You are on page 1of 1

Reaction Paper

Ang aking reaksiyon sa aking napanood na pelikula na First Sem ay nasiyahan ako sa
storya dahil sa unang parte pa lang ng pelikula pinakita na ang isang tradisyon ng mga
Pilipino, ang pagdadasal. Pinakita rin dito na mahalaga para sa isang pamilya na laging sama-
sama at magkakasundo. Ang istoryang ito ay umiikot sa pamilyang Pilipino, kung paano
magtulungan at magdamayan ang magkakapamilya at na kahit anong problema ay kayang
malagpasan basta sama-sama.

Hindi man naging buo ang pamilya nina Maru dahil namatay na ang kaniyang tatay ay
pinipilit pa rin ng nanay nila na palakihin silang mabuti. Makakakonek ang pelikula na ito sa
mga estudyante lalo na sa mga kolehiyo na nalalayo sa kanilang pamilya para magaral sa
malayong lugar. Pinapakita din dito na tunay na mahalaga ang edukasyon sa kabataan dahil
ito ang magsisilbing gabay nila sa buhay. Nagpapakita ang pelikulang ito ng mga iba't ibang
problema sa loob ng pamilya, katulad na lang ng hindi pagkakasundo sa pagitan nina Maru
ay Jairus.

Ang ibang parte ng pelikula ay nakakatuwa dahil sa ibat ibang linyahang kanilang
binibitawan. Pinapakita din dito na ang lahat ng ating mga ginagawa ay dapat pinagiisipan at
pinanagutan. Kailangan nating maging responsable at alamin ang mga makakasama para sa
sarili at buong pamilya. Hindi rin dapat gawin ang mga bagay bagay na hindi pa dapat sa
ating edad.

Laging sumunod sa ating mga magulang at wag sayangin ang kanilang mga ginagawa
o 'efforts' at pahalagahan ito. Huwag tayong sumuway sa mga utos ng mga magulang dahil
sila ang nakakaalam ng mas ikabubuti natin. Huwag magpadalos dalos sa mga gustong
gawin at mga opinyon upang hindi mapahamak. Laging isipin ang mga resulta ng mga
gagawin.

Higit sa lahat ay ang pagpapatawad, mahalagang matutunan natin ang magpatawad


ng kapwa. Makikita natin dito na pintawad ni Precy si Maru sa huli kahit na maraming
nagawa si Maru na pagkakamali. Tibayan din nating ang ating pananampalataya at
pagtitiwala sa Diyos. Magkaroon ng magandang koneksiyon at komunikasyon sa pamilya.

You might also like