK, nagpasya siyang bumalik na lamang sa pilipinas upang doon na lamang
ituloy ang mga pangarap para sa kanyang pamilya. Sa kabila nito, naging matatag si Sarah
habang Malaya siyang nakabuo ng pasya para sa ma pinaniniwalaan niya. Hindi niya
hinahayaang basta-basta na lamang masira ang pangarap na nasimulan na niya para sa
kanyang pamilya, lalo na sa kanyang anak. Nagtiyaga siyang ipagpatuloy ang trabaho
bilang isang caregiver at kinalaunan ay natupad niya ang pangako sa anak na madala ito
15

sa UK nang sa gayon ay magkasama na silang mag-ina. Napatunayan ni Sarah sa

kanyang sarili na kayang niyang paunlarin ang sarili lalo na;tpara sa kanyang minamahal at
Page

sa mga taong patuloy na naniniwala sa kanya.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Masasabing kawili-wili ang banghay ng pelikulang ito dahil bukod sa pagiging payak
nito ay nag-iwan din ito ng kapanipaniwalang mga pangyayari. Mapapansin din ang natural
na daloy ng mg pangyayari, kumbaga, hindi na ito nagpaligoy-ligoy upang maintindihan ng
mga manonood ang pelikulang ito.
Script
Sa pamamagitan ng script naging organisado ang daloy ng banghay. Isa pa, naging
malinaw ang bawat mensaheng nais iparating ng pelikula sa mga manonood. Batid natin
na mawawalang-bahala ang banghay o ang mga pangyayari kung wala ang script na
magbibigay-buhay sa bawat detalye ng pelikula.
Masasabing makatotohanan ang pag-uusap ng mga tauhan sapagkat ito ay naging
makabuluhan at payak na siyang naging daan para mabilis na maintindihan ang mga
pangyayaring nagaganap sa usapan ng mga karakter. Isa sa mga patunay dito ay ang
pangyayari kung saan naging bukas si Sarah sa kanyang mga anak sa totoong dahilan sa
pagsunod niya kay Teddy sa UK. Mapapansing sa natural na paraan ng pag-uusap, ay
naiparating ang totoong nais nais niya iparating.
Nagtaglay ito ng maayos na yugto ng mga pangyayari. Sa pamamagitan nito, hindi
naging mahirap sa mga maonood ang pag-unawa sa bawat pangyayaring nagaganap sa
kwento. Isa pa, dahil din sa kaisahan ng mga pangyayari, madaling napagtanto ng mga
manonood ang mensaheng nais iparating ng pelikulang ito.
Sa pamamagitan ng mga salitang binitawan ng pangunahing tauhan si Sarah,
mabisang naipakita ang paksa ng pelikula sa script. Litaw na litaw ang matinding mga
linyang binitawan ni Sarah lalo na sa parte kung saan hindi niya napigilan ang sarili niya
upang sabihin ang naging saloobin kay Mr. Morgan, ang matandang noong una’y naging
masama ang pagtrato sa kanya bilang kanyang tagapag-alaga. Hindi maikakailang
naipakita sa script ang paksa ng pelikula, at ito ay ang pagpapahirap ni Sarah bilang isang
caregiver sa kabila ng kalungkutang kanyang nadarama.
Ang kwentong nabuo sa script ay ang pakikipagsapalaran ng ilan sa ating mga
kapwa Pilipino sa ibang bansa na pinatunayan ng mga paghihirap na kinaharap nila para
mapadama sa sarili nila pati narin sa naiwang pamilya ang magandang buhay naging
mailap sa kanilang sariling bayan. Sa kabila ng mga suliraning kinaharap ng mga tauhan,
lalo na si Sarah, nanatiling buo ang loob niyang ituloy kung ano man ang nasimulan na
niya sa UK kahit noong bandang huli ay sumuko o nawalan nang pag-asa ang kanyang
asawa. Sa pamamagitan ng mabisang script ay amadaling tumatak sa isipan ko ang
istoryang nabuo sa pelikulang ito.

Pag-arte
Si Sharon Cuneta ang gumanap at nagbigay-buhay sa kanyang role bilang Sarah.
Alam nating lahat na ang ‘’Mega Star’’ ay kakikitaan ng mga magagandang katangiang
16

hinahangaan ng balana, at bukod pa rito, kapansin-pansin din ang pagiging masayahin ng

Page

aktres na kinatuwaan ng madami. Siya isang mayamang aktres ngunit sa pagganap niya

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

sa pelikulang ito, taliwas ang mga nabanggit na katangian sa pagganap niya bilang Sarah.
Gumanap siya bilang isang ordinaryong manggagawa. Bukod pa ditto, hindi pansin ang
totoong estado niya sa buhay, nipakita niyang kaya niyang gampanan ang mga kilos niya,
at bukod pa rito ay naipamalas niya ang tunay na karakter na dapat niyang gampanan.
Ang ganap ni Sarah ang nagpatunay sa totoong saloobin ng isnag inang naiipit sa
bawat kagustuhan ng asawa. Isa pa, siya rin ang nagpamulat ng mga sakripisyong kaya
niyang gawin para sa mga taong minamahal at naniniwala sa kanyang kakayahan.
Bilang karagdagan, nasasabi rin na waring si Sarah ang tunay na tao sa papel na
ginagampanan niya sa kanyang role at ang pag-iinternalisa ng bawat sitwasyong
kakaharapin niya. Hindi lamang malaking role ang nabigyang-buhay ng mga artista sa
pelikula kundi pati ang maliliit na role. Masasabing malaki rin ang kahalagahan ng mga
tauhang may maliit na role sapagkat kahit paano ay nasusuportahan nila ang takbo ng
kwento ng pelikula. Maliit man ang gampanin ng ilang artista, nakatutulong parin ito upang
maiparating ang maayos na mensahe o koneksyon ng bawat tauhan sa mga pangyayari,
ilan sa mga patunay dito ay ang tauhang si David, anak ni Morgan, na nagbibigay kulay sa
daloy ng kwento. Isa siya sa nagpabatid kay Sarah na habang may buhay may pag-asa.
Kahit hindi ganon kahalaga ang ganap ni David, nakatulong ang gampanin niya sa
pagbuo ng mas matibay na karakter ni Sarah. Isa pang makapagpatunay dito ay ang
ganap ni Sean na noong simula ay nagbigay problema kay Sarah dahil sa nagawa nitong
pagnanakaw sa isang grocery store. Dahil dito, nagsimulang malapit ang loob ni Sarah sa
bata sapgkat gusto niya itong mapabago. Dahil din sa nangyaring aksidente sa batang ito
na kung saan si Sarah ang nagdala sa kanya sa ospital, napagtanto ni Sarah ang tunay na
estado ni Teddy sa trabaho niya. Nalaman ni Sarah ang totoong trabaho ni Teddy. Makikita
natin ang malinaw na koneksyon ng bawat akarakter sa pelikula.
Disenyo ng Produksyon
Masasabing naipakita sa pelikula ang tunay na kaligirang atmospera sa
pamamagitan ng pagbibigay-halaga sa kabuunag disenyo, kasama ang tagpuan, kasuotan
at kulay na nagbibigay daan upang maging makatotohanan ang pelikula. Sa pamamagitan
ng kabuunag disenyo, mas madaling naiparating sa mga manonood ang mensaheng
nakapaloob sa pelikula. Masasabing ang pagkakapili ng direktor ng bansang
pagaganapan ng pelikula ay nakatulong upang mas Makita ang totoong kaganapan sa
bansang ito. Isang halimbawa na lamang ay ang pag snow sa London na nagsisilbing
instrument upang mas mapadama ang kalungkutan ni Sarah sa pagkawalay sa anak. Kung
kasuotan ang pag-uusapan, nagbigyang diin ang pagganap ni Sarah bilang caregiver sa
pamamagitan ng uniforme ng tunay na caregiver sa ibang bansa. Kapansin pansin din ang
mga gayak ng pamilya ni Sarah sa Pilipinas; sa unang tingin pa lamang sa kanila ay
mababatid agad na sila ay kabilang sa gitanng antas ng lipunan. Napatunayan ng mga
17

kasuotan ang kanagkupan nito sa pagkatao ng mga artista.

Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Tunog
Nagging epektibo naman ang pagdaragdag ng tunog at musika sa pagbuo ng
pelikula. Sa pamamagitan ng mga ito, mas nadarama ang emosyong taglay ng mga
artistang gumanap sa pelikulang ito. Nakatulong ang musika at tunog sa pagpadama ng
tunay na kalungkutang kalakip ng pelikulang ito. Halimbawa na lamang nito ay ang
pangyayari kung saan namatay si Mr. Morgan.
Sa pamamagitan ng mabagal at nakakaiyak na musika, nakatulong ito upang
maging makatotohanan ang pangyayari. Mas maipaparating ang totoong damdamin ni
sarah sa bahaging ito. Sa pagdaragdag ng mga angkop na tunog, mas maantig ang
damdamin ng mga manonood o kaya nama’y mas makikita nila nag katotohanang bawat
emosyong nakikita sa mga tauhan ay nagyayari sa totoong buhay.
Potograpiya
Mapapansing ang kamer ay pinagalaw ng maayos mula sa umpisa hanggang sa
katapusan ng pelikula. Upang mabigyang diin ang mga pangyayari, damdamin at tagpo sa
pelikula, ang kamera ay ipinosisyon sa iba’t ibang anggulo. Tunay na may malaking epekto
sa pagbuo ng damdamin ang posisyon o ang paggalaw ng kamera sa larawang ating
nakikita sa pinapanood. Kapansin-pansin ang malimit ng pagpokus sa mukha ng bawat
tauhan sa tuwing may matinding linyang binibitawan. Sa pamamagitan nito, nabibigyang
pansin ang emosyong namamayani sa mga tauhan sa pelikula.
Direksyon
Simula pa lamang ng pelikula ay kinakitaan na ito ng maayos na daloy ng mga
pangyayari. Dahil ditto masasabing nagging matagumpay ang direksyon ng pelikulang ito.
Litaw na litaw ang control ng direktor sa tagpuan, pagganap ng mga artista, posisyon o
galaw ng kamera, pagsasaayos ng banghay, at ang pagbabawas o pagdaragdag ng script
dito. Sa kabila nito, may mga bahagingnagpapakita ng kalakasan at kahinaan ng direktor.
Para sa akin, ang nagpamalas ng kahinaan ng direktor ay ang parte kung saan ay
binawian ng buhay ang isa sa mga pasyente ni Sarah na nagging subrang malapit sa
kanya. Naglaan si Sarah ng oras para muling makapiling si Mr. Morgan bago paman
bawian ng buhay ang butihng si Mr. Morgan ay nakasama pa niya si Sarah at ginugol ang
mga natitirang oras sa pagpalipad ng saranggolang gawa ng isa sa mga kaibigan niya.
Hidi nagtagal ay natuluyan na ngan bawian ng buhay si Mr. Morgan. Pagkatapos
nito, ay hindi man lamang naipakita sa pelikula ang mga detalye ng pagkamatay ni Mr.
Morgan. Ipinakita lamang kapagdaka ang pagdadalamhati ni Sarah sa pagkawala ng
mahal na kaibigan.
Sa kabilang banda, naipakita naman ang kalakasan ng director sa bahagi kung saan
natupad ni Sarah ang pangako niyang pagkuha sa anak mula sa Pilipinas. Naipakita ang
pagtatagumapy ng karakter sa desisyong binatawan at pinanindigan niya. Sa lahat n ito,
18

masasabing nagtagumpay ang director na maabot ang orihinal nitong layunin. Hindi
lamang ito nakapag-abot ng mahalagang impormasyon, nag-iwan din ito ng aral sa buhay
Page

ng tao.

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Pag-edit
Naipakita sa pelikula ang natural o makinis na daloy ng mga pangyayari. Sa mga
nasaksihang pangyayari, mapapansin ang mahusay na pagka-edit sapagkat hindi halata
ang pagputol ng mga bahagi mula simula hanggang wakas ng pelikula na nagbigay daan
upang Makita ng mga manonood ang tunay na nilalaman nito.
Ang pag-edit ay tunay na nakatulong upang matuklasan at ganap na maunawaan
ang paksa, banghay, at iba pang kaangkop nito. Sa pamamagitan ng pagtatanghal ng mga
bahaging hindi ganoon kahalaga sa daloy ng istorya, mas madali itong maunawaan. Isa pa,
mas gumaganda ang nilalaman ng pelikula kung ang kabuunag pagpapalabas sa mga
bahagi nito ay detalyado at walang nakakasagabal sa daloy ng bawat pangyayari.
Konklusyon
Ang pelikula ay kakakitaan ng tatlong kahalagahan – pangkawilihan, pangkaalaman,
at pansining. Kahalagang pangkawilihan ito kung nabihag nito ang interes o kawilihan ng
mga manonood. Maaaring ito ay nagpatawa o nagpalungkot, nakapagpanabik sa mga
susunod na tagpo, nakapagbigay ng takot, at madami pang iba. Sa unang bahagi pa
lamang ng pelikula, nabihag na ako na waring walang oras para itoy mawala sa aking
paningin. Habang pinapanood ko ang pelikulang ito, hindi ko mapalampas ang bawat
pangyayari sapagkat nawiwili na agad ako sa kwento nito.
Kapansin-pansin sa pelikulang ito ang mga makabagbag damdamin ng mga tauhan
lalo na ni Sarah. Naantig ang aking puso sa ginawa niyang buong-pusong pag-aaruga kay
Mr. Morgan na kinalaunan ay nagging napakalapit sa kanya. Natuwa ako sa pagtratong
inilaan niya sa matandang inaruga niya. Hindi lamang niya nabigyang-ligaya si Mr. Morgan,
nabago rin niya ang takbo ng buhay nito na mula sa pagiging masungit, nahalinhan ito ng
magaang loob sa lahat ng taong makakasalamuha niya.
Isang bahagi ng pelikula kung saan nawalan ng pag-asa si Teddy, nangamba ako
para kay Sarah sapagkat maaari siyang maapektuhan sa nagyari sa kanyang asawa. Dahil
ditto, lalo pa akong nanabik sa mga susunod pang mga pangyayari. Sa kabila ng sitwasyon
ni Teddy, hindi napanghinaan ng loob si Sarah para harapin ang bukas. Nagpursigi si
Sarah sa trabaho niya ng sa gayon makuha na niya ang kanyang anak sa Pilipinas.
Hinangaan ko ang desisyon niyang ipagpatuloy ang nasimulang trabaho kahit alam niyang
magkakahiwalay sila ni Teddy. Nagging buo ang loob niya sa kung ano ang pinaniniwalan
niyang mas makakabuti sa kanya at sa mga taong minamahal niya.
Sa kabilang banda litaw ang kahalagahang pangkaalaman ng pelikulang ito
sapagkat napakaraming kaalaman or karagdagang impormasyon ang handog nito. Sa
pelikulang ito natin napagtanto ang tunay napagpupunyagi ng ating mga OFW ‘s ang mga
tinatawag nating ‘’bagong bayani’’ sa ibang bansa upang mapaganda ang buhay ng mga
minamahal na pansamantalang iniwan sa paghahangad ng ikakabuti at mas ikakaunlad ng
19

kanilang buhay.
Dito rin matututunan ang totoong ibig sabihin ng sakripisyo. Sa pagsasakripisyo
Page

natin malalaman kung tayo ay nagmamahal ng totoo. Sa ginawang sakripisyo ni Sarah,

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

hindi maikakailang nagsilbi siyang isang tunay na mapagmahal na asawa, anak at higit sa
lahat, pagiging mabuting ina. Maipaparating din nito ang maayos ng pagtrato sa kapwa.
Katulad ni David, ipinaglaban niya si Sarah mula sa maling iniisip ng kanyang kapatid.
Bukod pa rito, mas nabigyang diin ang pagiging relihiyoso ng mga pinoy saan mang
sulok ng mundo. Kahit na saan magpunta, hindi parin mawawala sa mga pinoy ang mga
santo na pinaniniwalaang gagabay sa pang-araw-araw na pamumuhay sa ibang bansa. Isa
pa sa mga natutuhan at mas maiintindihan dito sa pelikulang ito ay ang kalayaan sa
pagbuo ng sariling desisyon. Kagaya ni Sarah, kahit alam niyang mawawalay siya kay
Teddy, pinilit niyang maging matatag.

3. Sunday Beauty Queen (2016)
Isang linggo ng gabi, ang ma kababaihang Pilipino sa HongKong ay anging magarbo at
ipinagdiwang ang kanilang mga kultura, kanilang pagkakapatid, at kanilang pagkatao sa
pamamagitan ng paglahok sa isang beauty pageant ng bawat isa. Kalaunan, nang gabing
iyon ang isa sa mga kalahok, si Rudelie ay bumalik na sa tahanan ng pamilyang tsino kung
saan siya ay nagtatrabaho bilang isang kasambahay na tinanggal sa trabaho dahil lamang
20

sa paglabag sa kanyang curfew. Ayon sa batas ng Hong Kong, mayroon na siyang 14 na

araw upang makahanap ng isang bagong trabaho o harapin ang deportasyon.
Page

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”
Romblon State University
Institute of Education
Sta. Maria, Romblon

Ang masamang gabi ni Rudelle ay huwaran sa buhay ng OFW, kung saan ang
mabagsik, walang pasasalamat na mga katotohanan ng domestic labor ay naputol sa
panandaliang sulyap sa paglalaro ata pantasya. Ang Sunday Beauty Queen ni Baby Ruth
Villarama ay tumatalakay sa mga OFW sa trabaho at sa loob ng isang araw ng linggo na
bumababa sila, kung kalian, tulad ng anumang maaaring patunayan. Ang mga kababaihan
ay nagtitipon-tipon sa mga kalye upang kumunsulta, magbiruan, magdiwang ng kaarawan,
at magdaos ng paligsahan ng kagandahan. Sa pinuno ng talahanayan ay ang nakangiting
si Leo, isang diyos na ninong ng maraming uri na may isang paraan para sa paglutas ng
mga problema, magpadaos ng mga kaganapan, at pasasama-sama ng mga tao.
Nailalahad ni Villarama ng maayos ang mga detalye ng isang buhay kung saan
mayroong maliliit Na hangganan sa pagitan ng personal at propesyonal na uganayan. Ang
mga uganayan sa pagitan ng mga kasambahay at pamilya na kanilang pinaglilikuran ay
darating at pupunta, madalas na lumuluha , at madalas na nagpapaalala sa mga
kababaihan ng mga pamilyang naiwan sa Pilipinas. Ang kahon ng balik-bayan, marahil ang
karamihan sa pinaka-nakakalungkot sa lahat, ay nagbibigay ng mga taktikal na
knoneksyon sa buong karagatan.
Ang lahat ng ito ay gumagawa ng paligsahan na higit na masigasig at Malaya: ang
mga kabbaihan ay sumasayaw at kinukulayan ang kanilang buhay, humuhubog sa
kanilang sarili na nagkakahalaga at nakakaaliw sa bawat isa upang maitaguyod ang
pagmamalaki sa linggo at higit pa.

21

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Page

________________________________________________________________________

“Equal Opportunity of Quality Education for All through Flexible Learning Strategies.”

You might also like